Raven's POV
Manghang-mangha kaming apat nang makapasok na kami sa loob ng paaralan. Hindi namin inasahang ganoon kaganda sa loob. Napaka-raming palamuti sa paligid at halos mapuno sa mga kakaibang disenyo. Busog na busog ang aming mga mata dahil sa labis na pagka-bilib.
"Hindi ko expected na ganito kaganda sa loob." manghang-manghang sabi ni Hannah. Mababakas mo sa kanyang mukha ang labis na pagka-saya.
"Ang daming estudyante. Nakakabaliw naman dito." sabi ko naman habang palinga-linga sa paligid. Sh*t naman kasi. Ang daming magagandang babae rito. Mukhang dating gawi na naman ako nito kapag nagsimula na ang klase. Hindi na ako makapag-hintay.
The playboy is back.
"Kakaiba yung pagkakagawa. Napaka-misteryoso." walang buhay naman na sabi ni Nathaniel. Kahit kailan talaga itong si Nathaniel. Masyadong weird mag-isip. Siguro kung anu-ano na namang pumapasok niyan sa utak niya ngayon. Panigurado. Ganyan naman siya palagi. Masyadong malikot ang utak.
"Tumigil ka nga! Yan ka na naman sa mga hirit mo!" sabi ni Rebecca kasabay ang isang pagbatok. Muntikan na akong matawa. Isa pa 'tong si Rebecca. Parang lalaki kumilos. Dinaig pa kaming dalawa ni Nathaniel.
"Ano bang mali sa sinabi ko? E totoo naman lahat, diba? Diba?" Tinitigan lang kami ng matalim ni Nathaniel. Ako at si Hannah. Umaasang kakampi kami sa kanya. At iyon nga ang nangyari.
"Oo nga naman Rebecca. May point rin si Nathaniel." sang-ayon ko na lang. Para tumahimik na ang bawat isa.
"Tama na nga yan. Mas maigi kung maghiwa-hiwalay muna tayo para malibot natin ang buong paaralan. Sang-ayon ba kayo?" kasabay ng pagngiti ko ay ang pagtango naman ng mga ulo nila.
Naghiwa-hiwalay na kami.
Hannah's POV
Hindi ko maiwasan ang kiligin habang minamasdan ang mga gwapong kalalakihan na gaya ko'y mag-eenroll rin sa Celestino University. Nakaupo ang mga ito sa hagdanan. Kitang-kita ko ang mga mala-anghel na mukha ng mga ito. Kinindatan ako ng mga kalalakihang iyon hanggang sa may mabangga ako sa aking paglalakad.
"Ano ba naman yan! Ang tanga mo!" bulalas ng babaeng nakabangga ko. Panay ang pagpag nito ng palda habang nakatingin ng masama sakin. Wew. Napaka-arte naman niya.
"Wow. Ako pa talaga sinabihan mo ng tanga? Baka ikaw. Kasi hindi ka umiwas habang naglalakad ako. Edi sana hindi kita nabunggo diba? Tsk." sabi ko kasabay ang pag-irap. Hindi ako sanay humingi ng tawad sa totoo lang. Kahit kanino. Kahit sa mga kaibigan o maging sa pamilya ko pa yan. Ako kasi yung tipo ng tao na madahilan. Ayaw na ayaw kong sa akin nababaling ang sisi. Kaya ipinapasa ko na lamang ito sa iba. Para hindi ako mapasama sa harapan ng iba.
"What a word! Imbis na mag-sorry ka ganyan pa sasabihin mo sakin matapos mo kong bungguin? Shame on you!" sabi pa ng bruhang iyon bago ito umalis.
Napatigin naman ako bigla sa mga gwapong kalalakihan na nakaupo sa may hagdan. Batid kong ako na ngayon ang pinagbubulungan ng mga ito. Napahilamos ako sa aking mukha bago tumakbo sa kung saan.
Napahinto nalang ako bigla sa aking pagtakbo nang makarinig ako ng isang pagsigaw. Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ng kaklase ko dati na si Martin. Napaisip ako sandali. Anong ginagawa ni Martin sa Celestino University? Samantalang, sa pagkakaalam ko ay sa Marcelino University ito mag-eenroll? Naguluhan ako bigla sa mga kaganapan.
Pumasok ako saglit sa loob ng isang silid kung saan ko narinig ang pagsigaw. Napaka-dilim ng paligid. Kinakabahan ako sa maaaring matuklasan ko. Dahan-dahan akong naglakad habang nagmamanman sa paligid. Hanggang sa may mapansin akong liwanag sa may dulo ng silid. Tila may nagtitipon at may kung ano o sino na nakahiga sa isang mahabang lamesa. Pasimple kong sinilip kung sino ang taong nakahiga at hindi nga ako nagkamali. Ang kaklase ko dati na si Martin. At pinagpi-piyestahan ito ngayon ng limang tao. Kitang-kita ko kung papaano kainin ng mga ito ang lamang-loob ng kaklase ko dati. Muntikan na akong mapasigaw dahil sa sobrang takot at gulat. Mabuti na lamang at napigilan ko ito agad. Halos mapaluha nalang ako sa aking nasaksihan.
Hindi ko inasahan lahat ng nakita ko. So tama nga si Nathaniel. May mali sa paaralan na ito. Ano 'yon? Kanibal mga tao dito? Lagot. Ayoko pang mamatay. Huhu.
Dahan-dahan akong humakbang palabas ng naturang silid. Sabay takbo pabalik sa lugar kung saan kami naghiwa-hiwalay ng mga kaibigan ko. Nadatnan naman ako nila na pabalik na rin. Hingal na hingal kong tinitigan sila na tila ba'y may gusto akong ipahiwatig. Na meron naman talaga. Sana lang at naunawaan nila iyon.
"Ano problema, Hannah?" Nagtatakang tanong sakin ni Rebecca. Kunot ang noo niya at halatang walang alam sa gusto kong ipahiwatig sa kanila.
"H-hindi kayo maniniwala sa nasaksihan ko." hinihingal pa rin talaga ako. Hanggang sa mga oras na ito'y ramdam na ramdam ko pa rin niya ang labis na takot at kaba. Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang pagku-kwento. At hindi ko rin alam kung paniniwalaan ba nila ako. Baka isipin lang nila na gumagawa ako ng kung anong kwento para di na matuloy ang pag-aaral namin sa Celestino University.
'Bahala na. Kailangan nilang malaman kung anong nakita ko.' matapang na sabi ko sa aking isip.
Tinignan ko sa mata ang tatlo kong kaibigan. Akmang magsasalita na sana ako nang biglang may dumating na isang babae at kinausap kami. Letche. Wrong timing naman.
"Nakapag-enroll na ba kayo?" nakangiting tanong nito sa amin. Tansya ko'y nasa edad-trenta na ito at isa ito marahil sa mga guro dito sa Celestino University.
"Hindi pa nga po eh. Naglibot-libot muna po kami upang malaman kung gaano kalawak itong Celestino University. At hindi po kami makapaniwala dahil sobrang laki po pala." manghang-manghang sabi ni Rebecca sa babae.
"Mukang mababait po ang tao dito." nakanging sabi naman ni Nathaniel.
"At ang gaganda at ang se-sexy pa." dagdag naman ni Raven habang nakatingin ng nakakaloko sa mga kababaihang naglalakad sa harapan niya. Manyak talaga ang loko.
Nanatiling tahimik lang ako. Hindi ako makapagsalita. Bigla na lamang akong napipi nang makita ang babaeng nasa harapan namin ngayon. Hindi ako maaring magkamali. Isa ang babaeng ito na nakita ko kanina sa silid na iyon na kumakain sa lamang loob ng kaklase ko dati na si Martin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko na baka namumukhaan ako nito na pumasok sa silid na iyon. Ngunit alam ko namang imposible iyon. Dahil nasisiguro kong walang nakapansin sa akin na pumasok ako doon. Hindi lang talaga ako kumportable na kaharap ang babaeng ito. Batid kong may sikreto siyang tinatago.
"Hannah? Ano nga pala yung sinasabi mo sa amin kanina?" nagtatakang tanong sakin ni Rebecca nang maalala ang tungkol sa sasabihin ko sana kanina. Nanlaki naman bigla ang mga mata ko. Ano na ngayong idadahilan ko?
"W-wala. Nakalimutan ko na rin. Tara, mag-enroll na tayo." lakas-loob na sabi ko. Batid kong may mali sa paaralan na ito pero isasawalang bahala ko na lamang iyon dahil baka mapahamak pa ako oras na sabihin ko ang natuklasan ko. Ayaw ko ring madamay ang mga kaibigan ko. Kaya napagisip-isip kong kalimutan na lang ang nangyari kahit na labag iyon sa kalooban ko.
'Sana tama ang desisyon ko.' sabi ko sa aking isip.
Palakad na kami nang mapatingin akong muli sa babaeng iyon. Kitang-kita ko kung papaano ako titigan nito ng masama. Kinabahan ako bigla nang ngumisi ito. Nadagdagan pa iyon nang nilabas nito ang dila niya na ubod ng haba.
Uh oh! Creepy! Ano 'yon?
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko upang kumpirmahin kung totoo nga ba yung nakita ko. Pero letche lang. Dahil hindi naman ganon ang nakita ko. Nakangisi lang siya sakin.
Ano ba talagang nangyayari?