Linggo ng umaga,tahimik at animo'y wala sa sarili si Samantha nang pumasok sa opisina.Iniisip pa rin ang mga pangyayari nitong nakaraan lamang.
"Good morning Ma'am"bati ni Mang Ador sa kanya pagpasok pa lamang ni Samantha sa hallway ng gusali. Bakas sa mukha nito ang puyat dahil hanggang sa pagtulog ay iniisip pa rin niya ang nakita nito kinagabihan lamang.
"Good morning din Mang Ador"bawi ni Samantha,papasok na sana siya sa elevator ngunit muli niyang binalikan si Mang Ador."Mang Ador? Hanggang saang floor ang building na 'to?"nagtatakang tanong ni Samantha kahit alam niyang hanggang ikalabindalawang palapag lamang ang gusaling iyon.
"Hanggang twelve lang Ma'am,bakit po?"wika ni Mang Ador, paulit-ulit ang tanong sa isipan ng dalaga, kung talagang hanggang ikalabindalawang palapag lamang ang gusali bakit napunta siya sa ikalabintatlong palapag? Kitang-kita ng dalawang mata niya na sa thirteenth floor siya iniluwa ng elevator kagabi, nangunot ang noo nito at nagsalubong ang dalawang kilay sa pagtataka, ngunit dahil alam niyang si Mang Ador ang nagbabantay ng gusali mula pa noon ay hindi ito maaaring magkamali.
"Ah wala naman,sige salamat." umalis na si Samantha pagkatapos ng usapan nila ni Mang Ador. Mabagal ang paglalakad nito dahilan para mabangga siya ng isang nagmamadaling empleyado.
“Naku sorry po Ma’am…” tugon ng nagmamadaling empleyado nang mabangga nito si Samantha, nalaglag ang mga dala nitong gamit kaya’t tinulungan ni Samantha ang empleyado. Ngunit isang libro ang nakakuha ng kanyang atensyon.
“Mahilig ka palang magbasa nito?” tanong ni Samantha sa empleyado habang hawak ang isang libro na may kwentong katatakutan.
“Opo Ma’am, libangan ko lang po…” tugon nito kay Samantha na kaagad namang ibinigay ang libro at mabilis itong naglalakad papalayo sa kanya, ilang minuto lang ay kaagad niyang tinungo ang elevator
Sa pagtungtong ni Samantha sa loob ng elevator ay may kung anumang boses ang bumubulong sa kanya, boses na tila ba magulo at parang walang pinatutunguhan ang bawat salita. Nagsimula nang tumayo ang balahibo ni Samantha kaya’t kaagad niyang tinakpan ang magkabilang tenga upang hindi na marinig ang boses, ngunit tulad ng isang hangin ay nanuot ito sa kanyang mga kamay at naririnig pa rin ang nakakakilabot na boses ngunit biglang nawala nang bumukas ang elevator at iniluwa nito ang isang payat at matandang lalaki na nakapormal na damit…
"Oh Sam,ikaw pala... kapapasok mo pa lang?" tanong nito kay Samantha. Ang nasabing lalaki ay ang kanilang manager, minsan lang ito makita sa kanyang opisina. Madalas itong nagpupunta sa kung saan-saan para lang makipag-usap sa iba’t ibang tao sa larangan ng negosyo. Nasurpresa si Samantha dahil sa unang pagkakataon ay hindi ito tumanggi na makasabay siya sa elevator, noong una kasi ay hindi nito pinapapasok ang sinuman kapag siya ang nasa loob ng elevator.
"Opo sir,medyo late na nga po ako eh..."wika ni Samantha sa kanyang manager. Nahihiya nitong pinindot ang close button ng elevator dahil iniisip niyang baka gusto siya nitong pababain.
"Siya nga pala,kailangan ko na yung article mo mamaya,irereview ko pa ‘yun kung pwede na natin siyang ipublish." utos sa kanya ng kanyang manager. Ang bawat artikulong isinusulat niya ay para lamang mapaganda ang imahe ng kung sinumang tao na kilala sa iba’t-ibang larangan, minsan na rin niyang nakapanayam ang iba dito ngunit halos lahat sila ay walang pinagkaiba sa batang nagtatago sa saya ng nanay nila upang mapagtakpan ang nakakahiyang ginagawa ng mga taong ito.
"Sige po sir."wika ni Samantha at bumukas ang pinto ng elevator at agad namang tinungo ni Samantha ang kanyang desk. Samantalang ang manager naman niya ay walang pakealam sa mga taong bumabati sa kanya, may pagkamayabang din kasi ang kanilang manager kaya halos lahat ng empleyado sa gusaling ‘yon ang tingin sa kanya ay isang nakakatawang payaso na walang ginawa kundi magsuot ng maluluwag na pantalon. Ngunit walang kahit sino man sa kanila ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ng matandang lalaki.
Pag-upo pa lamang ni Samantha sa kanyang office table ay agad niyang binuksan ang kanyang kompyuter para gawin ang pinapagawa ng kanyang manager ngunit ang tanging pumapasok lang sa isip niya ay ang thirteenth floor na napuntahan niya noong biyernes ng gabi.
"Ano kayang mayroon sa thirteenth floor na yun?"bulong ni Samantha sa sarili at di sinasadyang naitype niya sa kompyuter niya ang kwento sa mga nakita niya at nang matapos niya iyon ay tsaka niya ito pinaprint at ipinakita sa manager niya. Isinaad sa artikulo kung tunay nga ba ang mga multo na gumagambala ng tao at naghahanap ng katarungan mula sa kanilang pagkamatay. Hindi siya nag-isip kung sino ang mahalagang taong ilalagay niya sa artikulo at ang tangi lamang niyang ibinahagi ay ang mga nakakatakot na karanasan ng ibang tao na narinig niya mula pagkabata na sa paniniwala niya’y hindi naman talaga totoo
"What is this Sam? A horror article? Are you insane?! Magazine ang ginagawa natin hindi comics!" galit na sigaw ng manager ni Samantha sa kanya nang makita at mabasa ang ginawa nitong artikulo.
"Sir,kailangan natin ng bagong kwento na maho-hook ang readers kaya ko yan ginawa!"pagmamatigas ni Samantha na kitang-kita sa sarili angdeterminasyon at may tiwala ito sa ginawa niya. Inaasahan na niya ang ganitong reaksyon ng kanyang manager ngunit ang nasa isip niya ay baguhin ang pananaw ng tao tungkol sa magazine na ginagawa nila, na hindi lang ito puro kaartehan lamang ng mga taong sikat kundi isa ding libangan na maglalagay ng mga tanong sa utak ng sinumang bumabasa. Naging basehan niya ang librong nakita niya sa empleyadong nakabangga niya kani-kanina lamang.
"At sa tingin mo may magkakainteres na magbasa dito sa letse mong article?! Walang maniniwala dito,wala!"muling sigaw ng lalaki sa kanya.
"Pero sir…"hindi naituloy ni Samantha ang sasabihin niya nang muling magsalita ang boss niya
"…enough Sam!kung wala kang maipapakita sa'king maganda,umalis ka sa harap ko!"nakapamewang na turan nito at tinuro ang pinto senyales na gusto niyang palabasin si Samantha at pagkasabing-pagkasabi sa kanya ng boss niya ay walang nagawa si Samantha kung di sumunod na lamang.
"Sam,ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" salubong ni Alex sa kanya nang lumabas siya ng pinto. Sinundan niya ito hanggang sa desk niya at padabog na ipinatong sa mesa ang artikulong ginawa niya.
"Ginagawa ko lang yung trabaho ko Alex...nakakasawa na magsulat ng buhay ng mga artista ano? Kaya ang gusto ko sana eh magsulat ng kakaiba?"wika ni Samantha at nagmamatigas nitong itinuon ang atensyon sa ginagawa niyang artikulo.
"Alam ko,pero ito ang trabaho natin kaya gawin mo lang yung gusto ni boss."pakiusap sa kanya ni Alex.
"Look Alex! Gusto ko 'tong ginagawa ko,kaya kung pwede lang pabayaan mo muna ako,hindi ako papayag na hindi niya ipublish yung article ko!" pagmamatigas ni Samantha
"Ewan ko sa'yo,bahala ka na nga! Ang tigas ng ulo mo…"umalis na si Alex at naiwang mag-isa si Samantha sa desk niya kung saan katapat ang elevator, kapansin-pansin ang katahimikan sa elevator ng tingnan ito ni Samantha. Kaya di niya napigilan ang sarili niya na lapitan ito at muli, sumakay siya sa elevator walang kamalay-malay sa kung anumang pinindot niya sa buton ng elevator.
Sa pagbukas ng pinto ng elevator muling nakita ni Samantha ang madilim at patay-sinding ilaw sa palapag na napuntahan niya,matapang siyang humakbang papasok at pinilit ang sarili na huwag matakot,unti-unting tumaas ang balahibo niya nang may makita siyang batang nakaputi at nakatalikod sa dulo ng pasilyo ng palapag na pinasukan niya. Mahaba ang buhok nito at parang may tinitingnang kwarto dahil may pinto sa harapan nito. Unti-unti niyang nilapitan ang batang nakatayo at naglakas loob itong kausapin.
"Bata,okay ka lang?"tanong ni Samantha sa batang nakatayo at unti-unti itong humarap sa kanya. Ngunit mas lalo siyang nangilabot sa nakita.
"AAAAAH!"isang batang puting-puti ang mga mata at dumudugo ang mukha ang humarap sa kanya, napaatras siya sa nakita.
"Huwag kang lalapit! Huwag kang lalapit!"paulit-ulit na pakiusap ni Samantha ngunit unti-unting lumalapit sa kanya ang nakalutang na nilalang.
"Tulungan mo ako...tulungan mo ako..."may boses na bumubulong sa kanya at nakikiusap na tulungan siya habang papalapit ang bata. Hindi niya namalayan ang pader sa likod niya at napasandal siya dito at napapikit dahil ramdam niya na papalapit sa kanya ang batang nakalutang. Halos hindi siya makagalaw dahil halos ilang dangkal lang ang layo sa kanya ng nakakatakot na nilalang.
"SAM!SAM!"isang boses ang narinig niyang tumatawag sa kanya at pagmulat niya ay nakita niya si Alex na ginigising siya.
"Alex,yung bata!"wika niya na naghahanbol ng hininga dahil sa takot.
"Ano bang sinasabi mo? Nananaginip ka lang!"paalala ni Alex kay Sam.
"Alex yung bata,yung bata humihingi ng tulong,tulungan natin siya."napatayo si Samantha sa kinauupuan niya habang sinasabi iyon.
“Ano bang sinasabi mo?umuwi na nga tayo!"wika ni Alex.
Hindi pa rin maalis sa isip ni Samantha ang nakita niya sa kanyang panaginip kaya nabuo ang kanyang loob na gawin ang nararapat at iyon ay ang tulungan ang bata sa kanyang panaginip.