Naive & Innocent

2254 Words
Part 1 "Nakakainis talaga ang student council president na yaaaaan! Hinding-hindi ako susunod sa mga ipinapagawa niyo sa akinnnn! Neverrrrrr!" "Don't shout too much. Baka mapaos ka." Napalingon ako kay Kai. Nandito kami ngayon sa rooftop. Eto kasi ang tambayan namin. Dito din kami nagkakilala, nakita ko kasi siyang natutulog dito nung unang beses kong pagpunta nung nag-cutting class ako. Dapat sisirain ko yung pinto pero langya, may susing dala yung isa kaya ayun. "Naiinis kasi ako sa Joomyeon na yun eh. Akala mo naman susundin ko siya. Ha! Hindi. Hindi ko ipapabalik sa dating kulay tong buhok ko. Aba, ang mahal kaya ng pagpapakulay ko dito." Tumayo si Kai at lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa beywang kaya naman halos magkadikit na ang buong katawan namin. "Awayin mo lang sila. Ayos lang yan Soo. Akong bahala sayo." Tapos nginitian niya ako. Nginitian ko din siya. Eto ang bagay na gusto ko sa kanya. Palagi siyang nandyan para sa akin. Sa totoo lang ahead si Kai ng isang tao sa akin. Tapos nabibilang pa siya sa mga top students ng eskwelahan. Ewan ko nga ba kung bakit naging mag-kaibigan kami eh. "Ay, kailangan ko na palang umalis. Magkikita kami nila Yeollie at Sehunnie. Alam mo na magpapaka-cool kami." Tumango ito at binitiwan na ako. Ginulo niya yung magulo ko nang buhok sabay sabing, "Sabay tayong umuwi, okay? Hahatid kita." "Okay. Bye Kai." Iniwan ko na siya at tumakbo na ako papunta dun sports storage room. Yun kasi ang ginawa naming hideout nila Yeollie at Sehunnie. "Bambi!! Bat ang tagal mo? San ka ba galing?" Bungad sa akin ni Yeollie na nakahiga dun sa foam na dinala niya dito. "Sorry nagkita pa kasi kami ni Kai." "Kai na naman?! Palagi kayong magkasama ha." Hirit naman ni Sehunnie habang naka-pout. Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang balikat nito. "Sehunnie bestfriend ko na din kasi Kai. Parang kayo ni Yeollie. Tsaka kapag break lang naman kami nag-uusap eh, eh tayo buong araw. Classmate kayo tayo since kinder." "Pati kaya sa uwian siya na kasabay mo." Sabi naman ni Yeollie habang nagbabasa nung libro na ewan ko kung saan niya nakuha. "Basta. Wag nga kayo. Kaibigan ko yun. Kaibigan ko din kayo." "Alam mo may kakaiba dun sa Kai na yun eh. Kasama siya dun sa mga top student pero kinakaibigan ka niya." "Hindi kasi siya katulad nung student council president na yun! Mabait si Kai. Tsaka kampi siya sa akin." Pagtatanggol ko kay Kai. Eto talagang dalawa na to, palagi nilang pinagdududahan si Kai. Mabait naman yung tao eh. "Basta mag-ingat ka sa kanya. Medyo tanga ka pa naman." Sinamaan ko ng tingin si Sehun. Grabe to ha!? "Oh, totoo ang sinasabi ko. Tsaka gullible ka masyado. Madaling mag-take advantage sa iyo. Masyado ka pang naive." "Gullible? Ano yun, bubble gum? Sus. Ewan ko sa inyo." Humiga na din ako sa tabi ni Yeollie tapos nagulat ako nung biglang dumagan si Sehunnie sa akin. "Waaaaah!? Sehunnie anong ginagawa mo?!" "Subukan mo akong itulak Bambi. Kapag nagawa mo yun hindi na ako mag-aalala na kaya Kang i-take advantage ni Kai na yan." Sinubukan ko siyang itulak pero sadyang mas malakas at mas malaki siya sa akin. Nagpout na lang ako. "Hindi ko naman kaya. Kainis. Alis na kasi Sehunnie." Napangisi ito at umalis sa ibabaw ko. Nakaupo na uli ito kaya tumabi ako sa kanya. Inilabas nito ang isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. "Ay ano ba yan?! Ang usok!!" Natawa lang si Sehunnie sa reklamo ko sa kanya. Si Yeollie naman ay tulog na. Hayyyy nakoooo. "Dyan na nga kayo. Babalik na ako sa classroom. May class na tayo oh. Late na tayo ng 5 minutes. Baka tawagan na naman ni ma'am sila hyung ko kung mag-cutting na naman ako." Tumayo na ako at tumakbo palabas. Nagmadali akong pumunta sa classroom. Buti na lang pagdating ko wala pa si ma'am. Ayos, save akooo! // "Gusto mo bang kumain sa bahay? Kasi ano, ah, palagi mo akong hinahatid, tapos, tapos, ano... Ahm, papakilala sana kita sa mga hyung ko. Okay lang ba?" Tanong ko kay Kai habang papunta na kami sa mga locker namin. "Okay lang. Gusto ko na din namang makilala mga hyung mo eh." Sabi naman nito habang nakangiti sa akin. May sasabihin pa sana ako sa kanya nung biglang tumigil ito sa paglalakad nung malapit na kami sa locker ko. "Soo, naiwan ko pala yung book ko rooftop. Pwede bang kunin mo yun?" "Ha!? Na naman?! Grabe ang makakalimutin mo naman. Teka, pangatlong beses mo na yang naiiwan ha. Bakit ba ako pinapakuha mo? Bat hindi ikaw?" "Mas mabilis ka kasing tumakbo. Antayin kita dito." Napahinga na lang ako ng malalim. Ano pa nga ba magagawa ko? Hayyyy. "Sige na nga. Dyan ka lang ah. Antayin mo ako." Tumango lang ito kaya naman patakbong bumalik ako sa rooftop para kuhanin ang libro niya. Nakita ko yun sa sahig kaya dinampot ko yun at mabilis na bumaba. Nakita ko si Kai na nakasandal sa locker ko at nakatingin lang ng diretso. Tumakbo ako palapit sa kanya. "Eto na Kai." Inabot ko yung libro sa kanya. Tinanggap naman niya iyo at pinat ang ulo ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Tara na?" "Okayyyy!!!" // "Minseok hyung! Jongdae hyung! Nandito na akoooo!" "Welcome home Do Kyung---- sino siyaaaa?!" Hysterical na tanong ni Jongdae habang si Minseok naman ay nanlaki ang singkit na mata. "Minseokkie hyung, Jongdae hyung, siya si Kai. Bestfriend ko." Nagtinginan silang tatlo. Yeheyyyy! Mukhang magkakasundo silaaaaaa! "Kaibigan lang talaga?" "Oo naman hyung. Ay, punta na muna kami sa kwarto." Hinawakan ko na ang kamay ni Kai at hinila ito paakyat sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto ng kwarto at nilagay ang bag sa ibabaw ng kama ko. "Mukhang gusto ka nila hyung~~" "Gusto nila? Hmm..." Umupo sa tabi ko si Kai at niyakap ako bigla. "Kyungsoo you're so naive and gullible." "Huh?! Yan na naman yang gullible at naive na yan. Ano ba mga yan? Nakakain?! Naiinom?! Nabebenta?!" Natawa si Kai sa sinabi ko at pinisil ang kaliwang pisngi ko. "Ang cute mo talaga~~ parang hindi ko na kayang magpigil." "Kai~~ hindi kita magets." Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at bigla akong itinulak pahiga sa kama. Pumaibabaw siya sa akin. "Amoy sigarilyo ka~" "Ha? Ah, eh, hindi ako nagsigarilyo. Si Sehunnie yun." "Talaga? Hmm... Isang paraan lang ang naiisip ko para makasigurado." Nagulat ako nung naglean siya at hinalikan ako sa labi. Dahil sa pagkabigla ay naibuka ko ang bibig ko kaya naman naipasok niya ang kanyang dila. "Ka-kai?!" "Good. Hindi ka nga nagsisigarilyo." Sobrang namumula ang mukha ko dahil sa ginawa niya. "Bakit mo ako hinalikan?" "Kasi gusto kong malaman kung naninigarilyo ka nga." Nagulat ako nung bigla itong tumayo at kinuha ang bag niya na nasa sahig. "Uuwi na muna ako Soo. Kita na lang tayo sa school." Naglean uli ito at hinalikan ako sa labi. Mabilis na halik lang iyon pero pakiramdam ko hinahabol ng kabayo yung puso ko. "Bye baby Soo." Bakit niya ako hinalikan!??! Kinabukasan... Puyat ako. May eye bags ako. Masakit ang ulo ko. Lahat to ay dahil sa ha-halik ni Kai. Oo, dahil hinalikan ako ni Kai kaya naman hindi ako nakatulog. Paano na ako nito aakto sa harap niya? Nahihiya ako dahil si Kai ang first kiss ko. Lalaki ang first ko!?! "Haaaay~" "Good morning Bambiiii!" Sabay akbay sa akin ni Sehunnie. Tumingin ako sa kanya at napailing bigla. Wala ako sa mood dahil iniisip ko pa rin si Kai. "May problema na Bambi?" "Wala naman... Hayyyy~" "Wala pero kung maka-hay ka dyan akala mo naman pasan-pasan mo ang buong mundo. Anyare?" Tumingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba? Pero nakakahiya kung sabihin ko sa kanya yun. "Huy Bambi~~ ano nga?" Bigla kong naalala yung dahilan kung bakit ako hinalikan ni Kai. Dahil yun sa naamoy niya yung sigarilyo sa akin. At si Sehunnie ang nagsigarilyo kahapon. Tsk. "Kasalanan mo to!?" Sigaw ko kay Sehun na ikinagulat naman nito. Agad niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko na. "Wala po akong sala!? Hindi ako nang-rape, ako ang narape." Binatukan ko siya. Baliw talaga to. Kung anu-ano ang sinasabi. "Hindi yun. Ikaw yung nagsigarilyo kahapon di ba? Naamoy yun sa akin ni Kai kaya, kaya, kaya... Waaaaaaaaah!?" "Kaya ano?! Ay, puta, ano ginawa sayo nun? Nirape ka?! Masarap ba!? Gusto mo iganti kita!?" Napailing na lang ako. Wala namang sense kausap tong isang to eh. Pabayaan ko na nga lang. Kahit siya naman yung may kasalanan talaga eh hindi naman niya alam na... Na kapag naamoy yun ni Kai ay hahalikan ako. "Mauna ka na pala Sehunnie sa room natin. May dadaanan pa ako." "Ha? Eh saan ka pupunta?" "Basta. Susunod naman ako agad eh." Iniwan ko na si Sehun at nagmadaling pumunta sa rooftop. Nakita ko si Kai doon pero kasama niya yung SC president na yun. Bakit kaya sila magkasama? Pinapagalitan ba siya kasi palagi kaming tumatambay sa rooftop kahit bawal? "Kai!" Sigaw ko para mapansin nila ako. Nasa may hagdan pa lang kasi ako habang sila ay nasa tapat pa lang nung pinto ng rooftop. Napatingin silang pareho sa akin. Nginitian ako ni Kai. "Kyungsoo~" Tumakbo ako paakyat hanggang sa nasa tabi na ako ni Kai. Hinawakan ko ang kanang braso nito at hinatak siya palayo sa Joomyeon na yun. "Pinapagalitan mo ba si Kai dahil tumatambay siya sa rooftop? Ikaw ha!? Lagot ka sa akin kapag iniway mo si Kai!" Napairap na lang yung president na yun sa akin. Tss. "Jongin, sumunod ka sa Student Council Office." Pagkatapos ay tinignan niya ako. "At ikaw, breaking another school rule. Tsk." Tapos ay bumaba na ito. Naiwan na lang kami ni Kai. Hinarap ko ito at hinawakan ang mukha. "Sinaktan ka ba niya?" Ngumiti si Kai sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. "Okay lang ako. Bakit ka pumunta dito? Hindi ba dapat nasa class ka na?" Bigla akong namula kasi ang lapit-lapit lang nung mukha niya sa mukha ko. Bigla kong naalala yung kiss. "Kai~~ Bakit mo ako hinalikan? Ganun ba talaga kapag mag-kaibigan? Naghahalikan? Ibig-sabihin ba nun pwede ko ding halikan sila Sehunnie at Yeollie?" Binitiwan ako ni Kai at lumayo siya sa akin. "You're so naive. Sometimes I find it cute, but right now I find it annoying." Tinalikuran na niya ako at biglang bababa na sana pero agad kong hinawakan yung laylayan nung uniform niya. "Kai~~ Wae? May nasabi ba ako? Galit ka ba? Ano, kasi, ano, hindi kasi mapakali dahil dun sa nangyari kagabi. Kasi di ba pareho tayong lalaki tapos ano, hinalikan mo ako." Pinipigilan kong umiyak dahil sa ramdam ko na galit siya dahil sa sinabi ko. Ayaw kong magalit si Kai sa akin. "Hindi ako---" "Paging Kim Jongin of 2nd year class A. Please proceed to the SC Office now." Humarap si Kai sa akin. Blanko lang yung expression nung mukha niya. Kinakabahan tuloy ako. "I'll talk to you later." Tapos ay bumaba na siya. Naiwan ako at hindi ko na napigil ang luhang kusang bumagsak mula sa mga mata ko. Bigla akong nag-alala. Bakit ba siya pinapunta sa rooftop? Baka masuspend siya kasi palagi kaming nasa rooftop kahit bawal naman. Dahil yun sa akin. Nagmadali akong bumaba at patakbong pumunta sa sc office. Binuksan ko ang pinto pero nagulat ako sa narinig kong pag-uusap. "Kaibigan mo na naman ang isang yun eh bakit hindi mo pa siya pagsabihan na mag-ayos? Nakakasira sa reputasyon ng paaralan natin kung patuloy siya at mga kaibigan niya sa mga kalokohan nila." "Oo nga Jongin-hyung. Mukhang close na naman kayo eh." "Tsaka sigurado namang hindi siya mapaparusahan dahil madalas mo siyang pagtakpan. Siya na lang ang gamitin mo para mapatino ang ibang student na katulad niya." "Tama sila Jongin. Ikaw ang president ng student council kaya dapat ay ikaw mismo ang magpatupad ng patakaran. Pinapalagpas na namin ang pagtatakip mo sa Kyungsoo na yan pero ang--" Binuksan kong tuluyan ang pinto at bumungad ako sa officers at members ng student council. "Ikaw ang sc president?" Nakatingin lang sa akin si Kai. Hindi siya sumagot kaya naman tumakbo ako palabas. Hindi, baka namamalikmata lang ako. Hindi pwedeng siya ang sc president kasi kampi kami. Hindi siya yun. Si Joomyeon yun eh. Hindi naman si Kai. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Sumisikip na din ang dibdib ko. Nakarating na ako sa rooftop. Napaupo na lang dahil parang nakaramdam ako ng sobrang pagod. "Hindi... Hindi si Kai ang nakita ko. Hindi siya yun." "Kyungsoo~" Napalingon ako at nakitang sinundan pala ako ni Kai. "Kai~~" Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napayakap na lang ako at umiyak. "Kai, hindi naman ikaw yung sc president di ba? Kampi tayo di ba? Alam mong mortal enemies ko ang mga nasa student council." Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko. "Kyungsoo, ako ang sc president. Itinago ko lang yun sa iyo dahil alam kong galit ka sa officers at members ng student council. Ayaw kong magalit ka sa akin." Itinulak ko siya at inis na pinahid ang mga luha na tumulo uli. "Kung ganun, galit din ako sayo! Sinungaling ka Kai! Pinag-laruan mo lang ako!?" Umalis na ako sa rooftop. Patakbong pumunta ako sa hideout namin nila Yeollie at Sehunnie. Ang sakit sakit ng puso ko. Bakit ganito? Sa totoo lang hindi ako galit dahil nalaman kong sc president si Kai. Ang ikinagagalit ko ay inilihim niya pa iyon sa akin. "Bakit ang sakit?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD