Chapter 1

2858 Words
Sa isang advertising company,nagtatrabaho si Samantha. Isa siyang editor ng isang magazine. Wala siyang ginawa kung ‘di tuklasin ang iba't ibang kwento ng mga artista dito sa Pilipinas. Ungkatin ang buhay nito at alamin ang kung anu-anong mayroon sa artista mahalaga man ito o hindi. Kung minsan naman ay nagsusulat siya ng magagandang bagay tungkol sa artista upang mapagtakpan ang anumang masasamang nakatago dito, hindi niya gusto ang trabaho ngunit ang tangi lang niyang magagawa ay lawakan ang pag-iisip at unawain ang bagay na hindi niya gusto at kailangan niyang pagbutihan dahil ito na lamang ang bumubuhay sa kanya simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang malagim na aksidente. Kasalukuyan siyang naghahanap ng mga lumang magazine para mapagkuhanan niya ng ideya para makagawa ng panibagong kwento, ngunit sa halip na magazine ang makuha niya isang dyaryo ang nakita niya na nakakuha sa kanyang atensyon at di niya ito napigilang basahin... MAY 13,2011 – ISANG BATANG BABAE,  NATAGPUANG PATAY SA TABI NG ISANG GINAGAWANG GUSALI Binasa ni Samantha ang tabloid at tila napaisip siya sa nabasa, tiningnan niya ang date ng nangyari ito at hindi siya makapaniwala sa nakita"May 13,2011? Friday the 13th yun ah?"bulong ni Samantha sa sarili. Binasa niya ang buong detalye nito at hindi niya alam kung ano ang nangyari sa karumal-dumal na krimen, halos hindi niya kayang sikmurain ang mga bagay na nakita niya. Isang batang hindi makilala ang nasa larawan at halos walang saplot dahil sa mga natamo nitong sugat. Ayon sa detalye hindi naman ito ginahasa dahil wala naman umanong nakitang ebidensya na ito’y pinagsamantalahan, ngunit ang tanong ng marami ay kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay nito? Sa hindi malamang dahilan ay mas lalong nausig ang kalooban ni Samantha sa nabasa niya. Sa gitna ng katahimikan ng silid kung saan siya naroroon ay isang malamig na hangin ang dumapo sa leeg, hangin na tila may nagmamasid sa kanya at hindi niya halos maipaliwanag kung anong hangin ang naramdaman niya, nilingon niya ang paligid ngunit walang anumang nilalang ang nasa likod niya kaya ibinaling niyang muli ang sarili sa binabasa at itinuon ang sarili doon. Seryoso siya sa kanyang binabasa nang bigla na lamang may sumigaw mula sa kanyang likuran. "Hui!" isang pamilyar na boses ang narinig niya ngunit magkagayon ma’y nagulat pa rin siya sa ginawa nito. "Ai putakte!"nagulat si Samantha sa biglang kumalabit sa kanya at palingon niya. "Ano ka ba Alex! Atakihin ako sa'yo eh!"si Alex, kasama niya sa trabaho at may pagtingin sa kanya ngunit di niya ito nalalaman. May mga pagkakataong magkasama sila na nagpapakita si Alex ng motibo para kay Samantha ngunit hindi niya ito napapansin kung kaya’t hindi na lamang nito ipinagpatuloy ang panliligaw. Pero kung may hihilingin man si Alex sa tanang buhay niya ito ay ang ibigin din siya ni Samantha at makasama sa habang buhay, ngunit sa sitwasyon nilang dalawa ay malabong maganap ang gustong mangyari ni Alex. Kaya nakuntento ito sa pagiging magkaibigan nilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at buwan ngunit nananitiling tago ang nararamdaman niya para sa dalaga.  "Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?"tanong ni Alex at kinuha ang dyaryo na hawak ni Samantha. Binasa niya ang diyaryo na may halong pagtataka dahil unang pagkakataon na nagkaroon ng interes si Samantha na magbasa ng diyaryo. Noong una kasi madalas niyang basahin ay magazine o di kaya naman ay isang napakakapal na romantikong nobela, kaya minsan hindi kataka-takang wala pang kasintahan si Samantha marahil siguro ay umaasa siyang mangyayari sa buhay niya ang mga nobelang binabasa niya. Kung tutuusin isang napakalaking katanungan para kay Alex kung bakit isang diyaryo ang pumukaw sa atensyon ng dalaga ngunit hindi na lamang siya nagtanong kung bakit nga ba sa halip ay tiningnan niya si Samantha na may halong pagtataka din sa kanyang mga mata. "Iyan kasi,na-curious lang ako sa nakasulat naawa ako dun sa bata,napakawalangya talaga ng gumawa niyan sa bata…"wika ni Samantha. Kumunot ang noo nito marahil sa pagkainis, gustuhin man niyang magkaroon ng hustisya para sa bata ay hindi nito maatim na magsawalang kibo na lamang dahil alam niyang wala siyang maitutulong sa kaso dahil hindi naman siya binigyan ng kapangyarihan para mailigtas ang isang naapi tulad na lamang ng batang kinitil ang buhay na walang kamalay-malay, ngunit wala nga ba siyang magagawa o isang misyon ang kailangan niyang gawin para magkaroon ng hustisya ang batang tinutukoy sa diyaryo?  "May 13,2011...Ang alam ko Friday the 13th yun,eh diba Friday the 13th din ngayon?"turan ni Alex at nagtataka rin sa nakasulat. Ngayon ay tila natauhan siya at nasagot ang tanong kung bakit nakapukaw ito sa atensyon ng dalaga. Maging siya ay nagkaroon ng haka-haka kung bakit nga ba ito ginawa sa bata at ano nga bang dahilan kung bakit kailangang gawin ito sa isang musmos na batang walang alam kundi ang maglaro lamang at maging masaya sa buhay. "Oo nga ano?July 13… eh teka ano namang konek nun,aber?!"nakapamewang na sigaw ni Samantha. Tila walang alam kung anong sumpa mayroon ang araw na ‘yun. Numero trese, isang palaisipan ang palaging tumutugon sa ating utak sa tuwing maririnig natin ang ganitong numero. Malas nga ba talaga ito o sadyang nagpapakain lang tayo sa paniniwalang malas o di kaya’y isinumpa ang numerong ito? Walang makasagot ng tanong ngunit wala ding pwedeng bumali ng paniniwalang nakasanayan na natin. "Hindi mo alam? Sabi kasi nila kapag daw friday the thirteenth malas... kung friday the thirteenth lumabas ang balitang 'to at friday the thirteenth mo rin nabasa 'to, ibig sabihin…” hindi na naituloy ni Alex ang sinasabi niya dahil pumigil sa kanya ang mga imahinasyong nagtatalo sa isip niya. Kaya naman mabilis na tumalikod si Samantha sa kanya dahil may nakakalokong tingin nito sa kanya na tila nananakot. "…ay nako Alex! Tigilan mo ako. Hindi ako naniniwala diyan,huwag mo nga akong takutin... nakakatakot kasi dito sa stock room."tila takot na sagot ni Samantha. Nangilabot agad ito sa sinabi ng kaibigan sa kanya, hindi naman lingid sa kaalaman niya na ang numerong iyon ay pinaniniwalaang isinumpa ngunit ayaw niyang maniwala sapagkat hindi pa siya nagkakaroon ng masamang karanasan sa nabanggit na numero. Ngunit ang paniniwalang gusto niyang baliin ay tila nagpapatindig sa kanyang balahibo dahil sa naganap na sitwasyon. Naging mabigat ang kanyang pakiramdam nang sabihin ito ni Alex sa kanya. "Huwag kang mag-alala, nandito naman ako eh…"inakbayan ni Alex si Samantha upang maibsan ang takot na nararamdaman nito, walang pagdadalawang isip na hinaplos ni Alex ang balikat ni Samantha dahil alam niyang sa ganung pagkakataon ay magagawa niyang maging kumportable si Samantha. Ngunit mailap ang dalaga, agad niyang inalis ang kamay nito sa balikat niya. "Ay nako! Tigilan mo nga ako Alex,diyan ka na nga!" mariin nitong tugon sa binata at mabilis naglakad papalayo ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay mabilis siyang naabutan ni Alex sa paglalakad na naging dahilan upang sabay ang hakbang nila sa paglalakad. Bigla na lamang nahulog ang susi na hawak ni Alex at yumuko ito para damputin, pero nang tingnan niya ang direksyon ni Samantha ay para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig sa nakita. Isang bata ang sumusunod sa kanya ngunit kaagad itong nawala nang tumigil saglit si Samantha upang ayusin ang sintas ng kanyang sapatos at nang muli na itong maglakad papalayo ay hindi niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa kung kaya’t naiwan siya ng dalaga na walang malay sa nakita ni Alex mula sa kanyang pag-alis. “Hindi ‘to totoo…” bulong ng binata sa sarili at pilit pinupunasan ang kanyang mga mata sa paniniwalang isang malikot na imahinasyon lang ang kanyang nakita dahil sa pagod. Hindi siya naniniwala sa mga multo o kahit anumang lamang -lupa na nabubuhay kaya malakas ang loob niya at tiwala sa sarili na hindi multo ang nakita niya. Habang naglalakad sa hallway si Samantha ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang nabasa niya sa diyaryo. Ngunit ‘di niya alam nakatutok sa kanya ang lente ng isang security camera habang naglalakad sa hallway at laking pagtataka ng isang security guard sa nakikita niya mula sa monitor,isang bata ang sumusunod kay Samantha na parang nakalutang at hawak ang kamay ni Samantha. Agad siyang pumunta kung nasaan si Samantha upang tanungin. Maging ang security guard ay hindi alam kung ang nakita nga ba niya ay isa ring guni-guni, tulad ni Alex hindi rin siya naniniwala sa mga nilalang na hindi maipaliwanag. Ngunit ang kanyang nakita ay ang unti-unting kumikitil sa kanyang isip kung tunay ng aba ito.   "Good evening Ma'am."bati ni security guard kay Samantha. Luminga-linga ito mula sa kanyang likuran upang siguraduhin ang kanyang nakita, ngunit sa pag-aakalang may kasama nga ang dalaga na isang bata ay tila isang guni-guni nga lamang dahil wala na kahit anumang komosyon itong nakita mula sa kanyang likuran. "Oh Mang Ador kayo pala,ano pang ginagawa ninyo dito. Pasado alas onse na ah?"tanong ni Samantha kay Mang Ador. Si Mang Ador ay ang security guard ng advertising company kung saan nagtatrabaho si Samantha, madalas niya itong kakwentuhan kapag wala itong magawa at naging kaibigan naman niya ito. Kapag inaantok ang matandang sikyo ay pumupunta ito sa desk ni Samantha at nakikipagbiruan tungkol sa mga bagay na madalas niyang ginagawa kapag wala ang kanilang manager. Ilang buwan na ring nagtatrabaho si Mang Ador sa advertising company, dito siya ipinadestino ng security agency dahil na rin sa katandaan. Hindi siya nakakaramdam ng anumang kababalaghan sa gusali kung saan sila nagtatrabaho kaya nang makita niyang may kasamang bata si Samantha ay doon na lamang siya nagtaka. "Ma'am,may kasama po ba kayong bata?"tanong ni Mang Ador. Kumunot ang noo ng dalaga sa pagtataka dahil sa pagkakaalam niya ay mahigpit na i***********l ng manager nila na magdala ng bata sa opisina. Marahil ito rin ang naging basehan ni Mang Ador kaya kaagad niyang nilapitan ang dalaga at nagtanong. "Bata? Wa-wala!"kabadong sagot ni Samantha. Naging isang katanungan ito sa kanya kaya hindi niya alam kung isa lang din ba ito sa biro ni Mang Ador upang maalis ang kanyang antok sa pagbabantay ng bawat palapag ng gusali. Ngunit seryoso si Mang Ador sa kanyang pagtatanong kaya laking pagtataka ng dalaga sa reaksyong ipinapakita ni Mang Ador.   "Pero Ma'am,nakita ko po kasi sa security cameranatin na may kasama kayong bata, nasa likuran ninyo pa nga po eh."laking pagtataka ni Samantha sa sinabi ni Mang Ador. Ngunit hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi nito kahit kitang-kita niya ang seryosong mukha ni Mang Ador ng tanungun siya nito. "Mang Ador,tinatakot nyo ba ako?" galit na tanong ni Samantha sa sikyo, hinihintay nitong sabihin niyang biro lang ang lahat ngunit bigo siya sa pag-aakalang isang biro lamang ito upang matanggal ang kanyang pagkabagot. "Hindi Ma'am,gusto nyo po ipakita ko pa sa inyo?"agad na tumungo ang dalawa sa security room at tiningnan ang video. Laking gulat ni Samantha nang nakita niya sa video na may isang batang sumumusunod sa kanya at nakalutang. Bumilis ang t***k ng puso niya sa kaba dahil sa nakita, inisip niyang hindi ito totoo at video edit lamang ito, ngunit bumasag sa isipan niya ang bagay na sino naman ang gagawa nito. Dahil sa pagkakaalam niya ay nakauwi na lahat ng mga nagtatrabaho sa gusali at tanging sila na lamang nina Alex at Mang Ador ang taong nandoroon.  "A-ah sige Mang Ador, pupunta muna ako sa desk ko."tumango na lang si Mang Ador at umalis na si Samantha. Mabilis nitong tinungo ang kanyang desk at namumutlang umupo sa kanyang upuan. Halos hindi niya maipaliwanag ang takot na nararamdaman niya dahil sa nakita, nagkakatotoo na nga kaya ang mga bagay na hindi naman niya pinaniniwalaan sa simula pa lamang? Hindi na siya nag-atubiling ayusin ang gamit at napagdesisyunan na lamang niyang umuwi dahil iniisip niyang dala lamang ito ng pagod na nararamdaman niya. Agad nitong tinungo ang elevator at pumasok sa loob. Habang nakasakay si Samantha sa elevator ay nanginginig siya sa takot,nangibabaw sa kanya ang takot dahil sa nakita at hindi niya namalayan kung anong buton ang napindot niya sa elevator. Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ng elevator at nakita niya ang madilim na kwarto, patay-sinding mga ilaw at mga bintanang di maaninag ang loob dahil sa bumabalot na kadiliman at sa tabi ng elevator ay makikita ang karatulang ‘13th FLOOR’. Unti-unti siyang humakbang papalabas ng elevator,nanginginig ang katawan niya sa nakikita at ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat niya ay tila lamig na hindi maipaliwanag,naramdaman niyang may naglakad sa likuran niya ngunit sa pagtalikod niya ay wala kahit isang tao sa likod niya. Hindi na lamang niya iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad nang bigla na lang may humawak sa kamay niya at pagtalikod niya ay... "Saan ka pupunta...?"isang batang duguan mukha at puting-puti ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Malamig sa balat nito na parang bangkay nang maramdaman niyang nakahawak ito sa kanya. Maputla ito at g**o ang buhok na parang pinagsamantalahan ng kung sinuman, hindi magawang makakilos ng dalaga dahil sa nakikita, pilit man niyang ilabas ang boses niya upang makasigaw ay hindi niya magawa dahil nakatitig sa kanya ang batang duguan ang mukha kaya’t pumikit na lamang siya at kumuha ng lakas ng loob upang sumigaw… "Aaaaaah!!!"walang humpay ang sigaw ni Samantha dahil sa nakita,nagtatakbo siya papasok ng elevator at ‘di alam kung anong buton ang napindot. Wala siyang pakialam kung saang palapag siya dadalhin ng elevator, ang mahalaga ay mailayo niya ang sarili sa nakakatakot na nilalang na nakita niya. Halos hindi niya maunawaan ang takot na nararamdaman niya, pilit niyang isiniksik ang sarili sa sulok ng elevator dahil pakiramdaman niya’y mababaliw siya sa nakita. Nasaksihan niya ang nakakapanindig balahibong pasilyo at humawak sa kanya ang nakakatakot na nilalang, sino nga ba naman ang hindi matatakot kung ikaw mismo ang makakaranas ng ganitong sitwasyon?  Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng elevator, eksakto namang nasa harapan ng elevator si Alex na maging siya ay nagulat sa hitsura ni Samantha nang makita niya ito. Namumutla at pinagpapawisan ng malamig, nakahawak ang kamay sa dibdib na tila naninikip. Para itong estatwang bato dahil sa posisyon nitong hindi kumukilos mula sa posisyon niya.   "Oh Samantha,saan ka galing at para kang nakakita ng multo?"nag-aalalang tanong ni Alex. Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang balikat, laking pagtataka niya nang bigla na lamang siya nitong yakapin ng mahigpit ngunit nanginginig ang buong katawan. "A-Alex! Sa thirteenth floor! Sa thirteenth floor…" nanginginig na tugon ng dalaga ngunit kaagad itong naputol nang biglang alisin ni Alex ang kanyang sarili mula sa pagkakayakap nito at kaagad nitong tinititgan nang mabuti ang dalaga.     "…teka! Teka! Thirteenth floor? Walang thirteenth floor dito,hangang ikalabindalawang palapag lang ang building na 'to!" paliwanag ni Alex sa takot na takot at nanginginig na dalaga ngunit parang walang naririnig ang dalaga dahil lutang pa rin ito sa nakita mula kanina sa sinasabi niyang thirteenth floor. Hindi niya inaasahan na magkakaganoon ang dalaga matapos niya itong makita sa elevator. Bigla tuloy niyang naalala ang nakita niya kanina nang mabilis itong maglakad papalayo sa kanya. Napaisip siya kung ito nga kaya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang dalaga, ngunit para sa kanya ay isa lamang itong guni-guni kaya’t nagdesisyon na rin siyang umuwi dahil sa pagod at nang magtungo nga siya sa elevator ay bumungad sa kanya ang takot na takot na si Samantha. Bigla din niyang naalala ang binanggit nitong 13th floor, napaisip din siya kung iyon ang dahilan. Ngunit para sa kanya, ang pagbanggit niya ng pinaniniwalaang isinumpang numero ay isang biro lamang at dapat ay ipinagsawalang-bahala na lamang niya.  "Pero Alex…"naputol na wika ni Samantha nang biglang magsalita si Alex, hinaplos niya ito sa ulo at tinitigan sa mga mata.  "…alam mo pagod ka lang,umuwi na tayo."niyaya ni Alex si Samantha at sabay silang umuwi. Maging si Alex ay hindi rin matahimik dahil sa reaksyon kaninia si Samantha, minsan na niya itong nakitang takot nang yayain niya itong manood ng isang nakakatakot na palabas mula sa sinehan ngunit hindi ganoon kalala ang reaksyon na nakita niya noon. Habang nakasakay si Samantha sa kotse ni Alex ay di pa rin mawala sa kanyang isipan ang nakita,at nagtataka din siya kung paano siya nakapunta sa lugar na yun gayung wala namang thirteenth floor ang building nila. Tulala si Samantha at iniisip pa rin ang nakita,sino nga kaya at ano ang kailangan sa kanya ng batang duguan na nakita niya? Pinaglalaruan siya ng kanyang isipan, nais din niyang isipin na isang bangungot lamang ang nakita niya ngunit hindi, hindi isang panaginip ang nakita niya. Hindi niya magawang tumingin sa salamin ng sasakyan at nakasandal lamang siya dito hanggang sa hawakan ni Alex ang kanyang kamay upang pakalmahin ang kaibigan niya.  “Huwag kang matakot, guni-guni mo lamang ‘yun.”tanging ngiti lamang ang naitugon ng dalaga kay Alex at muli nitong ibinaling ang sarili sa pag-iisip. Sino nga kaya ang batang babae na duguan ang nakita ni Samantha? Ano ang nais nitong iparating sa kanya at tila hindi pinapatahimik ang kalooban niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD