Chapter 25
Tanghali na ng magising ako. Ramdam ko pa ang kaunting hangover mula pag inom ko kagabi. Mabuti nalang at hindi ko kailangang bumangon ng maaga dahil sa hapon pa ang company event. Pagka bangon ko agad kong hinanap ang cellphone ko at binuksan. Nakaligtaan ko pala itong i on pagkatapos ng tawag ni Lhexis kagabi. Kaya naman ng mai on kuna itoy nagulat nalang ako sa dami ng text na pumasok. And it was all from the number that Lhexis did used that night.
" Grabe ang kulit ng taong 'to ah...punuin ba naman ang inbox ko." kinailangan kopa tuloy magbura para lang pumasok ang ibang messages ko. While reading his messages parang naiimagine ko yong facial expression niya. At first ramdam ko ang pag aalala niya but when he reached after twenty messages, he sounds pissed already. Siguro naiinis dahil walang reply at hindi rin ako makontak.
" Ano paba kasi ang gusto nitong taong 'to, ano bobolahin na naman niya ako, ay naku hindi na noh. Tanga nalang talaga ako pag nagpadala pa ako sa kanya." Pagkatapos kong i delete ang mga messages niya ay tumayo na ako at naligo. Naalala ko, may usapn nga pala kami ni Hazel. Aagahan ko nalang ang pagpunta sa bahay nito. Late lunch na ng makarating ako sa bahay ni Hazel.
Pagdating ko sa bahay niya nagsisimula na siyang ayusan ng dalawang bakla. Habang ako nakatingin lang muna sa kanila. Tingin palang para na akong nangangati, ang daming kung ano anong pinaglalagay at pinapahid nila sa mukha niya. Likas ang ganda ni Hazel, kahit na simpleng lipstick lang at face powder, lilitaw at lilitaw parin naman ang ganda nito. Kung tutuusin hindi na talaga nito kailangan ng maraming kulirete sa mukha, pero ewan ko ba sa kanya kung bakit kailangan pa nitong magplagay ng kung ano ano.
" Jillian, after ko dito ikaw ang susunod ha," mayamayay sabi nito.
" Hindi na noh, alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganyan. " saad ko
" Gaga ka ba, paminsan paminsan lang tayo makakapag paganda ng bonggang bongga aayawan mo pa! At saka malay mo naman, pag nakita ni sir Steven yang itinatago mong ganda eh, baka ma love at first sight pa yon sayo diba? Kaya ikaw gamitin mo tong opportunity na 'to para pag lawayin siya sayo. And who knows, baka may ma meet kapang mayamang businessman mamaya. Alalahanin mo its a big company event, kaya sigurado akong may mga VIP guess mamaya." mahabang litanya nito.
" Oo nga naman madam, sayang yang ganda mo kong tinatago mo lang, ilabas natin yan. Kaming bahala sayo." sabad naman ng isang bakla.
" Correct! pagagandahin ka namin, yong gandang aagaw ng atensyon ng maraming fafa sa paligid mo mamaya." sabi pa ng kasama nitong bakla.
Napailing nalamang ako sa ideyang iyon. Ultimong utak ko ayaw makumbinseng may igaganda pa ako.At saka wala din naman talaga akong balak magtagal sa party. Kung pwede ngalang na wag ng pumunta, dina sana ako pupunta. Pero company event yon, at kailangan ako ni sir Steven doon. Pero pag nakahanap na ako ng pagkakataon, uuwi narin naman ako agad. Hindi korin naman hilig ang makihalubilo sa mga malalaking tao.
Pagkatapos ni Hazel ay ako naman ang sumalang. Pinagbigyan kona lamang ito para wala ng mahabang diskusyon. Alam korin namang hindi ito patatalo. Ilang sandali pay nagvibrate ang cellphone ko kaya dali dali kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Agad gumuhit ang inis sa aking noo ng mapagtanto kong number iyon ni Lhexis. Kahit hindi siya naka register sa phone books ko I know its him, at malapit konang ma memorize yong number niya sa sobrang kakulitan niya.
" Ano tititigan mo nalang ba yan, kanina pa paulit ulit na nagri ring yan ah, bat dimo sagutin?" hindi ko namalayan na nasa tabi ko lang pala ito at nakamasid sakin.
" Hindi na, mamaya nalang pagkatapos ko dito."
" Bakit sino ba yan ha, at mukhang iniiwasan mo?" makahulugan nitong sabi
" Hindi ah, wala 'to."
Mayamayay nagvibrate nanaman ang phone ko kaya lumapit na si Hazel. Bago paman ito tuluyang makalapit ay pinatay kona ang cellphone ko.
" Hey, why did you turn it off?"
" Ang kulit eh, hayaan mo na yun. Baka wala lang magawa."
" Ikaw ha, parang may hindi ka sinasabi sakin. "
Nakipagsukatan ako ng tingin dito pero di nagtagal ako narin ang nagkusang sumuko.
" Of course not! Ano naman ang ililihim ko aber?"
" Ok sabi mo eh."
" By the way, ano nga palang laman nitong kahon?"
" Ah ano, bigay ni sir Steven"
Napanganga si Hazel ng buksan niya ang kahon at tumambad sa kanya ang gown sa loob nito.
" Oh My G! ang ganda nito ah, infairness naman kay sir Steven ha, ang galing pumili. At talagang pinagkagastusan kapa niya talaga ha, teka dont tell me may something na kayo ni sir Steven?"
" Ano kaba wala noh, purket ba binigyan niya ako ng ganyan may something na agad. Diba pwedeng binigyan niya lang ako ng ganyan para may maisuot ako sa party?"
" Ganon lang? Ang mahal kaya nito. It's not just a gown, its a signature one."
" Siguro ayaw niya lang maging alangan ako sa harap ng mga VIP guess mamaya. Alam mo namang kasama niya akong haharap sa kanila mamaya diba? Kung magugustuhan man ako non sana noon pa noh. Kaya pwede ba wag kangang malisyosa diyan, may girlfriend na yong tao e."
******************
" f**k!" naihagis ni Lhexis ang kanyang cellphone sa kama sa sobrang inis na nararamdaman. Sinubukan niyang kontaking muli si Jillian sa kabilang linya ngunit nakapatay na ang telepono nito.
" Ahhhh....!" sigaw nito sabay bato ng kung ano mang kanyang makawakan. Napasabunot siya sa kanyang sariling buhok, naiinis siya, nagagalit. Pakiramdam niya, para siyang sasabog sa tindi ng emosyon na kanyang nararamdaman.
" What's going on here, bakit ang gulo dito? Is there something wrong?" tanong ni Steven kay Lhexis ng makita ang kalat sa kanyang kwarto.
Pero imbes na sumagot ay nanatili lamang tahimik si Lhexis habang hilot hilot nito ang sariling noo.
" May problema ba?" nagtataka nitong tanong
Mayamayay tumayo ito at lumabas ng kanyang kwarto. Naiwan si Steven na nagtataka sa ikinikilos ng kanyang pinsan. Nang sundan niya ito sa labas ay nakita niya na lamang itong lumalagok na ng alak.
" Hey, what are you doing? Haharap kapa sa mga tao mamaya---
" Steven please, can you just let me! I know what I'm doing okey? Just let me be for awhile please..." naiinis nitong sabi sabay lagok ng alak sa kanyang baso.
Tila natauhan naman si Steven, kaya hindi na niya kinulit pa ang pinsan. His aura says it all, mukhang badtrip nanaman ito, and knowing Lhexis alam niyang ayaw nitong kinukulit pag ganitong masama ang timpla nito.
" Ok fine, lets drink together, pero konti lang dahil hindi tayo pwedeng malasing, haharap kapa sa mga tao mamayang gabi. Ako ang malilintikan kay tito Marcus at tita pag nagkataon."
********************
" Oh my God Jillian ang ganda mo!" di mapigilan ni Hazel na mapahanga sa napagandang transformation ng kaibigan.
" Sigurado ka, hindi ba nakakaasiwa at sobra tong make up ko?"
" Gaga! ang ganda nga eh at bagay na bagay sayo. I fairness ha, magaling yong dalawang kinuha ko. Tingnan mo naman ang outcome, sinong lalaki ang hindi maglalaway ngayon sayo?" pabiro nitong sabi
Napangiti si Jillian sa sinabi ng kanyang kaibigan. Ever since ito lang naman talaga ang number one fan niya, ang kanyang best friend. Maging siya ay hindi makapaniwala sa imaheng nakikita niya sa harap ng salamin. She looks simple yet so elegant. Parang panaginip lang.
" Tama na yan te, baka matunaw yang mukha mo kakatitig mo dyan sa sarili mo sa salamin." biro pa ni Hazel
" Naninibago lang ako, alam mo namang ngayon lang ako nakapag ayos ng ganito eh."
" Pano ang jologs jologs mo lage eh, sabi ko naman sayo diba, magpaganda ka." sermon nito
" Ay sobra siya, hindi ba pwedeng simple lang ako, jologs talaga!" angal ko
" Hoy, hindi na bumibenta yang pasimple simple girl na sinasabi mo noh, matagal ng hindi uso yan! Abay lalangawin na yang beauty mo hanggang sa pagtanda mo kung umaasa kang marami pang lalaking naaattract sa mga simpleng babae ngayon noh."
" Sobra ka naman, nag aayos naman ako a." hirit ko
" Jillian iba ang nag aayos sa nagpapaganda okey? Wag kalang basta mag ayos lang, magpaganda ka, make yourself beautiful...Kung akin lang yang gandang yan abay matagal kona yang niladlad no. I'm sure pag nakita ka ni sir Steven sa ganyang ayos pustahan tayo, maglalaway yon sayo." dagdag pa nito.
Nagkibit balikat nalamang ako sa huling sinabi nito. Kung dati ratiy may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing napag uusapan si sir Steven, bakit parang naging natural nalang ang lahat. Ni hindi na ako nakakaramdam ng kilig sa tuwing may bumabanggit sa pangalan nito. Siguro talagang tanggap konang wala na talaga akong pag asa dito.
********************
One hour before the event starts, ay naroon na si Jillian para i check kung nakahanda na ang lahat.
" Jillian, ikaw ba yan? " sambit ng isang kasamahn nito sa trabaho.
"Erick, ikaw pala."
" Halos hindi kita makilala ah, ang ganda mo."
" Hindi naman magaling lang talaga yong nag ayos sakin kaya heto nagmukha tayong tao."
" Ano kaba, maganda kanaman talaga eh, ikaw lang naman 'tong ayaw ilabas yang ganda mo. But look at you now, you really look gorgeous."
" Salamat." matipid ko nalang itong nginitian bilang tugon.
Ilang sandali pay parehong naagaw ang aming atensyon ng makarinig kami ng pagtikhim mula sa aming likuran. It was sir Steven. Agad namang nagpaalam si Erick ng makalapit na ito ng tuluyan sa aming kinaroroonan.
" Good afternoon sir." bati ko rito
" Good afternoon. You look great Miss Castillo, It fits you well."
Hindi maiwasan ni Jillian na ma conscious sa paraan ng pagtitig ng kanyang boss sa kanya. Sa tinagal tagal ng panahong nakasama niya ito ay ngayon lamang siya nito tinitigan ng ganito. The way he looks at her tells her how beautiful she is in his eyes this time. Yong titig na kulang nalang ay hubaran na siya nito.Hindi niya alam kong ilusyon lang ba ng utak niya ang naiisip niya pero yon ang nararamdaman niya.
" Salamat po sir. Kayo din naman po, ang gwapo niyo po sa suot niyo bagay na bagay po sa inyo."
" Thanks for the compliment. By the way, how was everything here."
" Na check kona po lahat, and everything's fine. Naka ready napo lahat sir."
" Good. I'll just check some other details ikaw na munang bahala dito ok?"
" Copy sir."
" I'll be right back"
Pagsapit ng gabi, marami na ang dumating. At nagsisimula naring maging busy si Jillian sa pag aasikaso sa mga bisita at ilan pang mga VIP guess. Some foods and drinks are served everywhere. Nagsisimula nanga ang party. Pero ewan ba niya sa sarili, kahit paman abala siya sa maraming bagay ay bigla nalang sumingit ang kaba sa kanyang dibdib.
"Bakit ba pakiramdam ko kanina pa may isang pares ng mga matang nakatutok sakin." Inilibot niya ang paningin sa buong paligid pero wala naman siyang napansing kakaiba. "Guni guni ko lang siguro yon."
" Alam mo excited na talaga akong makilala yong magiging bagong boss natin. Balita ko gwapo daw yun at binatang binata pa." dinig kong sabi ng ilang mga kapwa ko employee sa ibang department.
" Hoy, bat ang tahimik mo dyan!" untag ni Hazel sakin.
" Ha, wala nakikinig lang ako sa usapan nila."
" Bakit curious karin kung gaano ka gwapo yong anak ni sir Marcus ano?"
" Ha?H---hindi ah, saka ano namang pakialam ko kung gwapo man sya o hindi."
" Gaga! syempre dapat may pakialam tayo noh, kasi pag gwapo at single yong magiging bagong President natin, syempre mas gaganda ang awra ng building natin. At mas lalo tayong gaganahang magtrabaho diba, kasi gwapo yong boss natin."
" Sira ka talagang babae ka noh, kung magsalita ka parang wala kapang nobyo ah."
" Ito naman hindi na mabiro oh. Syempre joke lang yun."
Ilang sandali lamang ay nagsimula ng magsalita ang emcee sa harapan. Nagsisimula naring maging maingay ang buong kapaligiran ng magsimula ng rumampa ang mga modelo sa center stage. Dinig ang napakalakas na tugtug sa buong paligid. Maging ang ibang kasama koy sumasayaw narin at nakikisabay sa saliw ng musika. Hindi mo maikakailang nag eenjoy ang karamihan. Ewan ko ba, parang ako lang yata ang natatanging tao rito na hindi makahanap ng dahilan para mag enjoy sa party na ' to, o sadyang hindi ko lang talaga hilig ang mga ganitong event. Wala akong ibang ginawa kundi ang uminom lang ng uminom ng wine.
Naiinip ako, parang gusto kung pabilisin ang pagtakbo ng oras para makaalis na ako at makauwi ng bahay. I'm not in mood para pumarty, kung hindi lang siguro ito company event baka hindi na ako sumali. Sumasakit na ang paa ko sa heels ko. Pati katawan ko parang nangangati natin sa damit na suot ko. Wala na akong paki sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam kung nakailang glass na ako ng wine pero yon lang muna ang pinagkaabalan ko.
" Tingnan mo nga naman tong si sir Marcus oh, may edad na pero yummy parin." ani Hazel habang titig na titig dito
" Wag mong sabihin sa aking pati si sir Marcus pinagpapantasyahan mona rin?" biro ko rito
" Abay, kung ganyan ka yaman at ka yummy bakit hindi diba. Tingnan mo naman, sino bang magsasabing near 60's na yan. Kung wala si Mark naku papatulan kopa yan pag niligawan ako niyan noh."
Halos mabilaukan ako sa sinabi ng kaibigan ko. Pero ng titigan ko ang nagsasalita sa harapan ay napagtanto kong tama nga naman ang kaibigan ko. Ilang taon nalang 60 na si sir Marcus pero hindi mo mababakas sa mukha at tindig nito ang kanyang edad. Para lang itong nasa early 40's kung tutuusin. Napailing nalang ako sa isiping iyon.
" Everyone...let me introduce to you the new CEO of The Dezeños, my only son, Brenth Lhexis Villazandre..."
Pagkatapos ng mga katagang iyon ay umugong na ang masigapong palakpakan sa buong paligid. Humigpit ang hawak ko sa aking wine glass. At awtomatikong napako ang tingin ko gwapong mukha ng lalaking nasa gitna ng stage. His baritone voice suddenly brings shiver down through my veins. Natulala ako, I was speechless, my eyes were locked at him . Everything about him screams for everybody's attention, specially girls. Rinig ko ang tili ng maraming kababaihan sa aking likuran pero wala akong pakialam sa mga nangyayari sa aking paligid. Daig ko pa ang natuklaw ng ahas ng makita ko si Lhexis sa harapan ng stage. He was talking in front of the many, pero kahit isang salita nitoy parang wala akong naririnig.
I just looked at him. Lihim kong kinukurot ang aking balat upang tiyakin kung hindi ngaba panaginip ang aking nakikita at naririnig, habang titig na titig parin sa kanyang kinaroroonan. He was standing smart while talking. Napapanganga ako habang nakatitig sa kanya. Hanggang sa magtama ang aming paningin. He look at me like there no one else in that place but just me and him. I feel the intensity inside me. Bigla akong natense at napaso sa paraan ng pagtitig niya, kaya ako na ang unang nagbaba ng tingin.
Dinumog ako ng sobrang kaba sa dibdib. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili patungo sa comfort room. Doon ako huminga ng malalim at nagpakawala ng napaka lalim na buntong hininga. Parang biglang sumikip ang paligid. Ang daming bakit at paanong gumugulo sa utak ko.
Pero sa sobrang gulo ng utak ko wala akong maisagot. Such a small world for me and Lhexis, pero bakit hindi niya sinabi sakin? Sa sobrang pilit ko sa sariling iwasan siya, parang sinasadya pa ng tadhanang paglapitin kami." s**t! ano na ngayon ang gagawin ko? No! calm down Jillian, just act professionally! Hindi ka dapat naapektohan." I took one more deep breath before I decided to go out.