[CHAPTER 47] ◌●◌ GAMIT NILA ang van ng mga Dela Vega at patungo ngayon sa bahay ng mga Foix. Nasa likuran ang iba at nakasunod sa kanila. Ganoon na lamang ang pag-aalala ni Francine nang biglang matumba si Chaos at mawalan ng malay habang papalabas sila ng gusali kanina. Mukhang nabigla ang katawan ng binata sa pakikipaglaban. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang tama nito sa hita. Gusto niya man itong pagalitan dahil hindi nag-iingat at hindi inaalala ang katawan ngunit hindi niya magawa. Wala siya sa posisyong gawin iyon. Tulog na rin sila Diezel at Ace. Kailangang magpagaling ng dalawa mula sa natamong bugbog at suntok. Tanging si Purple at Clux na lang ang gising ngayon. Siya ang nag-aasikaso sa dalawang bata. Binigyan niya kaagad ng tubig ang mga ito. Pagkalipas ng i

