HIS CONFESSION

2284 Words
Chapter 16 Naging masaya ang simpleng hapunan na iyon para kay Lhexis at Jillian. Tama nga ito, nagkamali siya sa isiping hindi nito kayang sabayan ang trip niya. Pagkatapos nilang kumain ay niyaya pa siya nitong mamasyal at mg unwind. Gusto sana niya itong tanggihan pero naisip niyang pagkakataon narin siguro ito para makausap niya ito ng masinsinan. Kaya naman nang tanungin siya nito kung saan niya gustong pumunta ay agad niyang naisip ang dagat. Matagal niya ng gustong mag "sunset viewing," hindi lamang siya nagkakaroon ng pagkakataon sa sobrang ka busyhan niya sa trabaho. At sa dami lagi ng laman ng utak niya. " Ang ganda dito, napaka perfect spot, kitang kita ang paglubog ng araw oh." nakangiti kong sabi habang kumukuha ng picture sa paligid. Aliw na aliw ako habang nililibot ng tingin ang buong paligid. Hinubad ko pa ang sapatos ko para maramdaman ang mga mapuputing buhangin sa mga paa ko. Ang sarap sa pakiramdam, walang usok, walang maingay na mga sasakyan, walang polusyon, tanging alon lang ng dagat ang maririnig mo sa buong paligid. Ipinikit ko ang mga mata at umiikot habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. He just stared at me, following my every move. Nang imulat ko ang aking mga mata, agad sumalubong sakin ang napaka tamis niyang ngiti. He's sexy smile melts me right away. Walang panama ang magandang tanawin sa matatamis niyang ngiti at nakakaakit nitong mga tingin. Bigla tuloy akong na distract, at ipinako nalang ang mga mata sa kanya. Ewan ko ba, pero para akong pilit hinahatak ng kanyang mga mata. Ayaw kong salubungin ang mga titig niya pero parang may kung anong pumipigil sakin upang bawiin ang mga mata kong matamang nakatitig sa kanyang mga mata. " s**t, bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?" Nawawala ako sa sarili sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin. Walang habas nitong pinapaalala sakin ang minsang pagkakamali ko. " Mistake? Yes, but the best mistake of mylife." bulong ng utak ko. " It's cold here, wear this para hindi ka malamigan." he took off his coat and put it on me. " Ok lang ako, sanay naman ako sa lamig eh, hindi ko na kailangan yan. sabay hubad ko sa coat nito para ibalik ito sa kanya. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Hindi na siya nakaangal pa ng isinuot ko sa kanya ang kanyang coat. He didn't take his eyes off to me hanggang sa matapos akong isuot ang kanyang coat sa kanya. Pagkatapos ko ay agad na akong humakbang at tumalikod sa kanya para tingnan ulit ang paglubog ng araw. " Lhexis! Anong ginagawa mo?" Nagulat ako ng maramdaman ang mainit nitong katawan mula sa aking likuran. He hugged me like he was caging me in his arms. Hindi ko siya nilingon, natatakot akong pag ginawa ko yon, baka magsalubong lang mukha namin. " Lhexis...let me---- " I miss you so much...." bulong nito sakin na siyang nagpatindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan. My heart beats fast, my temperature rises in an instant, I can't say anything. I tried to escape from his arms, but the more I did, the more he would hold me so tight. His hugged has its own way of communicating my heart. And surprisingly she understands him. I lost the strength to fight. Pakiramdam ko tuluyan na nitong nabuwag ang lahat ng sandata ko. Maging ang mataas na bakud na pilit kong nilalagay sa pagitan namin ay unti unti naring gumuguho. " Lhexis...please...." I hold his hand begging him to release me. Hindi ko na kaya, unti unti na akong nadadala. At kapag hinayaan ko pa ang sarili ko sa mga bisig niya, baka tuluyan na akong mawalan ng kontrol. Unti unting lumuwag ang yakap niya, hanggang sa tuluyan na nitong akong pinakawalan. Akala ko tanda iyon ng kanyang pagsuko, pero nagkamali ako. Mabilis nito akong nahawakan sa aking pulsuhan at hinila paharap sa kanya. He stare at me, reading my mind. Pilit kong sinalubong ang nag aapoy nitong mga titig pero hindi ko kinaya. " Let's go home..." I said. Pero maagap nitong nahawakan ang aking pulsuhan and he pull me closer to him and there he took the chance to met my lips. I was shocked. My eyes almost popped out in shocked. I tried to push him away but he never let me. His right hand went on my waist pulling me more closer to him, while the other one is on my nape stopping my head from moving, for him to get greater access to my lips. All I did was to accept his burning kisses whose screaming to own my lips next to him. Ilang beses kung tinangkang manlaban pero mabilis din niya akong napipigilan. Hanggang sa tuluyan na nga akong bumigay at hindi kona napigilan pa ang sarili. Kusang loob kong tinanggap mga halik niya, at hinayaan ko siyang angkinin ng buo ang mga labi ko. Ang kaninang mapusok at mapaghanap nitong mga halik ay naging banayad at masuyo ng hindi na maramdaman ang pagtutol ko. Natagpuan ko nalang ang sariling kusang tinutugon ang matamis at nakakabaliw niyang mga halik sa akin. Sandali naming tinitigan lang ang isat isa na para bang binabasa ang isip ng bawat isa. Gusto kong magsalita ngunit biglang naging blanko ang utak ko, walang kahit anong salita ang nais kumawala mula sa aking mga labi. Ang tanging nais ko lang ng mga sandaling iyon ay ikulong siya sa aking mga titig. Nagtatanong ang isip ko, nagtataka at naguguluhan, pero ang puso ko nagdiriwang sa sobrang saya." Bakit?" Tanong ng utak ko habang pinagmamasdan ko siya, pero hindi ko maisatinig. " God, what he has done to me? Nananaginip ba ako?" " I'm sorry I didn't help myself, I miss you so much" he said it straight Natulala ako. I don't know what to say. I just choose to stare at him deeply. Bigla akong napipi at nawalan ng lakas ng loob na sabihin ang laman ng utak ko. Ni hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin. Nabigla ako sa mga nangyari at sa mga narinig mula sa kanya. " No, its my fault. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ang bagay na yon. Let's just forget about it." maagap kung sabi Pagkatapos ay agad na akong tumalikod para maitago ang sobrang kahihiyang nararamdaman ko. Ngunit mabilis nito akong nahawakan sa aking braso. " That's just it?" kunot noo nitong tanong " Y---yeah. Let's just forget it." Pilit kong pinapatatag ang sarili. Ayaw kong makita niyang apektado ako. "Pero bakit ngaba hindi ko manlang nagawang pigilan ang sarili? Ang bilis kong nawalan ng kontrol." " Ganon lang ba talaga kadali para sayong kalimutan ang mga ganong bagay?" he huskily said " Bakit kailangan ko bang gawing big deal yon? Wala lang naman yon para sayo diba? Kaya hindi natin dapat seryosohin " kunwaring sabi ko. Ewan koba kung imagination ko lang yon, but I saw a big dissappointment in his eyes. Alam kong hindi yon ang dapat na lumabas sa bibig ko pero yon lang ang tanging naisip kong sabihin para hindi na namin pagtalunan pa ang tungkol sa nangyari tutal pareho naman naming ginusto yon. Kahit tutol ako noong una, ngunit batid ko sa sarili kong kalaunay nagpaubaya rin ako, kaya may kasalanan din ako sa nangyari. " Uwi na tayo.." yayah ko sa kanya " Ayaw mo ba talaga akong kasama?" may bahid hinanakit nitong sabi. Agad akong napatingin sa kanya na siya. Sinalubong ng malungkot niyang mga mata ang mga mata kong matamang nakatitig sa kanya. " H---ha? Hindi ah, kung hindi kita gustong makasama di sana hindi na ako sumama sayo diba? " Then why do I have this feeling that you're trying to avoid me?" " Of course not." kinakabahan kong sabi " Then let's stay this close baby...You have no idea how much I longed to be with you... He hold my hand and he intertwined it with his. Natulala ako ng maramdaman ko ang bulta bultaheng kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat. I tried to pull my hands away pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Kaya napatingin nalamang ako sa mga kamay naming magkadaup. Malamig ang paligid pero ramdam ko ang init na hatid non sa buong katawan ko." s**t, bakit ganito ang nararamdaman ko? I know this is crazy but I love the feeling it brings to me. "Lhexis can we just stop this" pagbubukas ko ng usapan " What do you mean?" naguguluhan nitong sabi " Alam mo kasi sa tingin ko kailangan nating dumistansiya sa isat isa." " What?... Are you telling me to stop seeing you?" " Lhexis...pwede naman tayong maging magkaibigan eh, pero wag lang muna ngayon. saka nalang pag ok na ang lahat.." Kita ko ang bilis ng pagdilim ng mukha niya. Maging ang pagtagis ng kanyang mga bagang at pagkuyom ng kanyang mga kamao. Ramdam ko sa puso ko na nasakatan ko ang damdamin niya. Pero ito lang ang tanging paraan na naiisip ko upang matapos na ang lahat. " Gusto mong layuan kita ganon ba? Did I deed something wrong to you?" anito " Hindi naman sa ganon, tatapatin na kita hanggang ngayon sariwa parin sakin yong mga nangyari ng gabing iyon...Gusto kong makalimutan ang lahat at hindi ko yon magagawa kapag malapit tayo sa isat isa." I explained " Bakit sa tingin mo ba nakalimutan kona rin ang nangyari satin ng gabing yon?" he said " Bakit hindi pa ba?" I sarcastically asked. " No, and don't think I can." " Kung ganon,... di iwasan muna natin ang isat isa para hindi awkward. saad ko " Why do we have to do that? I don't see something wrong kung mapalapit man tayo sa isat isa." "Ang tigas talaga ng ulo ng isang ito, wala ba talaga siyang common sense, he's so insensitive. Hindi ba obvious na apektado ako kaya gusto kung umiwas." naisaisip ko " Lhexis...hindi tayo pwedeng maging magkaibigan ng ganun ganun nalang. Magiging awkward para satin yon. Kung hindi man sayo, sakin oo. I can't just pretend na walang nangyari. So please, lets stop this..." He clenched his jaw and gritted his teeth. Kita ko sa mga mata niya ang sakit. This time alam kong nasaktan ko ang feelings niya ng husto. But I have to wake him up. Hindi naman simpleng bagay lang ang nangyari sa pagitan namin and I can't just pretend na wala lang yon. Natahimik siya kaya sa tingin ko naiintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Dapat ay masaya na ako dahil mukhang sumasang ayon na ito sa gusto kong mangyari, pero bakit may isang bahagi ng puso ko ang nalulungkot. Parang may mali. " I'm sorry, hindi ko naman intensyon na--- " Do you really want to forget what happened? Kasi ako, hinding hindi ko yon gagawin. That night means a lot to me...and I would never ever regret that. Matiim niya akong tinitigan sa mga mata ko habang sinasabi sakin ang mga bagay na yon. And I can't deny the fact, na tumagos talaga sa loob ng puso ko ang mga sinabi niya. Pero kailangan kung pigilan ang sarili. Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko. " Kung hindi mo ko iiwasan, ako nalang ang iiwas sayo" " Gagawin mo talaga sakin yon? " halos mabasag ang boses niya. " I'm sorry but I have to." paninindigan ko. " You will not do that to me, I'm not gonna let you... Don't even try to, dahil hinding hindi ako papayag na lumayo ka sakin. Napaawang ang mga labi ko sa mga narinig mula dito. Akala ko sapat ang lakas ko ng sabihin kong handa akong layuan ito kung hindi ito ang gagawa non. Pero parang bigla yata akong naduwag dahil sa mga sinabi nito sa akin." Ano bang ibig niyang sabihin? Lalo lang tuloy aking naguluhan." " T--teka, pinagbabantaan mo ba ako?" " Nope, I'm telling you the truth." " Lhexis hindi ako nagbibiro!" " Bakit mukha ba akong nagbibiro? Don't even think to avoid me...And please...don't you even dare to try...you will never want to missed up with me baby...Kung kailangan kitang itali sakin just to make sure you'll never escape from me, gagawin ko." halos pabulong nitong sabi Inilapit nito ng husto ang sarili sakin, sobrang lapit. Ramdam ko ang init ng hanging nagmumula sa kanyang bibig na mas lalo pang dumagdag sa init na nararamdaman ko. I can even smell the freshness of his breath. Nakaramdam ako ng pagnginig sa aking kaibuturan. The feeling is unexplainable. Parang sa isang iglap lang nayanig agad ang buong mundo ko." Damn this man, what is he really up to? Mahirap ba talagang intindihin ang gusto kong mangyari?" "Why can't you just understand me?" uutal utal kong tanong sa kanya Tumingala ito at huminga ng ng malalim bago muling nagsalita. Kinabahan ako ng husto ng maramdaman ang pagadampi at paghaplos ng kamay nito sa aking mukha. Napapikit ako sa sensasyon dulot non. " I like you Jillian, I like you so much, I'm even starting to fall inlove with you...And it's making me damn crazy on you. Hindi ko alam kung bakit ganito ka bilis na nahulog ang loob ko sayo but it just happened. Hindi ko kayang pigilan ang sarili kong 'wag mapalapit sayo...Mababaliw ako 'pag pinakawalan pa kita... I will do everything just to have you... Napalunok ako ng wala sa oras.Gusto ko sana itong singhalan sa mga pinagsasabi nitong talaga namang nagpapatindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan pero hindi ko magawa. Napipi ako bigla at nawalan ng anong mang salitang sasabihin . Pakiramdam ko biglang nanlambot ang lahat ng mga buto ko sa katawan. I was speechless, I can't believe I'm hearing those words from him." Dapat ba akong maniwala?pero may isang parte ng puso ko ang nakakaramdam ng nag uumapaw na kaligayahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD