Chapter 3

2152 Words
Naiwan akong nakatulala sa kinauupuan ko at hindi na nakapagsalita pa nang tumayo si Larren mula sa upuan nya at bumalik sa pwesto nya kanina. Doon sya umupo sa may harapang bahagi ng pangalawang lamesa sa gitna, malapit din sa pwesto ng mga kaklase kong nakikipagchikahan kay Ma'am. Napansin kong sumunod din sa kanya si Benedict pero nakatuon lang ako kay Larren habang nakapaskil na yata sa alaala ko ang ngiting pinakita nya sa akin. He smiled at me, right? He smiled! Grabe, a-ang pogi... Ramdam ko ang biglaang pag-init ng mukha ko kaya wala sa sariling tinampal ko na naman ang sariling noo. Hindi pwede yung ganito! I'm losing my cool just because of a boy?! No way! Marahan akong umiling-iling at itinago na ang cellphone sa bulsa ng aking palda bago kumalumbaba sa table at muling tumulala. Agad na nahagip ng paningin ko si Larren na ngayon ay nakikipagkwentuhan na sa iba pa naming lalaking kaklase kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili na tumitig. Huwag lang sana nya akong mapansin dahil baka hilingin ko na lang na lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Kitang-kita ko kung paano umuusbong ang maliliit nyang ngiti sa labi habang nakikipagbiruan sa iba nya pang kaibigan at muli na naman akong napaisip. I can't lose my cool just because of him pero yung ngiti kasi, eh! Yung ngiti, Selena! Pinanood ko pa kung papaano nyang hinawakan ang sariling batok habang tumatawa kaya hindi ko na naman naiwasang humugot ng malalim na buntong-hininga. I don't believe in love at first sight but because of you Larren, because of you, now I do. At dahil dyan, hindi ako papayag na hindi ikaw ang magiging icing sa ibabaw ng cupcake ko! Charot. Napapitlag lang ako at nawala sa pagkatitig kay Larren nang sabay na may pumindot sa pisngi ko mula sa kanan ko at may tumikhim naman sa kabilang gilid. Parehas kong tinapunan ng matatalim na tingin ang dalawang nasa tabi ko na si Mark at yung singkit na pareho nang nakangisi ngayon sa akin. "Nangangamatis, nangagamatis" pinagtaasan ko ng isang kilay si Mark dahil sa walang kwentang sinabi nya at inirapan sila pareho. Mga panira ng moment, eh! "Larren pa, ha?" nilipat ko naman ang pag-angat ko ng kilay sa singkit na nakikisali sa usapan kahit hindi naman ka-join. Hindi nya pa rin kaya nararamdaman na kanina ko pa sya ayaw kausapin? Na naiirita ako sa presensya nila, but of course except kay Larren, at kanina ko pa sya gustong palayasin sa pwesto nya kasi hindi naman talaga sya doon nakaupo! Bobo nya, literal. Napailing-iling ako sa naisip at muli silang inirapan bago muling kumalumbaba sa lamesa para hindi sila tapunan ng tingin at atensyon. Mga kulang sila sa pansin at aruga. "Bumalik na nga kayo sa pwesto nyo, mga panira ng araw" mahinang sambit ko at tinignan na lang ang iba ko pang mga kaklase na may kanya-kanya yatang mundo kahit nasa iisang silid lang naman kaming lahat. Baka kasi malusaw na si Larren kung puro sya lang ang tititigan ko. Ayoko naman mangyari 'yon, no! "Dito muna kami, wala pa namang gagawin. Tsaka para may kausap ka, 'diba?" sabi naman ni Mark at umayos ng upo bago kumalumbaba sa lamesa na kalaunan ay ginaya din ng singkit na lalaki sa kaliwa ko. Lihim na lang akong napa-ismid sa kanilang dalawa pero hindi ko na sila pinansin pa. Tinatamad na rin naman akong magsalita lalo na at mukhang hindi din naman sila matinong kausap. "Ma'am, legit? May boyfie ka?" napatingin ako sa pwesto ni Ma'am at ng iba kong mga kaklase sa harapan nang marinig ko bigla ang pinag-uusapan nila. Bakit pati naman 'yon ay kailangan pa nilang usisahin? Wala ba silang alam sa salitang "Privacy"? "Totoo! Anong tingin nyo sakin? Mukha bang walang papatol?" nagtawanan sila doon sa harap dahil sa sinagot ni Ma'am. Sa hitsura naman kasi nya ay mukhang mabilis syang makisama dahil hindi katulad sa ibang mga teacher na nakikita ko dito sa eskwelahan ay parang hindi pa naman sya ganoon katanda. Kaya hindi ko na rin siguro masisisi ang iba kong mga kaklase kung nagkakagaanan na sila ng loob. Buhay naman nila 'yan. "Sakto pala, Ma'am. Dahil ikaw yung mommy namin, sya naman yung daddy! Ayieee" nakisulsol naman yung mga kasama nya dahil sa sinabi nung nakasalamin na babae na katamtaman lang ang katawan. Tumawa din si Ma'am na lalong naging dahilan ng pagtukso sa kanya ng mga kaklase ko. "Oh well, second family natin ang isa't-isa, right? Ang dami kong mga anak!" sabi naman ni Ma'am at gumawa naman yung iba kong kaklase ng tunog na tila ba na-touch sa sinabi nya habang yung iba ay tumawa lang. Ako naman ay lihim lang na napa-iling pero nangingiti rin. Sana naman ay maging masaya ang buong taon ko sa room na ito kagaya nung mga taon na kasama ko yung mga dati kong kaklase. "Ma'am!" napapitlag ako nang biglang humiyaw si Mark sa tabi ko with matching pagtayo at pagbagsak pa ng kamay sa lamesa na nagpakuha talaga ng atensyon ng lahat. "Tanong lang po ah, pero meron po bang magkakapatid na nagjojowaan?" tanong nito at naningkit ang mga mata habang iniikot ang tingin sa mga kaklase namin. Saglit na tumahimik ang classroom pero kalaunan ay biglang sumabog ang sari-saring ingay sa loob! May nagtatawanan, may nanunukso, at may nagsisigaw ng iba't-ibang mga pangalan na hindi ko maintindihan ng maayos dahil sabay-sabay ang ingay nila. "Yun oh!" "Sweet home, Alabama!" "Family stroke pala 'to!" "Wala, wala, ang papangit nyo maging kapamilya!" Panay ang palitan nila ng mga sigaw na pumupuno talaga sa buong classroomg samantalang ako naman ay tila isang KJ na nakakunot ang noo habang nililibot ang tingin sa paligid, walang kaalam-alam sa nangyayari at sa mga pinag-uusapan nila. Ito na nga ba ang isang kinakatakutan ko sa pagkalipat ko sa panibagong section na 'to, eh! Out of place. "Teka, teka! Ayokong sabihin na dalawang couple sila dito pero wala, nasabi ko na" sabi ulit ni Mark na mas lalong nagpatawa sa karamihan sa kanila. Tulad ko ay mahahalata din sa mukha ni Ma'am ang pagkataka pero natatawa rin ito dahil sa kung ano-anong mga sinasabi ng kaklase ko. Nilagay nya ang hintuturo sa kanyang bibig para sumenyas na manahimik muna sila at naging effective naman dahil unti-unting humupa ang mga ingay. Nilibot nya ang tingin sa aming lahat habang suot ang nanunuksong patingin. "Aba, spill the tea, mga anakis" sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko. Nagtaas naman ng kamay yung babaeng nakasalamin sa tabi nya habang nakikipagtawanan doon sa isa pa nitong katabing lalaki na mahahalataan namang bakla. Tumayo ito at tumikhim bago tumingin sa gitnang lamesa na lalong ikinakunot ng aking noo. Parang doon pa kasi sya mismo kay Larren nakatingin. "Si Larren po tsaka po si Jane yung unang couple!" nagtilian ang iba kong mga kaklase sa classroom at muling napuno ng tuksuan ang silid dahil sa sinabi ng babae. Me, on the other side, can't decide what emotion to show. Hindi ko alam kung dapat ba na wala akong pakialam dahil sa ngayon ko lang naman sila nakilala o masasaktan ako dahil ekis agad ang unang crush ko sa panibagong school year na 'to? Kaso ang sakit naman yata na pinakat agad sa mukha ko na wala akong pag-asa sa kanya! Para saan pa yung paglalaro namin kanina? Yung pagngiti nya sakin?! Paano na yung spark na nabuo namin kanina nung tila nagslow motion ang paligid habang magkakonekta ang aming mga paningin?! Ay, kakapanood ko ng K-drama' to. Napanguso ako nang mapukaw ng babaeng may pagkapayat ang atensyon ko. Marahas itong umiiling habang parang tanga na tinatago ang mukha sa hawak nyang notebook. Kunyari pa kasi sya, eh halata naman na gustong-gusto nya rin ang tuksuhang ginagawa sa kanila ni Larren. Tsk, pabebe. I scoffed at the sight of her and rolled my eyes more when I saw how red her cheeks are. She kept on shaking her head like she's totally against on what their saying when in fact, she also looks like she's loving the attention and the talks about them. While in contrary, there's no emotion that can be seen in Larren's face. Tahimik lang ito at tila walang pakialam sa kaguluhan sa paligid nya habang bumubuntong-hininga na para bang naiinis pa dahil sa pag-iingay. Ni hindi man lang nya binabalingan ng tingin yung babaeng halos mamatay na sa pagkapula na nakaupo lamang sa unang lamesa, malapit sa pinto. Hindi ko tuloy alam kung maaawa o matatawa ba ko sa babae. "Okay, class! Wait, shh!" sumenyas ulit si Ma'am dahilan nang paghupa ng ingay. Tumikhim sya at muling sumilay ang ngiting nakakaloko habang tila may hinahanap. "Larren and Jane, right? Okay, can you two stand up?" napuno na naman ng kantyawan ang room nang sabihin iyon ni Ma'am habang natatawa rin. Muli kong binalingan ng tingin yung payat na babae na sa tingin ko ay si Jane na nga. At ang sarap talagang tanggalin nung aircon na malapit samin tapos ibabalibag ko sa kanya dahil sa sobrang pagka-pabebe. "Tumayo ka na kasi, beh!" pagtulak sa kanya nung katabi nyang medyo maitim na babae na kulot ang buhok. "Ehe, nakakahiya kasi" kunyaring bulong naman ni Jane kahit rinig na rinig naman sa buong room. "Dali na, naghihintay si Ma'am!" pagkumbinsi nung katabi nya at sa isang mahinang tulak ay kunyari pang padabog na tumayo si Jane habang iniipit ang buhok sa likod ng kanyang tenga. Tangina? "S-Sige na nga!" muli na namang nagkantyawan ang mga kaklase ko na syang nagpailing na lang sakin. Sunod kong tinignan si Larren na ayaw magpatinag sa ingay at nanatiling nakaupo pa rin sa upuan nya na tila hindi naririnig yung pangungumbinsi sa kanya ng mga kaibigan nyang lalaki. "Sige na, pre! Tinitignan ka na ni Ma'am, oh!" sabi ni Benedict na nakaupo din sa pangalawang lamesa katulad nya ngunit nakapwesto sa mismong likod. Tumingin naman si Larren kay Ma'am na nakangiti pa rin hanggang ngayon bago tuluyang tumayo. Wala pa ring bahid ng kahit na anong saya ang mukha nya. Literal na para talagang napipilitan. "So, Larren and Jane..." huminto si Ma'am at tinapunan silang dalawa ng tingin bago tumikhim "...kailan ang kasal?" Biglang sumabog ang iba't-ibang ingay sa apat na sulok ng silid dahil sa biglaang sinabi ni Ma'am na ngayon ay tumatawa pa ng malakas. Kitang-kita ko din ang pamumula sa mukha ni Jane habang patuloy sa pag-aayos ng buhok sa likod ng kanyang tenga at yumuyuko. Samantalang si Larren naman ay bumuntong hininga lang at tumikhim, wala pa ring emosyon. "Ilang months or years na ba kayo-" "Hindi po naging kami" Tila binuhusan ng malamig na tubig ang kaninang maiingay kong kaklase lalo na si Ma'am na ngayon ay napakurap-kurap na lang matapos putulin ni Larren ang sasabihin nya. Natahimik ang lahat at tunog lang ng upuan ni Larren ang maririnig dahil muli itong umayos ng upo na parang wala lang yung sinabi nyang 'yon. Actually, he said it like a matter of fact in our faces. "O-Okay? Uhm..." hindi makahanap ng salitang bibigkasin si Ma'am at tinignan na lang si Jane na ngayon ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Larren na nakakalumbaba lang sa lamesa na parang walang pakialam. "Jane, is it true-" "M-May I go out po? L-Lavatory pass" pagputol ni Jane kay Ma'am at nagtatakbo na ito palabas ng classroom. Naiwan kaming tulala sa nilabasan nyang pinto. Kitang-kita ang gulat sa mata ng mga kaklase ko dahil sa nangyaring rebelasyon at alam kong isa ako sa mga nagulat na 'yon. What the hell is that?! Ramdam na ramdam ang tensyon sa buong silid at tunog lang ng upuan ni Larren ang nagmimistulang ingay dahil sa ginawa nyang pag-upo. Tila hindi pa sya apektado sa sinabi nya at sa reaksyon namin na para bang wala syang pakialam sa nangyari. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagkurap-kurap dahil sa hindi ko malaman kung anong reaksyon ang ipapakita ko at kung ano ang mararamdaman ko. Dapat ba kong maawa? Maging masaya? Kakamuhian ko ba si Larren? Iisipin ko ba si Jane? O hindi na lang talaga ako makikialam sa kanila? Hindi ko alam. "Ma'am, wag na nating pansinin yung nangyari! Sabihin ko na ba yung pangalawang couple?" pagbasag ni Mark sa katahimikan kaya muli nyang nakuha ang atensyon ng lahat. Gago din talaga 'to, eh. Nakita kong ngumiti na lang ulit si Ma'am at tumango habang yung iba kong mga kaklase ay muli na namang nagpapausbong ng sari-saring mga ingay. Samantalang ako naman ay muling napakunot ang noo dahil sa pagtataka. Wag naman na sanang maulit ulit yung nangyari kanina. Tumikhim si Mark at tinignan habang nakangisi ng nakakaloko yung kasama naming singkit na lalaki na ngayon naman ay nagsisimula nang pamulahan ng tenga. Halatang-halata pa naman ang pamumula sa kanya dahil maputi sya pero hindi bagay kasi ang pangit nyang kabonding. Joke. "Si Paulo po tsaka si Kenya" ||||| SELENAPHILE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD