HABANG MASAYANG nagkukuwentuhan sina Ashley at Jasmine, nakatingin lang si Lexter kay Ashley at magaan ang kanyang pakiramdam dahil mukhang unti-unti nang nararanasan ni Ashley ang ma-enjoy ang High School Life niya. At dahil doon, masaya na rin siya para kay Ashley. Sa kabilang banda naman, napapaisip pa rin si Jasper sa lahat ng nangyari. Simula ng makilala niya si Ashley, sa mga balitang kumalat, ang pag-iwas niya rito, at maging sa nalaman niyang totoong estado ng buhay ni Ashley. Nakaupo siya sa bench, “Bakit kaya siya nagpanggap na mahirap? Bakit hinayaan niya na saktan at ipahiya lang siya ng mga sossy girl? Bakit hindi siya lumaban kung mayroon naman siyang kakayahang lumaban dahil mas mayaman pa siya kesa sa mga sossy?” patuloy na napapa-isip siya. Sumagi rin sa isipan niya an

