PAGKATAPOS NA ipagdiwang ang Buwan ng Wika, natapos na rin ang parusang naka-atang sa mga sossy girl at kay Cathy. Back to normal na ulit ang klase. Pumasok ang mga sossy girl na maayos ang mga awra. “Hay salamat! Natapos na rin ‘yong parusa natin. Puwede nang mag happy-happy!” pasimulang wika ni Daisy pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng Classroom. “Oo nga, sa wakas!” sabat naman ni Princess. Masaya sila dahil natapos na ang paglilinis nila sa buong Campus. Nakita ni Abigael si Ashley na mukhang busy sa pag-bubuklat ng libro niya kaya kinalabit niya ang tatlo niyang kaibigan at tumungo sila sa puwesto ni Ashley. Napapatingin naman ang ilang studyante sa kanila. “Hi, Ashley!” pormal na bati ni Abigael saka ngumiti. Nagtaka naman si Ashley sa kinikilos ng apat na sossy. Inilahad n

