Kabanata 2: Miss Alvarez

1071 Words
Nathaniel's POV "Ayon sa impormasyong nakalap ko, matatagpuan ang Celestino University sa dulo ng isang diretsong daanan." sabi ko sa kanilang tatlo. Ako ang pinaka-maingat sa aming apat na magkakaibigan. Hindi ako madaling makumbinsi sa isang bagay. Masyado akong matanong at mahilig mag-isip ng kung ano-ano. Lalo pa kung bago lamang ito sa akin. Gaya ng paaralang hinahanap namin ngayon. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako sang-ayon sa planong sa Celestino University kami mag-aral. Dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa paaralan na iyon. Wala akong alam kung anong background o history ng paaralan na iyon at kung anong klaseng pamamalakad ang pinapairal nila doon. Maging sa kung maganda ba ang pagtuturo ng mga guro doon. Wala talaga akong kaide-ideya. Sinubukan ko pa ngang mag-search sa internet para kahit papaano makakalap ng impormasyon pero wala akong nahanap na kahit na ano. Pambihira. Ngunit isang bagay lang, nais kong malaman kung anong meron sa paaralang iyon. "N-nathaniel? Ayos ka lang?" nagtatakang tanong sakin ni Rebecca nang mapansin niyang tila malalim ang aking pag-iisip. "Yung totoo... H-hindi. Parang mali 'tong ginagawa natin. Parang ayoko na tuloy mag-aral sa Celestino University. Pwede pa namang magback-out, diba?" tinitigan lang nila akong tatlo ng matalim. Nakakatakot. Mukhang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko. May balak pa ata ang tatlo itong kaladkarin ako kung saka-sakaling hindi ako sumama. "Gusto mo suntukin kita? Wala nang bawian. Doon tayong apat mag-aaral." sabi pa ni Rebecca kasabay ang isang irap. Sinasabi ko na nga ba. "Tara na nga. Dapat mahanap na natin iyong diretsong daanan. Alam kong malapit lang dito 'yon. Kaya tara na! Bago tayo mahuli sa enrollment." sabi ko na lang. Tumalikod na ako't nagsimula nang muli sa paglalakad. Sumunod naman kaagad sila sa akin. "Sure ka ba diyan sa sinasabi mo Nathaniel? Baka naman maligaw lang tayo." sabi ni Hannah. Tinignan ko lamang siya saglit ng matalim at itinuon nang muli ang atensyon ko sa aking dinadaanan. Masyadong mabato kaya kailangan ng ibayong pag-iingat. Maya-maya'y may natatanaw na kaming daanan. Iyon na marahil ang diretsong daanan patungong Celestino University. At hindi nga ako nagkamali. Dahil nang tahakin na namin ang diretsong daanan na iyon ay natagpuan na namin sa wakas ang paaralang kanina pa namin hinahanap. Ang Celestino University. Sa wakas. Tapos na rin ang matagal na paghahanap. "Ang ganda naman ng school na 'to. Mukhang magandang mag-aral dito." manghang-manghang sabi ni Hannah habang minamasdan ang labas ng paaralan. "So, papaano tayo makakapasok sa loob gayong nakasara ang malaking gate na ito, aber?" ani Rebecca. "I think, kailangang pindutin muna ito bago bumukas." sabi naman ni Raven bago pindutin ang doorbell na malapit sa kinatatayuan niya. At makalipas lamang ang ilang segundo ay tuluyan nang bumukas ang gate. Napangiti naman kaming apat. Nagkatinginan muna kaming apat bago nagkanya-kanya sa pagpasok sa Celestino University. Miss Alvarez's POV Kinakabahan pa rin ako kahit na ilang beses ko nang nadaanan ang lagusan na ito patungo sa isang silid. Batid ko kasing maaaring ikamatay ko kahit na anong sandali kapag nakalikha ako ng kahit na anong ingay. Dahil maglalabasan ang mga malignong nakatago sa kanya-kanya nilang mga kulungan. "A-ayoko na.... Gusto ko nang makaalis dito." nanginginig at takot na takot na sabi ko habang tahimik na naglalakad. Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil nakararamdam ako ng lamig. Hindi ako mapakali. Pinagtitinginan na kasi ako ng iba pang mga maligno. Mabuti na lamang at hindi ito lumilikha ng kakaibang ingay kung kaya't ligtas pa rin ako hanggang sa mga sandaling ito. Maya-maya'y narating ko na ang silid. Kulay pula ang pintuan nito na talaga namang katakot-takot. Hindi pa rin ako handang masilayang muli ang itsura ng nilalang na 'yon. Ang mahahaba at matutulis niyang sungay na nagpapatindig ng aking mga balahibo sa buo kong katawan. Gusto ko nang tapusin ang lahat ng ito ngayon. Gusto ko nang makaalis sa Celestino University. 'Yon ay kung pahihintulutan na niya ang aking kahilingan. May pagka-tuso pa naman ang aking kinikilalang amo. Alam kong malabo pero susubukan ko pa rin. Gusto ko na matahimik. Gusto ko na mamuhay ng normal. Hindi ako nararapat rito. "Relax. Hingang malamim. Kaya ko 'to." nakapikit na sabi ko kasabay ang isang malalim na paghinga. Kinakabahan ako para sa mga susunod na mangyayari. Binuksan ko na ang pulang pintuan. "Maligayang pagbabalik." bungad sa akin ng aking amo. Nakangiti ito na naging sanhi ng aking labis na kaba. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin matignan ang aking amo sa mata. Nakakakilabot. Isinara ko ang pulang pintuan. "Ngayong tapos ko na ang iyong utos, maaari ko na bang lisanin ang impyernong paaralan na ito? Hindi ko na kayang tagalan na manatili dito. Pakiramdam ko'y pinapatay ko lamang ang aking sarili dahil sa sobrang takot." tinitigan ko siya sa mata. Isang nakakapangilabot na pagngisi naman ang iginanti niya sa akin. Tila may pinaplano itong masama. Kailangan ko na talagang makaalis dito kahit na anong mangyari. Batid kong nalalapit na ang aking katapusan. "Yan ba ang iyong pasya? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" nag-iba bigla ang ekspresyon ng aking amo. Mula sa pagiging nakakakilabot ay bigla itong nagmistulang anghel. Dahilan, upang mas lalo akong kabahan. Mas lalong hindi ko na mabasa ang nasa isip niya. Bwisit. Paano na ito ngayon? Kailangan kong mag-ingat. "O-oo." nauutal kong sabi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Takot. Kaba. Pagkasabik. Pagtataka. Hindi ko maintindihan kung bakit halo-halo. Hindi maganda ang kutob ko. 'Yon lang ang aking nasisiguro. "Kung yan ang gusto mo, malaya ka na simula ngayon." napangiti ako dahil sa sinabi ng aking amo. Nakamit ko na rin sa wakas ang inaasam ko na kalayaan. Ngunit, bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang may mali. Pagkalabas na pagkalabas ko ng naturang silid ay inaaabangan na pala ako ng mga malignong alaga ng aking amo. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Takot na takot ako't hindi alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa may makita akong madaraanan. Dali-dali akong tumakbo ng mabilis papunta roon. Nakalayo ako sa mga malignong humahabol sa akin. Ngunit may isang bagay akong nakaligtaan. Napapalibutan nga pala ang paaralang ito ng napaka-raming mga maligno. Kung kaya't nang makatapak na ako sa lupa'y nagimbal ako nang may humawak sa aking paa at kainin ito ng marahas. Nanghina ako dahil sa sinapit. Unti-unting natumba ang aking katawan sa lupa. Halos mapasigaw naman ako sa gulat nang tumambad sa akin ang iba pang mga maligno na mula rin sa ilalim ng lupa. Hinihila ang aking katawan pailalim sa lupa habang kinakain ng mga ito ang aking magkabilang braso at hita at mga paa. Hanggang sa wala nang laman ang naiwan sa aking katawan. Kadiliman...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD