KINAUMAGAHAN, mabilis na kumalat sa buong Campus ang naging break-up nina Jasper at Cathy. Naupo si Cathy sa batong upuan sa Shed nang maramdaman niya na iba ang kinikilos ng mga studyante, mukhang umiiwas ang mga ito sa kanya hanggang sa nakita niya na naghawian ang mga studyante sa hallway at nasilayan niya sila Abigael. Naglalakad ang apat na sossy girls na para bang F4 sa isang Korean drama, ang kinaibahan lang hindi paghanga ang makikita sa mga studyante kundi ang takot na baka sila naman ang maging target nito upang pagtripan at pahiyain. Nang malapit na sila Abigael sa puwesto ni Cathy, ngumiti si Cathy at saka tumayo. Dere-deretso na sana sa paglalakad ang apat na sossy girls nang biglang nagsalita si Cathy. “Abigael!” tawag niya, napalingon naman si Abigael sa tumawag sa pangal

