Chapter 3

2431 Words
Inigo’s POV Kaagad na kumilos si Xandro, dahil alam niyang seryoso ako sa sinabi ko. Nakipag-usap siya ng maayos sa matandang lalaki ngunit. Nginisihan lang niya ito kaya napatayo na ako sa upuan ko. Kararating lang ni Bernard kaya siya muna ang pinagbantay ko kay Rafael.  “Akala ko ako lamang ang mahilig sa hidden beauty. Marunong din palang tumingin ang kaibigan mo. Pero pasensiya na, balak ko kasi siyang ikulong sa aking palasyo.” Wika ng matandang lalaki sa kanya na wari’y ko ay kakilala din niya.   Ngunit nakita ko ang marahas na pag-akbay niya sa umiiyak na babae. Kaya umakyat ang lahat ng dugo ko. Mabilis ko siyang hinila upang itayo sa isang tabi dahil kaagad na sumugod ang mga tauhan niya sa amin. Pati na rin ang tiyuhin na kanina ay tinatawag niya ay nakipag-suntukan din sa amin. Akala ko ay dalawang tauhan lang niya ang makakalaban namin ngunit may naglapitan pa mula sa labas. Kaya nahirapan kaming patumbahin isa-isa ang kalaban. “Need back-up?” Sigaw ni Bernard. Habang nakangising naka-upo sa upuan ni hindi man lang natatakot na baka sugudin din siya. Nakita ko ang panginginig at takot ng babae. Kaya napamura ako ng wala sa oras. Hangang sa nagpaputok na ng baril si Xandro. Bawal ang fire arm sa Bar dahil sa labas pa lamang ay kinakapkapan na ng mahigpit ang mga ito bago makapasok sa loob. Bagsak na din si Mr. Ramos. Dahil sa gulpi na natamo niya mula sa matigas kong kamao. “Ngunit nanlaki ang mata ko nang tuluyan ng nawalan ng malay ang babae, mabuti na lamang at mabilis ko siyang nasalo. “Dalhin niyo na ang boss niyo at wag na kayong babalik dito!” Sigaw ni Xandro. Bibihira ko siyang makita nang ganun kagalit habang tinutukan ang ibang tauhan ni Mr. Ramos na magtatangkang lumapit pa sa amin. Kaagad na nagpulasan ang mga tauhan niya at dinala siya palabas. Humigpit naman ang security sa loob. Maraming tauhan din si Xandro pero hindi niya ito hinahayaang maki-alam kaagad depende kung sa alanganin at talagang mas marami ang kalaban. Wala naman kaming galos o kahit ano mang tama sa katawan. Parte na ng buhay naming mayayaman na pwede kaming malagay sa alanganin kaya kailangan ay marunong kaming protektahan ang aming sarili. “Kayo na ang bahala kay Rafael. I-uuwi ko muna siya sa condo ko.” Seryosong wika ko sa kanila. Ngunit ang mga tarantado binigyan lang ako ng makahulugang ngisi! “f**k you guys!” Sambit ko bago ko sila tinalikuran narinig ko pa ang malutong nilang tawa. Hindi ko alam kung paano aayusin ngayon ni Xandro ang nangyari sa bar. Pero kaya na niya yun! Buhat-buhat ko lang ang babae papunta sa aking kotse. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito na karga ko siya at ramdam ko ang mainit at malambot niyang katawan sa aking braso. Basta ang alam ko lang I want to keep her safe from that old man. At saka sa tinatawag niyang tiyuhin. Inihiga ko siya sa harapan at nilagyan ko ng seat belt. Damn that scent! Amoy baby powder siya at parang ang sarap niyang amuyin. Bukod dun hindi makapal ang make-up niya. Hindi kagaya ng mga nakilala kong babae na sobrang kapal ng foundation at lipstick kaya ang iba sa kanila ay hindi pumapayag kapag sa shower namin ginawa yun baka siguro mabura ang drawing nilang kilay o ang imperfection nilang mukha. Pero ang babaeng ito, iba siya dahil sa unang tingin ko pa lamang sa kanya kanina. Hindi na mawala ang maamo at inosente niyang mukha sa aking isip. Nababaliw na nga siguro ako! Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aking condo. Mas gusto ko kasing mabuhay ng mag-isa kaysa may ibang tao na gumagala sa bahay ko. Gusto kong gawin ang lahat ng gusto ko pero hindi ko dinadala ang mga babae dito sa condo ko kundi sa hotel. Kaya hindi ko rin alam kung bakit itong babaeng ito ay dito ko dinala kaysa dumeretcho sa Ramirez Empire Hotel. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama ko. Dalawa ang kwarto dito at ang ibang mga kwarto ay puno ng mamahaling damit sapatos at iba ko pang mga gamit ay malaki din akong office at doon ako nagtratrabaho kapag hindi ako pumapasok sa opisina. Minimal lang ang mga gamit ko sa loob at purong salamin ang dingding ng condo unit ko. Ang building na ito ay pagmamay-ari din namin okupado ko ang isang buong floor. Kaya kami lang ang naririto. Kompleto ako sa gamit at mas gusto ko rin na ako ang nagluluto ng pagkain ko in a heathier way. Nang maibaba ko na siya sa kama ay mas lalo ko pa siyang pinagmasdan. Natutulog siya na parang anghel. Curios tuloy ako kung ano ang ginagawa niya duon sa bar. Kung hindi ba namin siya kinuha doon siguradong sa kama ng matandang yun ang bagsak ng babaeng ito. Maisip ko palang ang ginagawang paghimas at pagakbay ng matandang yun sa kanya nangangalit na ang bagang ko! Hindi ko maiwasan ang matawa nang sabihin niya ang mga salitang yun. Kita ko rin ang takot sa mga mata niya. At hindi ako papayag na umuwi siya hangat hindi ko alam kung safe pa siyang makakauwi at yung pamilya niya. Kaya gumawa ako ng dahilan. “Tinapunan mo kasi ng wine ang mamahalin kong business suit. Binanga mo ako kagabi remember?” Paalala ko sa kanya. Pero kasinungalingan lamang yun. “Kuya, pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Alam mo naman siguro na bulag ako dahil kung hindi kanina pa ako umalis dito at nagtatakbo palabas hindi ba?” Sabi niya sa akin. “Kumain muna tayo, mamaya pagkatapos ay saka tayo mag-uusap.” Wika ko kanya. Nagulat siya nang hawakan ko ang kamay niya. Siguro hindi niya pa rin kayang magtiwala sa akin “By the way, ako nga pala si Inigo.” Pakilala ko sa kanya. “R-ryle” Sambit niya. Napangiti ako dahil hindi na niya binawi ang kamay niya sa akin at hinayaan niya akong gabayan siya palabas ng kwarto. Dinala ko siya sa hapag dahil nakapagluto na ako ng pagkain. Maaga kasi akong nagising dahil hindi ako gaanong nakatulog. Paano ba naman ako makakatulog kong ang katabi kong babae ay halos hubad na nakahiga sa kama ko? Mabuti na nga lang nakapagpigil pa ako kung hindi baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya.    Rylee’s POV “Bakit mo ako niligtas? Bakit ako nandito?” Tanong ko sa kanya nang makaupo na ako sa malambot na upuan. Sabi niya ay kakain daw kami kaya siguradong nasa kusina kami. Binitawan niya ang kamay ko kaya dahan-dahan ang naging pagkapa ko sa harapan. Nagulat pa ako nang masagi ko ang plato at lumikha yun ng ingay. Sa palagay ko ay salamin ang mesa nila at babasagin naman ang plato nila. “I can answer your question’s later, but now eat first. Siguradong gutom ka na.” Malambing na wika niya. Bigla ko tuloy naalala ang pagtawag niyang binibini kanina. Malambing din yun at masarap pakingan kaya lang hindi ko naman alam kung sino siya kaya paano ako mapapanatag? Paano kung kamag-anak pala siya ni Mr. Ramos? Or di kaya tauhan niya ito? Hindi ko nga alam kong nasaan ako eh. “Kaya mo bang kumain mag-isa?” Tanong niya sa akin. “Oo bulag lang ako pero hindi naman ako baldado.” Sambit ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Kung nasa bahay ako nila tita kayang-kaya ko dahil gamay ko na ang bawat sulok ng bahay pero dito hindi ko alam. Mamaya kaunting hakbang kulang mahulog, mauntog na ako sa kung saan. Kinapa ko ang kutsara sa tabi ng plato. At nakapa ko naman yun problema ko na lang yung ulam at kanin. “Ako na.” Wika niya. Kahit hindi ko siya nakikita pakiramdam ko naiinis na siya sa akin. Kaya hinayaan ko na lang siya. Baka magalit pa siya ng tuluyan kung ano pa ang magawa sa akin. “Marami ka ba kumain?” Tanong niya. Umiling ako. “Okay, yan naglagay ako ng dalawang sandok sa pingan mo. Saka ulam sausage, bacon eggs at saka ham. Nasa kanan mo naman ay juice.” “Ang dami naman,” Reklamo ko sa kanya. “Okay lang yan para mabusog ka.” Mahinahon na sabi niya. Hindi ko alam kung paano ko naitawid ang sandaling kumakain. Naiilang ako, puro tunog lang ng plato ang naririnig ko. Tapos kung saan-saan pa dumadako ang tinidor at kutsara ko. “Ubos ko na ba?” Nahihiyang tanong ko sa kanya. “Ahmm oo, gusto mo pa ba?” Sunod-sunod ang pag-iling ko busog na kasi talaga ako kaya ko lang tinanong dahil ayokong mag-iwan ng pagkain sa kanina. Palagi ko kasing naririnig kay Daddy yun noon. Kaya nakasanayan ko na rin. “Ako na magliligpit!” Wika ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng juice. Narinig ko siyang natawa. “Bakit? Akala mo ba dahil bulag ako hindi ko kayang maghugas ng pingan?” Naiinis na tanong ko sa kanya. Ayaw kong maging pabigat kahit kanino kaya kung ano ang kaya kong gawin talagang ginagawa ko. “Wag na, kaya ko na ito.” Bitbit ko na ang plato ko at nakatayo na ako pero naramdaman ko na lamang ang kamay niya sa kamay ko. Kaya kaagad kong binitawan ang plato. “Pasensiya na Binibini, ang kulit mo kasi.” “Hindi Binibini ang pangalan ko, Rylee.” Pagtatama ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtigil ng kilos niya dahil wala na akong naririnig na ingay mula sa kanya. “Okay Rylee, sinabi ko na sa’yo na wala akong balak na masama sa’yo. At mag-uusap tayo tungkol sa nangyari kagabi kaya wala kang dapat ikatakot sa akin okay?” Paliwanag niya. Duda pa rin ako pero dahil sa mahinahon niyang pagsasalita sa akin ay parang nakukuha ko ng hindi talaga siya masamang tao. Naramdaman kong muli ang kamay niya sa braso ko. “Let’s go sa sala, doon tayo mag-usap.” Tumango ako sa sinabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita sa paraan ng paghawak niya sa akin ay parang malapit lang siya sa akin. Ramdam ko din ang hininga niya malapit sa noo ko. Siguro sobrang tangkad niyang lalaki. At mabango din, parang gusto ko tuloy mahiya dahil kagabi pa itong suot ko. “Now tell me, paano ka napunta sa bar na yun?” Tanong niya nahihimigan ko na gusto talaga niyang malaman ang nangyari. Ramdam ko kasi na seryoso ang boses niya. “Dinala ako ni Tito doon, gusto daw akong makausap ng boss niya. Malaki kasi ang atraso ni Tito sa kanya kaya natakot ako at pumayag.” Nangingilid ang luha ko na sabihin sa kanya. “You mean wala kang idea na sa ganoong lugar ka dadalhin?” Sunod-sunod akong umiling. Narinig kong may binulong siya pero hindi ko narinig. “Akala ko kakausapin lang niya ako eh. Pero nang malaman kong sa ganun lugar pala ako dinala ni Tito. Hindi na ako nakaatras pa” “Where’s your family? Bakit ka sa tiyuhin mo nakatira?” Sunod na tanong niya. “Wala na sila, naaksidente kami limang taon na ang nakakaraan yun din ang dahilan kung bakit ako nabulag.” “What? So you mean hindi ka talaga in-born na bulag?” Mapait akong ngumiti pagkatapos ay umiling. Naalala ko na naman ang mga nangyari noon. Ang mga mata kong punong-puno ng pangarap. Ngayon wala na akong emosyon. Nakatingin sa kawalan at madilim ang natatanaw. “Anong sabi ng doctor sa’yo? Sa tingin mo pwede ka pang makakita?” Tanong niya ulit. “Bakit gusto mong malaman? Kung meron man chance na makakita ako hindi na rin yun mahalaga. Wala akong kakayanan na bayaran ang operasyon ko. At hindi ko din kaya na magtrabaho o mag-ipon para operasyon.” Nakayukong sabi ko sa kanya. Hindi ko alam, nahahabag ako sa aking sarili. Masyado pa akong bata para mawalan ng pag-asa sa buhay.     “Pwede kitang tulungan.” Nag-angat ako ng tingin hindi ko alam kung nasa tabi ko ba siya o nasa harapan. Kaya derecho lang ang tingin ko. “Anong klaseng tulong? Wala akong maibibigay na kapalit sa’yo. Wala kaming pera.” Sagot ko sa kanya. Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang sinabi niya. “I-uwi niyo na lang po ako Sir, baka nag-alala na sila Tita sa akin.” Saad ko. “No, hindi kita i-uuwi kilala ko si Mr. Ramos. Sinabi na sa akin ng kaibigan ko na delikado siyang kalaban. Kaya maaring hindi ka pa rin niya tatantanan. Sinuwerte lang siya kagabi at bugbog lang ang inabot niya sa amin.” Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. “Binugbog niyo siya? Eh si Tito? Nasan siya?” Tanong ko. Kahit naman ganun ang ginawa ni Tito sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala dahil sila na lang ang natitira kong pamilya. “Sumama siya sa amo mo. At hinayaan ka na niya. Ako ang nag-uwi sa’yo dito dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa ng matandang yun sa’yo.” Paliwanag niya sa akin. Naguguluhan pa rin ako sa sinabi niya. At kung anong balak niya sa akin. Pero sa isang banda ay nagpapasalamat pa rin ako dahil siya pala ang tumulong sa akin. “Gaya ng sinabi ko tutulungan kita, pero sa isang kundisyon.” Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin niya. Pero gusto ko pa rin malaman kung totoo ang sinasabi niya. “Dito ka lang sa bahay ko. Sabi mo marunong ka sa gawaing bahay diba? Kabisaduhin mo ang lahat ng detalye sa bahay ko. Hindi ako kumukuha ng kasambahay dahil dati na akong ninakawan ng mahahalagang gamit. Kaya wala na akong tiwala sa ibang tao. Pero ikaw, kaya kitang pagkatiwalaan. Bilang kapalit, tutulungan kitang ipagamot ang mga mata mo. At kung ang problema mo naman ang tiyuhin at tiyuhin mo. Ibabalik kita sa kanila kapag nakakakita kana.” Mahabang paliwanag niya. Matagal bago nag-proseso sa utak ko ang mga sinabi niya. “Are you okay with my condition?” Tanong niya na nagpabalik sa wesyo ko. “Gagawin mo akong katulong? Magtitiwala ka sa akin?” Nagtatakang tanong ko. “Yup! Kapalit ng mga mata mo. Manatili ka sa bahay ko.” Malalim akong nag-isip. Pero kung totoo man na tutulungan niya akong makakitang muli bakit hindi? Wala na rin naman akong pagpipilian diba? Kaysa naman sa ibigay na naman ako kay Mr. Ramos. “O-okay Sir, payag na po ako.” “Good!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD