Isang janitor ang naglilinis sa pasilyo ng gusali,habang nilalampaso niya ang sahig kapansin-pansin ang pagbukas ng elevator kung nasaang palapag ang janitor,ngunit wala namang tao ang elevator nang tingnan nya ito. Ilang minuto lang ang lumipas ay muling nagsara ang pinto ng elevator. Laking pagtataka niya nang umilaw ang elevator paitaas gayung nasa ikalabindalawang palapag na siya at yun na ang pinakatuktok ng building ngunit di niya ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Natapos na sa gawain niya ang janitor at nagdesisyon na itong umalis sa ikalabindalawang palapag. Sumakay na siya ng elevator pero bago pa man niya mapindot ang buton ay agad na nagsara ang elevator at umandar ito mag-isa paitaas. Kinilabutan ang janitor sa paggalaw ng elevator at pagbukas ng pinto nito'y halos manlaki ang mata niya sa nakita...
"AAAAAH!"sigaw ng janitor nang makita niya ang isang lugar na madilim at may nakalutang na batang babae na duguan ang mukha at namumuti ang mga mata. Agad na lumapit ang janitor sa buton ng elevator upang pindutin ito para maisara, paulit-ulit niya itong ginawa ngunit kahit anong gawin niya ay hindi nito magawang isara ang pinto. May kung anong bagay ang tila humaharang para magsara ang pinto ng elevator.
"Hu-huwag kang la-lalapit! Huwag kang lalapit!"takot na takot na wika ng janitor nang unti-unting lumalapit sa kanyang mukha ang mukha ng batang babaeng putting-puti ang mga mata at lumuluha ng dugo. Napapikit siya at pilit hinarang ang kamay niya sa kanyang mukha.
"Nasaan siya? papatayin ko siya?!"hindi man bumubuka ang bibig ng nakalutang na batang babae ay rinig na rinig naman ng janitor ang sinasabi nito. Sino nga kaya ang hinahanap ng batang babae at tila galit na galit ito sa taong ‘yon. Kung tutuusin hindi alam ng kawawang janitor kung sino ang tinutukoy ng batang babae at hindi rin niya alam kung bakit bigla na lamang siyang napunta sa lugar na ‘yon. Ilang buwan pa lamang siyang nagtatrabaho sa gusaling iyon ngunit sa unang pagkakataon ay nakaengkwentro siya ng isang sitwasyong hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya. Madalas nakakakita ng multo ang janitor ngunit ngayon lamang siya nakakita ng kaluluwang gustong maghiganti.
"Huwag kang lalapit!"ulit nang janitor ngunit ilang saglit lang ay nawala ang nakakakilabot na boses kasabay nito’y muling nagsara ang pinto ng elevator at umandar ito. Napaupo siya sa sahig ng elevator dahil sa takot at hindi niya magawang igalaw ang katawan dahil nanginginig ito. Gustuhin man niyang kumawala ang utak niya sa nakita ay hindi niya magawang tanggalin sa isip niya ang hitsura ng batang babaeng nakita niya. Halata sa mukha nito ang karahasang ginawa sa kanya ng taong kumitil ng kanyang buhay at ang mas nakakapangilabot pa ay ang kagustuhan nitong gumanti sa taong gumawa sa kanya ng karumal-dumal ng krimen. Kung noo’y nakikita niya ang mga kaluluwang pagala-gala lamang, ngayon ay parang wala na siyang lakas ng loob para makakita pa nito at tila gusto niyang umalis sa gusali kung saan siya nagtatrabaho.
"Kuya,okay ka lang?"tanong ni Samantha nang makita niyang may janitor na nakatungo ang ulo at halatang takot na takot. Agad nitong nilapitan ang janitor na pinagpapawisan ng malamig at wala sa sarili. Pinilit nitong itunghay ang kanyang ulo upang makita ang taong kumakausap sa kanya at nang mataman niyang si Samantha ito ay pinilit niyang ikalma ang sarili ngunit hindi nito magawang magsalita ng diretso dahil sa nakitang kababalaghan mula sa palapag na napuntahan niya kanina.
"S-sa thirteenth flo-floor! Ma-may multo!" nakakapangilabot na wika ng janitor nang makita niya si Samantha kasama si Alex, tiningnan ni Alex si Samantha na may halong pagtataka ngunit seryosong mukha ang nakita niya kay Samantha, parang hindi ito nabigla sa sinabi ng janitor. Tila naniniwala ito sa narinig at walang anumang pagdadalawang isip na tinulungan ang janitor para ito ay makatayo at kumalma, pinaupo nila ito saglit sa isang upuan at kinausap tungkol sa mga nakita nito, ngunit lahat ng sinasabi nito ay parang isang kalokohan lamang para kay Alex. Hindi siya naniniwala dahil parang wala sa sarili ito kapag kinakausap, lumilingon kung saan-saan na tila may binabantayan at hindi mapakali sa kinauupuan nito.
"Nababaliw na ata 'to Sam eh!” sigaw ni Alex habang dinuduro-duro ang janitor na takot na takot.
"Totoo ang sinasabi niya Alex?"wika ni Samantha.
"What?! Don't tell me naniniwala ka diyan sa lalaking yan, eh ‘diba alam naman nating lahat na hanggang ikalabindalawang palapag lang 'tong building!"pagmamatigas ni Alex. Marahas nitong dinuro ang walang kamalay-malay na janitor. Hindi din nito alam ang dahilan kung bakit naniniwala si Samantha sa walang janitor na kasalukuyan pa ring wala sa sarili at paikot-ikot ang paningin sa paligid. Parang baliw na nga ito kung titingnan dahil kahit nag-uusap ang dalawa na hindi magkasundo ay wala itong pakealam.
"Kung ayaw mong maniwala, bahala ka! Basta ako gagawin ko lahat para matulungan kung sino man ang kaluluwang yun!"galit na tugon ni Samantha sabay alis sa harapan ni Alex. Simula nang maramdaman ni Samantha na ang batang multong nakita niya ay kailangan ng tulong inalis niya ang takot sa sarili. Lakas-loob niyang pinakinggan ang puso niya na kailangan niyang maging matapang dahil kahit ang konsyensya niya ay hindi rin matahimik, tila may kung anong dahilan kung bakit kailangan niyang tulungan ang bata upang mabigyang hustiya ang pagkamatay nito at matahimik, ngunit ano kaya ang naghihintay kay Samantha sa pagkakataon ‘yon?
Tinungo ni Samantha ang elevator at sinubukang pindutin ang buton ngunit katulad ng nangyari sa janitor hindi pa man niya napipindot ang buton ay agad itong umandar. Nilaksan niya ang loob niya dahil alam niyang ang multo ng thirteenth floor ang gumawa nito. Tila tinatawag siya ng kaluluwa dahil ito mismo ang gumawa ng aksyon upang makipag-ugnayan siya dito. Nanginginig man sa takot ay pilit niyang pinakalma ang sarili at tiningnang mabuti ang pinto ng elevator upang maging handa sa makikita niya sa oras na ito ay magbukas.
Madilim ang paligid at tanging ang dalawang ilaw na malamlam ang nagsisilbing liwanag ang nakita ni Samantha nang marating niya ang palapag. Unti-unti siyang humakbang papasok at pinilit palakasin ang loob para kausapin ang kaluluwa
"Magpakita ka! Nandito ako para tumulong!"isang malamig na hangin ang umihip sa kanyang batok. Tumayo ang kanyang balahibo hanggang sa nagkaroon ng di pangkaraniwang tunog sa kung saan. Boses ng isang batang umiiyak,sa una ay mahina ang iyak hanggang sa lumakas nang lumakas at nabingi si Samantha sa naririnig kaya napaatras siya at napapasok sa elevator hanggang sa nagsara ang pinto nito.
Hindi umandar ang elevator at laking gulat ni Samantha nang makita niyang may dugong unti-unting bumubuhos sa loob ng elevator kaya halos ‘di siya mapakali sa nakikita. Nabalot ng napakapulang dugo ang loob ng elevator at bawat sulok nito ay nakakakilabot titigan dahil kung ikaw mismo ang nasa loob, pakiramdam mo’y lalamunin ka ng dugong umaagos dito.
"Palabasin mo ako! Palabasin mo ako! Pakiusap!" nagmamakaawang sigaw ni Samantha ngunit patuloy bumuhos ang dugo sa paligid niya at nabalutan ito ng dilim, sa pagbukas ng ilaw ay halos kumabog ang puso ni Samantha nang makita niyang nasa harapan niya ang batang duguan ang mukha at nanlilisik ang mga mata.
"Gaganti ako! Gaganti ako!" walang komosyon sa labi nito ngunit alam niyang galit na galit na tinig ng batang babae dahil sa naririnig niya. Iba ang takot na naramdaman niya dahil sa pagkakataong ‘yon hindi nagmamakaawang batang multo ang nakita niya kundi isang galit na galit kaluluwa ang nakita niya. Inilagay niya ang dalawang palad niya sa mukha upang hindi makita ang nakapangingilabot na nilalang na parang kahit siya’y tila gustong kitilin ang buhay.
"AAAAAH!" takot na sigaw ni Samantha at bumukas ang pinto ng elevator, hindi niya namalayan na isang nakakatakot na pangitain lang pala ang kanyang nakita nang pumasok siya sa elevator. Kaya nang magbukas ang pinto nito’y agad siyang nakita ni Alex na tila mawawalan ng malay dahil nakaupo na ito at nakalapat ang magkabilang palad sa mukha niya.
"Sam! Are you okay?!Sam!"tinig ng isang lalaki ang narinig niya at nakita na lamang niya ang sarili na nasa loob na ng elevator kasama si Alex. Unti-unting ibinukas ni Samantha ang mata hanggang sa naging malinaw ang presensya ni Alex sa kanya. Napayakap nang mahigpit si Samantha kay Alex na agad namang tinugunan ni Alex dahil ramdam nito ang takot ng dalaga. Noong una’y parang walang pakealam si Alex sa nangyayari at naririnig niyang kababalaghan mula kanina ngunit tila nagigising na siya sa mga nangyayari. Pilit pinakalma ng binata ang dalaga, inalalayan niya ito papalabas ng elevator at pinainom ng mineral water na dala niya.
"Alex! Yung batang babae!"takot na takot na wika ni Samantha.
"Ano bang sinasabi mo? Kanina pa tayong nandito sa elevator. Nanaginip ka ba?"laking pagtataka ni Samantha dahil parang pinaglalaruan siya ng kaluluwa dahil sa pagkakaalam niya nasa thirteenth floor siya kanina ngunit laking pagtataka niya nang makita niya ang sarili niya na katabi si Alex sa elevator
"Alex,paano tayo napapunta dito?"nagtatakang tanong ni Samantha.
"Ano ka ba? Sinundan kita papasok ng elevator, syempre! Ano bang nangyayari sa'yo?"paglilinaw ni Alex. Hindi niya namalayan na sumunod pala sa kanya ang binata nang pumasok ito sa elevator, naging palaisipan lang sa dalaga kung bakit pakiramdam niya kanina ay nag-iisa lang siyang pumasok sa elevator. Hindi din niya maipaliwanag kung bakit tanging siya lang ang nakaranas ng nakakapangilabot na naganap gayung kasama naman niya ang binata at naging palaisipan din sa kanya kung bakit tila pinaglalaruan siya ng batang multo.
"Ah wala 'to,guni-guni ko lang siguro yun,okay lang ako!"wika ni Samantha at nang bumukas ang elevator nakita niya ang palapag kung sang nandoon ang opesina niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga ay nagtataka din si Alex dahil nang sundan niya ang dalaga sa loob ng elevator ay walang kibo ito na nakatungo at tila may malalim na iniisip, ang hindi niya alam ay wala sa sarili si Samantha dahil pinaglalaruan na siya ng batang multo mula sa ikalabintatlong palapag.
Palaisipan pa rin kay Samantha ang nangyari kanina, isa nga lang ba 'yong panaginip o isang pagpaparamdam ng batang multo sa kanya? Masusundan pa kaya iyon sa mga susunod pang araw? Labis na napaisip si Samantha kung ano ang gagawin niya kung sakaling magparamdam ulit sa kanya ang multo ng thirteenth floor. Hindi kaya may taong may kinalaman sa pagkamatay nito kaya ganoon na lamang kung magparamdam ang multo sa kanya? May pagkabahala man sa kalooban ni Samantha ay kailangan pa rin niyang maglakas-loob sa mga nangyayari. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat para sa kanya sa oras na maengkwentro ulit niya ang multo ng batang gustong humingi ng hustisya. Kailangan niyang mag-ipon ng sapat o di kaya’y higit pang lakas na loob sa oras na makaharap ulit niya ang hindi matahimik na kaluluwa ng batang babae.