[CHAPTER 35] ◌●◌ NAGSIMULA ANG pagtitipon sa ganap na alas-diyes ng gabi. Ang mga mata ni Chaos ay nakatuon lamang sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Magkasalikop ang bisig ng binata. Ang pagkakatayo niya ay tila sundalong nakabantay sa kanyang pwesto. Hindi hinahayaang may makaligtaan na maliliit na detalyeng maaaring pagsimulan ng gulo. Naganap ang pagtitipon sa bahay ng mga Suldaga. Narito na ang lahat sa ilalim ng pinakamalaking chandelier na nakita niya sa buong buhay. Ang pagkaing nakalatag sa napakahabang mesa ay hindi na makahinga sa sobrang dami. Hindi kaya ni Lora na asikasuhin ang ganoon kalaking handaan kaya naman tumulong ang mga piling kusinero't kusinera ng bawat clan sa paghahanda ng mga putaheng iluluto. Ang lahat ng iyon ay isa-isang tinikman ng mga ito bago iha

