[CHAPTER 50] ◌●◌ SUMAPIT NA NAMAN ang gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Francine. Isang araw at kalahati na siyang walang tulog. Ganito yata ang epekto sa kanya ng limang araw na puro tulog at kain lang ang ginagawa sa kwarto. Hindi iyon maganda sa kalusugan ngunit hindi mawala ang pangamba niya magsimula ng ma-kidnap sila Diezel. Nag-aalala rin siya sa mga taong nasa loob ng Fortress. Maaring sa sandaling ito, pinapahirapan na ang mga naroon para makakalap ng mas marami pang impormasyon tungkol sa kanila. Dahil hindi naman siya makatulog, inaliw niya na lang ang sarili sa pagbabasa sa silid-aklatan. Gusto niyang mas mapag-aralan kung anong mayroon sa bawat clan, pati na rin kung anong kahinaan at lakas ng bawat-isa sa mga iyon. Nasa tagpong ililipat niya na ang sunod

