Inigo’s POV Ilang beses na akong labas masok sa maliit na gate na dating tinutuluyan ni Rylee. Kung hindi ako nagpunta dito hindi ko malalaman na umalis na pala sila. Wala akong idea kung nasaan sila. Hindi ko inasahan ang ganito. Bakit bigla na lamang silang umalis sa lugar na ito? Bakit hindi man lang sinabi ng Tiyahin niya na aalis pala sila? Ilang beses akong nagbilin na pag nagkaroon ng problema ay kaagad akong tawagan pero imbes na sabihan ako sa plano nila ay bigla na lamang silang umalis nang hindi man lang pinapaalam sa akin. “Sigurado ho ba kayong hindi niyo alam kung saan sila nagpunta?” Pangungulit ko sa may-ari ng tinutuluyan nilang bahay. Umalis daw ito kahapon ng madaling araw. Ang sabi daw sa kanya ni Tita Magda ay lilipat na sila ng bahay. “Wala naman sinabi Hijo. Per

