FINALE CHAPTER 2: His girls “SINO ka?” pag-uulit na tanong ni Sasha, wala siyang kaalam-alam na daddy niya ito. Wala rin naman akong kinukuwento sa anak ko, kasi masyado pa siyang bata. Ni hindi rin naman niya hinahanap ito. Wala pa talaga siyang kamuwang-muwang sa mundo. “Sasha, ’di ba gusto mong kumain ng cupcake? Don’t ask him, anak. Eat ka muna,” sabi ko, napansin ko na mas lumalalim ang gatla sa noo ni Vladimier. Narinig ko rin ang bayolente niyang paghinga. “Chendra...” he uttered my name, nasa boses na ang pagsusumamo niya. Alam kong hindi na lang siya nagtataka, gusto na niyang magtanong sa akin. Three years ko itong tinago sa kaniya, alam kong selfish ang pagtatago ng katotohanan na may anak naman siya. Napahinga ako nang malalim. “Gusto niyo, C. Lipat muna kami sa kabila par

