Chapter 4

2386 Words
Inigo’s POV “Sir aalis po kayo?” Tanong ni Jessa. Secretary ko siya at nandito ako sa Ramirez Empire tower. Kailangan ko pa ring magtrabaho para sa kompanya ni Dad. Mabuti na lamang at si Dad ang umaasikaso sa branch ng hotel namin sa ibang bansa. Habang ako naman ay dito sa pilipinas. “Yes, cancel all my appointments and meetings for today. I need to go home.” Sagot ko sa kanya. Bago ko siya talikuran. Hindi ko rin alam. Ilang oras pa lamang ako dito parang gusto ko ng umuwi at makita siya. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kanina ay inutusan ko si Jessa. Para ibili ako ng damit para kay Rylee. Wala kasi siyang dalang damit. Magkasing katawan lang sila ni Jessa kaya sabi ko yung sukat sa kanya ang bilhin niya. Nagpabili din ako ng underwear. Nagtataka nga siya pero hindi naman siya nangahas na magtanong pa. Kakaibang saya ang aking naramdaman nang pumayag siyang manatili dito sa bahay. Ngayon lang ako nagkaganito sa babae. Habang tumatagal na nakikita ko siya at nahahawakan dahil inaalalayan ko siya para makabisa ang bawat lugar sa condo unit ko bago ako umalis kanina. Hindi ko maiwasan na mas magustuhan ang presensiya niya. Matindi siguro ang pinagdaanan niya nang mawala ang paningin niya kasabay ng pagkamatay ng mga magulang niya. Pagkatapos ay ibinenta pa siya ng tiyuhin niya sa matandang yun. Gagawa ako ng paraan para makakita siyang muli, kung kailangan dalhin ko siya sa abroad gagawin ko. Pero sa ngayon mas gusto ko pa siyang makilala. Hindi naman mahirap ang gagawin niya. Dahil minimal lang ang gamit ko sa bahay. At kahit nagpresenta siyang magluto para mamayang gabi ay hindi ako pumayag. Mahirap na baka masunog pa ang condo ko o di kaya ay mapahamak siya. Hindi niya rin alam na uuwi ako ngayong tanghali. Dumaan muna ako restaurant upang kunin ang inorder kong pagkain online sigurado akong gutom na siya. Ilang minuto lang ay nasa building na ako at patungo na sa pinto nang tumunog ang phone ko. “Hello?” “Babe! Nasan ka? Umuwi ka na daw? Nakalimutan mo bang usapan natin?” Shit! “Trish, I’m sorry. I have important things to do. I call you when I’m not busy okay?” Wika ko sa kanya sabay patay ng phone. Isa siya sa anak ng investor namin. Sa lahat ng babaeng na-ikama ko ay siya ang pinakamakulit sa lahat. Palagi siyang nasa opisina ko kaya gusto ko na rin siyang lubayan. Yes she’s hot in bed. Pero init lang katawan ang napapawi niya sa akin. After that balik na kami ulit sa pagiging magkaibigan. Maganda naman siya at sexy, kaya lang hindi ko nakikita ang sarili ko na karelasyon niya kaya until now wala pa rin kaming label at wala na rin akong dahilan upang makipagkita pa sa kanya. Pagdating ko sa pinto ay kaagad kong tinipa ang password ng aking pinto. Hinanap ng mata ko si Rylee. Hindi ko kasi siya nakita sa sala kaya baka nasa kwarto siya nagpapahinga. Ngunit para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita ko siya sa kwarto. Nakabukas kasi ang pinto ng kwarto. Damn! Basang-basa ang buhok niya habang nakatagilid at nagsusuot ng malaking t-shirt ko na kulay gray na kinuha niya sa siguro sa kabinet.  Hindi ko maiwasan ang mapalunok dahil bigla akong nakaramdam ng init kahit malamig naman sa buong condo. Ngunit mas lalo akong sinilaban nang makita ang dalawa niyang tayong-tayong dibdib pababa sa kanyang flat na tiyan pababa sa kanyang tiyan. Hangang mapadako ang tingin ko sa natatabunan ng legs niya. Dahil nakatagilid siya sa akin. Hangang maibaba niya nang tuluyan ang damit ay umabot lang ito sa kalahati ng kanyang hita. Napakagat ako sa ibabang labi. Nakikita ko ang sarili kong mabilis na lumalapit sa kanya upang siilin siya ng halik. Ngunit hindi ko pwedeng gawin yun. Hindi ko pwedeng pagsamantalahan ang pagiging bulag niya. Ayoko din na matakot siya sa akin. Matapos na siyang magbihis ay umupo siya sa gilid ng kama. At tinutuyo ang basa niyang buhok. Saka pa lamang ako nagkalakas ng loob na ipaalam sa kanya ang presensya ko. “Ehem!” “Sino yan?” Bigla siyang tumayo at hinigit ang puting kumot pagkatapos ay tinakip sa sarili. “Ako ‘to.” “Sir Inigo? Akala ko po mamaya pa kayong gabi?” Kita ko ang takot sa mata niya. Habang nakatingin sa kawalan. “Ah, kasi nagpabili ako ng damit mo saka pagkain. Ayoko namang magutom ka dito.” Mabilis na inilapag ko ang paper bag na dala ko. “Magbihis ka na. Tapos sabay na tayo kumain.” Sabi ko sa kanya bago ko siya talikuran pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang pisngi na nagpalawak ng ngiti ko. Ako na mismo ang naghain sa mesa ng pagkain. At inantay ko na lamang siyang lumabas. Kakatapos ko lang maglapag ng mga kutsara ay napaangat ako ng tingin. Nasa harapan ko na siya suot ang kulay pulang bistida na hindi lalagpas sa kanyang tuhod. Wala yung mangas kaya litaw ang kanyang maputing balikat at pati na rin ang leeg. Pansin ko ang makinis niyang balat alagang-alaga siguro siya ng kanyang magulang noong nabubuhay pa ito. "Salamat nga pala sa damit Sir Inigo." Nahihiyang wika niya sa akin. "Wala yun." Tipid na sagot ko sa kanya. Kahit wala siyang paningin ay sanay na sanay na siya sa kanyang ginagawa. Umikot siya sa mesa at naupo sa harapan ko. Ngayon mas nakita ko pa ang ganda niya dahil nabura lahat ng kolorete niya sa mukha. Hindi ko maiwasan ang sarili na titigan siya. Habang mahinhin na ngumunguya. Ang natural na mapulang niyang labi na nakakaakit at pati na rin ang kulay na mga mata. "Am, my boyfriend ka na ba o asawa?" Di maiwasang tanong ko. "Wala pa sir, saka wala na rin yun sa isip ko ang gusto ko na lang makakita. Wala din naman magkakagusto sa bulag na gaya ko." Sagot niya sa akin. Mas gumaan ang pakiramdam ko na malaman yun mula sa kanya. Kahit wala siyang paningin marami pa din ang lalaking hahanga sa kanya. "Kung sakaling makakita ka na? Pagkatapos ay may manligaw sayo?" Sunod-sunod ang iling niya sa akin. "Hindi ko po alam, hindi ko rin po masabi. Pero gusto ko munang tuparin ang pangarap ko." Masaya ako sa naging pag-uusap naming dalawa. At kung ano man ang mga mangyayari sa hinaharap. Sinisigurado ko ng kasama ako sa magiging pangarap niya.   Rylee’s POV Sa maiksing panahon ay naging magaan ang pag-uusap namin ni Inigo. Hindi ko rin alam pero may something sa kanya na nagbibigay sa akin ng kapanatagan. Habang tumatagal mas nararamdaman kong kampante ako kahit nandiyan siya. Pagkatapos naming kumain ng lunch kanina ay tinulungan ko na rin siyang magligpit. Nagulat ako nang dumating siya kanina. Kakalabas ko pa lamang kasi sa banyo at nilabhan ko ang suot kong damit. Nagpaalam siya sa akin na aayusin daw niya ang kabilang kwarto. Para doon ako matulog mamayang gabi. Gusto ko sana siyang tulungan pero ayaw niya. Hindi daw siya makapag- concentrate kung tutulong pa ako. Kaya inantay ko na lamang siyang matapos. Naghanap na lamang ako ng gagawin kagaya ng magtiklop ng damit sa sofa. Kaya ko namang gawin yun dahil ginagawa ko din ito kila Tita. Maya-maya ay may narinig akong kumakatok sa pinto. Kaya dahan-dahan akong humakbang patungo sa pinto. Kinapa ko ang bawat dadaanan ko para marating ang kinaroroonan ng pinto. “Inigo! Buksan mo to!” Sigaw ng boses babae. Habang patuloy na kinakalabog ang pinto. Siguro kilala ito ni Inigo kaya pinagbuksan ko siya. “Ano pong kailangan niyo?” Nakasilip na tanong ko sa kanya. Pero tinulak niya ang pinto at naramdaman ko ang mabilis niyang pagpasok. “Kaya naman pala ayaw akong kausapin ni Inigo dahil ay bago na siyang babae! And who the hell are you?!” Sigaw niya sa akin. “Katu—“ Hindi pa ako nakakasagot ay naramdaman ko na lamang ang paglagapak ng kamay niya sa pisngi ko. “f**k! Trish!” Rinig kong sigaw ni Inigo. Nangilid ang mga luha ko dahil sa sakit. Wala akong ginagawang masama, para masampal lang ako ng ganito at hindi ko magagawang gumanti dahil hindi ko naman siya makita. “Masakit ba? Ganyan ang napapala ng malanding gaya mo!” “Tama na!” Umalingawngaw ang sigaw ni Inigo sa buong bahay. “Halika nga rito!” Sigaw niya sa babae. Narinig ko ang pagpupumiglas ng babae habang unti-unti ang paglayo nila sa kinaroroonan ko. Narinig ko na lamang ang malakas na paglagabog ng pinto. Naiiyak akong bumalik sa sofa, mahapdi pa rin ang pisngi ko. Siguro namumula na rin ito dahil alam kong maselan ang balat ko. Maya-maya ay may naramdaman na lamang akong humawak sa pisngi ko. At naamoy ko ang pamilyar niyang amoy. “Masakit ba?” Wika niya. Umiling ako kahit ang totoo ay masakit pa rin ang sampal ng babaeng yun. “I’m sorry, dapat hindi mo siya pinagbuksan ng pinto. Sa susunod wag mo na ulit pagbubuksan ng pinto ang sino mang kakatok okay?” Tumango ako dahil ramdam ko sa pag-alala niya habang nagsasalita. “Sir Inigo, hindi po ata tama na tumira ako dito. Baka magalit po sa inyo ang girlfriend niyo sa akin.” Sabi ko sa kanya. “No, she’s not my girlfriend. Wala kaming relasyon. Siya lang itong panay habol sa akin. Hindi ko naman siya masisisi, gwapo ako mabango at mayaman.” Napalitan ng ngiti ang labi ko dahil sa pagangat niya ng sariling bangko. “Hey! Why are you smiling? I’m telling the truth.” Natatawang wika niya. Kung nakikita ko lamang siya siguradong nakangisi siya ngayon at pinaninindigan niya ang sinabi niya kanina. “Paano mo nga ba malalaman na gwapo ako mabango at mayaman kung hindi mo naman ako nakikita. Gusto mo bang malaman na totoo ang sinasabi ko?” Dagdag pa niya. “Hindi na po kai—“ Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at dinala niya yun sa kanyang mukha. Bumilis ang t***k ng aking puso kasabay ng paglandas ko ng kanyang noo, pababa sa kanyang mata sa ilong at ang pagdama ko sa kanyang malambot na labi. “Masasabi mo bang pogi ako kahit sa pandama lang wika niya.” Pakiramdam ko ay malapit lang ang mukha naming dalawa. Mabilis kong inagaw ang kamay ko. Pero sa nahawakan kong parte ng mukha niya ay nasisiguro kong perpekto nga yun. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hangang sa nakaramdam na lamang ako ng pagkailang. “Ah, okay naba yung kwarto ko?” Kinakabahang tanong ko sa kanya. “O-oo, pwe-de mo na yung tulugan mamaya.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay naramdaman ko na lamang ang pag-alis niya sa aking harapan. Ipinagpatuloy ko ang pagtiklop ng damit. Pagkatapos ay kinapa ko naman ang papunta sa closet niya sa loob ng kwarto. Pagkatapos kong mailagay ang mga damit ay narinig ko siyang may kausap sa di kalayuan. “Talaga? Nakita mo na siya? Anong plano? What?! Kikidnapin natin? Nasisiraan ka na ba Rafael?!” Kinabahan ako sa sinabi niya dahil lumakas ang boses niya. Sinong kikidnapin? Hindi kaya masamang tao rin sila? Hindi ko pa siya gaanong kilala kaya pero sumama na ako dito dahil sa pangako niya. Paano kung hindi pala siya kagaya ng inaasahan ko? “Kanina ka pa diyan?”   Nagulat ako sa tanong niya. Napansin niya atang nakatayo lamang ako at baka iniisip niyang nakikinig ako sa pag-uusap nila. Pero hindi pa rin maalis sa akin ang mag-alala sa narinig kong sinabi niya sa kausap niya. “Ah, i-inilagay ko po kasi yung mga tiniklop ko.” Kinakahabahang sagot ko sa kanya. “Pumunta ka na sa kwarto mo at magpahinga. Tatawagin na lamang kita pag maghahanda na tayo ng hapunan.” Wika niya. “Sige po.” Kaagad akong tumalikod sa kanya. At dumiretso na ako sa kwarto habang nangangapa sa gilid. Mabuti na lamang at hindi ko kailangang mag-akyat baba. Kaya mas madali kong nakakabisa ang lahat ng dadaanan ko. Pagpasok ko sa kwarto ay umupo muna ako sa kama. Kagaya ng kwarto sa kabila ay malambot din ito. Naalala ko tuloy ang babaeng sumampal kanina galit na galit siya sa akin. Pero sabi ni Inigo wala daw silang relasyon. Ano ba talaga ang paniniwalaan ko? Hindi kaya masyado lang akong nagtiwala agad sa kanya. Para pumayag akong tumuloy dito? Nakahiga lang ako sa kama at iniiisip ang mga pwede kong gawin nang may kumatok sa pinto. “Sandali lang po.” Kaagad akong tumayo at tinungo ang pinto. “Anong gusto mong pagkain?” BUngad niya nang mabuksan ko ang pinto. “Kahit ano po sir Inigo.” Sagot ko sa kanya. “Halika samahan mo ako sa kitchen.” Pagkasabi niya ay kaagad kinuha ang kamay ko at iginiya ako sa kitchen. Hinayaan ko na lang para mapabilis kami. Amoy na amoy ko na alad ang niluluto niya. Mabango kasi yun parang karne siguro. “Nakain ka na ba ng angus beef steak?” Magiliw na tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Hindi pa eh,” Sagot ko. “Tikman mo ito,” Napilitan akong isubo ang karne na inilapit niya sa bibig ko. “Masarap?” Nginuya ko muna at nalasahan kong masarap nga siya. Malambot at tama lang ang spicies. Palagi din kasi akong nasa kusina noon nung nakakakita pa ako at sinasamahan ko si Mommy na maghanda ng masarap na pagkain para kay Daddy. “Oo, masarap.” Naramdaman ko ang kanyang kamay sa gilid ng aking labi. “Kumalat yung sau—“ Tumigil sa pagpunas ang daliri niya sa labi ko. “May nagsabi na ba sa iyo kung gaano kaganda ang mga mata mo?” Paos na tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Yun kasi ang namana ko sa Daddy ko. At sabi ni Mommy pareho daw kami ng kulay ng mata. “Oo,” Sambit ko. “Can I kiss you?” Nagulat ako sa sinabi niya pero parang nahi-hynotismo ako sa boses niya. At sa paghawak niya sa aking pisngi. Ilang segundo pa at naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi sa aking labi. Hindi ko alam pero kusang pumikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD