bc

That Girl of the Six Gangsters

book_age16+
2.4K
FOLLOW
7.9K
READ
possessive
fated
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
heavy
betrayal
friendship
like
intro-logo
Blurb

Binago nila ako. They helped me to survive. Sila ang naging sandalan ko. They never leave me. Mas pamilya ko pa sila sa kung sino mang pamilya ko.

I feel so blessed to have them. Because of them, the old me vanished. I learned a lot from them even though they are gangsters.

Hindi ako sigurado sa kung anong mangyayari sa akin kung sakaling mawala sila sa akin. Mahal na mahal ko sila at gano'n din sila sa 'kin, hindi ko hahayaang maagaw ng ibang tao ang mga lalaking nagkulay sa walang kulay kong buhay noon.

I'm living with the six gangsters who did everything to make me change for a better life.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Tulong! T-Tulungan nyo po ako...” umiiyak pero mahinang pakiusap niya habang gumagapang sa sementadong daan. She was stabbed. She was hurt and in pain, they wanted her to die. Hawak-hawak ang tiyan niyang may saksak ay nagpatuloy siya sa paggapang— umaasa na may makakakita't tutulong sa kaniyaya kahit na malalim na ang gabi at tulog na lahat ng tao. Napaiyak siya lalo nang mapansing dumudura na rin siya ng sarili niyang dugo. “T-Tulungan n'yo po a-ako, please... Tulong," halos wala nang boses na sabi niya at pumikit nang mariin. Feeling niya anytime ay mamamatay na siya na siyang gustong mangyari ng gumawa nito sa kaniya. Wala naman siyang ginagawang masama para ganituhin siya. Napakabait niyang tao tapos ganito lang ang kahahantungan niya? Who will help her? Who will save her from death? “H-Hindi ko na kaya please, someone save me please...” bulong niya, bumabagsak-bagsak na rin ang talukap ng mga mata niya habang bumabalisbis nang mabilis ang mga luha mula sa mga mata. Isang malakas na busina ng sasakyan ang nagpatigil kay Zhanaira sa paggapang. Nasilaw rin siya sa malakas na ilaw na tumama sa kaniya. “T-Tulungan n-n'yo ako, please...” bulong na naman niya, umaasa na kung sino mang nasa sasakyan ay tutulungan siya. “'Tang ina! Bakit ka biglang pumreno?” malakas na sigaw ng isang lalaking bumaba galing sa puting van. “'Ngina'ng 'yan! 'Yung ilong ko, 'tang ina mo talaga, Zack!” sigaw rin ng isa na bumaba na rin ng sasakyan. “Mother fuckers! Someone's there!” sagot ng driver nilang tinawag na Zack. Bumaba na rin siya ng sasakyan at tiningnan ang babaeng nakahandusay sa daan. “Gago ka, Zack! Nabangga mo ba? Patay na yata pre!” sabi pa ng isa hanggang sa lahat ng natira sa loob ng sasakyan ay nagsibaba na rin. Anim sila. “T-Tulong!” Medyo lumakas ang boses ni Zhanaira, nagawa niya pang itaas nang dahan-dahan ang kanang kamay niya na ikinagulat nilang lahat at nagkatinginan. “Buhay pa! Buhay pa!” sigaw ng isa kaya nagmadali sila sa paglapit sa babae. “f**k, may saksak pala siya,” sabi ni Zack at mabilis na binuhat si Zhanaira. “Ano namang nangyari sa kaniya?” “Malay natin. Tara na sa hospital. Baka mamatay 'yan at tayo pa ang masisi.” Mabilis nilang isinakay si Zhanaira sa sasakyan nila at pinaharurot agad ito ni Zack. “Pre, wala nang malay. Bilisan mo!” Hindi sumagot si Zack at mas binilisan na lang ang pagpapaandar sa sasakyan. Mabilis silang nakarating sa isang hospital at itinakbo papasok ang babae. Inihiga nila sa isang stretcher si Zhanaira at agad na dinala sa loob. “Sir, paki-fill-up-an na lang po nito,” sabi ng isang nurse na lumapit sa kanila at binigay ang isang papel. Patient's information 'yon pero wala naman silang alam tungkol sa babae. “Sorry miss, pero hindi namin siya kilala. Nakita lang namin siya kanina sa kalsada,” sagot ni Zack. “Gano'n po ba, pakisulat na lang po ng names n'yo," sagot ng nurse at ibinigay ang isa pang papel. Tumango sila kaya umalis na ang nurse. “Ice, ikaw na magsulat!” utos ni Zack kay Ice. Tinanguan siya nito at agad na inagaw ang papel at ballpen mula kay Zack. Umupo muna silang lahat sa mga upuan para maghintay. “Anong oras na, Raiven?” tanong naman ni Ice kay Raiven. “1:56 am,” sagot nito na ikinatango ni Ice. Anong oras na! Kahit sila ay pagod na pagod din dahil galing pa sila sa Zamboanga at kakarating lang dito sa Maynila pero heto sila ngayon, nasa hospital dahil sa isang babaeng hindi naman nila kilala. “Uwi na kaya tayo? Hindi naman natin kilala 'yung babae, e,” walang pakialam na sabi ng isa at humikab-hikab pa. “Pero maganda siya, ha,” dugtong pa nito at ngumisi. “Puro kagaguhan talaga 'tong si Fire, oh,” umiiling na sabi ni Cedrick at sinuntok nang pabiro sa braso si Fire. “Umuwi ka na mag-isa mo, bro. Wala kang malasakit sa kapuwa,” naiiling din na singit ni Railey dito. Napasimangot na lang si Fire at nanahimik. Si Zack naman ay seryoso lang na naka-cross-arm habang nakasandal. Gusto niya na rin sanang umuwi pero hindi naman niya magawa dahil baka walang pumunta rito sa hospital na kamag-anak ng babae. “Sino kayang mga magulang niyon? Mamaya hindi magsi-dating 'yon at tayo pa ang magbayad ng bills dito,” tanong ni Raiven na ikinakunot lang ng noo ni Zack. That's not a problem. “Mga sir!” Napatingin silang lahat sa isang babaeng nurse na lumapit sa kanila. “Mukhang pagod po kayo, pwede po kayong magpahinga roon.” Napatingin silang anim sa itinuro ng nurse. May mga couch doon na mahahaba. “Pwedeng humiga?” tanong ni Fire na napatayo agad. Parang nag-alinlangan at nag-isip pa ang babae. Hindi agad ito nakasagot. “We are very tired. Wala pa kaming tulog,” sabat naman ni Zack habang seryosong nakatingin sa nurse. “S-Sige po...” Walang sabi-sabing pumunta sila sa lugar kung saan pwede silang magpahinga. Nagsiksikan at nagsihiga agad sila dahil sa sobrang pagod maliban kay Zack na hindi man lang nagmadali. After three hours ay lumabas na ang doctor na nag-asikaso kay Zhanaira. Hinanap agad nito ang mga lalaking nagdala sa babae rito. Napakunot ang noo nila at nagbulungan agad ang iba nang nakitang natutulog ang mga ito. “Pakigising naman,” utos ng doctor na agad sinunod ng isang nurse. Hindi naman sila nahirapan sa paggising sa anim na lalaki dahil nasiupo agad ang mga ito. “Okay na ba 'yung babae?” tanong ni Ice. “Puwede na kaming umuwi?” tanong naman ni Fire kaya agad syang siniko ni Raiven. “Stable na ang lagay niya. Kinailangan niya ng dugo kanina, buti na lang at may stock kami rito ng blood type niya. Nasa room 303 na siya at pwede n'yo nang puntahan.” Gaya ng sinabi ng doctor, pinuntahan nila si Zhanaira sa kuwarto nito. Naabutan nilang mahimbing na natutulog ang babae sa kama. Tumayo si Zack sa gilid ng kama at pinakatitigan ang babae. Fire was right, she's beautiful. “Hihintayin pa ba nating magising 'yan?” tanong na naman ni Fire. Ito talaga, kanina pa uwing-uwi sa buhay niya. “Oo. Dito na lang tayo matulog,” sagot ni Raiven at humiga na sa mahabang sofa. Buti na lang at malaki ang kuwarto at may apat na mahahabang sofa. Naiwang gising na lang ay si Ice at Zack na parehong nakatingin kay Zhanaira. “Sino kayang gumawa sa kaniya niyan?” mahinang tanong ni Ice. Hindi sumagot si Zack at nakipagsiksikan na lang ng higa sa mga kasama niya. Gano'n na rin ang ginawa ni Ice. ——— Inabot ng umaga ang anim na lalaki sa hospital at halos sunod-sunod na nagising. “Kanina ko pa kayo hinihintay na magising.” Nagulat na lang sila nang may mahinhin na nagsalita. Mabilis silang lumapit sa kama ni Zhanaira na gising na pala. “Mabuti naman at gising ka na. Makakauwi na rin kami sa wakas,” bagot na sabi ni Fire na, matamlay na ngiti lang naman ang isinagot ni Zhanaira. “Pasensya na sa abala. Kayo malamang ang nagdala sa 'kin dito, maraming maraming salamat sa tulong n'yo,” nakangiting pasasalamat niya kaya nagkatinginan ang anim. Kung hindi dahil sa kanila ay baka patay na siya ngayon. Tinulungan siya ng mga ito at nagpapasalamat talaga siya sa ginawa nila. “Your name?” tanong ni Zack kaya napatingin si Zhanaira sa kaniya. “Zhanaira... Zhanaira," sagot nito. “Give me your guardian's cellphone number nang mapuntahan ka na nila rito.” Hindi naman agad nakasagot si Zhanaira sa sinabi ni Ice. “A-Ayoko,” sagot niya na ikinakunot ng noo nilang lahat. “So gusto mong kami pa talaga magbayad ng bills mo rito?” taas kilay na tanong ni Cedrick. Tumango si Zhanaira. “Sorry, ayoko nang makita sila ulit. Bayaran n'yo ang bills ko at babayaran ko agad kayo kapag mayroon na 'kong pera, pwede rin namang pagtatrabauhan ko na lang, pagsisilbihan ko kayo kung gusto n'yo,” mahinang sagot ni Zhanaira. Hindi agad nakasagot ang anim na lalaki sa kaniya kaya medyo kinabahan siya. Wala siyang pera, walang wala siya ngayon. Hindi rin siya puwedeng makita ng mga hindi niya totoong kamag-anak. Kailangan niyang mapapayag ang mga lalaking ito. “Please—” Natigilan agad si Zhanaira nang sumabat si Zack. “Sure, you will live with us,” tipid na sabi nito na ikinalaki ng mata niya. “Hoy, Zack! Gago ka ba?” gulat na tanong ni Fire habang nakakunot ang noo at nakaturo kay Zhanaira. “You will let her live with us? With us, ha?” Ngumisi lang naman si Zack at tumango. “Why not?” Tiningnan nito si Raiven. “Raiven, check how much is her hospital bills and pay it.” “Are you sure about this?” tanong ni Raiven. “Just pay it,” walang ganang sagot ni Zack at tumingin ulit kay Zhanaira. “Papatirahin ka namin sa mansion namin, is it okay to you?” tanong ng lalaki sa kaniya. “Y-Yes, thank you...”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
54.0K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.2K
bc

The Ex-wife

read
232.5K
bc

Hate You But I love You

read
63.4K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook