JUST YOU AND ME

2119 Words
Chapter 27 Hindi na namalayan ni Jillian kung ilang oras siyang naidlip matapos ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila ni Lhexis. Basta natagpuan niya na lamang ang kanyang sariling nakakulong parin sa mga bisig nito na tila ba isang presong ayaw nitong bigyan ng pagkakataong makalaya mula sa kanyang mahihigpit na yakap. Walang naging panama ang lamig sa loob ng silid na iyon sa init ng pagmamahal na ipinapadama nito sa kanya habang yakap yakap siya nito. Akala niyay panaginip lamang ang lahat kaya naman paulit ulit niyang sinubukang gisingin ang kanyang diwa, baka sakaling sa muling pag mulat ng kanyang mga matay mawala na ito sa kanyang tabi. Ngunit kahit ano pamang pikit, mulat, at kurot ang kanyang gawin sa sarili ay paulit ulit lamang sumasalubong sa kanyang pagmulat ang gwapong mukha ng binata. " s**t Jillian, hindi nga panaginip ang lahat ng ito. Ano nanamang kagagahan ang ginawa mo." tanong niya sa sarili Mahimbing na natutulog ang binata sa kanyang tabi kaya malaya niyang napagmamasdan ang kabuhuan nito. Batid niyang bahagyang bumagsak ang katawan nito sa di malamang dahilan. Ngunit kahit kaunti ay di manlang nabawasan ang angkin nitong kakisigan. " Damn it, bakit ba nawawalan ng lakas ang lahat ng sandata ko pagdating sa kanya. My God Jillian pinaandar mona naman yang karupukan mo. Stupid head! Ang tanga mo talaga! Pumatol kana naman diyan, hindi monga alam kung ano ba talagang namamagitan sa inyong dalawa eh. Ano pag yan missing in action nanaman malulungkot kana naman? Ano bang meron yan at kating kati kang pumapatol diyan. Ni hindi monga alam kung ano ba talagang intensyon sayo ng lalaking yan. Gaga ka talagang babae ka kahit kelan, hindi ka marunong mag isip. " mahabang sermon niya sa sarili " Kailangan konang umalis bago pa ito magising" Dahan dahan siyang kumilos upang alisin ang kanyang sarili mula sa pagkakalingkis dito. Ngunit nakakailang galaw palamang siya upang alisin ang mga kamay nitong mahigpit na nakakapit sa kanyang beywang, ay siya namang pag galaw nito upang mas lalong isiksik ang sarili sa kanya at mas higpitan pa ang pagyakap sa kanya. Agad siyang napahinto ng maramdaman ang mas lalo pang pagdikit ng hubad nitong katawan nito sa kanyang katawan. " Nagising ko kaya to, hindi naman siguro" Kaya naman hinawakan niyang muli ang kamay nito upang alisin ng dahan dahan. " No...." bulong nito sa kanyang tainga na siyang nagpadama sa kanya ng kakaibang init ng pakiramdam. Ewan ba niya sa sarili, ngunit tila ba napaka sexy ng dating niyon sa kanya. Samahan pa ng mainit at mabangong hangin na nagmumula sa bibig nito. Tila natupok nanaman ang kanyang buong lakas sa katawan. " Morning baby..." dagdag pa nito na mas lalong nagpawala sa kanyang sistema. Dahan dahan itong gumalaw at walang ano anong inangkin ang kanyang mga labi. He gave her a very sweet good morning kiss that just melt her in an instant. Tila siya natuklaw ng ahas habang nakatitig sa lalaking patuloy sa pag angkin sa kanyang mga labi. " Will you just look at me like that, will you not kiss me back?" ani Lhexis sabay ngiti, na siyang pumukaw sa kanyang atensyon, at nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. " Hmmmp...no stop it hindi pa ako nagmumumog" akmang aalis na siya sa tabi nito ng hilahin siya nito pabalik at dumugin siya ng mas malalim nitong mga halik. Wala na siyang nagawa pa kundi ang paunlakan ang mga labi nitong tila sabik na sabik paring angkinin ang kanyang nangangapal na niyang mga labi. His kiss were gentle at the start, not until she began to kiss him back that drives him crazy and kiss her wildly. Halik na pumukaw sa natatagong init ng kanilang mga katawan, na muli ay nauwi sa mainit na pagtatalik. Matapos ang mainit na tagpong iyon ay tulala si Jillian kaharap ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nasa loob ng banyo, ni wala siyang pakialam sa pagpatak ng tubig sa kanyang katawan. Parang panaginip lang ang lahat. Ang daming bagay ang tumatakbo sa kanyang utak ngunit isa lang ang tiyak siya sa kanyang sarili. Wala siyang nararamdaman ni kaunting pagsisisi sa lahat ng nangyari. Gayunpaman, maraming katanungan ang pilit nagsussumigaw sa kanyang utak. Maraming bakit at paano. Ngunit higit sa lahat, gusto niyang malaman kung ano na ngaba ang mayroon sa kanila sa pagkakatong ito. " Paano ko ba itatanong sa kanya yong tungkol samin, paano ba ako magsisimula nito?" " Ahmmm... Lhexis pwede ko bang malaman kung bakit ka nakipag s*x sakin? no! parang ang sagwa naman pakinggan." " Ano kaya kung, Lhexis tayo naba? Hindi ba ako magmumukhang assuming non?" " Hindi hindi, ganito nalang kaya, Lhexis ano ba para sayo yong nangyari, may ibig sabihin ba yon o wala lang?" no!....ano ba talaga? s**t, masissiraan yata ako ng bait nito pag nagkataon..." singhal niya sa sarili sabay sabunot ng sariling buhok. " Jillian...are you still there? Is everything ok baby?" mayamayay katok ni Lhexis sa kanya. Tila hindi na ito nakatiis pa ng mapansin ang matagal niyang paglabas mula sa loob ng shower room. " Ano daw baby? tama bang dinig ko? Tingnan monga pati tainga ko may deperensya narin yata." " Ahh....ok lang ako, malapit na akong lumabas sandali lang..." tugon niya dito " Need help or anything?" tanong nitong muli " Ha...? hindi..hindi ok lang ako." " Ok then, the food is ready, I'll wait for you at the dining room ok?" ani Lhexis "Ok, susunod nalang ako." maagap niyang tugon rito. Pagkalabas niya mula sa shower room agad sumalubong sa kanyang paningin ang nakahandang mga bagong damit at iba pang lingeries sa ibabaw ng kama. Agad siyang pinamulahan ng mukha ng mapagtantong para nga sa kanya ang lahat ng iyon. Kalakip noon ang note sa mga paper bags nito na "wear me." " Kelan niya lang ba binili itong mga ito, at saka paano ba niya nakuha ang tamang sukat ko?" Napalunok siya ng sariling laway ng isa isa niyang chineck ang mga ito. " Ang mamahal naman ng mga 'to para sa presyo ng isa. Abay makakabili na ako ng marami sa presyo ng isa lang ah. Sana ako nalang ang bumili." " Did you like it?" sa sobrang tutok niya sa mga presyo ng bawat isang damit at undies hindi niya tuloy namalayang nasa likod niya lang pala si Lhexis at nakamasid lamang sa kanya habang nakasandal sa pintuan ng kwarto. Kaya halos matapon na niya ang hawak niyang lacy underwear at brasserie. " Ano ka ba bakit kaba nanggugulat, kanina kapaba diyan." kunwariy pagsusungit niya rito. " I just wanna check it out kung nagustuhan mo at kung kasya sayo lahat ng binili ko." " Anong check it out, ibig sabihin titingnan mopa ako habang suot to? Hindi na noh, kaya konang gawin yon ng mag isa kaya pwede kanang umalis, magbibihis pa ako." Agad sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. " Lhexis, ano labas na..." pagsusungit ko sa kanya " Ok...ok... I'll go out..." Nakangiti nitong sabi. Ngunit nakakailang hakbang palamang itoy muli itong huminto at lumapit sa kanya kaya naman napakapit siya ng mahigpit sa tali ng robang kanyang suot. " Lhexis...diba sabi ko---" " I'm hungry, kaya bilisan mo diyan kundi ikaw ang kakainin ko...just kidding baby." bulong nito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi at humakbang na muli palabas... " And...one more thing baby, you may not need to hide that from me, because I already saw every inch of it." saka tuluyan ng lumabas ng kwarto. Naiwan si Jillian sa loob na tila nabuhusan ng malamig na tubig sa sobrang pagkabigla sa mga narinig niya mula rito.Ni hindi manlang siya nakapag protesta buti nalang at agad siyang nakabawi sa sarili. " It looks good on you...bagay sayo, mabuti nalang tama yong sukat na napili ko, how about the---" ani Lhexis ng makita siya. " Kasya lahat ok!" putol niya sa dugtong ng sasabihin pa sana nito. " Good... let's eat." sabay ngiti nito sa kanya. Habang kumakain silang dalawa, pansin niya ang panay na paninitig nito sa kanya na hindi manlang magawang kumurap kahit na magtama pa ang kanilang mga mata. Pakiwari niya may gusto itong itanong o sabihin pero kahit siya hindi niya magawang itanong kung ano ngaba iyon. Hindi naman sa ayaw niya, kundi dahil hindi niya rin alam kung papaano ngaba magbubukas ng usapan sa kanilang pagitan. Malaki ang pasasalamat niya sa sarili at kahit papaano ay nairaos niya ang agahang iyon kasama ang binata kahit paman tila kinakain ng sobrang pagka conscious ang buong sistema niya sa harap nito. Walang paglagyan ng saya ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon, na makasama ang lalaking halos pantasya ng maraming kababaihan kagabi lamang, at ngayoy nasa piling niya, solong solo niya at naangkin pa niya. " Naangkin ko, naging akin, akin lang!" s**t Jillian, ganyan kanaba kalaswa ngayon mag isip? At kelan kapa natutong mag isip ng ganyan ha?" saway niya sa sarili. Inaayos na niya ang mga gamit para makaalis na sa unit nito. Gustohin man niyang manatili at kausapin sana ito,wala din naman siyang sapat na lakas ng loob para magbukas ng topic patungkol sa kanilang dalawa. Kaya naisip niyang uuwi nalamang siya at saka nalamang iisipin ang gagawin pagdating ng bahay. Pagkalabas niya ng kwarto agad niyang hinanap si Lhexis para magpaalam na dito. Nakita niya itong prenteng nakaupo sa couch habang may kausap sa kanyang cellphone kaya imbis na magsalita ay suminyas nalamang siyang aalis na at agad ng tumalikod dito. " Ok I'll drop the call for now...just give me an update later ok...?" paalam nito sa kabilang linya " Jillian..." mabilis nitong nahawakan ang kamay niya upang pigilan sa paghakbang paalis. Agad naman siyang napahinto at humarap dito. " Where are you going?" " Ah...aalis na. Kagabi pa ako nandito, kailangan konang umuwi." " That's just it, are we not going to even talk?" " Ah...saka nalang siguro..." kinakabahan niyang sabi " Are we not gonna clear things up?" " Naku, ano bang dapat liwanagin, maliwanag nanaman ah. Maliwanag panga sa sikat ng araw eh." kunwariy tugon niya. Kahit ang totooy abot abot ang kabang nararamdaman niya. Titig palang nito para na siyang mapapaso.Ni hindi niya kayang salubungin manlang ang mga mata nito. " Are you sure you don't want to--- " Kailangan kona pong umuwi may importante pa po akong gagawin at aasikasuhin." " Ok if that's the case, then I'll drive you home." " Ha...? dina kailangan sir! I mean magtataxi nalang ako pauwi." Agad nangunot ang noo ni Lhexis sa narinig mula sa kanya. Ewan ba niya pero sa ekspresyon ng mukha nito, tila may nasabi siyang di nito nagustuhan. " No buts, I'll drive you home, kung ayaw mo hindi kita pauuwiin." at hinawakan na nito ang kamay niya palabas ng unit. Wala na siyang nagawa kundi magpatianod nalamang dito. Saka lamang siya nito binitawan ng tuluyan na siyang makapasok sa loob ng kotse nito. Habang nasa loob na sila hindi niya maiwasang isipin kung saan na kaya nakarating ang kanilang dapat sanay pag uusap kani kanina lang. Kung ano kaya ang maririnig niya mula rito. Gusto niyang isiping kahit papaano mayroon ng mas malalim na namamagitan sa kanilang dalawa, pero natatakot siyang kompormahin sa kung anong totoong estado ang mayroon sila. Sa ngayon sapat na muna sigurong mag ilusyon nalang muna siya kaysa naman madismaya lang siya pag nagkataon. " Saka nalang pag handa na ako." bulong niya sa sarili " What did you just say?" ani Lhexis " Ha, may sinabi ba ako?" " Sabi mo kasi saka nalang pag handa kana. What is it all about?" " Ah...yon ba, wala yon wag munang intindihin yon, wala lang yon. May bigla lang akong naisip." alibi pa niya " Ok, pero kung ano man ang gumugulo diyan sa isipan mo, feel free to tell me anything ok, lalo na kung tungkol sa ating dalawa." "Ok." Pagkasabi niyon ay matamis siya nitong nginitian at hinalikan sa kanyang kamay. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon parang gustong magwala ng puso niya sa sobrang saya. Pero kailangang niyang pigilan ang sariling kiligin ng husto sa harap ng binata, mahirap na at baka ano pang isipin nito. Hindi paman din niya alam kung may patutunguhan ngaba ang lahat sa kanila. Ayaw niyang umasa pero kung ang puso ko ang tatanungin, alam niya at nararamdaman niyang mayroon ng mas malalim namamagitan sa kanilang dalawa. " Hay Jillian, kaunting ingat naman diyan sa puso mo. Alam mona kung gaano kasakit umasa at masaktan kaya dapat wag kang padalos dalos sa nararamdaman mo. Paano kung bigla nanaman umalis yan, ano ka magmumukhang tanga kana naman!" saway niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD