Kabanata 1: Dahilan ng Pagpapatala

1297 Words
Nathaniel's POV Kanina pa kami palakad-lakad na magkakaibigan papunta sa paaralang pag-eenrollan namin. Ang Celestino University. Inis na inis na kami sa totoo lang dahil hirap kaming hanapin ang paaralan na iyon. Napaisip nga rin ako. Bakit ba kasi dito sa lugar na ito nila iyon itinayo? Nakapagtataka. Mas lalo tuloy akong nahiwagaan kung ano bang meron sa paaralan na iyon. Masyadong malawak ang lugar na ito na aming napuntahan. Liblib ito at talaga namang katakot-takot. Maraming malalaking puno sa paligid at makakadinig ka ng mga huni ng kuliglig, at kung anu-ano pang tunog na hindi mo mawari kung saan nanggaling at kung sino ang lumikha. Nakakatakot. Huminto muna kami pansamantala sa paghahanap. "Ayoko na. Pagod na 'ko. Kating-kati na ang buong katawan ko kanina pa." maarteng sabi ni Hannah. Ang kikay sa aming magkakaibigan. Pinapagpagan niya ang kanyang kulay pulang palda. Psh. Ang arte niya talaga. "Magtigil ka nga sa kaartehan mo Hannah. Pare-parehas lang tayo dito." sambit naman sa kanya ni Raven. Ang magnet ng mga kababaihan sa aming magkakaibigan. Tinititigan siya nito ng matalim. Napaiwas bigla ng tingin si Hannah. Napangiti ako kahit papaano. Mabuti na lang at napagsasabihan niya ang kaartehan nitong kaibigan namin. "Wag nga kayo magtalong dalawa. Mahahanap rin natin yon. Konting tiis nalang." awat naman ni Rebecca. Ang pasimuno ng lahat ng ito. Ang dahilan ng kung bakit kami mag-eenroll sa paaralang iyon. Palinga-linga lang siya sa paligid na tila ba may hinahanap. Sa totoo lang, hindi na sana kami lilipat ng paaralan. Dahil wala naman kaming problema sa dati naming school. Nagkataon lang na nahikayat kami ng isang babaeng minsang bumisita sa school namin. Tandang-tanda pa rin namin ang babaeng yon hanggang sa mga oras na ito. Si Miss Alvarez. -FLASHBACK- "Inuulit ko class, magkakaroon tayo ng farewell party sa darating na---" biglang napatigil sa pagsasalita ang guro namin na si Mrs. Concepcion, at bigla siyang napa-lingon sa may direksyon ng pinto ng classroom nang mapansin niyang may tao rito. Isang babae na nakasuot ng pormal na kasuotan at may dalang kulay itim na bag. Natuon naman ang atensyon namin ng mga kaklase ko sa misteryosang babae na iyon. Sino siya? At ano kayang kailangan niya at napadpad siya sa dito samin? Siguro'y may announcement lang. "May kailangan po ba kayo? Meron po ba kayong hinahanap o kung ano?" tanong ng guro namin doon sa babaeng nakatayo sa labas. Subalit hindi siya sinagot nito. Tila nahihiya ito. 'Yon marahil ang dahilan. Tama. Bisita siya kaya natural lang naman siguro 'yon. "Huwag kang mahiya, pumasok ka." sinenyasan niya ito na pumasok sa loob ng classroom. Tila nagdadalawang-isip pa ito ngunit pumasok rin naman sa bandang huli. Nag-usap silang dalawa ng mahina. Habang nag-uusap naman sila'y tahimik lamang ang buong klase. Napaisip ako sandali. Ano nga ba talaga ang pakay ng babaeng ito at napadpad siya dito sa school namin? Ewan ko ba kung bakit pero may masamang kutob ako sa kanya. Ayokong magsalita ng tapos pero base sa ikinikilos niya, may tinatago siya. May nararamdaman akong kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Maya-maya ay muling nagsalita ang guro namin. "Class... Siya nga pala si Miss Alvarez. Nagtungo siya rito sa school natin upang..." Hindi na niya itinuloy ang kanyang sasabihin. Dahil ang gusto niyang magtuloy nito ay ang babaeng kausap niya kanina na napag-alaman naming si Miss Alvarez pala. "Miss Alvarez, kayo na pong bahalang magsabi sa kanila." sabi pa ng guro namin bago gumilid. "Gusto ko lang sabihin na..." nakaabang na kaming lahat sa susunod na sasabihin niya. Ang kaso'y umiral na naman ang pagiging mahiyain niya. Hays. Sana lang bilisan na niya't sinasayang niya lang ang oras namin. Kailangan pa naming tapusin ang lesson about sa geometry. Malapit na rin ang exam namin. Nakakaistorbo siya. "Kung gusto niyong mag-aral sa school namin sa susunod na pasukan niyo... Sa Celestino University." pagkabanggit na pagkabanggit pa lamang niya ng pangalan ng paaralan ay biglang nagbulungan ang mga kaklase ko. "Celestino University? Oh my gosh, hindi na ako makapag-antay na makita ang school na yon." "Pangalan pa lang ang ganda na. Paano pa kaya kung doon ako maga-aral." "I want to see that school." "Ako din." Lahat sila'y sabik na makita ang nabanggit na paaralan ni Miss Alvarez. Umiral sa kanilang lahat ang kuryusidad na makita 'yon. Biglang nawala ang bulung-bulungan nang muling magsalita si Miss Alvarez. "Actually may dala akong litrato ng Celestino University. So, ito ang itsura niya." sabi niya bago kinuha sa kulay itim niyang bag ang nasabing litrato. Nang ipinakita na niya ito'y napuno na naman ng ingay ang buong klase. Halos lahat sila'y nakumbinsi ni Miss Alvarez nang ganon-ganon lang. Manghang-mangha sila dahil sa ganda at laki ng paaralan. Ngunit, maganda kayang mag-aral doon? Porket ba, maganda ang school, maganda na rin mag-aral doon? Ngunit, papaano pala kung hindi? Papaano kung panganib pala ang nag-aabang sa'yo doon oras na makapag-enroll ka na? Mag-eenroll ka pa ba? Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Ms. Alvarez. Nakangiti ito. Isang ngiti na makapagpapataas ng iyong balahibo sa di malamang kadahilanan. May kakaiba sa ngiti niya. May kakaiba sa ikinikilos niya. Kanina ko pa 'yon napapansin sa totoo lang. "Maraming salamat sa inyo. Mauna na ako." pagpapalam niya sa aming lahat. Nag-bow lang siya sandali pagkatapos ay lumabas na rin siya ng classroom habang nakangisi. Isang pagngisi na hindi niya nagawa kanina sa harap ng guro namin at sa harap naming mga estudyante. Malas niya lang dahil nasaksihan ko iyon. Alam kong hindi ako nagkamali sa nakita ko. Miss Alvarez, sino ka bang talaga? ----- Nasa canteen kaming magkakaibigan nang araw ding iyon at kasalukuyang inaantay si Raven na bumili ng aming makakain ngayong breaktime namin. Nakakainip lang at wala pa rin siya hanggang ngayon. Kahit kailan talaga. Ang kupad niya kumilos. Hindi naman sa pinapahirapan namin siya pero siya naman kasi ang palaging nagpi-prisinta. Kaya wala kaming kasalanan nina Rebecca at Hannah. "Guys, nagpunta ba sa inyo yung Miss Alvarez ba 'yon?" tanong ni Rebecca. Napatingin naman ako bigla sa kanya. Miss Alvarez na naman. Hanggang kailan ko ba maririnig ang tungkol sa babaeng iyon? Iritang-irita na ang tenga ko kanina pa. Dahil halos lahat yata ng estudyante dito sa school namin ay ang Miss Alvarez na iyon ang pinag-uusapan. Nakakarindi. "Oo." matipid na sagot ni Hannah kasabay ang isang pagngiti. Ngumiti rin si Rebecca. "May naisip ako... Kung doon kaya tayo mag-aral ng huling taon natin sa highschool? Mukhang magandang mag-aral sa school na 'yon e. Exciting." nakangiting sabi ni Rebecca. Tss. Ano namang pumasok sa utak ng babaeng ito at naisip niya ang tungkol sa bagay na 'yan? Hindi ko na talaga maintindihan ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko minsan hindi ko na sila kilala. Kung anu-anong naiisip. Kalokohan talaga. "Eto na ang mga pagkain niyo." sabi ni Raven pagkadating niya sa table namin. Bigla siyang napatingin saming tatlo na kasalukuyang nag-uusap. Umupo siya sa isang upuan na nasa tabi ni Hannah. "Tungkol saan pinag-uusapan niyo?" pagtatanong niya. "Pinag-uusapan namin kung doon kaya tayo mag-aral ng 4th year highschool natin sa school na 'yon. Mukhang maganda kasi mag-aral doon e." mabilis na sagot ni Rebecca. Ang babaeng ito talaga. Ang daming kalokohan sa buhay. "Saan ba?" pagtatanong ulit ni Raven. "Saan pa nga ba? Edi sa Celestino University." "Ah, doon ba? Sige! Nabigla kaming tatlo sa biglaang paglakas ng boses ni Raven. Natuon kasi sa aming apat ang atensyon ng lahat ng estudyanteng nasa canteen. Nahiya tuloy kami bigla dahil sa nangyari. "So, final question is... Doon na ba tayo talaga mag-aaral sa susunod na pasukan?" tanong ni Rebecca na malapad ang ngiti. Hay. Bwisit talaga. Mahirap pa naman tanggihan ang babaeng ito. Masyadong mapilit. Mukhang mapapasubo ako nito. Kahit na ayoko, kailangan kong pumayag. Ayoko pa namang mahiwalay sa kanilang tatlo. Dahil sila lang ang mga tunay kong kaibigan simula pa nung nag-transfer ako dito sa Luke Academy. Nagkatinginan kaming apat. Awkward. Iba-iba ang ekspresyon ng mga mukha namin. Muntikan na akong matawa mabuti na lang at napigilan ko. Ayokong maulit yung nangyari kanina. Baka mapahiya na naman kami. "Oo ba," sabay-sabay naming sagot. -END OF FLASHBACK-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD