Chapter 5

2223 Words
Chapter 5 Will Power ZIE Bulung-bulungan pa rin ako ng aking mga kaklaseng lalaki nang makita nila ang komosyon namin ng isang binatang napaka-importanteng late na pumasok. Wala naman akong pakialam kung siya ang Anak ng Presidente ng Academy na ito. Huwag niya lang sasagari ang pasensya ko, pasensyahan na lang talaga at baka kung anong kababalaghan ang magawa ko sa kanya. Nagpatuloy kami ni Ki sa pag-akyat sa 5th floor ng building dahil doon kami pinapapunta ni Professor Yuki sa isang Training Room doon. Tahimik naman ang katabi ko at wala rin balak magtanong kung anong nangyari sa akin kanina sa locker room. Nauna kasi siya sa akin at maghihintay na lang daw sa labas kaya hindi niya nakita ang pagkainis ng hambog na binatang iyon. "Nandito na pala tayo." mahinang sabi ko sa aking katabi nang makita namin ang isang sign board sa gilid na may class section namin at may nakalagay kung sino ang Professor na gumagamit ng Training Room. Nag-tap lang ng ID sa isang censored metal plate at agad naman na bumukas ang pinto. Bilang lang sa daliri ang mga nakita kong kaklase habang si Professor Yuki naman ay prenteng nakaupo sa ibabaw ng teacher's table. Kinuha ko ang pagkakataon upang pagmasdan ang buong paligid. Ang taas ng ceiling ay para bang sinakop na nito ang isang palapag sa itaas. Ang lawak naman ay parang pinagsama-samang classroom sa Unibersidad na pinapasukan ko sa Pilipinas. Gawa sa makintab na puting marmol ang sahig. Ang gilid nitong pader ay gawa sa salamin kung saan makikita ang labas na bahagi ng Academy. Nabalaik na lamang ako sa realidad ng may maramdaman akong kumalabit sa akin. Agad kong nilingon kung sino iyon. Kitang-kita ko sa kulay ginto niyang mga mata ang pag-aalala. Mukhang nakarating na rin sa kanya ang komosyon na nangyari sa locker room kanina. "A-ayos ka lang ba Zie? M-may ginawa ba siya sa'yo?" nahihiya at nauutal na tanong sa akin ni Grace habang nagkukutkot ng kanyang mga kuko. Ngumiti ako ng pa-inosente "Oo naman, okay lang ako. Wala namang nangyaring masama sa akin." Tumango na lamang siya at mabilis din na umalis sa harapan ko. Para saan ang isang iyon? Bakit kailangan niyang mag-alala sa akin? Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Magkaibigan ba kaming dalawa kaya siya nagkakaganyan? Oo nga pala, nagkukunyri akong nakikipagkaibigan sa kanya. Seryosong-seryoso ang mukha ni Professor Yuki. Pagtingin ko sa aking relo, saktong sampung minuto. Katulad ng sinabi niya pero hindi pa rin nagdadatingan ang iba kong kaklaseng mga babae. Hindi pa ba ako magtataka? Karamihan sa mga babae ngayon ay ang tatagal kumilos. Magpapalit lang ng damit kung anu-anong ritwal pa ang ginagawa. Dalawang babae lang ang nasa training room ngayon, si Grace at iyong bago niyang kaibigan na mukhang bookish dahil may dalang makapal na libro. Sampu lang kaming magkakaklaseng nasa loob. 'Yung binatang pinagbantaan ako kanina ay wala pa rin. Hindi ko maiwasan na matawa, si Professor Yuki ay isang tipikal na terror Professor na nakakasalamuha ko nag-college ako. Mauubos na rin ang pasensya nyan at hindi na 'yan magbibigay pa ng grace period. Huhulaan ko, sasaraduhan na niya ng pinto ang bagong dating at hindi na papapasukin pa sa activity na gagawin natin ngayon. "Pakisara naman ang pinto." seryoso at baritonong paki-usap ni Professor Yuki sa isa kong kaklaseng lalaki na malapit sa pinto ng training room. Sinasabi ko na nga ba at ito ang mangyayari, mabuti na lang talaga at mabilis akong kumilos. Kailangan maging behave ako ngayon para hindi niya ako mapansin sa klase niya. Ayaw ko kasing napupunta sa akin ang atensyon ng mga Professor. Nagbulungan ang iba kong kaklase sa ginawa ni Professor Yuki. Hindi pa ba nila inaasahan ito? Sinabi niya na wala na kami sa Highschool so kailangan umakto na sa amin estado sa paaralan ang aming ginagawa. Kung noong highschool pa sila ay pupwedeng ma-late sa klase, ngayon college na ay ibang usapan na iyon. Hindi naman nakaka-culture shock dahil in the first place ay college student naman na talaga ako. "Grabe si Sir, nakakatakot. Sana lang hindi ako ma-late sa mga susunod niyang klase. Ang astig mo rin no? Ang lakas ng loob mong sumipsip ng lollipop sa harapan ni Sir." rinig kong bulong sa akin ni Ki na nasa tabi ko. Ngumiti na lamang ako at hindi na ako umimik. Bukod sa magsisimula na ang klase ay wala akong balak pang-magsalita dahil baka mapansin ako ng aking Propesor. Sana lang hindi mapansin ni Professor Yuki ang pagsipsip ko sa aking lollipop. Ang sarap kasi kaya hindi ko mapigilan. Ilang sandali pa ay nagsalita na siya. "Good Morning, today we will have a Magic Assessment Test. That will be our first activity for the semester. This will be graded so, show me what you got." seryosong wika sa amin ng Professor Yuki. Napalunok ako ng mariin. A-anong Magic Assessment Test? Isang assessment lang ang alam ko. Ang isang naging subject ko na Psychological Assessment. From the word itself, assessment. Magkakaroon ng series of test ng aming taglay na mahika? H-hindi pupwede ito. A-ano na lang ang gagawin ko? Huminga ako ng malalim, huwag kang kabahan. Ayos lang 'yan, mag-isip ka ng palusot para hindi ka makasama sa activity na ito. Nalintikan na, sumabak talaga ako sa isang gyera na wala man lang dalang bala. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Hindi ko maipagkakaila sa sarili ko na kinakabahan ako. Kinakabahan ako kasi alam ko sa sarili ko na mapapahiya ako ng wala sa oras. Cross fingers, sana may mga kaklase akong umapela. Para hindi na matuloy ang Magic Assessment Test na sinasabi niya. "Professor Yuki, ano pong ibig niyang sabihin? Agad-agad? Magic Assessment Test?!" gulat na pagtatanong sa akin ng isa kong kaklase lalaki sa harapan. Walang ipinakitang nakakatawang reaksyon ang Propesor na nasa harap. Nanatiling naka-poker face ang kanyang mukha na para bang inaasahan na niya na magiging ganito ang reaksyon ng mga estudyante na. K-kisa, wala pa naman akong kaalam-alam kung paanong gumamit ng mahika tapos ganito? Jusmiyo santisima trinidad! Para gusto ko nang bumalik sa sinapupunan ng Nanay ko kasi ayaw kong mapahiya sa first day ng klase ko sa Academy na ito. "Hindi ka ba nakakaintindi? Magic Assessment Test? Series of test na i-aassess ang inyong taglay na mahika. Ngayon lang ba kayo naka-encounter nyan? Sa pagkakaalala ko ay highschool pa lang ay nagkakaroon na ng ganyang assessment test." pabalang na sagot ng aking Propesor. Natahimik ang buong kaklase. Ang kaninang nagbubulungan ay para pinagbubuhusan ng malamig na tubig. Walang nagbalak na magsalita sa amin. Kung sila nga ay pakiramdam ko ay natatakot sa isang Magic Assessment Test, paano pa kaya ako? Nanggaling ako sa Pilipinas, wala akong kaalam-alam o kaide-ideya kung paano man lang magpalabas ng mahika sa mga kamay ko. Kung hindi pa nga sasabihin ni Grace ang mahika ko kanina, hindi ko pa rin ito alam hanggang ngayon. Hindi ako na-orient ng magaling na matandang este ng Lolo ko sa mga twist of events. Buong akala niya kasi ay normal na introductory orientation lang ang meron ngayon first day ng school. Sabi niya pag-uwi ko na lang daw ngayon araw tuturuan kung paano gumamit ng magic tricks. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Parang may nakakalimutan ata kayo? Hindi ba kaya ako nag-aaral sa Academy na ito upang balang araw ay maipagtanggol niyo ang ating bansa? Hindi ba kaya kayo pumasok dito dahil gusto niyong ma-train ng maayos ang mga mahika niyo? I didn't expect na nag-enroll kayo sa Academy na ito upang magkaroon lang ng leisure time." seryosong pagsesermon ni Professor Yuki sa harap. Tumango na lang kami at sumagot ng mahina. Jusmiyo santisima trinidad! Kaya pala nagsipasok itong mga kaklase ko o kung sino mang estudyante sa Academy na ito upag maipagtanggol ang bansang ito. Ito na ata 'yung nababasa kong scenes sa mga cliche fantasy stories sa w*****d. Hindi nga ako handang ipaglaban ang bansang Pilipinas kung sakaling sakupin ito ng China, ito pa kayang bansang ito na wala naman akong kaalam-alam? Hindi ko isasakripisyo ang buhay ko sa lugar na ito. Sacrifice my ass. Ilang sandali pa ay may narinig kaming kumatok sa pinto ng training room. Akmang tatayo na ang kaklase kong lalaki na malapit sa pinto upang pagbukas ang mga pa-importante kong mga late na kaklase nang biglang magsalita si Professor Yuki. "Huwag mo silang pagbukas, they can't attend this activity anymore. Hayaan mo silang tumunganga dyan sa labas at panoorin kayo kung anong ginagawa niyo dito sa loob. Sana sa sampung estudyante rito ay hindi na gumaya sa kanila. Ayaw kong na-lelate kayo." Kitang-kita ko sa maliit na salamin sa itaas ng pinto ang pagsilip ng iba kong kaklase. Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Ayan ha, mga pa-importante kasi. Hindi na tuloy nakapasok ngayon. First impression lasts kaya alam kong matatandaan ni Professor Yuki ang mga kaklase kong 'yan. "Okay let me continue, I will explain now the mechanics of our activity today. Unang-una, kaya gusto kong makita ang inyong kakayahan upang masala ko na kaagad kayo. Titignan ko sa activity na ito kung deserving nga kayo sa section na ito. Ang sino man ang mapupunta sa pinaka-bottom o kung sino man ang babagsak sa Magic Assessment Test na ito ay i-eexpel ko sa section na ito." dagdag paliwanag pa ni Professor Yuki. Hindi ko maiwasan ang panginginig ng kamay ko. Hindi ko maintindihan kung sa kaba ba ito kasi alam kong ma-eexpel ako sa section na ito dahil wala naman talaga akong magagawa mamaya o excitement na para bang nagbibigay sa akin ng challenge na dapat kong ibigay ang lahat sa activity na ito dahil deserve kong makapasok sa section na ito. Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang takbo nitong isip ko. Dapat nag-iisip na ako ng palusot upang makaalis sa training room at makatakas sa activity na ito ngunit walang pumapasok sa anumang ideya ng dahilan sa utak ko. May something na rin ata ako. "So basically, the series of tests will be divided into six parts. Physical Power, Defense Power, Agility Power, Ability Power, Intelligence Power and Spell Power. Kinakailangan ang anim na ito upang maging isa kang mahusay na Mage o Salamangkero. Lagi niyong tatandaan na hindi lamang puro mahika ang kinakailangan." muling pagpapaliwanag ni Professor Yuki. Hindi na talaga ina-absorb ng utak ko ang iba niya pang sinabi dahil preoccupied na preoccupied na ako sa iniisip ko. Nagtatalo ang left and right hemisphere ko. Ang sabi ng left ay dapat akong mag-stay at ayos lang na mapahiya ako ang sabi naman ng right ay dapat na akong mag-isip ng palusot upang makatakas sa activity na ito. Gulong-gulo na ako, ano bang dapat kong gawin? Litong-lito ako, para na talaga akong magkakasapak sa lugar na 'to. Mas nakaka-stress pa 'to sa defense namin sa research namin noon. Sa tingin ko ay alam kong magagawa ko ang Physical Power at Intelligence Power Test sa assessment ngayon. Hindi ko lang maintindihan kung paano ko gagawin iyon. Makikipagsuntukan o sapakan ba ako? Makikipagbasag-ulo ba ako ngayon? Sana lang basic ang itanong sa akin kapag Intelligence Power Test na. Sana related man lang sa English o Science. Huwag lang ang tanong patungkol sa mundong ito. Paniguradong bobokya ako. Ngumisi si Professor Yuki habang hinawi ang kanyang bangs sa noo paitaas. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang amusement, na para bang hinihintay niya sa amin kung sino ang babagsak sa activty namin ngayon. Napalunok ako ng mariin. Sampung estudyante lang ang nasa loob ng training room. Kahit na gusto kong patagalin ang oras ay hindi maaari. Malaki talaga ang tyansa na matawag ako kaagad. Kabuntot ko na noong nag-elementary, highschool at college na isa ako sa natatawag kaagad kapag may mga recitation o kung anu pa man. Wala naman akong balat sa puwet, kaya sana hindi gumana ang sumpang iyong ngayon. Wala na ako sa Pilipinas, sana iniwan ko na lahat ng kamalasan ko doon. "Hmm, maaari kong gawin ang sa inyo ang tama o ang sa tingin ko ay makakatulong sa inyo balang araw. Welcome to Bloodstone Academy Class 1-A, welcome to heaven where you can meet hell. Again, I'm Professor Yukito Kabayashi your loving Professor." natatawa at napaka-villainous na wika sa amin ni Professor Yuki. What should I do? What should I do?! I-ito na ang simula. A-ano na? Anong desisyon ang gagawin ko? Hahayaan ko ba ang sarili ko na mag-stay dito at gawin ang activity kahit na mapahiya ako sa kalahati ng klase dahil alam kong may matututunan ako rito? O kaya, tatakasan ko na lang ang problemang ito at magpapalusot upang hindi makasali sa activity na ito dahil alam ko sa sarili ko na wala naman akong magagawang maganda at ipapahiya ko lang ang sarili ko. Iie, pagod na akong tumakbo. Pagod na akong tumakas at tumalikod. Baka hindi na ako makabalik pa sa Pilipinas kapag na-expel ako sa section namin. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa matandang este sa Lolo ko na kasalukuyang Presidente ng bansang ito. Teka? Bakit ko ba iniisip ang sasabihin niya? Wala akong pakialam sa kanya, gusto ko lang ipakita na hindi ako basta-bastang sumusuko. Sa dami ng problemang nadaan ko, ngayon pa ba ako aatras? Ngayon pa ba ako panghihinaan nga loob? Hindi ba ang mga problemang iyon ang humubog ng buong pagkatao ko. Handa akong maranasan ang impyerno sa Academy na ito. This is will be my focused resolve.  - To be continued #BloodstoneAcademy #TheMindInvader Please follow me on Twitter: @chakeXCX Please like me on f*******:: Bluewee Stories Please check out my other stories here in w*****d: @bluewee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD