Chapter 24 Para maibsan ang pagdududa ni Zero ay isinama siya mismo ni Matilda sa lugar kung saan siya pupunta ngayong araw. "Matandang mag-asawa nga ang pupuntahan ko. Mukha ba akong nagsisinungaling?" lahad pa ni Matilda. "Naninigurado lang naman ako. Babalikan kita rito mamaya," tugon din naman ni Zero. "Ay, hindi ko alam kung nandito kami mamaya. Binigyan ko kasi sila ng pera pangpa-ospital. Baka magpunta kami sa ospital," paliwanag pa ni Matilda. Kumunot naman ang noo ni Zero. "Oh, akala ko dito lang? Sa kanila mo ba ginamit ang pera na winithdraw mo sa credit card?" tanong pa nito. "Oo, magagalit ka ba?" pag-amin din naman kaagad ni Matilda. "Hindi naman ako magagalit sa'yo eh. Sige na, mauna na ako. Mag-ingat kayo," tugon lang din ni Zero sa kanya. "Sandali, i-save mo pala

