Chapter 2

2022 Words
Hindi agad ako nakasagot at napakurap-kurap muna ako sa tinanong nito sa akin habang nag-aabang sa isasagot ko si Mark at yung dalawa nya pang kaibigan na hindi ko naman kilala! Ano 'to? Bakit parang pinagpawisan ako dahil lang sa nangyaring titigan na 'yon samantalang malapit lang naman samin ang aircon? Bahagya akong napailing-iling dahil sa nangyari at pinilit na isawalang bahala ito. Muli akong nag-angat ng tingin sa matangkad na lalaki ngunit nakayuko naman na ulit ito sa kanyang cellphone. Mukhang wala lang naman sa kanya ang nangyaring titigan kanina at mukhang ako lang talaga ang nag-iintindi. Nakakahiya! "Oo nga, 'diba naglalaro tayo noon kaya alam kong kaya mo maglaro. Wag ka nang tumanggi, mag-open ka na. Five man tayo" hindi na tuloy ako nakaangal pa dahil sa sunod-sunod na sinabi ni Mark bago ito muling tumutok sa cellphone nya. Teka lang naman! Ang bilis ng mga pangyayari! Hindi nyo man lang ba muna ako tatanungin kung gusto kong sumali? Hindi ba pwedeng tumanggi?! Grabe ah! Kumurap pa ako ng ilang beses ngunit wala din namang lumalabas na salita sa aking bibig kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang yumuko sa cellphone ko at i-open ang ML ko. Habang hinihintay ko itong magloading ay panay pa rin ang nakaw ko ng sulyap sa lalaking nakipagtitigan sakin kanina. Iniisip ko pa lang ang malalim na pagtingin nito sa aking mga mata at ang halatang-halatang paglunok nito ay hindi ko na maiwasang mamula. Ano ba 'to?! Unang araw ng pasukan ay ang aga kong lumalandi! Napapitlag ako at nahila mula sa lalim ng aking mga iniisip nang may biglang nagsalita sa kaliwang gilid ko. Nag-aalinlangan pa ko kung magtataas ako ng paningin ngunit sa huli ay nalaman ko rin na yung singkit na lalaki ang may ari ng boses na iyon. Nakatingin ito sakin at bahagyang nakangisi na nagpakunot naman ng noo ko. Sa hitsura pa lang kasi nito ay mukhang hindi mo na makikitaan ng kabutihan. "Transferee ka?" tanong nito at bahagya naman akong umiling. Wala pa ring lumalabas na salita sa aking bibig dahil mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong napalingon samin yung matangkad na lalaki. "Nalipat lang sa section natin, pare" napabuntong hininga ako dahil sa ginhawa nang si Mark na ang sumagot para sakin. Minsan din talaga ay may nagagawa pa rin pala itong kabutihan. Akala ko kasi ay puro pang-aasar lang ang alam nito. "Para ngang namumukhaan ko 'yan, eh" napatingin naman ako doon sa maliit na lalaking nagsalita habang nakatingin pa rin sakin na tila kinikilatis ang hitsura ko. Bakit ba sila ganito? Ang dami nilang satsat! Hindi ba pwedeng maglaro na lang agad kami para matapos na at makalayas na sila dito sa tabi ko?! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa kanila at dahil doon sa matangkad na lalaking nakatingin pa rin hanggang ngayon! Enebe! Siniko ko na lang ng palihim si Mark at ininguso ang cellphone nya para ipahiwatig na mag-start na kami kaso ang loko ay hindi ako pinansin at nakisabay pa sa mga kaibigan nya sa pag-uusap. Tignan mo nga naman ang kagaguhan ng isang 'to! Hindi man lang napansin na naiilang na ko sa mga presensya nila! "Yon! Natandaan ko na! Kaklase ko yan dati noong Grade 8" napatingin ulit ako sa maliit na lalaki nang magsalita ito at doon ko lamang sya namukhaan. Tama nga sya. Sya yung kaklase ko noon na aakalain mong bata dahil sa cute na hitsura nito at sa maliit na height ngunit hindi mo aakalaing sya pa pala ang pinaka-tarantado sa classroom. Si Benedict. Akalain mong magkikita pa kami ngayong Grade 12 na kami at mukhang maliit pa rin sya kumpara sa mga kaibigan nya ngayon. But unlike from years ago, he looked more matured now. Mukhang hindi na sya ganoon kaloko hindi katulad noong huling taon na nagkasama kami sa iisang silid kung saan nasaksihan ko ang iba't-ibang gawain nyang talagang nagpapasakit ng ulo sa mga teachers. "Selena, 'diba?" tanong pa nito na bahagyang tinanguan ko lang. Muli akong yumuko sa cellphone ko para maiba na sana ang usapan ngunit may nagsalita na naman kaya lihim na lang akong napa-irap. Bakit ba kasi ang daldal nila? Kalalaki nilang mga tao! "Selena? Sa ML 'yon, 'diba?" narinig kong sabi ng singkit na lalaki bago sila magtawanan na muling nagpairap sakin. Sinasabi ko na nga ba't wala talagang matinong ginagawa 'tong singkit na 'to! Ako pa talaga ang napagtuunan ngayon! Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago mag-angat ng tingin sa kanya na ngayon ay nakatingin pa rin pala sakin habang hindi naaalis ang maliit na ngisi sa kanyang labi. Ang sarap nyang supalpalin ng whiteboard eraser sa bibig nang mawala naman ang nakakalokong hitsura ng kanyang mukha. "Bakit hindi na lang tayo magsimulang maglaro?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay sa kanya na lalo pa yatang nagpalawak ng ngisi nya. Mukha ba kong nakikipagbiruan?! "Chill" tanging nasambit nito bago tumawa ng mahina at muling yumuko sa cellphone nya. Kung kanina ay namumula ako sa kilig dahil doon sa matangkad na lalaki, ngayon naman ay sigurado akong namumula ako dahil sa inis dito sa singkit na 'to. Kung umasta, akala mo naman kung sinong cool na lalaking campus heartthrob na katulad ng mga nababasa ko sa w*****d. Lihim ko syang inirapang muli bago yumuko sa sariling cellphone. Ilang sandali pa ay nagsisimula na kaming maglaro ng palihim at tahimik para maiwasang mahuli ng teacher. Malas lang talaga namin kapag nahuli kami dahil siguradong kumpiskado sa unang araw ng pasukan itong mga cellphone namin. Bakit ba kasi sumali pa ako sa kanila?! Ngayon tuloy ay iintindihin ko pa kung paano kaming hindi mahuhuli gayong tanaw na tanaw kami ni Ma'am dito sa gawi namin ngunit hindi lang siguro kami napapansin dahil sa iba kong mga kaklaseng nakapalibot sa desk nya. Siguro'y dapat na lang akong magpasalamat ng lihim sa kanila dahil sa ginagawa nilang pagsipsip este pagdistract kay Ma'am doon sa harap. "Ako na yung tank. Sino sa inyo yung magco-core?" sabi ni Mark sa kalagitnaan ng picking. Nakatingin lang ako sa screen ng cellphone ko habang nakanguso at pinapakinggan ang pag-uusap nila. Wala naman akong balak makisingit at baka masabihan pa nila ko ng feeling close. "Si Larren na lang" narinig kong sabi nung singkit na nagpakunot sa noo ko dahil hindi ko naman kilala kung sino sa kanila yung nabanggit nyang pangalan. Bahagya akong nagtaas ng tingin sa kanilang apat para malaman kung sino yung Larren. Sakto namang nakita kong umiling yung matangkad na lalaki bago tumingin doon sa singkit. "Ikaw na lang, pre. Tinatamad ako, eh" sabi nito at doon ko napagtantong Larren pala ang pangalan nya. Bago pa man sumilay ang maliit na ngiti ko sa labi ay agad akong yumukong muli sa cellphone ko para hindi nila iyon mahalata. Ang cute naman ng name nya! Bagay yata sa pangalan ko? Hays! Gamitin ko nga yung FLAMES mamaya sa pangalan naming dalawa. "Sige, core Granger ko na lang" matapos sabihin iyon ng singkit ay kanya-kanya na sila ng pagpili sa gagamitin nilang hero. Pinili ni Mark si Khufra bilang tank, si Chou naman ang pinili ni Benedict para sa EXP lane, Claude ang kay Larren para sa gold lane at Granger nga ang pinili nung singkit. Nang matapos sila sa pagpili ng mga hero ay muling nabaling sakin ang kanilang atensyon dahil ako yung last pick. Iyon pa naman ang pinaka-iniiwasan ko sa lahat! Hindi ko na nga sila pinapansin, tinitignan at kinakausap tapos kung tignan nila ako ngayon ay para bang huhusgahan nila ang susunod kong mga galaw! Nakakailang! "Mage ka" sabi ni Mark at napanguso naman ako habang nag-iisip ng gagamitin. Hindi lang kasi dapat basta-basta sa pagpili ng gagamiting hero. Mukhang madali pero kung seseryosohin mo ang laro ay kakailanganin pa rin ng utak. Pinasadahan ko ng tingin ang mga hero ng kalaban. Gatotkaca, Odette, Irithel, Angela, Roger. Kumunot ang noo ko at tinignan naman ang mga pwede kong pagpilian na gamitin mula sa mga mage heroes. Magaganda sanang gamitin ang ibang nakapukaw ng atensyon ko pero alam kong mahihirapan ako dahil maaaring macounter ako ni Gatotkaca. "Bilisan mo, hoy! Mag-Pharsa ka na lang!" bulong sakin ni Mark na agad kong inilingan. "May Gatot, mahihirapan ako" bulong ko pabalik habang nakatutok pa rin sa screen ng cellphone. Paubos na ang oras ko sa pagpili ng hero pero wala pa rin akong napipili! Mag-isip ka, Selena! Isip...Teka! "Chang'e? Vale? Cecilion?" Hindi ko pinansin yung mga sinuggest nyang hero dahil bago pa matapos ang bilang ay napindot ko na si Selena, ang itinuring ko nang kapatid sa ML. Best pick ko din kasi sya dati kaso noong naging madalang na lang ako maglaro ay hindi ko na sya nagamit pa kaya naman hindi ko rin alam kung maninibago ba ko sa paggamit sa kanya ngayon o katulad pa rin ng dati na magkakasundo kami sa laro. "Sabi na eh" napatingin ako sa singkit nang bigla ulit itong magsalita habang nakatingin sakin. Suot ulit nya ang nakakabwisit na ngisi sa kanyang labi kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang pagtaasan sya ng isang kilay bago yumukong muli sa cellphone ko, handa na para hindi sya pansinin at para makapag-focus sa laro. Dumaan ang ilang minuto simula nang mag-umpisa ang laro at kanina pa rin ako irap ng irap ng palihim habang napapa-ismid sa kanila. Ano pa ba ang aasahan ko sa mga katabi ko rito? Sila lang ang nakita kong palihim na nagcecellphone pero ume-echo sa buong silid ang mga hiyaw at mura dahil sa masyadong pagka-gigil sa laro. Nagtataka na nga lang talaga ako kung bakit hindi pa kami nasisita ni Ma'am rito gayong halatang-halata naman na ang ginagawa ng apat na lalaking ito. "Mark, dito!" hiyaw ni Benedict habang hindi nag-aalis ng tingin sa cellphone. Napa-igtad naman ako nang hampasin ng singkit na katabi ko yung lamesa na gumawa ng ingay sa silid. Agad akong tumingin sa harapan kung nasaan si Ma'am ngunit nakahinga lang ako ng maluwag dahil patuloy pa rin ito sa pakikipagtawanan sa iba kong kaklase. Binalik ko ang tingin ko sa singkit at napa-iling bago muling tumingin sa sariling cellphone. "S-Sorry" napakunot pa ang noo ko at muling nag-angat ng tingin sa kanya nang bigla syang magsalita ngunit hindi ko naman alam kung para kanino 'yon dahil nakatuon lang ang tingin nya sa cellphone. "Selena, yung MM ang unahin mo" nawala ang tingin ko sa singkit at muling tumuon sa laro nang magsalita si Mark. Tahimik kong pinapanatili sa ayos ang laro habang patuloy naman sila sa mga pagbibigkas ng mura na talagang masakit sa tenga. Nagtataka lang talaga ako sa kanila kung bakit ginagamitan pa nila ng dahas ng salita at pag-iingay ang ginagawa naming pag-lalaro gayong wala namang naitutulong iyon. Bagkus ay mas lalo lang itong nakakapagpa-wala sa focus namin at baka mas lalo lang masira ang laro sa kamay namin dahil sa ginagawa nila. Tsk! Masyadong sineseryoso ang dapat na laro lang naman. Ilang minuto pa ang lumipas at habang tumatagal ay nagiging klaro ang pagkatalo namin. Kahit ilang beses akong nakakapatay ng kalaban ay natatalo naman kami sa bilang ng mga tore, lamang na lamang sila, talong-talo kami. Pinilit pa naming lumaban hanggang dulo kahit kitang-kita na yung pagkatalo namin. Sinikap naming protektahan yung tore kahit napapaligiran na nila kami. Buti pa yung tore, pinoprotektahan. Char. Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ang salitang "Defeat" sa screen ng cellphone ko. Hindi ko na din naiwasang mag-angat ng tingin sa kanila, dala ang kahihiyan na baka sisihin nila ako sa pagkatalong ito. Ngunit muli akong natulala nang makita ko kung paanong bumuntong-hininga si Larren habang nag-aalis ng tingin mula sa cellphone nya. "Tangina" bulong nito at tumingala habang hinahagod ang kanyang buhok gamit ang kanyang kaliwang kamay. Napalunok ako sa nasaksihan at mahinang tinampal ang sariling noo. Stop it, Selena! Ang aga-aga mong lumalandi! At sa kaklase mo pa talaga?! Pumikit ako nang mariin at nagdilat din ng mata nang marinig ang pangalan ko. Napatingin ako kay Larren at muling napalunok nang nagbigay ito ng maliit na ngiti sa akin. "Nice game, Sele" ||||| SELENAPHILE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD