Rylee’s POV Katok sa pinto ang gumising sa akin kinabukasan. Pupungas-pungas kong tinungo ang pinto. “Bakit po Tita Magda? Anong oras na po ba?” Tanong ko habang nagpupunas ng mata. “Mag-impake ka na nakausap ko na ang Tiyo mo. Uuwi tayo ngayon sa probinsya nila.” Wika niya sa akin na ikinagulat ko. “Ngayon na po?” Di sigurado kong tanong sa kanya. Hindi ko naman kasi narinig na nag-usap sila tungkol sa pag-alis namin. “Oo kaya magmadali ka na.” Kahit hinihila pa ako ng antok ay kaagad akong nag-impake ng damit. Hindi naman ganun kadami ang damit ko at iniwan ko naman ang mga damit na binili sa akin ni Inigo. Hindi ko na nagawang maligo. Nagbihis lang ako ng damit pang-alis gaya ng sabi ni Tita. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ngayon pa lang na nag-iimpake ako ay parang

