Masaya naman ang Love couple na sina Cathy at Robert. Hindi akalain ni Cathy na mas magiging masaya ang high school life niya kahit na minsan may mga oras na gusto niyang ma-involve kina Lexter at Jasper lalo na kapag may problemang kinahaharap ang dalawa. “Sa Christmas Party natin, abangan mo ang surpresa ko.” masayang wika ni Robert. “Ano naman iyon? Bakit hindi na lang ngayon?” kiniliti niya ang tagiliran ni Robert, niyakap naman siya nito. “Abangan mo, sa Christmas Party natin.” Yumakap na lang din si Cathy sa kanya. Pagkatapos ng klase, dumeretso sina Ashley at Lexter sa library upang tapusin ang project nila para wala na silang iisipin pa. “Malapit na pala ang Christmas Party natin.” pagsisimula ng usapan ni Lexter ngunit busy pa rin si Ashley, nagsusulat kasi ito ng reflection

