Chapter 25 "Care to tell me what happened? Buong-buo at walang sugat ka kanina no'ng hinatid kita, ah? Bakit ngayon may pasa at galos ka na naman?" tanong pa ni Zero habang nagmamaneho. Halata sa lalaki na nagpipigil lamang ito ng galit. Mahigpit ang hawak nito sa manibela. "There were three guys who tried to capture me. I tried to run away from them. Kaso nadapa ako at nahuli ako ng isa sa kanila. That's when Alfonso arrived," kwento naman kaagad ni Matilda. "Who are those guys? Why would they want to capture you? And how did you know this Alfonso, the police guy?" sunud-sunod na tanong pa sa kanya ni Zero. "He saved me once. May nabaril sa harapan ko mismo. Sniper daw. Natulala ako sa nangyari. Nilapitan niya ako para pataguin sa ligtas na lugar habang inaalam nila kung wala na ba

