Chapter 6: Quizbeetiful | Round Two

1865 Words
INIS NA INIS si Abigael habang papunta silang canteen. “Buwiset na imba girl na 'yan. Inagawan pa 'ko ng eksena sa stage kanina.” gigil na gigil na wika ni Abigael at saka naupo sa favorite spot nila sa Canteen. “Chill lang!” wika ni Donna at naupo. Sina Daisy at Princess naman ay um-order ng pagkain. “Okay na rin 'yon, panalo ka pa rin naman.” dugtong pa niya. “Okay na rin?” inis niyang tanong. “Ako si Abigael Cai. Ayoko ng okay lang.” at umirap ito. “Feeling ko napahiya pa 'ko kanina. Buwiset talaga!” Dumeretso naman sa Restroom si Ashley pagkatapos na pagkatapos ng unang round ng quizbeetiful. Pumasok siya sa cubicle at ibinaba ang takip ng inidoro saka naupo. “Ouch!” reklamo niya habang hinihimas ang braso niya. Namula kasi ito gawa ng pagkakahawak ni Abigael sa braso niya. Maya-maya, may narinig siyang yapak ng paa. “Parang ewan si Ashley kanina 'no?” rinig na usapan ni Ashley. Tumatawa pa ang mga ito. “Nakita lang niya si Jasper nawala na sa sarili. Ang dali-dali nang tanong eh.” dugtong pa nito. “Oo nga, Ruby. Super loser talaga 'yong isang 'yon. Well, dapat lang talaga na maging loser siya forever.” sagot naman ng isang babae. Hindi alam ni Ashley ang gagawin niya. Nanatili lang siyang nasa loob ng cubicle at nakikinig sa usapan ng tatlong babae. “Gusto mo ba na mas gawin nating exciting ang High School Life ni Imba girl?” nakatawang tanong naman ng isa pang babae. “Huwag muna, Rhea. Natutuwa pa kong panoorin sila Abigael. Ayokong agawan sila ng eksena sa Campus na’to.” Nang maramdaman ni Ashley na wala ng tao sa labas ng cubicles, lumabas na siya. “Sino kaya ang mga iyon? Bakit galit din sila sa'kin?” takang tanong ni Ashley sa sarili habang nakatingin sa salamin. Inayos ni Ashley ang kaniyang sarili saka naglakad palabas ng restroom. Sa paglabas niya, nakita niya si Jasper na may kausap na magandang babae. Napahawak siya sa laylayan ng uniform niya at saka nag-decide na lumakad paalis sa lugar na iyon. Malungkot na umuwi ng bahay si Ashley. Nasa isipan niya ang narinig niyang usapan sa restroom at ang pagkakita niya kay Jasper na may kasamang ibang babae. Nahiga siya sa sofa sa sala nila at nagbuklat na lang ng libro. “How’s your day, iha?” Napatingin si Ashley sa mommy niya na papalapit sa kanya at may dalang snacks. “Okay lang po, mom.” pilit ng ngiti niyang sagot at naupo. Inilapag naman ng mommy niya ang snacks na dala sa center table ng sofa at saka tumingin ng seryoso sa anak. “Sigurado ka?” panunuri ng mommy niya. Agad namang yumakap si Ashley sa mommy niya at umiyak. “Si Jasper po kasi, mom.” pagkasabi niya no'n, kumalas siya sa pagkakayakap. Nakatingin naman sa kanya ang mommy niya na nag-aalala. “Hanggang ngayon, gano'n pa rin 'yong treatment niya sa'kin. Gusto kong mag-explain. Gusto ko siyang lapitan kaso parang hindi niya 'ko nakikita, parang hindi niya 'ko kilala.” sumbong niya sa mommy niya. Pinunasan ng mommy niya ang luha sa mga pisngi niya. “Anak, akala ko ba hindi mo na pag-aaksayahan ng oras ang Jasper na iyon?” seryosong tanong ng mommy niya. “Tigilan mo 'yan at i-pokus mo ang sarili mo sa pag-aaral.” dugtong pang sabi ng mommy niya. “Pero, mom.” pagtutol ni Ashley. Tumayo ang mommy niya. “No buts, itigil mo na 'yan! Hindi mo deserve ang maging ganiyan. Pumayag akong maging simple ka lang sa School na pinapasukan mo pero hindi ako pumayag na ituring mo ang sariling mong parang naghahabol sa isang tao. Mayaman tayo anak, same lang ng mga studyanteng nag aaral sa Paaralang pinasukan mo. Ayokong ang unica ija ko ay minamaliit lang o tinatrato na hindi maganda. Bibisita ako sa School mo.” dire-deretsong sabi ng mommy niya na siyang kinagulat ni Ashley. Napatayo siya at napahawak sa braso ng mommy niya. “Mom. Huwag na.” palambing na sabi ni Ashley. “Promise po, hinding hindi na 'ko magpapaapekto kay Jasper. Pagbubutihan ko nalang ang pag aaral ko. Huwag na po kayong mag-abalang pumunta sa School.” pagkukumbisi niya sa mommy niya. Ayaw niya kasing malaman ng mommy niya ang kalagayan niya sa school. “At bakit 'wag na?” seryosong tanong ng mommy niya. “May event po kasi kami sa School, busy po ang buong Campus.” explain ni Ashley. Napatango na lang ang mommy niya na parang hindi convincing sa sinabi ng anak. “Oh sya! Magsnack ka na at pagkatapos, umakyat ka na sa room mo at magpahinga.” huling utos ng mommy niya bago pumasok sa kusina. “Okay po.” Pagkatapos ni Ashley mag-evening snack, umakyat na siya sa room niya. Nakaka-isang buwan na siya sa paaralan ngunit wala pa rin siyang kaibigan. Nalulungkot siya dahil hindi iyon ang inaasahan niya. In-off niya ang ilaw sa kwarto niya at saka siya nahiga sa kama. “Tama si mommy, hindi ko deserve 'to. Ginusto ko ngang pumasok sa school na 'yon bilang isang ordinaryong studyante lamang. Hindi kilala, hindi mayaman at hindi sikat. Ayoko kasi na may special treatment. Gusto kong ma-enjoy ang High School Life ko pero 'di ko inaasahang magiging ganito.” napayakap nalang siya sa unan niya. Kinaumagahan, naglalakad si Ashley papunta sa gym para sa round two ng quizbeetiful contest. Sa paglalakad niya, nakita na naman niya si Jasper na may kasama. Imbis na huminto siya sa paglakad, nagdere-deretso siya. Ayaw niyang maging apektado pero hindi niya matago sa sarili niya na apektadong-apektado talaga siya sa pagbabago ng treatment sa kanya ni Jasper. Napatingin naman si Jasper kay Ashley na nagmamadaling maglakad. “Jasper, do you know her?” tanong ni Cathy sa kanya. Napabalik naman ng tingin si Jasper kay Cathy. Hindi siya sumagot. “Nakatingin ka kasi sa kanya kanina pa and I just thought, baka kilala mo.” explain ni Cathy at saka lumakad. “Paano, mauna na 'ko sa'yo.” paalam niya. Tumango na lang si Jasper. Nakarating na si Ashley sa gym. Dumeretso siya sa backstage at naupo sa mono block chair doon. “Sino kaya 'yong babaeng iyon?” tanong niya sa isipan niya. Bigla namang dumating sila Abigael. “Oh! Nandito na pala si loser.” saad ni Donna. “Mukhang nagpapakitang gilas.” at humarap siya kay Abigael. “Naku Abi, kabahan ka na.” pabirong warning niya sa kaibigan niya. Lumapit naman si Abigael kay Ashley. “Oo nga. Mukhang well-prepared si imba girl.” sabat naman ni Daisy at saka tumawa. “Good luck Abi.” wika naman ni Princess. Napatingin naman sa kanya sina Daisy at Donna. Biglang nagtaka si Princess. “Bakit? May nasabi ba akong mali?” dugtong niyang tanong. “Wala.” at saka umirap si Daisy. “Tara na nga.” aya niya kay Donna. “Paano Abi, punta na kami sa puwesto namin. We will cheer for you.” dugtong pang sabi ni Daisy saka lumakad. Tumango na lang si Abigael at saka naupo sa bakanteng upuan. Sumunod naman si Princess kina Donna at Daisy. Nang silang dalawa na lang ang nasa backstage. “Did you heard the news?” feeling friendly na tanong ni Abigael. Napatingin naman sa kanya si Ashley. “S'yempre hindi.” inis niyang wika. “Loser ka nga pala para maka-update sa news.” at saka niya kinuha ang phone niya. “Tungkol saan ba 'yong news?” curious na tanong ni Ashley. “Alamin mo. Don’t ask me!” umirap ito kay Ashley at saka nag-earphone. Nagsimula na ang round two ng quizbeetiful. Tinawag na ang pangalan nina Abigael Cai at Ashley Perez. Pinapunta na sila sa p'westo nila at pina-check ang buzzer kung gumagana. Ang mga studyante ay nasa kani-kanilang p'westo na at nanonood. “Good morning everyone.” bati ni Mister Santos. “Here we go again and start our round two in quizbeetiful contest.” dugtong pa nito. “Okay! We have five questions and whoever have a high score will be the winner.” announce naman ni Misis Reyes. Nagsimula na ang tanungan. Sa bawat pagbato ng tanong, nag-uunahan ang dalawa sa pag-buzzer at pagsagot. Masayang nanonood ang mga studyante. Maingay ang mga ito at nagchi-cheer sa pangalan ni Abigael. Dahil sa pahero silang aktibo, naging parehong two points ang scores nila. “Okay! Let’s take a break.” announce ni Mister Santos. Habang nakahinto ang contest. Pumunta si Ashley kung saan naka-surrender ang gamit nila at kinuha ang tubig niya para uminom. Sumunod naman si Abigael sa kanya. “Kilala mo ba kung sino 'yong laging kasama ni Jasper?” bungad na tanong ni Abigael. Napahinto sa pag-inom ng tubig si Ashley. Napatingin siya sa tinitingnan ni Abigael. Nakita niya na nakangiti si Jasper habang kausap 'yong babaeng lagi niyang nakikitang kasama nito. May kung anong kirot na naman siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Binaling naman ni Abigael ang tingin niya kay Ashley. “S'yempre hindi ulit ang sagot sa tanong ko.” at saka ngumisi si Abigael. Babalik na sana sa p'westo si Abigael nang magtanong si Ashley. “Bakit? Kilala mo ba 'yong babaeng kasama niya?” curious na tanong ni Ashley. Tumingin naman si Abigael sa kanya at itinaas ang kilay. “Kilala ko man o hindi, ba’t ko sasabihin sa'yo?” at ngumisi pa siya. “Look imba girl, 'yong kasama ni Jasper tapos i-compare ko sa'yo.” tiningnan niya si Ashley mula ulo hanggang paa. “Hindi mas hamak na boto na 'ko sa kanya kesa sa'yo.” at lumapit pa siya kay Ashley. “Ang gusto ko lang naman mawala ka rito. Iyon lang.” saka umirap at tuluyang bumalik sa pwesto niya. Nanatiling nakatayo si Ashley. Hindi magsink-in sa isipan niya ang lahat ng sinabi ni Abigael at kung bakit ganoon na lamang ang galit nito sa kanya. Napatingin ulit siya sa lugar kung saan nakapuwesto si Jasper, nagulat naman siya nang makita niya itong nakatingin sa kanya. “Okay. Let’s continue the game.” announce ni Mister Santos. Naglakad na si Ashley papunta sa puwesto niya. Hindi siya mapalagay sa mga sinabi ni Abigael at pati ang iniwang tingin sa kanya ni Jasper. Nagsimula na ulit ang quizbeetiful contest. Hindi makapokus si Ashley. Nakatingin ito sa puwesto ni Jasper na busy sa pakikipagkwentuhan sa babaeng kasama niya. Itinanong na ni Misis Reyes ang last question. Nag-buzzer si Abigael at nasagot niya ang tanong. Nagpalakpakan ang lahat, napatigil si Jasper sa pakikipagkwentuhan nang i-announce ang winner. Napatingin siya kay Ashley na nakatayo lang at parang tulala. Masaya namang sinalubong nila Donna si Abigael at niyakap. “Congrats.” bati ni Daisy. “Ikaw na talaga.” masayang wika ni Donna. “Happy-happy na.” komento naman ni Princess. Nanatili pa ring nakatayo si Ashley sa puwesto niya habang ang ilang mga studyante ay nagsisi-alisan na. Napatingin si Abigael kay Ashley at ngumisi. “Loser.” sambit niya at saka inaya ang tatlo. “Let’s go.” at naglakad na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD