[CHAPTER 51] ◌●◌ PAULIT-ULIT ANG pagsigaw ng binata. Maririnig iyon sa apat na sulok ng kwartong inaakupa nito. Mapapansing nasasaktan ito nang labis. Pulang-pula na ang mukha, tagaktak ang pawis, at gustong iuntog ang ulo sa pader kung wala lang mga doktor na nakahawak dito. Hindi alam ni Adria ang gagawin nang mga sandaling iyon. Gustong niyang lapitan ang binata at yakapin ngunit natatakot siyang maipagtulakan nito. Sinalubong niya ang titig nito kahit masakit sa dibdib. Punong-puno iyon ng puot at galit. Hanggang sa napalitan ng matinding pagluha. Mayamaya pa, nawalan ito ng malay. Doon lang bumalik ang paghinga ng dalaga na tila hindi naramdaman kanina. Sandali lamang ang naging pagtitig nito ngunit dama niya ang matinding sakit. Tumatagos iyon sa kanyang dibdib. Napadausdos

