"HINDI KO kailangan ipaliwanag ang sarili ko sa'yo.” masungit na wika ni Jasper at saka niya nilagpasan si Lexter. Napailing na lang si Lexter at naglakad sa kabilang dereksyon. Pagkatapos sumang-ayon ni Abigael sa usapan nila ni Cathy, dumeretso sila sa tambayan nila sa likod ng Gym. May nakatayo kasing kubo roon kung saan walang ibang studyante maliban lang sa kanilang apat, exclusive ang kubo na iyon para lang sa kanila. “Pumayag ka talaga sa kagustuhan ni Cathy?” inis na wika ni Donna habang papaupo siya sa upuan. “Abi naman… Tayo ang sinusunod sa School na ito. Hindi ako papayag na mapasunod lang tayo ng isang Ex-girlfriend ng Campus Asset natin. No way!” mariing pagtutol nito. Napataas naman ang kilay ni Abigael kasabay ng paglapit niya kay Donna. “Ano bang tingin mo sa'kin, hindi

