PAGKATAPOS DAMAYAN ni Lexter si Ashley, hinanap niya ang pinsan niyang si Jasper. Hindi na niya makontrol ang sarili niya at talagang naba-badtrip na siya sa mga ginagawa ng pinsan niya lalo na nang makita niya si Ashley na umiiyak. Nang makarating siya sa Gym, nakita niya ang pinsan niya na kausap si Robert. Nang makalapit siya ay agad niyang sinuntok si Jasper, nabuwal naman si Jasper at napahawak ng kanyang kamay malapit sa bibig niya. Nagulat naman si Robert sa nasaksihan niya at agad niyang inawat si Lexter. “Lexter.” sabay hatak niya sa braso ni Lexter at napausod ito saka niya itinayo si Jasper. “Pre, ayos ka lang?” at saka tumingin kay Lexter. “Anong problema mo at nanununtok ka riyan?” dugtong na pagsita ni Robert. Hindi sinagot ni Lexter si Robert at tumingin ng seryoso kay

