MAKALIPAS ang ilang araw, mas napalapit si Abigael kay Ashley habang ang tatlo niyang kaibigan ay may sariling landas na nilalandas. Hindi siya pinakikialaman sa mga pinaplano niya. Masaya si Abigael dahil kasabay nang pagiging close niya kay Ashley, mukhang nakukuha na rin niya ang loob ni Lexter. Maayos na siyang kausapin nito at hindi na siya sinusungitan. Sa kabilang banda naman, excited sina Donna, Daisy at Princess para sa Christmas Party nila. Nagpunta pa ang tatlo sa mall upang bumili ng maisusuot at regalo. Habang naglalakad sila, “Oo nga pala, Princess. Nabawi mo na ba iyong cellphone mo?” tanong ni Daisy habang nasa isang boutique sila ng mga damit. “Bumili na lang ako ng bagong phone, hindi namin makita ‘yong kinder na ‘yon palibhasa, maliit kaya ang hirap-hirap hanapin.” T

