NANG NATAUHAN si Ashley, siya na lang ang tao sa Gym. Napaupo siya sa isang sulok. Naalala niya ang sinabi ni Abigael, gusto nito na mawala siya rito sa Paaralan.
“Ano bang ginawa ko sa kanya?” napasarado siya ng dalawang palad niya. “Hindi dapat ako maging apektado. Ginusto ko ito, ako ang pumili nito dapat lang na panindigan ko.” sabi niya sa sarili niya at saka siya tumayo.
Nasa Canteen naman sina Abigael at nagsi-celebrate ng pagkapanalo niya.
“Kawawang-kawawa si Imba girl.” wika ni Daisy. “Look oh.” pagkasabi niya no'n, sabay pakita niya ng video na kinuhanan niya kanina. “Para siyang tangang hindi alam ang gagawin.” matawa-tawang sabi pa nito.
“Nag-video ka pala?” chill lang na tanong ni Abigael at nang mapansin niya si Jasper sa kabilang side, napatingin siya kay Jasper.
“Yes.” sagot ni Daisy at paulit-ulit na pinanonood ang video ni Ashley, nakikitawa naman si Princess.
Dahil lunch break, nasa canteen din si Jasper kasama si Cathy.
“Laging kasama ni Jasper si Cathy no?” tanong naman ni Donna. “Sa bagay, sikat din kasi si Cathy bilang muse ng team nila. Natural lang 'yon na lagi silang magkasama.” dugtong pa nito. Hindi na lang umimik si Abigael at nagsimula nang kumain.
Pagkatapos nilang kumain,
“Kasali si Ashley sa second contest, hindi ba?” seryosong tanong ni Abigael. Napatigil naman si Daisy sa ginagawa niya at tumingin kay Abigael.
“I don’t know.” sagot niya. “Sa tingin mo, may lakas pa siya ng loob na sumali pagkatapos niyang mag-mukhang tanga sa stage?” dugtong niyang tanong.
“Parang yes. Kasali ulit siya.” sabat naman ni Princess at saka ito uminom ng juice. Napatingin naman sina Donna at Daisy kay Princess. “Bakit na naman?” pagtatakang wika ni Princess.
“Siguraduhin mong kasali talaga si loser dahil kung hindi, yari ka.” mataray na banta ni Daisy.
“Kaya nga sabi ko parang 'di ba?” pa-quote pa siyang sign ng daliri niya. Napairap na lang si Daisy sa kanya.
“Bakit mo naman natanong, Abi?” singit na tanong ni Donna. Ngumisi naman si Abigael at saka tumayo.
Nagpunta naman si Ashley sa opisina ni Misis Reyes. Pagpasok na pagpasok niya sa loob, agad siyang tinanong nito.
“Yes iha?” patanong na wika ni Misis Reyes sa kanya kaya tuluyan siyang lumapit kay Misis Reyes, na nasa upuang puwesto niya sa Office. “Maupo ka.” alok pa nito saka naman naupo si Ashley. Medyo kinakabahan siya ng mga oras na iyon ngunit pinakalma niya muna ang sarili, bago siya nagsimulang magsalita.
“Ma’am, okay lang po ba na umatras ako sa second contest?” seryosong tanong niya kay Misis Reyes, napakunot naman ito ang noo at tiningnan nang mapanuring tingin si Ashley.
“Bakit?” tipid nitong tanong sa kanya.
Sasagot na sana si Ashley nang pumasok 'yong babaeng laging kasama ni Jasper at napabaling si Misis Reyes sa kanya.
“Cathy?” tawag ni Misis Reyes sa babae. “Wait lang iha.” paalam nito kay Ashley at lumapit kay Cathy. Nakangiti naman si Cathy na bumati kay Misis Reyes.
“Magandang tanghali ma’am.” at saka yumuko ng bahagya.
“Kailan ka pa bumalik?” nakangiting tanong ni Misis Reyes. Nanatiling nakaupo si Ashley at nakikinig sa usapan.
“Noong nakaraang araw lang po ma’am. First runner up lang po 'yong School natin, I’m really sorry ma’am.” at nahihiya pang wika ni Cathy. “Sabi naman po ni Jasper, okay lang naman daw atleast may p'westo pa rin 'yong School natin sa buong Schools dito sa Manila.” dere-deretso nitong kwento. Nagulat si Ashley sa narinig niya.
“Jasper is a nice student. Marunong siyang magcheer-up ng tao.” nakangiting wika ni Misis Reyes. “Kaya ikaw, 'wag ka dapat panghihinaan ng loob dahil first runner up ka lang.” dugtong pa ni Misis Reyes.
“Yes ma’am. Jasper is always by my side kaya hindi po ako basta-basta mag-give up.” nakangiti niyang sagot.
Hindi na alam ni Ashley kung anong mararamdaman niya. Tinatanong niya ang sarili niya kung sino ba itong Cathy na ito at anong relasyon nito kay Jasper? Napa-isip din siya sa mga napag-usapan nina Misis Reyes at Cathy. Hindi pa man natatapos ang usapan nina Misis Reyes at Cathy, tumayo na siya at lumabas ng Office. Narinig pa niyang tinawag siya ni Misis Reyes ngunit hindi na niya iyon pinansin at nagdere-deretso siyang lumabas.
Sa paglalakad niya, nasalubong niya si Jasper. Balak niya itong kausapin ngunit biglang,
“Jasper.”
Napalingon si Ashley sa tumawag at nakita niya si Cathy na kumakaway kay Jasper. Napabalik siya ng tingin kay Jasper at nakangiti itong nakatingin kay Cathy. Ni hindi man lang siya nito tiningnan. Nilagpasan siya nito hanggang sa makarating kay Cathy. Huminga nang malalim si Ashley at saka nagpatuloy sa paglakad.
Nagsimula na ang second contest. Nasa Gym na ang lahat at nasa stage naman ang lahat ng kalahok. May tig-iisa silang materyales sa pagluluto na kakailanganin nilang gamitin. Maraming nanonood kabilang sina Jasper, Cathy, Robert at ang buong team nila. Kinakabahan si Ashley dahil baka mapahiya na naman siya. Inilibot niya muna ang patingin niya at nagtama ang mata nila ni Jasper. Malungkot na tingin ang ibinigay ni Ashley kay Jasper at sa kabila noon, dobleng kaba lalo ang naramdaman niya nang tingnan siya ni Jasper sa cold na paraan.
Nagsimula na ang pagluluto. Samo’t saring komento ang maririnig at may mga nagtatawanan din.
Pagkatapos ng isang oras, natapos nang magluto sina Abigael at Ashley. Dinala ni Abigael ang niluto niya sa harap ng mga hurado na huhusga sa kanilang skills sa pagluluto. Nang tinikman ng unang hurado ang luto ni Abigael, tumango lang ito. Gano'n din ang ginawa ng pangalawa at pangatlong hurado. Pagkatapos ipatikim ni Abigael ang luto niya, si Ashley naman ang sumunod. Dinala niya ang luto niya sa tatlong hurado. Tinikman naman ito ng mga hurado. Napatango din sila at ngumiti.
Pagkatapos ng food tasting. Nagsalita na ang mga hurado.
“Okay naman ang lasa ng macaroni.”
napangiti si Abigael ng mag-comment ang first judge.
“For me, masyadong matamis.” wika naman ng second judge. Napataas ang kilay ni Abigael.
“White spaghetti, so delicious.” comment naman ng third judge at saka ngumiti kay Ashley. Gumanti naman ng ngiti si Ashley at yumuko ng bahagya.
“Tamang-tama ang lasa at maayos ang pagpresenta.” wika naman ng secong judge. Mas lalong napangiti si Ashley sa naging comment ng mga judges sa luto niya. Hilig ni Ashley ang magluto kaya masaya siya dahil nagustuhan ang kanyang niluto.
Nang matapos na ang contest. Gumaan ng kaunti ang kalooban ni Ashley. Nainis naman si Abigael at nag walk-out, sumunod ang tatlo niyang kaibigan.
Nag-decide si Ashley na kakausapin na niya talaga si Jasper at ayaw na niyang patagalin pa ang lahat. Gusto niyang linisin ang pangalan niya dahil hindi siya mapakali at lagi siyang nawawala sa pokus kapag naiisip niya na hindi klaro ang lahat ng issue lumabas tungkol sa kanya. Lalo na at hindi niya naipaliwanag kay Jasper ang side niya. Lumabas siya ng Gym, sa paglingon niya sa kabilang side nakita niya si Jasper at si Cathy na sweet na sweet sa isa’t isa. Bigla na lang siyang nalungkot. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman? Nasasaktan siya sa t'wing nakikita niya si Jasper na kasama si Cathy ngunit hindi naman dapat dahil wala namang namamagitan sa kanila bukod sa magkaklase lang sila. Hindi na nagawang lumapit ni Ashley kay Jasper. Tumalikod siya at pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Naglakad na lang siya palayo.
Pumunta siya sa Garden ng School. Naupo sa damuhan at sumandal sa malaking puno roon. Medyo konti ang studyante kaya naisipan niyang doon muna mag-stay.
“Siguro, dapat ko nang tigilan si Jasper.” pakikipag-usap niya sa sarili niya. “Habang iniisip ko na dapat kong linawin yung issue na kumalat, parang wala namang halaga iyon kay Jasper. Mukhang nagkamali ako. Nagkamali ako ng taong magugustuhan.” dugtong pa niyang sabi.
Pagkauwi niya sa bahay. Nagpanggap siya na masaya. Ayaw niyang ipaalam sa mommy niya na apektado pa rin siya kay Jasper. Ayaw din niyang malaman ng mommy niya ang kalagayan niya sa School na binubully siya dahil sa pagiging ordinaryo niya. Ginusto niya ang desisyon na iyon kaya dapat lang na panindigan niya. Agad na dumeretso si Ashley sa k'warto niya. Inilagay ang gamit sa table at saka dumapa sa kama niya.
“Akala ko mabait at maunawain siya, hindi pala. Ni hindi man lang niya ako pakinggan. Ni hindi man lang niya inalam 'yong totoo.” umiiyak na siya habang inaalala yung mga nagawa sa kanya si Jasper bago ito nagbago. “Pero bakit? Bakit kahit na nasasaktan ako hindi ko makuhang magalit sa kanya? at napasubsob na siya sa unan para hindi lumakas ang kanyang pagtangis.
Kinaumagahan, habang naliligo siya napansin niya ang mata niya na medyo may eyebags. Nag-alala siya kung paano niya ito matatakpan para hindi mahalata ng mommy niya na hindi siya gaanong nakatulog. Pagkatapos niyang mag-shower. Nag-ayos siya ng sarili at naglagay ng konting make-up upang hindi mahalata ang eyebag niya.
Pagkababa niya, nakita niya ang mommy niya na naghahanda ng pagkain.
“Good morning, mom.” masiglang bati ni Ashley sa mommy niya saka yumakap. Yumakap din ang mommy niya sa kanya. Pagkakalas nila, mapanuring tiningnan si Ashley.
“Mukhang good mood ang baby ko ah.” pabirong wika ng mommy niya. Naupo naman si Ashley sa upuan ng dining.
“Mom, wala namang rason para hindi maging masaya.” sagot ni Ashley. Lumapit ang mommy niya at naupo rin.
“That’s my girl.” masayang wika ng mommy niya. “O sya, let’s eat na.” At saka sila kumain ng breakfast.
Naglalakad si Ashley sa hallway ng harangin siya nila Abigael.
“Imba girl.” bati ni Abigael kay Ashley. Huminto naman si Ashley. Nagkrus ng mga braso naman ang tatlo habang si Abigael ay seryosong nakatingin kay Ashley.
“Hindi ba tinatanong mo kung sino 'yong babaeng kasama ni Jasper?” mataray na tanong ni Abigael. “Gusto mo bang ipakilala kita sa kanya?” dugtong pa nitong tanong. Nakangisi naman ang tatlo.
“Hindi na kailangan.” matapang na sagot ni Ashley. “Wala rin akong oras para kilalanin siya o kahit sino mang tao.” dugtong pa niyang sagot at saka lumakad, nilagpasan niya sila Abigael. Nainis naman si Donna at hinablot ang braso ni Ashley. Napatigil sa paglakad si Ashley at napaharap kay Donna.
“Nanalo ka lang sa cooking contest, kung umasta ka akala mo kung sino ka!” mariing wika ni Donna. Ibinitiw naman ni Ashley ang pagkahawak ni Donna sa braso niya. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito. Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad uli. Nag-init lalo ang ulo ng apat. Napatingin sa kanila ang ilang studyante.
“Anong tinitingin-tingin nyo?” inis na bulyaw ni Abigael sa mga studyanteng nakatingin sa kanila at saka agad na nagsi-alis ang mga ito. Napa-cross arms ang apat.