[CHAPTER 34] ◌●◌ NILILIPAD ANG kulay kapeng buhok ni Chaos dahil sa lakas ng hangin. Nakatiklop ang pantalon niyang itim hanggang tuhod upang hindi mabasa ng tubig. Nakatupi rin ang manggas ng long-sleeve niya na puti hanggang siko. Bukas ang tatlong botones niyon sa itaas. Nakasampay ang itim na coat sa balikat. Nakapameywang ang binata habang tanaw ang napakalawak na karagatan sa likod ng tila kastilyong bahay ng mga Suldaga. Ipinikit niya ang mga mata. Hinayaang makalimutan ang mga problemang gumugulo sa isipan habang pinapakinggan ang tunog ng paghampas ng alon sa buhanginan at mga bato. Naririnig niya rin ang ibong humuhuni. Nararamdaman niya ang unti-unting paggaan ng pakiramdam. Ito lang naman ang kailangan niya—ang katahimikan ng isipan. Muling iminulat ni Chaos ang mga mat

