Chapter 4

2281 Words
Chapter 4 Demonic King ZIE "N-nakakatuwa naman! M-magkaklase tayong dalawa Zie! H-hindi ko inaasahan na sa Class 1-A ako mapupunta. G-grabe kasi 'yung entrance exams natin no? S-sa gubat talaga tayo dinala." nahihiya at nauutal na wika ni Grace nang makapasok kami sa building ng Academy. Kagabi ko pa nalaman sa kung anong klase o section ako mapupunta kapag nag-start na akong mag-aral dito. Hindi ko alam kung anong magic trick ang ginawa ng Lolo ko at isang pikit niya lang ay may nagdala na ng aking mga supplies. Mula sa uniporme, school supplies, schedules pati na rin allowance. May nag-picture din sa akin at ginawan ako ng card-type ID. Sabagay, naparami niyang pribilehiyo. Siya ang Presidente ng bansa, magtataka pa ba ako? Pinagmasdan ko ang buong paligid ng Academy. Pagpasok pa lang sa entrada ay bumungad na sa akin ang nagkakakihang golden chandeliers na may kristal sa nakasabay. Ang sahig naman ay gawa sa puting dirty white na marmol. Habang may mga metal bleachers sa gilid na mukhang pupwedeng tambayan ng mga estudyante. Lobby pa lang ay ganito na ka-moderno at kaganda paano pa kaya ang mga classrooms at ibang facilities nila? "Oo nga eh, ako rin kinakabahan ako kasi first section tayo." mapagkunwaring kinakabahang sagot ko sa kanya. Hindi na ako magugulat kung bakit nasa first section ako napunta. Sa koneksyon at posisyon pa lang naman ng Lolo ko sa bansang ito ay syempre bibigyan ako ng special treatment. Presidential Grandson ako kaya doon siguro ako nilagay. Sa kabilang banda, siguro ilang officials lang ng Academy na 'to ang nakakaalam at wala na akong balak pang ipaalam ito sa iba.  Nagtanong lang kami sa isang staff ng Academy kung saan ang daan papunta sa aming classroom. Sa third floor lang naman pala kaya mabilis namin na inakyat ito ni Grace. Maaga pa kaya bilang lang sa daliri ang makikitang tao sa paligid kaya nang makarating kami sa aming classroom ay halos kaming dalawa pa lang ang nauna. Manghang-mangha ako sa classroom design dahil first time ko naka-encounter ng ganito na madalas ko lang makita sa mga Anime na napapanood ko. Ang teacher's table ay bahagyang nakaangat dahil may animo'y stage sa harapan. Wala nang blackboard sa harapin kundi isang glassboard na may white background kaya nagmumukhang whiteboard. Nilibot ko pa ang paningin ko nang mapansin ang ayos ng mga upuan. Bawat upuan ay may corresponding table. Hindi ito 'yung tipikal na classroom setting sa Pilipinas na armchair lang ang gamit. Tanya ko ay may 20 tables na sa buong classroom. Siguro ay 20 lang ang estudyante ng section na ito. Bawat row ay may tig-limang tables na hindi magkakadikit. Ang nakapagpamangha pa sa akin ay bawat row at tumataas o may baitang kaya ang pinakadulo ay ang pinakamataas na bahagi ng classroom. Para bang theater or cinema type ang classroom setting. Well ventilated at well lighted din ang classroom. Sa gilid nito ay makikita ang buong pader na gawa sa salamin kaya makikita ang labas ng building. Sino kaya ang engineer at architect nitong Academy na ito. Nagmumukhang nasa ibang talaga talaga ako. Hindi ka naman makakakita ng ganito kagandang classroom sa Pilipinas kahit sa mga private at elite international universities. "A-ang ganda ng classroom natin. H-hindi ko inaasahan lahat ng ito. H-hindi talaga nagkamali sina Sister na mag-aral ako sa Academy. H-hinding-hindi ko pagsisisihan ang lahat ng naging desisyon ko. M-mahirap man para sa akin na iwan sila." rinig kong wika ni Grace habang pinagmamasdan ang gilid na pader na gawa sa makakapal na salamin. Umupo ako sa pinakataas na bahagi ng classroom at doon sa pinakadulong table kung saan nasa gilid ko ang makapal na pader ng salamin. Kitang-kita ko sa baba na dumadarami na ang papasok sa Academy. Agad kong kinuha ang aking strawberry cream flavored lollipop sa aking bulsa ako isinubo sa bibig ko. Handa na ako kung may introduce yourself kuno sa unang araw ko rito. Handa na ang mga kasinungalingan ko at handa na ang mga gawa-gawa kong kwento. Matapos ang ilang sandali ay unti-unti nang napuno ang classroom. Sa ibaba ko naman naupo si Grace na nasa gilid din ng malakapal na pader na gawa sa salamin. May mga ilan na magkakakilala na at may mangilan-ngilan na katulad ko na walang pakialam sa paligid. Mamaya na ako makikisalamuha. Susuriin ko muna ang buong paligid at oobserbahan upang makagawa ako ng accurate na plano kung sino ang magiging target ko. Lumipas ang ilang minuto ay halos napuno na ang buong classroom. Tahimik pa rin akong sumisipsip sa aking lollipop habang pinagmamasdan ang paligid sa aking tabi. Si Grace ay nakikipag-usap doon sa mga kakilala niya. Bilang na lang sa daliri ang mga natitirang bakanteng upuan. Huhulaan ko, itong mga estudyante pa-importante ay iyong nagtataglay ng malalakas na mahika. Ganun kasi 'yung plot o flow ng cliche stories na nababasa ko sa w*****d. Sila iyong kinatatakutan ng karamihan dahil sila 'yung may mga malalakas na mahika. Jusmiyo santisima trinidad! Kakabasa ko ng w*****d na-foforesee ko na tuloy ang mangyayari. Patuloy sa pag-iingay ang iba habang ako ay inoobserbahan ang labas na bahagi ng Academy. Napatingin na lamang ako sa kanila nang bigla silang tumahimik. Doon ko napansin na may pumasok na isang binata na mukhang nasa early 20's ang edad sa aming classroom. Dali siyang nagtungo sa teacher's table. Huhulaan ko, siya iyong homeroom teacher namin na magpapa-introduce yourself na animo'y gagawin kaming elementary, junior high o potential students. "Good Morning." seryoso at baritono niyang wika sa aming lahat. Napalunok naman ako dahil hindi ko inaasahan na may pagka-seryoso ay hindi seryoso talaga ang magiging homeroon teacher namin. Sana lang makasalamuha ko siya ng maayos kasi kinakabahan ako na masagot-sagot ko siya at lumabas ang aking tunay na kulay sa mundong ito. Kinakailangan ko pa naman ng mga taong tutulong sa akin upang matutunan ko in a fastest way ang aking mahika. Nagsulat sa glassboard na may white background bago humarap sa amin at muling magsalita "I'm Professor Yukito Kabayashi, your adviser for the whole semester. I'll be your History and Geography Professor. Enough with the chit-chat and introduction, pumunta na kayo sa locker room at magkakaroon tayo ng actvity ngayon." seryosong pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Tumalima ang iba kong kaklase sa sinabi niya. Maski ako ay nagulat dahil may activity na kaagad kami. Napalunok ako ng mariin, crossfingers sana hindi tungkol sa magic ang activity namin ngayon. Bukod na wala akong alam kung paano gamitin ang mahikang taglay ko kuno hindi ko rin alam kung paano ito palalabasin sa katawan ko. Jusmiyo santisima trinidad! Ano nanaman itong nahuhulaan kong mga susunod na mangyayari. "Sir! Wala po ba tayong introduction yourself chemerut?" tanong ng isa kong kaklaseng babae sa harapan. "Bakit? Highschoolers pa ba kayo at kailangan pa ng ganun? Isa pa, kilala ko na ang mga mukha niyo dahil na-review ko na ang profiles niyo kagabi. Kayo nang bahala magpakilala ng sarili niyo sa mga classmates niyo. Mas mahalaga ang activity natin ngayon kaysa dyan." seryoso at may halong sarkastikong sagot ni Professor Kabayashi sa kanya. Pakiramdam ko naman ay hiyang-hiya ang kaklase kong nagtanong sa kanya. Tumahimik kasi ang iba kong kaklase na nagrereklamo kung bakit may activity agad sa first day of meeting which is very unusual para sa akin. Hindi nakatulong sa panahon na 'to ang mga nasagap kong impormasyon sa pagbabasa ng mga cliche fantasy stories sa w*****d. "Pumunta kayo sa fifth floor at doon makikita niyo ang Training Room #5. Hihintayin ko kayo doon. Magsilayas na kayo sa harapan ko. I'll give you ten minutes to change your attire." dagdag pa niya. Bago kami lumabas ng classroom at nagsalita si Professor Kabayashi. Ngayon ko lang napansin na pang-Japanese ang pangalan niya. "By the way, don't you dare to call me Professor Kabayashi. Prof. Yuki will do." seryosong pambabanta niya sa amin. Hindi naman ako sumagot katulad ng iba kong assertive na mga kaklase. Tinatamad akong magsalita lalo na't may lollipop pa sa aking bibig. Nang makalabas kami ng classroom ay napunta na kaagad sa akin ang atensyon. Hindi dahil sa peklat ko sa kaliwang mata o dahil ako ang Presidential Grandson, mas pinagtutuunan nila ng pansin ang pagsipsip ko ng lollipop. Bakit? Bata lang ba ang pwedeng mag-crave dito? Ngayon lang ba sila nakakita ng lalaking sumisipsip ng lollipop? Nagkahiwalay na kami ng landas ni Grace na para bang nakalimutan na niyang may kasama siya kanina bago pumasok ng Academy. Sinasabi ko na nga ba, karamihan talaga sa nakikilala ko ay ganyan. Magaling lang dahil walang kasama pero kapag nakakita ng kaibigan kinakalimutan na 'yung nauna. Ilang beses ko nang naranasan 'yan kaya immune at sanay na sanay na ako. Sumunod na lang ako sa mga kaklase kong lalaki kung saan sila papunta. Sa locker room naman ang tungo ng mga ito kaya sa kanila na ako nakabuntot. Hindi pa rin ako umiimik dahil wala akong mahinuha sa kanila o maging kausap sa kanila. Puro mga chicks kong kaklase ang lumalabas sa mga bibig nila. Kung gaano raw kapintog ang mga puwet nito at kung gaano kalusog ang kanilang dibdib. Binibigyan pa nila ito ng number na 1 to 10 na para bang standards ng mga babae kong kaklase. "Ang tahimik natin ah." rinig kong saad ng isang lalaki sa aking tabi. Tumawa ako ng mahina "Hindi naman, wala kasi akong makausap eh." nakangiting sagot ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang kulay amber o para bang brown na may halong pagka-orange ang mapungay niyang mga mata. Bumukas pa ang bibig niya kaya naman tumagilid ang ulo ko sa ginawa. "Paano ka nakakapagsalita na may lamang lollipop ang bibig mo? Ang astig ha, hindi man lang nalaglag sa sahig. Oo nga pala, ako nga pala si Ki." manghang wika niya sa akin na parang ngayon lang siya nakakita ng ganung tao. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Ang kanyang brownish colored hair ay akma sa kanyang amber colored eyes. Kung titignan mas matured ang mukha niya, mas masculine. Masyadong maganda ang pagkakatabas ng kanyang panga. May kakapalan ang mga labi. Matangos at maganda ang bridge ng ilong at may kakapalan ang kilay. Mas matangkad at mas batak ang kanyang katawan kaysa sa akin. Ang tanong, kasing laki rin ba ng katawan niya ang lamang ng kanyang utak? It just, maybe I can use him to. Ngumiti ako "Ako naman si Zie. Natutuwa akong makilala ka, Ki." Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa locker room ng mga lalaki. Pitong kaming mga kalalakihan ang nasa loob ng locker room na para sa aming section. Mukhang hindi pa dumarating ang mga pa-importante kong mga kaklase kaya bilang lang kami sa daliri ngayon. Sabagay, first day pa lang naman at wala namang isyu iyon. May mga naging kaklase nga ako sa college na noong nag-isang linggo na saka lang pumasok. Hinahap ko na kaagad ang aking locker. Nag-tap lang ako doon sa metal plate kaya otomatikong nagbukas ang aking locker na may apelido ko sa harap. May nakita ako roon na ilang hanger at ang naka-hanger na red jogging pants at white shirt na may logo ng Bloodstone Academy. Mabilis kong tinanggal ang aking red checkered necktie, pati ang makapal na black coat at ang white long sleeves. Itinira ko lang ang aking white sando. Habang nagtatanggal ako ng aking black shoes nakarinig ako ng malakas na kalampag mula sa pinto kaya mabilis akong napalingon. Iniluwa nito ang isang lalaking na masama ang tingin sa buong paligid. Ito na ang inaasahan kong mga pa-importanteng kaklase. Sila iyong mga malakas mang-bully dahil sila iyong may malalakas na mahikang taglay. Napatawa ako ng mahina nang tanggalin ko ang aking tingin sa kanya at nagsimula nang tanggalin ang aking sinturon at red checkered na pantalon. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?" maangas niyang wika sa akin. Nakakagulat ang kulay ng mga mata niya. Para bang dark red na hinaluan ng itim. Ganun ang kulay ng mga mata niya. First time kong nakakita ng ganyan kasi tanging mga albino lang ang nagkakaroon ng pulang mata. "Anong karapatan mong tawanan ang Haring nasa harapan mo?" dagdag niya pa. Pakiramdam ko ay umuusok ang kanyang ilong sa aking ginawa. Hindi ko naman sinadya ang tawanan siya. Bigla ko kasing naalala 'yung mga scenes ng mga cliche fantasy stories na nababasa ko sa w*****d. At ito na nga iyon, nararanasan ko. Huhulaan ko na kapag inasar ko pa ang lalaking ito, sasabihin niyang gagawin niyang impyerno ang buhay ko sa Academy na ito. Ang dami ko nang nabasang ganung litanya. Saka ang self-proclaimed naman nito na tawagin siyang Hari. Ang kapal ng mukha eh kung sabihin ko kaya sa kanya na ako ang Presidential Grandson? "Talagang pinapainit mo ang ulo ko? Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang Anak ng kasalukuyang Presidente ng Bloodstone Academy! Ako lang naman ang nag-iisang Hari ng Academy na ito. Ako si Zephyrus Douchet Pollux at itatak mo 'yan sa kokote mo." inis na wika niya at idinikit ang dulo ng kanyang daliri sa sintido ko na para bang kailangan kong ipasok sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ako naman si Zie, ang Apo ng kasalukuyang Presidente ng bansang kinabibilangan niya. Hindi ko gagawin iyon kasi mas gusto ko siyang makitang maasar. Lalo na ngayon, para siyang toro na isang salita lang ay susuwag na. Hindi ko talaga maiwasan na tawanan siya. Ano kayang past experiences nito kaya siya nagkakaganyan? Sa pagkakaalala ko ang bully raw ngayon ay binubully rin noon. Does it make sense? "Bakit hindi ka sumasagot?!" gigil niyang wika sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at naghubad ng pantalon sa harapan niya. Leaving my boxer briefs on na nagpalaki ng mga mata niya. Wala pang ilang segundo ng layuan niya ako. I heard him cursed. Natutuwa ako, may gusto akong asar-asarin sa Academy na ito. - To be continued #BloodstoneAcademy #TheMindInvader Please follow me on Twitter: @chakeXCX Please like me on f*******:: Bluewee Stories Please check out my other stories here in w*****d: @bluewee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD