Chapter 2

2300 Words
Ryle's POV Naramdaman ko ang pagtaas ng tensyon sa paligid kasabay ng mga sari-saring ingay na hindi ko alam kung saan nangagaling. Bumitaw ang lalaking humila sa kamay ko at ang tangi ko na lamang nagawa ay takpan ang tenga ko habang takot na takot ako kung ano ang mga nangyayari dahil alam kong nagkakagulo na sa paligid. Pagkabasag ng mga bote, paghampas ng mga upuan at ang mga paghiyaw ng mga boses ang naririnig ko. “Tito! Tito!” Umiiyak na tawag ko sa kanya. Umaasang maawa siya sa akin at ilalayo niya ako sa lugar na ito. Pero kahit anong iyak ko at sigaw ko wala si Tito. Iniwan na ba niya ako sa delikadong lugar na ito? Nanginginig na ang aking katawan sa sobrang takot. Hangang sa may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Kasabay ng pagbagsak ko ang naramdaman kong braso na humapit sa beywang ko hangang sa tuluyan na akong nawalan ng malay dahil sa sobrang takot. “Happy birthday!” Bati ni Mommy sa akin habang dala-dala niya ang chocolate cake. Kakagising ko lang at mamayang gabi ang 18th birthday party ko na gaganapin sa restaurant. “Thank you po Mommy.” Tumayo ako at niyakap ko siya. “Ikaw po ba ang nag-baked nito? Amoy pa lamang masarap na eh!” Masiglang wika ko sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko. “Syempre naman. Ginawa ko talaga ito for you. Dalaga ka na anak. You know what? I’m very proud of you. Kaya nararapat lang na bigyan ka namin ng memorable birthday ng Dad mo dahil lumaki kang mabait, maganda at matalino.” Nangingilid ang luha ni Mommy iniyakap ko ang aking kamay sa kanyang beywang. “Thank you Mommy, sa inyong dalawa ni Daddy. Kung hindi dahil sa pagpoporsige niyong mapalaki ako sa maayos na paraan. Hindi rin ako magiging mabuting anak sa inyo. Syempre gusto kong maging kagaya mo Mommy. Maganda, mapagmahal at matalino. Bukod doon inaalagaan mo pa kami ni Daddy kahit pagod ka sa trabaho mo. At gusto ko din po maging goal getter gaya ni Daddy.” Malambing na wika ko sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. “I love you Mommy. Thank you for everything.” Sambit ko. “I love you Baby ko.” Sagot niya sa akin.  Buong pagmamalaki akong sinayaw ni Daddy, suot ko ang kulay pulang ball gown na may maraming kumikinang na beads. Sa gitna ng aming mga bisita. Hawak ko pa ang 18th roses ko. “Daddy, naiiyak ka ba? Bakit namumula ang mga mata mo?” Natatawang tanong ko sa kanya. Nahahawa na rin tuloy ako sa kanya. “Nothing baby, hindi lang ako makapaniwalang dalaga na ang baby namin at ilang taon na lang mag-aasawa na din.” Pumalatak ako ng tawa. “Daddy naman! Asawa agad? Wala pa nga akong boyfriend. Saka hindi ko pa nakikita ang lalaking magmamahal sa akin.” Litanya ko. Marami din naman akong manliligaw pero isang tingin ko lang alam kong hindi sila ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. “Ipagdadasal ko na makakilala ka ng lalaking magmamahal sa’yo. Kagaya ng pagmamahal ko sa Mommy mo.” Tuluyan ng napaluha si Daddy kaya nahawa na din ako ng tuluyan sa kanya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “I love you Daddy.” “I love you too Baby.”  Nagkakantahan pa kami sa loob ng kotse nang biglang sumalubong sa amin ang malaking truck. Sinubukang ikabig ni Daddy ang manibela ngunit hindi na kami makakaiwas pa. Nakakasilaw na liwanag ang tumambad sa amin kasabay ng pagharang ng katawan ni Mommy at pagyakap ng mahigpit sa akin.  Bumagal ang lahat. Kitang-kita ko ang pagbitaw ni Mommy sa akin at naramdaman ko ang paghampas ng katawan ko sa likurang bahagi ng sasakyan. Tumagos ako sa likurang salamin at napunta ang bubog sa mga mata ko. Bago ako tumilapon ay narinig ko pa ang pagpreno ng maraming sasakyan hangang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.    “Mommy! Daddy!” Umiiyak na sigaw ko. Kaagad akong bumangon dahil naramdaman ko ang malambot na kama kung saan ako nakahiga. Malamig din na hangin ang tumutulay sa aking balat. Lalo akong kinilabutan. Nasaan ako? Imposibleng nakauwi na ako dahil alam na alam ko ang amoy ng kwarto ko. Imposible ding nasa hospital ako dahil wala naman akong naramdaman na nakakabit sa akin.  Pinakiramdaman ko ang paligid. Sobrang nakakabingi ang katahimikan sa lugar kong nasaan ako. Hangang sa may marinig akong nagbukas ng pinto. At kasunod noon ang mabibigat na yabag ng paa papalapit sa akin. Nag-umpisa naman akong kilabutan dahil alam kong may taong nakatingin sa akin. Si Mr. Ramos kaya siya? Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Kasabay ang paghila niya ng kumot sa aking katawan. “Kung sino kaman please i-uwi mo na ako. Maawa ka sa akin.” Umiiyak na sabi ko sa kanya. Sobrang bigat ng dibdib ko nagising ako sa masamang panaginip tapos nandito ako sa lugar na hindi ko alam kung saan. Pero sigurado akong nasa panganib ako. Kaya umaasa pa rin akong may natitirang awa sa kanya at papakawalan niya ako. “Hindi kita pwedeng i-uwi.” Nanginig ang katawan ko hindi dahil sa lamig kundi dahil sa boses ng lalaking nagsalita. Alam kong malapit lang siya sa akin dahil naamoy ko siya at naramdaman ko din ang paglundo ng kama. “Please Ma-nong, maawa kayo. Ba-bae din ang ina niyo at baka babae din ang anak niyo. Kung may balak kayong masama sa akin. Wag niyo na po-ng ituloy.” Humihikbing sabi ko sa kanya. Niyakap ko ang aking sarili at sinubukan kong sumiksik sa dulo ng kama. Nang makarinig ako ng malakas na tawa niya. “Tama ka babae ang nanay ko pero nasa abroad siya. Pero mali ka dahil wala pa akong anak. At isa pa hindi ata maganda sa pandinig ko kung tatawagin mo akong Manong.” Natatawang wika niya. Ibig sabihin binata siya? Sa boses kasi niya kasi parang matanda na siya. Malaki kasi ang boses niya at kulob ang kwarto kaya lalong naging manly ang boses niya. “Pasensiya na po Kuya, please iuwi niyo na po ako baka hinahanap na po ako ni Tita at Tito.” Wika ko sa pagitan ng paghikbi ko kahit sabihin pa niyang binata siya mas lalo akong natatakot sa kanya. “Sorry Binibini, pero hindi kita i-uuwi sa inyo. Wag kang mag-alala wala akong gagawin sa’yo. Kaya ko hinila ang kumot para yayain kang kumain dahil umaga na.” “Kung wala kang gagawin sa akin. Bakit mo ako dinala dito? Saka bakit parang ang bait mo sa akin? Gusto mo pa akong pakainin? Hindi ako naniniwala sayo. Alam ko may balak kang masa—” “Marunong kabang maglaba?” Putol niya sa sinasabi ko. Kumunot ang noo ko at natigil ang pag-iyak ko. Tama ba yung narinig ko? Naramdaman ko ang mahinahon niyang pagsasalita. “Bakit mo tinatanong?” Maang na tanong ko. “Tinapunan mo kasi ng wine ang mamahalin kong business suit. Binanga mo ako kagabi remember?” Inigo’s POV Tinawagan ako ni Xandro, upang pumunta ako sa resto bar. Nanduon na naman daw kasi si Rafael at baka mangulo na naman daw kailangan niya ng katulong upang sapakin si Rafael. Kung hindi ba naman kasi sira-ulo ay basta na lamang niya pina-alis si Angela. Ngayon halos mabaliw na siya sa kakahanap dito. Kahit kami wala kaming magawa kndi antayin ang resulta ng pagpapahanap namin. Kung hindi niya lang mahal si Angela baka sinulot ko na siya mula sa kanya. Bibihira kang makakita ng babaeng kagaya niya. Hindi nga siya mayaman pero alam kong mabuti siyang babae na pang wife material. Bukod sa napakaganda na ay napakaganda din ng katawan. Kung hindi lang sinisi ni Rafael ang sarili niya sa pagkamatay ni Lalaine. Baka masaya na sila ni Angela. Hindi ko na nagawang magbihis pa ng suit dahil minamadali na ako ni Xandro. Kaya kaagad kong tinungo ang bar niya. Bukod sa ilang resto bar na pagmamay-ari ni Xandro ay inaasikaso din niya ang beach resorts sa Quezon province. Nabangit din niya sa akin na may nakilala siyang magandang babae doon at ipapakilala daw niya sa amin sa tamang panahon. Mukhang in love na in love talaga siya sa babaeng yun. Si Fernan naman ay hindi parin nagpapakita sa amin. Matapos mamatay ni Lalaine ay kung saan-saan na ito nakakarating as in, no permanent address kaya hirap ma-trace. Balak pa atang libutin ang buong mundo. Masyado ata siyang nasaktan nang mamatay si Lalaine. Paano ba naman kasi childhood sweetheart niya ito pero kay Rafael naman nagkagusto. Sala-salabat man ang mga babae sa buhay namin may isa kaming rules. Friendship first bago ladies! Hindi namin tinatalo ang mga babaeng nagugustuhan ng isa’t-isa. We value our friendship kaya kung ano sa tingin namin ay makakasira sa amin ay hindi namin ito hahayaang mangyari.  Ilang minuto lang ang nilakbay ko ay narating ko na ang ‘Excapade’ ang bar na pagmamay-ari niya. Maraming tao ngayon dahil weekends. Hindi tuloy maiwasan na may makasalubong kang tao or hindi naman ay lasing. Pagkarating ko sa loob ay inaantay na nila ako sa VIP lounge. Medyo malayo ito sa dance floor. At ang mga katapat namin ay VIP’s din. “Inigo mabuti naman ay dumating ka.” Wika ni Xandro. Nilingon namin si Rafael. Ilang bote na agad ang naubos nito. “Kanina pa ba siya diyan?” Tanong ko sa kanya. “Oo, pinigilan ko na ngang umorder at lasing na sira-ulo talaga! Ang sabi sa akin babayaran na lang daw niya ang buong resto bar.” Nakangising wika ni Xandro. Umupo na kami sa tabi ni Rafael. “Hoy! Umuwi na tayo Rafael.” Wika ko sa kanya sabay tapik sa kanyang braso. “Ayo-ko! Hanga’t hi-ndi umu-uwi si Angela! Dito lang ako!” Sigaw niya sa akin na halatang lasing na lasing na. Sumandal siya sa upuan at nakita ko ang luha sa sulok ng mga mata niya. “Wag kang mag-drama dito!” Pigil ko na kanya. “Na-mo!” Natatawang sigaw niya sa akin. “Namo ka din! Kung ako kay Angela hindi na talaga kita babalikan ay tignan mo nga itsura mo? Nakakadire na! Hindi ka na mukhang gwapo at mabango!” Simula nang umalis si Angela nakalimutan na rin niya atang mag-ahit. Palagi pa siyang lasing! “f**k! Kapag nakita ko siya ulit hindi na siya makaka-alis pa sa tabi ko!” Galit na sigaw niya. Umiling na lamang ako sa kanya. Wasted! “Wala pa bang balita ang imbestigador?” Tanong ni Xandro. Dudukutin ko na sana ang phone ko pero nakalimutan ko. Naiwan ko pala sa kotse! Tumayo ako at nagpaalam muna sa kanila para kunin ang phone ko. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang mabanga ako ng isang babae. Automatikong nagtama ang tingin naming dalawa. Parang tumigil ang lahat nang makita ko ang magandang kulay emerald na mga mata. May double eyelid din siya. Tama lang ang kapal ng kilay at hugis pusong labi. “Sorry po.” Mahinang sambit niya. Hindi ko naniniwala sa love at first sight pero nang makita ko siya at marinig ko ang boses niya. Narinig ko ang malakas na t***k ng aking puso. Kalma Inigo! Marami ka ng nakilalang babae! Kalma! “Miss hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” Tanong ko sa kanya. Inilayo ko ang katawan ko sa kanya at saka ko pa lamang napagmasdan ang kabuohan niya. Damn! That f*****g curved! Everything is in the right places and in the right sizes! Parang gustong tumulo ng laway ko. Ngunit kaagad siyang hinila ng isang lalaki. Bumalik ako sa wesyo at nagpatuloy sa paglakad patungo sa kotse. Naiwan sa utak ko ang mukha ng babaeng yun. Pabalik ko ay hinahanap na siya ng mga mata ko. Hindi ko alam pero kanina pa naghuhumerentado ‘tong puso ko. Hindi ko siya mahanap kaya tumuloy na ako sa upuan. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang nasa kabilang table na siya. Magkatapat lang kami. May katabi siyang mayaman na matanda at may bodyguard din. Hindi kaya babaeng bayaran siya at bugaw niya ang lalaking humila sa kanya kanina? Nagtama ulit ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya. Nakatitig lang siya sa ‘kin pero wala akong nakikitang emosyon sa mata niya kundi takot. “Boss, ipinaalam ko lang siya sa asawa ko pero kailangan ko din siyang i-uwi mamaya.” Narinig kong sabi ng lalaking humila sa kanya kanina.  “Fermin, Fermin kilala mo naman ako diba? Alam mo ang gusto at ayaw ko. Ayokong masira ang buong gabi ko. Kaya ako ang magde-desisyon kung ano ang gusto kong gawin sa magandang babaeng nasa tabi ko.” Nakangising sabi ng lalaki. Sa tingin ko ay hindi lang siya basta-basta mayaman dahil sa mga goons sa kasama niya. Umigting ang panga ko nang makita ko ang paghimas ng lalaki sa hita niya. Naiiyak na rin ang babae. “Tito!” Tawag ng babae at pilit na inaalis ang kamay ng matandang lalaki sa hita niya. Napamura ako, maraming mga babae na rin ang nakadate ko pero dinederecho ko sila bago ako pumayag na i-date sila. Wala akong pinilit at ginusto nilang makasama ako kahit alam nilang hindi ako nakikipag-relasyon. Sinisiguro ko din na hindi basta-bastang dampot na lamang sa tabi ang babaeng kinakama ko. Pero iba ang babaeng ito sa harapan ko. Ayaw niya sa ginagawa sa kanya. At base na rin sa narinig kong pag-uusap nila ay pinilit lang siyang pumunta dito. “Tang*na!” Bulalas ko nang makita ko siyang nangangapa. Hindi maari ito?! Bulag siya?! Kaagad akong tumingin kay Xandro. “Xandro, help me take that woman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD