— Zhanaira —
“What name do you want us to call you?” tanong ng lalaking may puting buhok at may earphone na nakasabit sa loob ng damit.
“Z-Zhanaira na lang,” sagot ko. “Ano... Puwede na ba kayong magpakilala? Hindi ko pa kasi alam ang pangalan n'yo,” tanong ko.
They were strangers for me but I'm okay if I would live with them. Hindi naman sila mukhang masama, they even helped me. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa 'kin, 'di ba?
“I am Ice Gab Tuazon,” sagot ng nakausap ko kanina. Mukha siyang seryosong tao at ang pogi niya sa buhok niya na bumagay naman sa kaniya. Mas lalo siyag gumwapo ro'n.
“I'm Raiven Rey Liamzon,” pakilala naman ng lalaking may natural black hair. Matangkad siya pero mas matangkad 'yung lalaking tinawag nilang Zack kanina.
“Railey Sese!” pakilala ng isang may blonde hair. “I'm half guwapo, half pogi,” nakangiting dugtong niya na ikinataas ng kilay ko. “Hey, just kidding!” natatawang bawi niya na ikinatango ko na lang.
“Cedrick Jay Dorillo, babe,” pakilala ng lalaking may pagka-brown ang buhok bago kumindat sa 'kin. Naiilang na ngumiti na lang ako.
“Fire Tuazon,” WAlang gana namang pakilala ng may brown na brown na buhok. Siya 'yung biglang umangil kanina nang sinabi ni Zack na titira ako kasama sila.
Ayaw niya ba sa 'kin?
Kaano-ano niya kaya si Ice? Kapatid? They have the same surname.
“And I'm Zack Lerrick Fuentes,” pakilala ni Zack na black lang din ang kulay ng buhok. Halatang maganda ang katawan dahil sa hapit na hapit na white tee shirt nito na pinatungan ng maong jacket.
Pogi naman silang lahat pero nangingibabaw siya.
Hindi ko alam kung kasing edad ko lang ba sila o mas matanda sila dahil sa mga itsura at katawan nila. Mukha pa silang seryosong anim.
“Once you're ready to discharge, you will start to live with us, in our mansion,” sabi ni Zack na ikinatango ko na lang.
Mansion... First time kong makakatapak sa mansion kung gano'n.
Sila Fire, Cedrick at Railey naman ay umupo muna sa mga sofa habang nasa gilid pa rin ng kama ko sila Zack.
“Anyway, how old are you?” tanong niya sa 'kin.
“Seventeen,” sagot ko. “Kayo?” tanong ko pabalik.
“We're nineteen.” Tumango-tango ako sa sagot niya at umiwas ng tingin. “Where's your school?” tanong niya ulit sa 'kin.
“Sa ano... sa Lerico College.”
“Private?” Agad akong umiling. “So, it's public,” tumatango-tangong sabi niya kaya tumango rin ako. “You will not going to study there again, you will transfer out to Victorio University where we are studying.”
Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi ni Zack.
That University...
Masyadong mahal ang tuition fee ro'n, hindi ko kayang bayaran ang lahat ng kailangan bayaran doon!
“If iniisip mo ang fee's, don't worry, I will pay it,” pag-a-assure agad sa 'kin ni Zack na ikinailing ko.
“Ayoko magkaroon ng malaking utang na loob sa inyo. Tinulungan n'yo na nga ako ngayon tapos—”
“Shut up. Ako na nga ang bahala, 'di ba? No need to pay me,” malamig na putol niya sa 'kin habang naka-cross-arm at walang ganang nakatingin sa 'kin.
Hindi agad ako nakasagot. Parang nakakahiya kung tatanggapin ko ang alok niya. They don't even know me kaya bakit niya 'ko tinutulungan nang ganito?
Anong plano niya?
“I'll take your silence as an agree,” sabi niya nang nanahimik ako nang matagal. “Rest now, Zhanaira. Bibili lang kami ng pagkain at gamit mo.”
“H-Ha? S-Sige, salamat!” sagot ko na lang at tumango-tango pa.
“Let's go,” 'aya niya sa mga kasama niya.
“Hindi na ako sasama. Ako na lang ang magbabantay sa kaniya,” sabi ni Ice na ikinatango lang ni Zack saka sila nagsilabasan.
“Gano'n ba talaga siya kaseryoso? Parang ang sungit-sungit naman niya,” bulong ko nang nakalabas na sila.
“I'm sorry about that. Gano'n lang talaga si Zack. Masyadong seryoso sa buhay, akala mo naman ang tanda-tanda na.” Napatingin ako kay Ice nang nagsalita siya.
Narinig niya pala ako.
“Lakas naman ng pandinig mo,” sabi ko na tipid niya lang na ikinangiti.
“So, Zhanaira, what happened to you?” Bigla akong natahimik sa tanong niya. “Bakit ka may saksak? Sinong may gawa sa 'yo niyon?” sunod na tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita. Dapat ko bang sabihin? Hindi ko naman sila kilala, hindi ako sigurado sa kanila.
“Why don't you tell me? Puwede nating kasuhan ang gumawa sa 'yo nito. You almost died. Kung hindi ka pa namin nadala rito ay baka patay ka na ngayon,” sunod-sunod na sabi niya pero umiling-iling lang ako.
I can't. Masakit pa rin tanggapin kapag naaalala ko ang nangyari sa akin.
“Fine. Sabihin mo na lang kapag ready ka na,” pagsuko ni Ice kaya tumango na lang ako at pumikit para bumalik sa pagtulog.
———
Nagising akong maingay na sa paligid na agad nagpadilat sa akin.
Nandito pa rin sila.
Hindi nila 'ko iniwan, buti na lang. Kailangan ko talaga ng kasama. Kailangan ko ng matitirahan. Sila, sila lang ang makapagbibigay sa akin niyon.
Kahit hindi ako sigurado sa gagawin ko, sasama pa rin ako sa kanila. I have no choice! Walang-wala ako ngayon lalo na't dahil sa nangyari sa akin ay hindi na ako puwedeng umuwi sa amin.
“Gising ka na pala...” Napatingin ako sa gilid ko nang nagsalita si Raiven. “Gutom ka na ba? Nakabili na kami ng pagkain,” tanong niya na ikinatango ko na lang.
Tiningnan ko silang lahat pero wala sina Ice at Zack. Sila Railey, Fire at Cedrick lang naman ang nag-iingay.
“Kaya mo na bang umupo?” tanong ni Raiven.
“S-susubukan ko,” mahinang sagot ko at dahan-dahang inangat ang katawan ko para umupo pero napadaing agad ako nang sumakit ang malalim kong sugat sa tiyan dahil sa saksak na nakuha ko noong isang gabi.
“Let me help you,” presinta ni Raiven at agad akong inalalayan. Kuminang naman ang isang earings niya sa kaliwang tainga.
Ang cool tingnan para sa kaniyaya kasi kapag ibang lalaki ang may hikaw, mukha silang adik.
“Thank you,” sabi ko nang makaupo na ako nang maayos. “Nasaan pala sina Zack at Ice?”
“Umuwi muna sa mansion. Kukuha lang daw sila ng gamit namin,” sagot niya habang naghahanda ng pagkain ko. “Hoy, kayo! Hindi pa ba kayo kakain?” pasigaw na tanong niya ro'n sa tatlo.
“Sinong may sabi?” tanong ni Railey at agad na tumayo. “Kumusta ang tulog, prinsesa?” Ngumisi siya sa 'kin.
“A-Ayos lang,” nahihiyang sagot ko.
Lumapit na rin sa 'min sila Fire at Cedrick saka kumuha ng pagkain nila.
There was a dark aura from them that I could feel. Hindi ko alam kung ano 'yon pero parang may kakaiba kasi sa kanila.
Parang hindi sila pangkaraniwang estudyante at tao.
Sino kaya ang mga lalaking 'to?
“Done checking us, Zhanaira?” nakangising tanong ni Fire na ikinaiwas ko ng tingin. “Nahiya pa.” Natawa siya nang bahagya bago humigop ng sabaw sa cup noodles niya.
“Tiga saan ka ba?” tanong ni Cedrick sa akin na hindi ko sinagot.
Buti na lang at binigyan na ako ni Raiven ng isang cup noodles na pinagkaabalahan ko at hindi na sila pinansin pa.
“Sabi ni Ice ay ayaw niya talagang magsabi ng tungkol sa kaniya kaya huwag n'yo nang tanungin.”
“Malay ba natin kung anong klaseng tao siya. Ito namang si Zack, pinapatira agad sa atin.” Napatigil ako sa pagkainnat napatingin kay Cedrick dahil sa sinabi niya.
Kinagat ko ang labi ko at inangat ang ulo para tingnan silang lahat.
“Hindi naman ako masamang tao...” Kaya nga hindi ko alam kung bakit nangyari sa akin ito. “Hindi ako tulad ng iniisip n'yo.”
“E, ano pala?” tanong naman ni Fire.
Umiling ako. “Kailangan ko lang talaga ng matitirahan. This time, I have nothing but myself. Hindi ko na kaya pang bumalik sa amin,” mahinang sagot ko at suminghap.
“So, bakit nga ayaw mong sabihin sa 'min kung ano ba talagang nangyari? Puwede kang magsampa ng kaso dahil sa ginawa sa 'yo.”
Umiling-iling ako kay Raiven.
“Malaki ang utang na loob ko sa kanila, huwag na lang. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari sa 'kin 'to.” Ngumiti ako nang tipid. “Huwag n'yo na 'kong pilitin, please?Magsasabi naman ako kapag ready na ako.”
“Stop asking her.” Napatingin kaming lahat sa pinto nang may nagsalita mula roon. “Let her take a rest,” dugtong pa ni Zack na kakarating lang.
“Fine,” sagot nila at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Kasunod ni Zack na pumasok si Ice na parehong may dalang mga gamit.
“We bought personal things for you. I hope the garments will fit to you.” Napatingin ako sa mga paper bag na dala nila. Ang dami niyon. “Your doctor said, you will discharge maybe after a week,” dugtong niya na ikinatango ko na lang.
Parang umpisa palang ang dami ko nang utang na loob kay Zack. He even bought things for me even though I didn't tell him to buy me those.
Mabait lang ba talaga siya o baka may iba siyang balak?