[CHAPTER 56] ◌●◌ HAWAK NI ADRIA ang wheelchair na gamit ng binata. Ganito na parati ang gawi nila nang magsimula itong kumalma. Naging mahirap sa kanya ang mga nakalipas na linggo dahil sa pagwawala parati ng binata. Hindi ito makontrol at parating nasasaktan ang sarili. Ngunit sa pag-oobserba nila nitong mga nakaraang araw. Matapos nilang malaman na ligtas na ito, saka lamang niya iginagala gamit ang wheelchair. Malaking tulong sa development nito ang makakita ng magagandang tanawin at mga tao. Nang masigurado niyang ginagawa ng mga tauhan nang maayos ang kanilang trabaho, saka lamang muling itinulak ni Adria ang wheelchair. Dadalhin niya naman ngayon ang binata sa hardin upang makalanghap ito ng sariwang hangin. Hindi pa mainit doon dahil madaling-araw pa lamang. Naupo kaagad si

