Finale Chapter: Meeting her father “SASHA, come here anak,” tawag ko sa baby ko, abala siya sa paglalaro habang nakadapa sa kama. Ginagalaw-galaw pa niya ang mga binti niya. “May lakad tayo, sweetie. Ayaw mo bang ma-meet iyong mga kinakapatid mo, ha?” Magkikita kami ngayon ni Jamie, isasama na niya ang mga chikiting niya. Though, nakita ko naman sila sa personal dahil nagbakasyon sila sa America last year. “’My wait. I’m pyaying po ay,” bulol-bulol na tugon nito na ikinailing ko. Saglit lang ako nito sinulyapan. Na para bang mas importante ang paglalaro niya kaysa sa mommy niya. “Sasha Grace, huwag mo akong paghintayin. Gusto mong iwan na lang kita rito kina mommy at daddy? Matagal pa naman ako babalik, e. Sige ka, wala kang milk mamaya.” Sa puntong iyon ay nakuha ko na ang buo niya

