Chapter 24
Halos dalawang linggo ang lumipas. Salamat sa napaka busy na schedule nina Jillian at ng kanyang boss na si Steven, at tila naging abala siya sa ibang mga bagay. Nakatulong ng malaki kay Jillian ang pagiging sobrang abala niya sa kanyang trabaho, upang huwag ng maisingit muna sa kanyang isipan si Lhexis. Halos dalawang linggo narin ngunit ni anino ng binata ay hindi na niya matagpuan pa.
Nais niya sanang tanungin ang kanyang sir Steven tungkol dito ngunit natatakot rin siyang baka hindi niya magustuhan ang mga malalaman niya tungkol dito, at baka kung ano pang isipin ng kanyang boss kaya, mas minabuti nalamang niyang kimkimin ang kanyang saloobin. Tutal, lilipas din naman ang lahat. Pasasaan bat makakalimutan niya rin naman ito. Siguro iisipin nalamang niya itong leksyon dahil sa pagiging marupok niya dito.
" What do you think Jillian, Sa tingin mo wala naba tayong nakalimutan?" tanong ni Steven kay Jillian habang naglalakad sila sa loob ng function hall.
" Wala na po sir, na check kona po lahat, everything is well set and done. Isa nalang po ang kulang. "
" Ano yon?" kumunot ang noo nito
" Yong party po bukas." biro ko dito
Napangiti ito ng ubod ng tamis. Nakaka amused talaga itong tititigan kapag ganitong nakangiti, nakakawala ng pagod. Mahigit isang linggo din kaming naging abala sa pag aasekaso para sa paghahanda sa gaganaping engrandeng party ng kompanya. Pero sulit ang lahat ng pagod makita lang ang ngiti nito, nakakagaan talaga ng pakiramdam.
" Yeah your right, excited nanga ako para bukas eh. I really can't wait."
" Wag po kayong mag alala sir isang tulog nalang po."
" Yeah, and I wanna thank you for helping me. You really did a great job. Thank you sa pagpupuyat para dito."
" Wala ho yon, saka trabaho ko naman hong alalayan kayo diba?"
" But still, I wanna thank you for being a hard working assistant. At dahil dyan I'll treat you out for dinner tonight." nakangiti nitong sabi
" Naku sir hindi nap---
" And I won't take no for an answer." agad nitong sabad sa kanya.
Aayaw pa sana ako ngunit wala narin akong nagawa ng hilahin ako nito papunta sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Dala narin ng sobrang pagod at gutom, naparami kaming dalawa ng kain, kaya busog na busog talaga ako ng makauwi ng bahay. Nag volunteer narin siyang ihatid ako, alam ko namang hindi rin ito patatanggi kaya hinayaan kona lamang. Maigi narin at para naman hindi nako mahirapan pa sa pag uwi.
" Thank you po sa paghatid sir at saka salamat din po sa dinner."
Nang makarating na kami ng apartment ko ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan.
" Ano kaba, you deserve it."
" Basta salamat po ulit. Baka gusto niyo po munang magkape?"
" I'd love to, pero gabi narin at alam kong pagod kana kaya next time nalang siguro. Mas mabuti kung magpahinga kanalang ng maaga."
Tumango nalamang ako at nginitian ito ng kaunti, pagkatapos ay humakbang na ako papunta sa pintuan ko. Hawak kona ang susi ko ng bigla nito akong tawagin kaya agad ko itong nilingon.
" Oh, I forgot to give you this." Binuksan nito ang compartment ng kanyang sasakyan at kinuha doon ang isang puting malaking kahon, at iniabot sa akin.
" Para saan po ito sir." takang tanong ko
" Para sayo. Wear this tomorrow, ako mismong pumili niyan kaya sana magustuhan mo, alam kong babagay sayo yan."
" Pero sir---
" I'll see you tomorrow night Miss del Castillo." naiwan nalang akong tulala habang nakatanaw sa papalayo nitong sasakyan.
Pag pasok ko ng bahay agad kong binuksan ang kahon, at tumambad sakin ang isang napagandang gown. Agad sumilay ang ngiti sa aking labi. Napaka ganda nito at mukhang mamahalin. It was a peach sexy lacy long gown with sequins. Bigla tuloy akong naexcite para sa event kinabukasan. Pero agad ding nag init ang aking pisngi ng maisip ko kung paano nalaman ni sir Steven ang tamang sukat na katawan ko. "Did he examine my figure? Kelan pa? Ang laswa kong mag isip!"
Maya maya lamang ay naputol ang pag iisip ko ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.
Hazel calling....
" Hello Hazel, napatawag ka?"
" Itatanong ko lang kung ready kana para bukas?."
" Medyo."
" Ano ba naman yan sis, napaka walang buhay naman niyang sagot mo, parang may balak kapa yatang wag ng pumunta."
" Alam mo namang hindi talaga ako mahilig sa party parting ganyan diba?"
" Gaga ka, once in a lifetime lang to noh. At saka baka chance mona 'tong makahanap ng prince charming, palalampasin mopa ba."
" Ano kaba company event yun kaya I'm sure magiging busy kami ni sir Steven don noh."
" Ang sabihin mo talaga lang gusto mong bumubuntot buntot dyan kay sir Steven, loka lokang 'to nagdahilan pa. Bukas dito na tayo mag ayos sa bahay ha, may kinuha akong make up artist. Kailangan magandang maganda tayo bukas. Malay mo baka sa wakas maakit mona yang si sir Steven mo."
" Ewan ko sayo, o sige na matutulog naku."
" O sige basta hihintayin kita dito ha. bye"
Pagkatapos nitong ibaba ang kanyang tawag agad din namang napalitan ng bagong caller. It was an unregistered number kaya kinansila kona lamang. Ilang segundo lang ay nag ring nanaman ito at nag vibrate nainis ako.
" Hello ano bang problema mo, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka pwede ba! At saka wala akong panahong makipag lokohan sayo kaya pwed---
Napatigil ako sa pagtalak ng marinig ko ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Kahit hindi paman ito nagpapakilala alam ko sa sarili kong kilalang kilala ko ito at hindi ako maaaring magkamali, si Lhexis ang nasa kabilang linya.
" Hi Jillian..." bungad nito. Agad bumilis ang pintig ng puso ko. Ewan ko ba pero boses palamang nito para na akong nilalamig sa sobrang kaba. Hindi na ako nakapgsalita pa, tila ninanamnam ko na lamang ang sarap sa pakiramdam kong marinig manlang ang boses nito. Nawalan na ako ng pakialam sa mga sinasabi nito, ang tanging gusto ko lang ay pakinggan ang boses nito na tila isang musika sa aking pandinig. I miss this man so much. Damn it!
" Jillian, are you still there?" yon na ang huling salitang narinig ko mula sa kabilang linya bago ko tuluyang pinatay ang cellphone ko. I need to do it, dahil kong hindi, baka umiral nanaman ang karupokan ko. Boses pangalang ang naririnig ko mula ritoy, para na akong nahihipnotismo, nagwawala na ang t***k ng puso ko. Ilang segundo palamang yon paano na pag nagtagal, baka ako na mismo ang gumawa ng paraan para makita ito.
Shit! hindi ako dapat nagpapadala ng husto sa damdamin ko, tama na, kakalimutan na kita! Ano magpaparamdam kana naman tapos ano, may mangyayari naman,tapos mawawala kana naman. Hindi na oi! Maghanap kana ng ibang lolokohin mo!
Para akong tangang kinakausap ang unan sa harapan ko. Ito pa ang napag diskitahan kong pagalitan." Hay, Jillian malala kana!"
Pinilit kong pumikit pero tila binabagabag ako ng maraming isipin tungkol sa amin ni Lhexis. Lahat ng mga alalahanin sa mga nakalipas na araw na ayaw ko sanang isipin pa, lahat ng iyon naipon ngayong gabi. Akala ko effective na ang pagbi busyhan ko eh, pero dahil lang sa isang tawag nitoy bigla nanamang nagulo ang utak ko. Ngayon balik nanaman ako sa pagiging mahina.
Stop thinking about him! singhal ko sa sarili.
Dahil sa ayaw talaga akong dalawin ng antok ay napilitan nalamang akong bumangon at lumabas ng bahay. Umalis ako ng hindi tiyak sa sarili kung saan pupunta. Basta ang gusto ko lang aliwin muna ang sarili, pagod na akong mag isip. Saka na ako uuwi ng bahay pag talagang inaantok na ako. Maya maya pay may isang sasakyan ang huminto sa di kalayuan. Agad akong huminto upang makilala ang taong lumabas mula sa loob nito.
" Jillian, what are you doing here, gabi na ah ?" tanong ni Aldrick sakin
" Aldrick, ikaw ngaba yan?" Ewan ko ba pero nakaramdam ako bigla ng ginhawa, para akong nakahanap bigla ng kakampi.
" Yeah, akala ko namamalikmata lang ako, ikaw pala talaga ang nakita ko. Saan ka nga pala pupunta?" anito habang papalapit sakin.
" Ah, hindi ko pa alam eh."
" Ano, dont tell me maglalakad kalang dito sa kalye ng buong magdamag?" pabiro nitong sabi.
Nagkibit balikat nalamang ako. Eh, sa talagang wala pa akong maisip eh.
" Kung gusto mo samahan nalang kita."
" Baliw kaba, may kotse ka tapos maglalakad kalang." biro ko sa kanya sabay ngiti
" Teka, bakit hindi kanalang sumama sakin sa bar?" suhestyon nito.
Parang gusto ko ang naisip nito kaya hindi narin ako ng dalawang isip na sumama sa kanya. Kahit sandali lang gusto korin namang makalimot. Iinom ako, pampa antok lang tapos uuwi din agad.
" Bakit nga pala mag isa kalang kanina?" tanong nito habang umiinom
" Tatawagan ko naman sana si Hazel kaso tingin ko nagpapahinga na ngayon yon."
" E di sana ako nalang ang tinawagan mo, delikado yong ginawa mo kanina, mag isa kalang naglalakad sa kalsada buti nalang walang loko lokong lumapit sayo."
" Ok lang naman ako, at saka kabisado ko na yong kalyeng yon walang dumadaang loko loko don."
" Hindi parin natin masasabi, and besides babae ka parin at maganda pa, paano kung pagdiskitahan ka ng mga loko dyan sa labas.
Maganda. Parang akong mabubulunan sa salitang yon. Masarap pakinggan pero parang ayaw maniwala ng utak ko. Kung talagang maganda ako e di sana hindi ako malas sa pag ibig diba?
" Ok kalang ba, may problema ba?" tanong nito sakin habang nakatunghay sakin.
" Ano kaba, wala noh, gusto ko lang i relax ang isip ko, punung puno na kasi."
" Naku mahirap yan, baka mamaya niyan mabiyak ng bungo mo niyan." hilaw akong napangiti sa biro niya. Hindi ko talaga kayang pilitin ang sariling maging ok, kapag ganitong may kinikimkim ako.
" If you need someone to talk to, pwede ako kahit buong magdamag pa." naramdaman ko ang sincerity sa tono niya.
" Wag kang mag alala kaya ko pa naman, saka sapat na sakin yong may karamay ako ngayon sa inoman." pabiro kung sabi
" Basta, laging bukas ang pinto ng bahay ko, para sayo. You can even call me anytime. " nakangiti nitong sabi
Akala ko noon puro ka preskohan lang ang alam nitong lalaking 'to, pero mali pala ako. I know deep inside of him, may kabutihan sa puso nito.
Aliw na aliw kami ni Aldrick habang nanonood sa bandang kumakanta sa harapan namin. Sakay na sakay kami sa tugtugan sa buong paligid. Masaya itong kasama, at madaling makagaanan ng loob, lalo pat pareho ding kami ng genre pagdating sa music. Habang tumatagal kami sa pag inom, marami din kaming napag kukwentohan sa isat isa. At doon ko nalamang marami pala kaming pagkakatulad. Siguro mali lang talaga ako ng first impression dito.
" Teka, awat na, ako ng tatapos nito dika dapat naglalasing ng husto may company event pa kayo bukas diba? At saka lagot ako kay Hazel at kay Mark kapag nalaman nilang nilasing kita ng husto."
" Ano kaba ok pa ako noh, at saka magtitira naman ako ng kahit kunting lakas para pang uwi ko ng bahay e."
" Kahit na, hindi parin tama na lasingin kita ng husto. You should stop now, ako ng bahala dito."
Napangiti nalang ako. Mabuti nalang at siya ang kasama ko ngayong gabi. Aldrick is really a good guy. Siguro kung ibang lalaki lang ito baka nilasing na akot pinagsamantalahan. Bigla tuloy pumasok si Lhexis sa isip ko. Hindi ko maiwasang ikompara silang dalawa, kumirot ang puso ko ng maalala ang unang tagpo namin ni Lhexis. Halos ganito din kami non, kunwari kinu comfort niya ako,tapos uminom kami hanggang sa humantong sa pag gawa ng mali. Bakit ngaba nagawa namin yon, e hindi pa naman namin ganoong kakilala ang isat isa.
Naisip ko tuloy, siguro kung si Aldrick lang ang kasama ko ng gabing iyon, hindi siguro ako magkaka problema ng ganito. At kaya niya siguro ako nilapitan ng gabing iyon dahil iyon na talaga ang balak niya. Napakalaki kong tanga kasi hindi ko manlang naisip na sa simula palang my mali na e, pero pumayag parin akong makalapit siya sakin, kaya sinamantala niya ako, kasi alam niyang mahina ako.
Kasalanan ko talaga ang lahat, naging marupok ako. Bakit sino bang babae ang hindi bibigay sa isang Brenth Lhexis Villazandre, a man behind every woman's dream, bukod sa mayaman na gwapo pa. Sino bang babae ang hindi mahuhulog at manghihina sa kanyang paninindigan sa lalaking halos perpekto na. Ngiti palang nito ulam na, boses palang nito yayanigin na ang buong mundo mo. Damn it! Maswerte nalang siguro ako at least natikman ko pa ang putaheng yon! f**k! Ang laswa ko na!