PURSUING HER

2022 Words
Chapter 28 Habang nasa byahe di maiwasan ni Jillian ang ma conscious sa binata, sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Lalo na sa mga pagkakataong ngingiti ito sa kanya at hahawakan ang isa niyang kamay at dadalhin sa mga labi nito at hahalikan. Gustohin man niyang mag protesta ay kakaiba ang hatid nitong kilig at saya sa kanyang damdamin. Napupuno ng di maipaliwanag na kaligayahan ang kanyang puso, ngunit naroon parin ang pangamba kung hanggang kailan sila magiging ganito. Kung sya ang tatanungin, ayaw niya na sanang matapos pa ito pero nakakalungkot isiping hindi niya hawak ang kanilang kapalaran, kaya sa tuwing naiisip niyang may hangganan din ang lahat. Isang malalim na buntong hininga nalamang ang kanyang pinapakawalan. " Is everything ok?" ani Lhexis ng mapuna ang kanyang pananahimik sa sulok. Pero tila napakalalim ng kanyang iniisip kaya ni hindi manlang niya narinig ang sinabi nito. " Baby are you ok?" untag nito sa kanya kasabay ng paghinto nito sa kanyang sasakyan. " Ha?" gulat niyang sambit ng hawakan nito ang aking kamay. " Ganon ba kalalim yang iniisip mo at mukhang pati presence ko hindi mona napapansin?" " Sorry, may naisip lang ako" sabi pa niya " Do you wanna talk about it?" mahinahon nitong sabi " Hindi na, maliit na bagay lang naman 'to" " You sure?" tanong nito na tila binasa ang kilos niya. " Yeah." maikli niyang sagot Saka lang siya nakahinga ng maayos ng tuluyan na silang nakarating ng bahay at naiwan na siyang mag isa sa kanyang kwarto. Ewan ba niya sa sarili kung bakit di siya masanay sanay sa presensya ng binata. Hindi naman sa ayaw niya, pero talagang nakaka intimidate itong kasama. Lagi siyang nako conscious at kinakabahan. Idagdag pa malaking agwat ng estado ng buhay nilang dalawa. Lalung lalo pa ngayong boss niya na ito. " Teka ngalang, boss kona nga pala siya so ibig sabihin simula bukas araw araw na kaming magkikita. Hindi bat sobrang awkward non!" " Carry pa ba te! Hay Jillian ang laking problema nitong pinasok mo!" **************** Lunch Break Pasado alas dose na ng matapos pirmahan ni Lhexis ang lahat ng papeles sa kanyang table. Nakaramdam narin sya ng gutom kaya naman naisip niyang lumabas na ng opisina at puntahan si Steven para narin yayain itong maglunch kasama si Jillian. " Come in, bukas yan..." ani Steven " Still busy?" tanong ni Lhexis " Hey, Mr. President come in...kakatapos kolang, have a sit..At anong masamang hangin ang nagdala sayo rito sa opisina ko?" biro pa nito sa pinsan " Its past 12, don't tell me wala kapang balak mag lunch?" sabi ni Lhexis habang iniikot ang paningin sa loob ng opisina ni Steven. Agad naman naman itong napuna ng pinsan at sinundan ng tingin ang pinsan. " Are you looking for someone?" " I'm just wondering why you're all alone, hindi ba pumasok ngayon si Jillian?" " She's in the pantry house, pinauna kona siyang maglunch." " I see..." " Whats with that sudden change of mood? kani kanina lang ang sigla sigla mong pumasok dito, ngayon daig mopang binagsakan ng langit at lupa ah." biro pa ni Steven sa pinsan " Puro ka kalukuhan, tumayo kana dyan gutom na ako let's have lunch. " Yes sir, but since ikaw na ang nagyaya it should be your treat. ******************* " Loka loka kang babae ka, alam mo bang halos libutin kona ang buong venue kakahanap sayo, pero ni anino mo diko manlang matagpuan! I even tried to contact you pero panay totot... totot...lang ang sagot sakin sa kabilang linya! Saan kaba talag nagpunta ha!" sermon ni Hazel sa kaibigan ng magkasabay silang maglunch kinabukasan. " Pasensya kana talaga best, diko kasi namalayan na drained na pala ang battery ko nakalimutan ko kasing icharge bago tayo umalis eh." alibi ko " So, sinong kasama mong umuwi? Hindi naman siguro si sir Steven kasi nakita kopa siya sa party bago ako tuluyang umalis." Pangungulit pa ni Hazel sa kaibigan " Nagtaxi na ako pauwi." " Ni hindi mo manlang naisip magpaalam sakin, abay pinag alala mokong gaga ka ah." " Sorry talaga best, antok na antok na kasi talaga ako at saka kating katina ako sa suot kong gown, idagdag mopa yong heels ko, ang sakit na ng paa ko kaya hindi na ako nakatiis talaga." " Hmmmp... sigurado kabang yon lang talaga ang dahilan, wala ng iba?" " Ano bang klaseng tanong yan? Ano paba sa tingin mo ang ibang dahilan aber?" " Aba malay ko, hindi natin alam baka may nakilala kang gwapong afam kagabi, tapos nagdate kayu o kaya naman sinundo ka ng boyfriend mo tapos umalis kayo dahil gusto kang masolo, kaya nakalimutan moko." tila nangingilatis nitong pahayag at tingin sa kaibigan Sandaling natahimik si Jillian sa tinuran ng kaibigan. Alam niyang hula lang nito ang mga iyon, pero halos matumbok na nito ang tunay na dahilan ng kanyang biglaang pagkawala sa party kagabi. " Yang bibig mo, pwede ba lagyan mo naman ng preno? At saka yang utak mo masyado ng nagiging advance. Wala akong boyfriend ok?" Pagkasabi niyon ay isang tikhim mula sa likuran ang kanilang narinig kasabay ng mga bulung bulungan sa paligid patungkol sa pagdating ng kanilang boss sa Pantry House na kanilang kinakainan. Kasunod niyon ay ang pagtayo at pagyuko ng mga ulo ng maraming employee sa paligid at pagbati sa kanilang dalawang boss na sina Lhexis at Steven. " Oh my G! ang dalawang hottie nating mga boss nandito sa Pantry house! Jillian tingnan mo nga ako, fresh paba akong tingnan, ok paba yong make up ko?" Habang si Jillian naman ay tila napako ang mga mata sa paparating na dalawang gwapong boss sa kanilang table. Ni hindi na niya namalayan pa ang tuluyan ng paglapit ni Lhexis at Steven sa kanilang kinaroroonan. " Teka akala ko ba youre treating me out for lunch." sabad naman ni Steven. " Yes of course, pero dito tayo kakain.I heard they serve a good food here so bakit pa tayo lalayo, am I right Jillian?" Awtomatikong napatingin si Jillian kay Lhexis sa pagkabigla dahil sa walang kagatul gatol nitong pagsambit ng pangalan niya. " Ah...ha? ahmm yes sir." natatarantang sagot ni Jillian " Sigurado kang dito ka kakain, yang selan mong yan, at kelan kapa natutong kumain sa mga ganitong kainan lang?" " Yeah why not." ani Lhexis sa pinsan Habang sina Jillian ay tahimik lamang na nakamasid sa dalawa habang nagkukulitan. " Ok..ok whatever." pagsuko ni Steven " So, can we join you?" ani Lhexis habang nakatitig kay Jillian. " S---sure sir welcome na welcome po kayo dito sa table namin. Diba Jillian?" maagap na sagot ni Hazel " Ah....Oo naman patapos narin naman po kami." nagmamadaling tumayo si Jillian at dinampot ang bag nila ng kanyang kaibigan. " Anong tapos diba kakasimula palang nating kumain?" sabad ni Hazel sa kaibigan " Tapos na tayo diba?" pinagdiinan ni Jillian ang sinabi at kunwariy nginitian ang kaibigan upang senyasan itong aalis nalamang sila. " Are we disturbing your meal Miss Castillo?" maya mayay sabi ni Lhexis habang nakatitig ng diretso kay Jillian na tila silang dalawa lamang ang naroon. Agad napalunok si Jillian sa tinuran ng binata.Tila umatras ang dila niya ng magsalubong ang kanilang mga tingin. The way he looks at her in her eyes makes her feel even more uneasy and nervous. Idagdag pa ang pagsalubong ng magaganda sanang kurba ng kilay nito kung hindi lamang mukhang nainis sa sinabi niya. " No sir..." tanging naisagot niya rito " Then theres no reason for you to leave then" maawtoridad nitong sabi Napapatitig nalamang sina Steven at Hazel sa dalawa habang nagtatanong ang kani kanilang mga isip sa nakikitang kakaibang ikinikilos ng dalawa. Mas lalo pang naglaro ang mga bagay bagay sa kanilang isipan ng ipaghila ni Lhexis ng upuan si Jillian upang paupuin itong muli sa kanya mismong tabi. Halos lumuwa ang mata ni Hazel sa nakita habang si Steven naman ay lihim na napangiti sa ginawa ng pinsan. Tila may nabuong hinala ang bawat isa sa kanila na naghihintay ng kompirmasyon mula sa dalawa. Nag aalinlangan man ay wala ng nagawa pa si Jillian kundi paunlakan ang binata. Batid niya ang mga matang manghang nakatutok sa kanila ni Lhexis sa buong paligid. Hindi man niya alam ang nasa isip ng lahat pero alam niyang may malisya ang paraan ng pagtitig ng mga ito sa kanila. Kaya ganon nalamang ang hiyang kanyang nararamdaman lalo pat lantaran ang ginagawang pag aasikaso sa kanya ni Lhexis na tila ba silang dalawa lamang ang naroroon sa table na iyon. May mga pagkakataong ito pa ang nag aabot ng kung ano anong pagkain sa kanya. Kaya naman panay ang pagtikhim ng kanyang boss na si Steven at hindi rin makakain ng maayos si Hazel sa kakatingin sa kanilang dalawa. Daig pa niya ang asawa kung asikasuhin siya nito. *************** Kinahapunan, sabay na umuwi sina Hazel at Jillian kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Hazel upang mayaya ang kaibigan na lumabas. " Sabihin monga sakin ang totoo, matagal naba kayong magkakilala ni sir Lhexis?" panimula ni Hazel habang umiinom ng milktea " Ha...hindi ah," maikling sagot ni Jillian sa kaibigan. " Alam mo hindi masyadong halata na nagsisinungaling ka sa sakin" ani Hazel " Akala ko ba niyaya mokong lumabas para mag merienda bakit parang pakiramdam ko nasa hot seat ako ngayon, ano 'to interrogation?" sabi pa ni Jillian " Tingnan mo to, wala na ba talaga akong karapatang mag tanong sayo. Baka nakakalimutan mo kaibigan moko, at hindi lang basta kaibigan, best friend moko. Gusto kolang maging updated sa latest news ng buhay mo." " Anong latest news ang pinagsasabi mo dyan" " Asus, maang maangan effect. Kita ko kung pano ka asikasuhin ni sir Lhexis kanina. Nakakahiya nga samin ni sir Steven eh, mukhang nakaka istorbo pa yata kami sa ka sweetan ninyong dalawa." " Ang dumi talaga niyang utak mo at saka masyado kang advance mag isip. Sa tingin mo ba papatulan ako non? Boss natin yun oi, baka nakakalimutan mo." " Eh ano kung boss natin, at kelan pa pinagbawal ang pagmamahalan ng boss at ng kanyang empleyado. Nakasaad ba yan sa Philippine constitution natin?" " Puro ka kalokohan." " O sige ito nalang, para wala ng pasikot sikot, may relasyon ba kayo ni sir Lhexis?" Pagkasabi niyon ng kaibigan ay agad napatigil si Jillian sa pag nguya ng kanyang pagkain at napatitig sa kanyang kaibigan. " Ano?" pangungulit pa ni Hazel " Alam mo ikaw kung ano ano yang pumapasok diyan sa isip mo. Mabait lang talaga yang si sir Lhexis" " Oo alam ko pero iba ang trato niya sayo kanina, you seem so special for him. At kung makatitig sayo, iba eh parang may something." " Something ka diyan napaka malisyosa mo, pwede ba tigil tigil mo yang pag iisip ng ganyan ka advance. Wag mong bigyan ng ibang kahulugan yong mabuting pakikitungo ni sir Lhexis sakin. Pareho lang naman sila ni sir Steven, mabait sa mga empleyado nila." " Ok sabi mo eh." Pagkatapos niyon ay tuluyan ng sumuko ang kaibigan sa pangungulit sa kanya. Gayunpaman, batid niyang hindi parin ito kumbinsido sa kanyang paliwanag. Kilala niya ito, alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi nasasagot ang mga katanungang naglalaro sa utak nito. Halos alas 6:00 na ng gabi ng makauwi si Jillian ng kanyang bahay. Hanggang sa kanyang pagdating sa loob ng kanyang bahay bitbit niya ang maraming isipin tungkol sa kanila ni Lhexis at mga nangyari kanina sa pantry house. Di niya alam kung paano niya ipagtatapat sa kaibigan ang totoong namamagitan sa kanila ng binata. Alam niyang di magtatagal malalaman at malalaman din ng kaibigan ang pinakatago tago niyang sekreto patungkol sa kanila ni Lhexis. Gustuhin man niyang sabihin rito ang totoo ay hindi niya mahanap ang tamang pagkakataon upang ipagtapat dito ang lahat ng nangyari. " Hay Jillian ang laking sakit ng ulo kasi nitong pinasok mong problema eh, At ikaw namang lalaki ka ano ba talagang gusto mo ha?" kausap niya sa sarili. " Isip Jillian, mag focus kalang, kaya mong solusyonan yan." Hanggang sa makatulugan nanga niya ang sobrang pag iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD