Chapter 17
Things has never been the same for Jillian. Ang dating tahimik niyang mundo ay biglang nayanig at nabulabog. Simula kasi ng magtapat si Lhexis sa kanya ay hindi na nito nagawang patahimikin pa ang kanyang pusot isipan. Kahit na saan man siya magpunta o kahit ano man ang kanyang ginagawa ay palagi niya itong naiisip, lalong lalo na ang mga katagang binitawan nito sa kanya ng huli silang magkita.
Talaga namang tumatak ito ng husto sa kanyang utak. Ganunpaman, pilit niya itong pinaglalabanan, ayaw niyang magpadala sa nakakahalina at nakakabaliw na damdaming pilit nagsusumiksik sa kanyang sistema. She can't be so much weak for that uncertain feelings. Though, she can't deny the fact that Lhexis did make a big difference in her present life right now, but still it does not guarantee that it would lasts.
Paano kung ginu good time lang siya nito o kaya namay pinapasakay sa matatamis nitong mga salita. Kahit naman hindi niya tingnan ang sarili sa salamin alam niya namang malayong malayo siya rito. He's looks alone screams for every womans attention. A walking luxury, a man that could be every womans dream, gwapo, mayaman, habulin ng mga babae and all. Wala paman itong ginagawa pero agad na nitong nahahatak ang atensyon ng mga babae sa paligid niya. Who is she for him to love?
At kung sakali mang ganitong klase ng lalaki ang magiging boyfriend niya siguradong malaking sakit sa ulo at stress ang aabutin niya sa kakaselos sa mga babaeng maglalaway dito. At teka naman, hindi naman ito baliw para basta nalang mahulog sa kanya ng ganun ganun nalang noh, ano yun " bulag na pag ibig? Ano siya hangal!" matagal ng gasgas yang linyang yan. " Imposible Jillian, so don't be naive, that's so ambitious of you!" hiyaw ng utak ko.
Kasalukuyan akong nasa bar at umiinom ng cocktail drinks habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan kung si Hazel at ng boyfriend nitong si Mark. Its weekend, kaya naisip naming lumabas, pero this time kasama na namin si Mark. Kaya siguradong mapapa unli kulitan nanaman kami, harutan at inoman.
Kapag kasama kasi namin si Mark ay mas sulit ang bonding time namin dahil hindi namin kailangan bantayan pa ang oras. Mark always has a maximum tolerance pagdating sa bonding namin ni Hazel, kasi alam naman nitong may set of limitation kaming dalawa pagdating sa mga kalukuhan namin at harutan.
Halos limang araw narin ang nakalipas pagkatapos ng gabing iyon, pero magpa hanggang ngayon ay napaka sariwa parin ng mga mga nangyari." s**t that man, bakit ba ayaw tantanan utak ko?" Napatingin ako sa wrist watch ko. Pasado alas otso na nang gabi. Mayamayay dadating na ang dalawa kaya nag simula na akong magbigay ng initial order namin para ready to serve na ito pagdating ng mga ito.
" Hi..." bati ni Hazel sakin sabay beso.
" Nag order na ako ng kaunti, mag follow up order nalang tayo mamaya. Akala ko ba sasabay satin si Mark?"
" Yes of course, nasa parking pa sila."
" Sila?" taka kong sabi
" Yeah, kasama namin ang pinsan niya."
Maya maya lang ay agad nangang pumasok si Mark kasama ang isa pang lalaki, na sa tingin ko ay ang tinutukoy ni Hazel na pinsan nito. Agad naagaw ang atensyon ng kasama nitong lalaki. Di maipagkakailang gwapo ito at matangkad. At the same time, maganda itong magdala ng damit and infairness dito, ang lakas ng s*x appeal nito. Hatak mata talaga ang datingan.
" There they are." ani Hazel sabay lapit nito kay Mark
" Pasensya na kayo ha, medyo natagalan kami, ang hirap makahanap ng bakante sa parking lot." paliwanag ni Mark
" Its ok babe, mabuti nalang at nauna na satin dito si Jillian, she already reserved our sets." ani Hazel
" Oh, by the way, Jillian I'd like you to meet my cousin Aldrick. Aldrick this is Jillian Hazel's best friend."
" Hi Jillian, nice to meet you" sabay lahad nito ng kanyang kamay sa akin.
" Hello, nice meeting you too." agad kong sabi sabay pakikipag shake hands dito.
Ngumiti naman ito agad sakin. Na siya namang ikinalantad ng mga mapuputi nitong mga ngipin, at bahagyang pag stretch ng manipis at mapupula nitong mga labi. Sabay na kaming naupo sa reserve seats namin. At kagaya ng inaasahan ko mukhang sinadya nga ng dalawa na pagtabihin kami ni Aldrick. Kita kopa ang pagkindat sakin ni Hazel na animoy nanunukso pa ang bruha, kaya naman pinandilatan ko ito agad.
" Babe, sayaw tayo mamaya ha," Lambing ni Hazel kay Mark habang hawak hawak nito braso nito.
" Oo naman." inakbayan nito si Hazel at hinalikan sa noo.
Nagkunwari akong walang nakikita kahit pakiwari koy iniinggit na naman ako ng dalawa. In my peripheral vision nakita ko si Aldrick na nakatingin sa akin pero hindi ko nalang pinansin. Nag focus nalang ako sa pag inom ng juice ko na para bang inienjoy ko ng husto ang lasa nito. Maya mayay tinawag na ni Mark ang waiter para magdagdag ng order.
" Hey, best ano kaba magkibuan naman kayong dalawa ni Aldrick dyan!" singhal nito sakin
" Nono its ok, maybe she's just enjoying her drinks." sabi ni Aldrick at pinukulan ako ng matamis na ngiti.
" Oo nga naman Jillian, kawawa naman tong pinsan ko. Excited pa naman yang sumama dito at makilala ka, tapos iisnabin mo lang." Kantyaw pa ni Mark
Agad akong namula sa panunukso ng dalawa. Batid kong hindi lang ito coincidence kundi plinano talaga ng mga ito. " Mga siraulong 'to sinet up pa ako, akala niyo ha." Napailing si Aldrick habang nakatingin sa dalawa habang ako naman ay walang choice kundi ang tingnan nalamang din ito, kaya naman agad na nagtama ang paningin namin.
" Babe gusto konang sumayaw... let's go?" yaya nito kay Mark
" Ok let's go!. Jillian ikaw na munang bahala dito sa pinsan ko ha." nginiti nito sakin sabay kindat.
" Bro, pagbibigyan ko lang 'to ha?" sabay tapik nito sa balikat ni Aldrick na siya namang ikinatango at ikinangiti ng isa.
" Bye guys, sunod kayo ha?" ani Hazel suminyas pa ito sakin ng goodluck.
Pareho kaming napailing ni Aldrick at napangiti sa kalokohan ng dalawa. Habang nakangiti ito hindi ko maiwasang ma amused sa magaganda nitong mga ngipin na siya namang naniningkad sa kaputian. I'm sure pasado itong model ng toothpaste sa sobrang ganda nitong ngumiti at ganda ng shape ng labi nito. Nakaka conscious tuloy. Bibihira nalang ako makakita ng ganyan ka perpect na smile ngayon.
" Hmmm... would you like to have another drinks? " tanong nito na agad ko namang ikina alisto.
" Oh s**t!" Saka lang ako natauhan ng marinig ko itong mag salita. Agad nitong sinalinan ng cocktail drinks ang baso ko.
" Thanks," nahihiya kong sabi
" You're welcome. Is it ok if I join you?" anito
" Of course! Why not? Pasensya kana kanina medyo napag diskitahan tayo nong dalawa." sabi ko pa
" I'm sorry about that I didn't mean to ruin your night."
" Ano kaba wala yon noh. Ako panga ang dapat humingi ng dispensa sayo eh kasi mukhang pati ikaw napagtripan ng dalawang yan."
" What do you mean?"
" Disperado na ang mga yan na hanapan ako ng boyfriend at mukhang ikaw pa yata ang napili nilang i set up sakin." Natatawa kong sabi sabay laguk ng alak
" Why would they do that, sa ganda mong yan, I'm sure maraming nakapilang manliligaw sayo"
Napahinto ako sa pag inom at halos mabilaukan pa ako sa sinabi nito." Hay bolero pala ang isang ito." Napailing nalang ako.
" Did I say something wrong?" kunot noo nitong turan
" Wala naman pero sa tingin ko kailangan monang mag suot ng salamin. Mukhang malabo na yang paningin mo eh. seryoso kong sabi
He smirked, na siyang ikinalingon ko dito.
" Tama nga sila palabiro kanga."
" Sila? Sinong sila?"
" Si Mark at si Hazel. They told me so much about you. I been staying in their house for three days before I moved in my condo. Actually I been expecting to meet you since the other days pero hindi karaw nila mahagilap. So, they just showed me some of your pictures together. Nakakatuwa nga eh, you're really are so close together."
" Ganun ba," tipid kong sabi
" Can I join the family?"
" Oo naman, bakit naman hindi, kahit sino naman welcome samin."
" Thanks."
Inilahad nito ang kanyang kamay na agad ko din namang tinanggap.
" Can I ask you to dance?"
"S---sige"
Ngumiti ito ng malapad saka inalalayan ako nito papunta sa dancefloor. Malayo palang kami tanaw kona ang kakaibang ngiti nina Hazel at Mark. I know what's running in their minds, and its definitely not good. Kaya lagot sakin ang dalawang to mamaya.
( AT THE MANSION )
Kasalukuyang nagkakaroon ng malaking salu salu sa mansyon ng mga Villazandre para announcement ng pagpasok ni Lhexis sa kompanya. Nang mabalitaan ng amang si Marcus ang tungkol sa desisyon ng anak ay talaga namang sobrang galak ang naramdaman nito. Kaya naman, agad itong nagdaus ng isang engrandeng kasiyahan upang pormal nitong i announce ang magandang balita.
" Goodevening everyone...Before anything else, I would like to thank all of you for sharing this very special moment with us... Tonight, I'm glad to introduce to you to you the future C.E.O of The Dezeños...the man of the hour, my son Lhexis...
Agad na nagpalakpakan ang mga tao sa paligid kasabay ng mahigpit na yakap ng kanyang ama at ina. Habang di magkamayaw sa pagkuha ng litrato ang mga camera man sa kanila. Agad namang namang tumayo si Lhexis sa harapan upang magbigay ng kaunting mensahe.
" Goodevening everyone...once again, I would like to thank all of you for joining us tonight. Specially to my family who's always here for me, as I make my first step in facing a much bigger responsibility of mylife. I know the road to success wouldn't be easy in this field, but I will do my best to make my own marked in the field of business industry. And before this night ends, I would like to offer a toast for everyone...For the coming more success of The Dezeños!
Itinaas ni Lhexis ang kanyang wine glass at sumunod naman ang iba, sabay sabi ng " cheers!"
" Ladies and gentleman please enjoy the rest of the night with us...thank you!" pahabol ni Lhexis
" I'm so proud of you hijo." ani ng don sabay tapik nito sa kanyang kanang balikat habang katabi naman ang kanyang ina at si Steven.
"Thanks mom, dad but this is too much."
" No, you deserve it anak. You made me so proud of your decision... You made me and your mom so happy. I know you and Steven will be the best asset of the company someday." ani ng Don
" Thanks tito, tita. Wag po kayong mag alala pagtutulungan naming palaguin pa ng husto ni Lhexis ang company." sabi ni Steven
" We have no doubt on that gentleman." ani ng donya.
Agad na umalingawngaw ang tawanan sa kanilang pagitan.
" By the way, Steven hindi pa kita napapasalamatan sa ginawa mong pagkumbinsi dito sa pinsan mo. Maraming salamat at sa wakas ay nagawa mo narin itong kumbinsihin." ani Marcus
" You don't have to tito, its his own will. He decided it for himself at wala akong kinalaman diyan, nabigla ngarin ako ng sabihin niya yon sakin eh."
" Oh really? It's good to know that. Mabuti naman kung ganun. But what convinced you to do so hijo?"
" Well, let's just say someone did." Lhexis confidently say.
" Someone? At sino naman yang taong yan at mukhang malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagpapatino sayo." biro ng Don
" Dad."
" Well, well sa ngayon ang mahalaga ay ang magandang desisyong ginawaa mo anak, saka nalamang kami magpapasalamat sa taong yan pag naipakilala mona siya sa amin Daddy mo. wika ng Donya.
" Gentleman, well go ahead,maiwan muna namin kayo at kanina pa kami hinihintay ng mga kaibigan namin."
" Go ahead mom dad." wika ni Lhexis
" Enjoy your night tita,tito." ani Steven