bc

Men of Honor 2 : CAPT. Mamorou Nicol

book_age16+
391
FOLLOW
1.2K
READ
love-triangle
fated
friends to lovers
brave
confident
bxg
kicking
betrayal
enimies to lovers
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

I am Capt. Mamorou Kael Nicol

28 yrs. old

Single and Available

Everyone describe me as----

Serious

Cold

Heartless

Snob

I don't play games

that's why I hate being her bodyguard------------

Hardheaded

Spoiled Brat

Rea Boque Alivario

but behind her bitchiness, crazyness and bratiness

rely a child who seeks and needs so much attention and love.

And I really hate myself for falling on her trap.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Mamorou " Mabuti naman at napaunlakan mo ang biglaang imbitasyon ko sayo Kael. "  " Alam niyo naman pong hinding hindi ako makakatanggi sa inyo Senator Olivario at isa pa tapos na po ang duty ko kaya minabuti ko ng puntahan kayo. " kahit pagod na pagod man ang aking pakiramdam dahil sa sobrang dami kong ginawa sa HQ , mga research sa susunod na kasong aking hahawakan, minabuti ko ng dumaan dito dahil mukhang importanteng importante ang sadya sa akin ni Ninong dahil siya pa mismo ang tumawag sa akin kanina na kailangan niya akong makausap. Buong pagod kong inilapat ang aking buong likod sa single leather sofa na nasa tapat lamang ng malaking lamesang bilog kung saan nakaupo rin sa upuan si Ninong Sancho. " Tito Sancho na lamang Kael. Hindi ako komportableng tinatawag mo akong Senator. Parang hindi naman kami magkaibigang matalik ng ama mo. Kumusta na nga pala siya? ang mga kapatid mo? Si Maxene? ang batang iyon sa sobrang busy sa trabaho hindi man lang ako nagawang bisitahin. Namimis ko na ang malakas at palamurang bunganga niya. " napangiti ako ng dahil doon. Pero agad ding nawala iyon ng mabasa ko ang lungkot sa mga mata ni Ninong. Kunut noong pinagmasdan ko siyang mabuti, doon ko lamang napansin ang bahagyang pangangayayat niya simula nung huli kaming nagkita, dumami na rin ang mga uban nito na hindi naman niya pinatitinaan ng itim simula ng magka edad ito. Bakas na bakas rin ang kapaguran pero nandoon pa rin ang aurang nakapangingilabot kapag nagseryoso na siya.  " May problema po ba Ninong Sancho? " Bumuntong hininga lamang ito at tumayo siya . Dahan dahan siyang naglakad sa papalapit sa aking kinauupuan. May di kalakihang kahon siyang inabot sa akin. " Iyan ang problema Kael. Tingnan mo ang laman niyan at maiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito. " Itinuwid ko ang aking likuran at umayos ako ng pagkakaupo, sinimulan kong alamin ang mga laman noon, mga papel at kung anu anong bagay na nasa loob ng kahon. Kunut noong binasa ko ang nilalaman ng bawat bondpaper, may mga pinagdikit dikit na dyaryo or magazine para makabuo ng salita.. Iisa ang mga nilalaman noon.. kamatayan.. pagbabanta.. pananakot. " Kailan pa po nagsimula ito Ninong? Bakit hindi kayo kumilos aga--------- "One month ago, Kael. Nung una binabalewala ko lang dahil marami naman akong bodyguards at baka biro biro lang p-pero kahapon ..May iniwang patay na aso sa tapat ng gate ng mansion.. wakwak ang buong katawan, walang laman loob at may na kaipit na papel na nagsasabing.. ANG ANAK MO NA ANG ISUSUNOD KAGAYA NG NANGYARI SA KANYANG INA. " dama ko ang takot at panginginig sa boses niya habang hinang hina na umupo sa isa sa mga upuan na nasa aking tagiliran. Death Threats.. isang buwan na pero ngayon lang talagang sineryoso ni Ninong ang mga ito. Dapat nung unang may nagbigay at nagpadala sa kanya ng ganito gumawa na siya ng aksyon dahil sa nakikita at nababasa ko talagang seryoso ang tumatakot at nagbabanta sa kanya ng ganito. " I need your help.. I need your expertise again, Kael. Gusto kong maging bodyguard ka ng anak ko. Siya na lang ang natitira sa akin at ayaw ko siyang mapahamak. You see ang taong nagpapadala niyan ay sigurado akong may kasalanan kung bakit namatay ang aking asawa. Hindi ko na kakayanin na-------- " Ninong Sancho gustuhin ko man pero may hahawakan po akong kaso na sa akin na ka assign. If you want si Martin na lang ang magigin----------- " But I want you Kael. Dont get me wrong kilala ko rin si Martin at alam kong magaling din siya pero ikaw.. ikaw ang gusto ko. Subok ko na ang kakayahan mo.. panatag na ako sayo at malaking malaki ang pagtitiwala ko sayo. Kung ipagkakatiwala ko man ang buhay ng anak ko sayo yun Kael. Kaya please lang kung gusto mo ako pa mismo ang makikipag usap sa Chief of Police niyo para lang payagan ka. I need you Kael. " his voice was strained and full of desperation. How can I say No to this man. Next to Daddy siya ang pangalawa kong ama. Sabagay siya ang kauna unahan kong assignment noong kaga-graduate ko lang sa pagkapulis. Siya ang unang nagtiwala sa akin, ako ang naging bodyguard niya noon ng mga panahon ng pangangampanya niya . "Sige po Ni--------------- blagaaagggg------ " H-Hik a-ano b-baaa h-hik!! s-shinabi k-ko n-na shayoooo h-hindi a-ako l-lashing!! Hik!! T-Tipshy l-langg.. A-At s-shaka b-baket d-dito m-mo a-ako h-hinatis---- hik!! M-may s-sharili a-akong b-bahay.. n-nakakainisss k-ka e-eh nohhh... a-ang kulit k-kulit m-mo G-Geloooo!! "  " Pokay, ni hindi ka nga makagulapay sa kalasingan mo tapos sasabihin mo sa akin tipsy ka. Sinabi ko na kasi sayo wag kang masyadong iinom dahil hindi naman sanay yang sikmura mo sa alak tapos tequila pa ang nilaklak mo. Ikaw ang matigas ang ulo sa ating dalawa. At isa pa kung doon kita inuwi sa bahay mo walang mag aasikaso sayo. At least dito nandyan si Manang Siling at---------- natigilan ang lalaking iyon sa pagsasalita ng mapansin niya kaming nakatingin sa kanila. Hindi ko maaninag ang mukha ng babaeng akay akay niya dahil halos nakasubsob sa kanyang dibdib ang mukha nito. Pero hindi nakawala sa aking paningin ang napaka iksing suot nitong bistida na hapit na hapit at halos humulma na sa korte ng katawan nito. Yung tipo ng damit na kapag namali lang ng kilos makikita na ang pinakatatago nitong kuyukot. Nakalugay ang mangasul ngasul na buhok nito at medyo alon alon iyon. Dahan dahang bumaba ang aking mga mata sa mga binti nitong bilad na bilad sa aking harapan... pababa pababa sa paa nitong nasasapinan ng napakataas na sapatos. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babaeng nagsusuot ng ganitong klase ng sapatos.. hindi nila naisip na maari nila iyon ikamatay. Napalunok ako ng aking laway ng mapansin kong bahagyang tumaas ang laylayan ng bistidang suot niya.. naiiwas ko tuloy agad ang aking mga mata doon.  Maputi, makinis-------  " P-Pokayyy hik!! R-R-E-A .. R-REA hik!! a-ang p-pangalan k-kong g-gago k-kaaaa!! P-Pinapapangit m-mo -ko ehhh hik!! " muntikan na siyang matumba mabuti na lamang at mabilis siyang nahapit sa baywang ng lalaking kasa kasama niya.  " T-Tito magandang gabi po. Ah pasensya na po a------ " No its okay Gelo. Sinabi naman at ipinagpaalam sa akin ni Justine na magce-celebrate kayo dahil successful ang music tour niyo sa Spain. At saka tiwala naman ako sa inyong lahat na hindi niyo papabayaan ang anak ko. Mabuti na rin at ikaw ang naghatid sa kanya ngayon dito sa bahay. " Napadako sa akin ang mga mata ng lalaking iyon at pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Banda.. ang anak ni Ninong ay kasali sa isang banda. Base sa itsura ng lalaking aking kaharap na mohawk ang buhok, kayumanggi ang balat, matangkad at may tatlong hikaw sa kanang tenga na kumikislap kapag tinatamaan ng ilaw. Nakasuot siya ng kupas at hapit na pantalong maong at naka leather jacket itong itim. Tsinito siya na parang may halong hapon o intsik.  Pilit kong kinakalkal sa aking isipan ang itsura ng batang babae na anak ni Ninong Sancho. Ang pagkakatanda ko magaling mag violin at mag piano ito. Hindi kami naging close kahit pa nga matalik na magkaibigan ang aming mga magulang. Bibihira ko rin siyang makita at mas lalong dumalang iyon ng mangyari ang trahedyang iyon sa pamilya nila, namatay si Tita Helene. Nagkahiwalay silang mag ama dahil itinago ni Ninong sa media ang kanyang kaisa isang anak para mailigtas na rin sa kapahamakan. Pinadala niya iyon sa Amerika. " Hik!! S-Senatorrr hik!! h-himalaaa n-nandito kaaa!! U-Umuuwi k-ka p-pa pala s-sa b-bahay na itooo!! B-Bakit n-namimis m- mo a-ang M-Mommy k-koooo hik!! n-nakokonsensyaaa k-ka? hik!! a-akalain m-moooo m-meron k-ka p-p----------- " Rea!! " Puno ng animosity, galit at hinanakit ang tinig niya. Senator? hindi Papa or Daddy ang tawag niya sa kanyang sariling ama. Kunut noong iniangat ko ang mga mata pero hindi ako handa.. hindi ako handa sa pinaka magandang mukhang aking nakita sa tanang buhay ko.  Doll hazel eyes pointed nose heart shaped face  and reddish lips .. damn!! this woman in front of me was a nymph.  Nasaan na yung batang babaeng naka pigtails? yung makapal ang salamin? yung naka brace ang ngipin? naknang!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.6K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.5K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.2K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook