NASA COURT ang karamihan sa mga studyante at sumali sa last contest maliban lang kay Ashley. Nasa Garden ito at nagmumukmok.
Habang nakaupo si Ashley sa damuhan at nakasandal sa malaking puno sa Garden.
"Nakakainis! Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ito p'wede. Hindi p'wede!" sinampal niya ng bahagya ang pisngi niya para matauhan. "Gumising ka nga, Ash. Nananaginip ka lang." umiling-iling pa si Ashley.
"Hey! Bakit mag-isa ka rito?"
Napatayo si Ashley at pagtatanong ang nasa mukha niya ng makita niya ang lalaking nasa harap niya ngayon. Ngumiti pa ito sa kanya.
"I'm Lexter Lim. Classmates tayo sa Art subject." pagpapakilala niya at naupo rin sa damuhan saka tumingin sa malayo. Nanatiling nakatayo naman si Ashley at nakatingin kay Lexter. "Bakit nagso-solo flight ka rito? Ayaw mo bang manood ng Jingle Making Contest? Mukhang nakaka-enjoy pa naman 'yon." dugtong na wika niya. Naupo na lang ulit si Ashley.
"Ikaw pala si Lexter." tumango-tangong sabi ni Ashley. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ni Lexter tungkol sa Jingle making contest. Sumandal na lang ulit siya sa puno at pumikit dahil wala siya sa mood na makipag-usap.
"Sa dami ng sinabi ko, 'yong pangalan ko palang 'yong nagsink-in sa'yo." pabirong wika ni Lexter at saka tumawa ng mahina. Napamulat naman ng mga mata si Ashley at tumingin ng seryoso kay Lexter. "Mukhang maraming gumugulo sa isipan mo ha." medyo concern nitong sabi. Tumingin ng seryoso si Lexter sa kanya. "Bakit pala hindi ka sumali sa contest?" dugtong pang tanong ni Lexter.
"Wala." tipid na sagot ni Ashley kay Lexter at saka umiwas ng tingin.
"Napanood ko 'yong quizbeetiful at cooking contest na sinalihan mo at mukhang distracted ka. Sino bang dahilan n'yan?" seryosong tanong ni Lexter at humarap kay Ashley.
"Ahhh wala." pailing niyang sagot saka siya tumayo. "Paano, mauna na ko sa'yo." paalam niya kay Lexter at iniwan na niya ito. Nakatingin na lang si Lexter kay Ashley habang papalayo ito.
Nagsimula na ang last game. Limang grupo ang sumali. Ang unang grupo ay ang first year level na may walong miyembro. Ang ikalawang grupo ay ang second year level na may limang miyembro. Ang ikatlong grupo ay third year level na may sampung miyembro. Ang ika-apat na grupo ay ang fourth year level na kinabibilangan ng mga sossy girl at sa ika-limang grupo ay si Jasper lim at ang team niya. Lahat ay nagpakitang gilas lalong-lalo na ang mga sossy girl ng Campus hanggang sa natapos ang Jingle making contest.
"Okay! Congratulations in advance sa mga naging contestant natin sa lahat ng games ng ating Nutrition Month Event. Bukas malalaman kung sino ang mga nanalo at mag-uuwi ng premyo." huling announcement ni Miss Reyes at pina-dismiss na niya ang mga studyante kaya nagsi-alisan na ang mga ito.
Nagpunta si Ashley sa Canteen. Hindi na niya pinanood ang last game. Dahil sa pag-iisip niya ng sobra, nagutom siya kaya idinaan na lang niya sa pagkain ang problema niya. Saktong kakatapos lang ng last game at nagpasya ang mga sossy girl na pumunta sa Canteen, nakita nila si Ashley na nagso-solo flight kaya nilapitan nila.
"Oh... Look guys? Nandito pala si Imba girl." wika ni Abigael at naupo sa upuang bakante sa puwesto ni Ashley.
"Hell, Imba girl. Bakit hindi ka sumali sa last game? Takot kang matalo?" tanong naman ni Daisy.
"Oo nga. Di na naman bago sa'yo ang maging loser, ano pang kinakatakot mo?" nakangising sabi naman ni Donna.
"Tama!!!" sabat naman ni Princess at sumenyas pa ng loser sa pamamagitang ng daliri niya sa kamay.
Hindi makakain ng maayos si Ashley at napatingin siya sa apat na sossy.
"Anong kailangan nyo?" seryosong tanong niya.
"May gusto lang kaming ibalita sa'yo." wika ni Abigael. Sumeryoso naman si Ashley ng husto. Nakangisi naman ang tatlo habang hinihintay ang sasabihin ni Abigael pati ang isasagot ni Ashley.
"Hindi ako interesado sa ibabalita mo." pag-iwas ni Ashley upang hindi na lalong humaba ang usapan at makaiwas siya sa gulò. "Ayoko ng gulò." dugtong niyang sabi at akmang tatayo na siya nang hawakan siya nina Princess at Daisy ang magkabilang braso niya. "Loser ka na nga, bastos ka pa. Hindi mo ba nakikitang hindi pa tapos ang usapan nyo ni Abi." sabat naman ni Donna. Napatingin si Ashley kina Princess at Daisy na nakahawak sa braso niya saka siya tumingin kina Donna at Abigael.
"Sitdown imba girl and listen to me first, okay?" mataray na utos ni Abigael. Tumingin si Abigael kina Princess at Daisy na nakahawak pa rin sa magkabilang braso ni Ashley, sumenyas siya na bitawan si Ashley kaya tinanggal naman ng dalawa ang pagkahawak sa braso ni Ashley at saka nag alcohol upang ipakita na nandidiri sila kay Ashley at baka mahawa pa ng pagiging loser. Naupo naman ulit si Ashley at seryosong tumingin sa kanila
"Okay fine! Ano ba 'yong gusto nyong ibalita sa'kin?" tanong ni Ashley. Ngumisi naman sila at nagkrus ng mga braso yung tatlo habang si Abigael nakahawak sa sandalan ng upuan ni Ashley.
"Did you already heard the top news?" tanong ni Donna. Napakunot naman ang noo ni Ashley. Hindi maintindihan ni Ashley ang gustong ibalita ng apat kaya pagtataka niyang tiningnan ang mga ito.
"Jasper and Cathy are in a relationship." taas-kilay na sabi ni Abigael. Nang marinig ni Ashley ang balitang iyon. Nakaramdam siya ng pagkirot ng puso. Bigla siyang nalungkot na hindi naman dapat. Natawa naman ang tatlo at ngumisi si Abigael. "Kaya kung ako sa'yo. Titigilan ko na ang pagiging asong sunod ng sunod kung nasaan si Jasper. I told you naman dati e, mabait lang si Jasper pero hindi ibig sabihin no'n gusto ka niya. Ginagawa niya iyon dahil siya ang asset ng Campus. Dapat lang na role model siya." dugtong pa ni Abigael na sabi at saka tumayo. "I’m so sorry imba girl. Masyado ka kasing feelingera." saka ito tumalikod at umalis. Hindi alam ni Ashley ang ire-react niya sa mga sinabi ni Abigael.
Simula nang pumasok si Ashley sa Paaralan na ito, hindi niya namalayan na iba na ang nararamdaman niya para kay Jasper lalo na noong mga panahon lagi pa siya nitong kinakausap at tinutulungan laban sa mga sossy ng Campus na sila Abigael ngunit nang dahil lang sa isang issue, nagbago ang lahat at labis na nasasaktan si Ashley sa pagbabagong iyon.
"Narinig mo naman si Abi, hindi ba? Wag kasing assuming… 'Yan tuloy nasasaktan ka." paawa-effect na sabi ni Donna. Sabay sanggi niya ng basong may lamang tubig at tumapon ito sa mesa. "Ops… Sorry." at saka tumawa. "Let’s go na nga." aya nya kila Daisy at Princess. Nang nakaalis ang apat. Sobra ang lungkot ni Ashley at hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Abigael.
Tulad ng mga nakaraan, laging nagpe-pretend si Ashley na masaya pag-uuwe siya ng bahay. 'Tapos dederetso siyang kwarto. Ngunit this time, parang nawala yung lakas niya para magpretend. Nakaupo siya sa sala at umiiyak. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ba siya nasasaktan? Ano bang nangyayari sa kanya? Nasaktan siya sa mga nalaman niya na sinabi ni Abigael ngunit may side na 'di siya makapaniwala.
"Oh iha, what happened? Umiiyak ka?" worried na tanong ng mommy niya. Pinunasan naman ni Ashley ang luha sa pisngi niya at saka humarap sa mommy niya.
"Ah mom, hindi po. Hindi po ako umiiyak." pailing niyang pagtanggi.
"Hindi? E ano 'yan? Bakit ganiyan ang mukha mo?" seryosong tanong ng mommy niya.
"Wala mom… napuwing lang." padeny niyang sabi ngunit iba talaga makaramdam ang isang ina. Alam ng isang nanay kung masaya ang anak o malungkot ito. Ramdam ng isang magulang kung may dinaramdam ba or wala ang kaniyang anak. Alam nila kapag may problema o may hindi tama sa nangyayari sa anak nila.
"Iha! Akala ko ba'y tapos na ang issue na 'yan sa lalaking iyon? Nag usap na tayo tungkol diyan hindi ba?" mapanuring tanong ng mommy niya.
"Mom. I’m sorry. Hindi ko po kasi alam bakit ba ako nasasaktan sa mga sinabi sa akin at sa nalaman ko na may girlfriend na siya. Parang ang sakit lang kasi, hindi man lang niya ako pinakinggan 'tapos biglang may girlfriend na siya." umiiyak niyang sabi. "Edi sana, noong una palang hindi na siya nagpakita ng pagiging mabait at caring niya kung sa dulo bigla nalang siyang iiwas at magbabago ng treatment sa'kin." napahagulgol na si Ashley dahil sa sakit na nararamdaman niya. Agad naman siyang niyakap na mommy nya.
"Kalimutan mo na 'yon lalaking iyon dahil kung hindi ililipat kita ng School para hindi kita nakikitang ganiyan. He's not good to you. 'Yong ganoong klaseng tao, hindi siya deserving sa mga luha mo." payo ng mommy niya. Pagkakalas nila ng yakap.
"I’m sorry mom." pinunasan ni Ashley ang luha niya. Tumango naman ang mommy niya. "Tama ka po, mom. Dapat hindi ako nagkakaganito. Sorry po." at patuloy pa rin siya sa pag-iyak, niyakap na lang ulit siya ng mommy niya. Nag-aalala ang mommy niya sa kanya, nanatiling nakayakap lang ito hanggang sa maramdaman nito na tumahan na ang kanya anak.
Maya-maya ng konti, nang naramdaman ng mommy niya na medyo okay na ang anak niya ay kumalas na ito sa pagkakayakap at nagpaalam naman si Ashley na aakyat na siya sa kwarto niya. Tumango lang ang mommy niya at sinundan siya ng tingin habang papaakyat sa hagdan.
Nang nasa kuwarto na si Ashley. Kinuha niya ang notebook sa drawer niya. Binuklat niya iyon at kinuha ang panyo. "Tama si mommy. Hindi ko dapat sinasayang ang luha ko sa isang lalaking hindi consistent sa mga ipinapakita niya. Nasa High School stage of life pa lang ako. Kaya, imbis na umiyak ako ng umiyak, dapat ay mag-enjoy na lang ako." at saka siya ngumiti upang pagaanin ang loob niya. Inilagay niya sa bag ang panyo ni Jasper.
Kinaumagahan, excited ang lahat na malaman ang mga nanalo sa games ng Nutrition Month. Nakita ni Ashley si Jasper sa may Shed, tinapangan niya ang loob niya at nilapitan si Jasper. Sinabi niya sa sarili niya na ito na ang huling lapit at kausap niya kay Jasper.
"Jasper." seryosong tawag niya. Lumingon naman si Jasper at nagkatitigan sila. Agad namang naging cold si Jasper, tumayo ito at akmang aalis na ng,
"Teka lang. Please!" pakiusap ni Ashley. Huminto naman si Jasper, lumakad naman si Ashley at pumunta sa harapan ni Jasper.
"Bakit? Anong kailangan mo?" cold na tanong ni Jasper. Tumingin muna si Ashley sa mga mata ni Jasper saka niya kinuha ang panyo sa bag niya. "Gusto ko lang itong ibalik." sabay abot niya ng panyo. Kinuha naman ito ni Jasper.
"Ito ba? Hindi ko na kailangan ito." sabay tapon niya ng panyo sa basurahan malapit sa kanila. Lalakad na sana ulit siya nang,
"Teka lang please! Gusto ko lang i-explain ang sarili ko." nanggigilid ang luha sa mga mata niya. "Hindi ako ang may gawa ng mga balitang kumalat." napatingin si Jasper sa kanya ngunit hindi nagbago ang expression ng mukha nito. "Kahit na isa lang akong nobody, hindi sikat at simpleng babae lang... hindi ko magagawa ang bagay na iyon." huminga ng malalim si Ashley. "Gusto ko lang linawin ang lahat, ayokong isipin mo na gano'n akong babae... hindi ko magagawa iyon." tuluyan ng tumulo ang nanggigilid na luha ni Ashley. Nanatiling nakatingin si Jasper kay Ashley. Ramdam ni Jasper ang sakit na nararamdaman ni Ashley ng mga sandaling iyon. Hindi rin siya makapaniwala na grabe na pala ang naging epekto kay Ashley ng pag-iwas niya ngunit kinailangan niyang ipakita na hindi siya apektado sa mga sinabi ni Ashley lalo na at maraming studyante ang nakatingin at nanonood sa kanila. Hinihintay naman ni Ashley ang sasabihin ni Jasper ngunit nagsimula itong maglakad at nilagpasan siya hanggang sa,
"Babe." pagbati ni Cathy kay Jasper. Napatingin si Ashley sa kanila. Niyakap ni Jasper si Cathy. Nang makita ni Ashley 'yon, agad na siyang tumalikod at umalis.
Patakbo siyang pumasok sa Classroom at umiiyak. Napatingin ang sossy girls sa kanya hanggang sa nakaupo na siya sa upuan niya at yumuko sa lamesa niya.
"Teka nga, bakit ka umiiyak?" pagkalapit na pagkalapit ni Abigael. Na-curious siya sa nangyari kay Ashley.
"Oo nga, why you iyak iyak?" maarteng tanong naman ni Princess
"Praktis ba 'yan para mamaya sa resulta ng game???" sabat naman ni Daisy. Hindi nalang pinansin ni Ashley ang apat na sossy at nanatiling nakayuko.
"Sabi naman namin sa'yo e." nagkrus si Donna ng mga braso niya saka sumabat.
"Huwag kasing maging assuming or feelingera. Ang katulad mong imba girl, hindi bagay kay Jasper." naupo si Abigael at hinimas ang likod ni Ashley. "Alam mo, nakakaawa ka." dugtong niyang saad. Napaangat naman ng tingin si Ashley. Napatingin siya kay Abigael. "Kung hindi mo siguro kami binangga, baka naging magka-vibes tayo kaso dahil sa pagiging assumera at feelingera mo, 'yan tuloy ang nangyari sa'yo. Hindi ka sisikat sa style mo na gamitin si Jasper no?" at saka siya umirap. Nanatiling nakatingin si Ashley sa kanila.
"Halika na nga, guys!" tumayo si Abigael at lumakad sila palabas ng classroom.
Pagkaalis ng apat, yumuko na lang ulit si Ashley.