Part 2
"Siya pala yung sc president? Akala ko yung Suho eh. Hahahahaha."
"Hindi ko din alam yun. Kasi naman tuwing opening ceremony palagi tayong wala."
"Pwede bang tumahimik na lang kayo? Ang sakit na ng ulo at mata ko! Please lang, konting consideration naman."
Inis na inis ako. Hindi ko alam kung inis ba ako kay Kai o sa sarili ko. Pero naisip ko bakit naman ako maiinis sa sarili ko? Dahil ba hindi ko binibigyan nang chance si Kai na magpaliwang? O dahil sa inis akong malaman na siya pala ang kinamumuhian kong tao sa buong school?
"Sabi ko na nga ba may kakaiba dyan sa Kai na yan eh. Una pa lang nagtaka na ako nung makipag-kaibigan siya sayo. No offense meant, pero hindi ka matalino para maging kaibigan nung honor student s***h sc president na Kai na yun."
Sinamaan ko ng tingin si Sehunnie. Sa haba nung sinabi niya yung part na 'hindi ka matalino' lang ang pumasok sa tenga ko at nagretain sa utak ko.
"Matalino ako hindi pa lang halata."
Nagtinginan sila Sehunnie at Yeollie tapos ay napatawa na lang. Sinamaan ko uli sila ng tingin. Nakakainis talaga. Nakakainis. Miss ko na si Kai! Tatlong araw ko na siyang iniiwasan at hindi iyo madali dahil kahit saan ako magpunta nandoon siya, kahit saan ako magtago nahahanap pa rin niya ako.
"Kyungsoo~~"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Kai na nakatayo sa pinto nitong storage room. Miss ko na siya~
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Inirapan ko siya tapos ay kinuha ko na yung notebook ko tsaka tumayo. Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niya akong hinawakan sa braso.
"Talk to me, okay? Talk to me."
Napatango na lang ako at hinawakan na niya ang kamay ko sabay hatak papunta sa kung saan.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hinatak na lang niya ako hanggang sa nakarating kami sa rooftop. Isinara niya ang pinto at tsaka ako binitiwan para harapin.
"I won't apologize for not telling you. I have my reasons. And to tell you honestly, it's a valid one. I'm here to apologize because I know I've hurt you. Sorry for that Soo. Hindi ko iyon ginusto, ang malaman mo ang katotohanan sa ganoong paraan."
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako dahil sa haba nung sinabi niya. Nagulat din ata si Kai dahil bigla niya akong hinigit palapit sa kanya at niyakap.
"Pero--- pero naiinis pa rin ako sayo. Naiinis ako. Ayaw pa kitang makita, ayaw ko."
Sabi ko yun habang umiiyak pero mahigpit naman yung pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko alam pero may isang parte ng utak ko na nagsasabing pahirapan ko muna si Kai pero may parte din naman na gusto na lang patawarin siya.
"Anong gusto mong gawin ko?"
Tanong niya habang yakap-yakap ako. Naramdaman ko na lang na itinulak niya ako sa may pinto. Yung mga kamay niya nasa may gilid nung balikat ko. Ikinulong niya ako habang nakatingin siya sa akin.
"Kahit ano gagawin ko para lang hindi ka na magalit."
Napalunok ako nung madapo sa labi niya yung mata ko. Parang gusto ko siyang halikan pero ayaw ko. Lalaki siya at ganun rin ako kaya hindi yun pwede. Hindi kami pwede.
"Bakit-bakit mo ako hinalikan?"
Napatitig siya sa akin at kumunot ang noo niya.
"Hindi mo ba talaga alam? Hindi ka ba nagbibiro nung tinanong mo din ako niyan?"
Napailing ako bilang sagot. Hindi ako matalino kaya yung mga ganung bagay dapat ipinapaliwanag pa sa akin.
"Hinalikan mo ba ako dahil ganun talaga kapag magkaibigan?"
Iniwas niya yung tingin niya at lumayo sa akin. May nasabi ba akong mali? Teka, nanghuhula lang naman ako eh.
"Kai..."
Pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi niya ako pinansin. Tatawagin ko sana siya pero biglang,
"Paging Kim Jongin, please proceed to the SC Office."
Humarap siya sa akin at tinitigan ako.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Kyungsoo. Aalis na ako. May meeting pala akong kailangang attend-an."
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Mas pinipili niya ba ang student council na yun kesa sa akin? Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at inis.
Tinalikuran ko na siya at binuksan ang pinto. Hawak-hawak ko ang seradura tsaka sinabing,
"Tama. Dun ka sa student council buddy mo. Mas sila ang dapat mong kasama."
Aalis at iiwan ko na sana siya pero inunahan ako ni Kai. Mas nauna siyang lumabas at bumaba ng hagdan. Pero bago siya tuluyang bumaba ay my sinabi siya na nagpatulo ng luha ko.
"Siguro nga mas dapat na sila na lang samahan ko."
**
"Yang mga delinquent na yan. Sila ang dahilan kung bakit pumapangit ang reputation ng school natin."
"Oo nga. Hindi sila marunong sumunod sa mga patakaran. Hindi na nga nila magawang isoot ng tama ang uniform natin tapos nagpapakulay pa sila ng buhok at naglalagay ng kung anu-ano sa katawan."
"President, ano sa tingin niyo ang dapat nating gawin?"
"I don't think that dying your hair can do harm to our school. There are really no rules written against it. Plus, it really shows uniqueness of every students. We are wearing our uniform as a sign of unity, but isn't it too much if we stop them from dyeing their hairs, putting tattoos and body piercing? It's their own free will to do that. We are an all boy-school so stuffs like that are really not important to fuss about."
Napatingin si Kai kay Joonmyeon na nakatayo lang sa tabi niya. Hawak-hawak nito ang report na isu-submit nila sa school directors.
"It's my personal opinion, but then we shouldn't mind those little things we should focus on the future events and plans for our school. We have the guidance committee to handle misbehaviors of the students. Let's mind more important matters."
Napatahimik lang ang lahat at nagkatinginan. Minsan lang kasi magsalita si Kai pero kapag nagsalita naman ito ay talagang makikita mong matalino ito at karapat-dapat na maging student council president.
"Meeting adjourn."
Sabi pang muli ni Kai bago tumayo at lumabas ng sc office. Gusto niya sanang puntahan si Kyungsoo ngunit naisip niya na dapat ay hayaan niya itong alamin kung ano ang ibig-sabihin nang halik na ibinigay niya.
"Kyungsoo... Until when can I hold on?"
**
"Galit siya sa akin. Galit siya. Galit siya."
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Galit si Kai sa akin. Bakit ba siya nagalit? Dahil sa sinabi ko? Pero sinabi ko lang naman yun dahil... dahil mas inuna niya pa yung student council na yun kesa sa akin.
"Bambi~~"
Inakbayan ako ni Yeollie at kinausap pero lumilipad pa rin talaga ang utak ko kaya hinayaan ko lang siyang magsalita.
Papunta na kami sa may locker ko nung may makita akong isang lalaki na naglalagay ng papel sa locker ko. Agad ko yung nilapitan at itinulak.
"Hoy! Anong nilalagay mo sa locker ko ha?! Basurahan ba yung locker ko para lagyan mo ng scratch paper?!"
Galit na tanong ko dun sa lalaki na nakatingin lang sa akin at nakangisi. Aba't iniinis pa akong lalo. Sasapakin ko na sana siya nung hinawakan ako sa kwelyo ni Yeollie at inilagay sa likuran niya.
"Ako na lang susuntok para sayo Bambi. Ayaw kong nadudungisan ang kamay mo."
Tapos ay hinarap niya yung lalaki at sinuntok. Napahiga ang lalaki habang hawak niya ang mukha niyang may malaking pasa dahil sa suntok ni Yeollie.
"Dahil sa mga delinquent na kagaya niyo kaya masisira ang pangalan ng school natin!?"
Galit na sigaw nung lalaki. Binelatan ko siya at nag-f**k you finger ako para lalo pa siyang maiinis. Dun ko lang naalala yung papel na nilagay niya sa locker ko. Kinuha ko yun para basahin.
'This is the final warning! Dye your hair black or you'll get expelled in this school.'
"Ha! Akala mo naman matatakot ako dito! Hindi no! Hindi ko ipapa-black ang buhok ko. Atsaka final warning agad? Wala bang first warning?"
Mapang-inis na tanong ko dun sa lalaki pero nagulat ako sa sinagot niya.
"Two weeks ago simula nung nag-umpisa akong maglagay ng warning note sa locker mo. Tanga ka talaga!"
Two weeks ago? Pero eto pa lang yung natatanggap ko---
"Oh! Naiwan ko sa rooftop yung math book ko. Pwede bang ikaw na ang kumuha?"
"Ha?! Bat ba ako ang pinapakuha mo palagi? Tsaka bat palaging may iniiwan kang libro o kahit anong gamit sa rooftop?"
Ngumiti lang si Kai at sinabing,
"Pakikuha na lang Soo. Mas mabilis kang tumakbo kesa sa akin eh."
Ngayon alam ko na kung bakit palagi siyang may naiiwan. Sinasadya niya yun para may ipakukuha siya sa akin habang inaalis niya ang mga warning notes na nilalagay sa locker ko. Pinoprotektahan ako ni Kai laban sa mga student council members na katulad ng isang to.
Kakampi ko siya!
Itinapal ko kay Yeollie ang papel at agad na tumakbo papunta sa student council office. Binuksan ko ang pinto at nakitang nandoon ang mga officers at mukhang may pinag-uusapan sila. Nakaupo si Kai sa pwesto niya at halatang nagulat sa pagdating ko.
"Hindi... Hindi ko ipapabalik sa dating kulay ang buhok ko. At hindi ko rin ipapatanggal ang hikaw ko. Kahit anong gawin niyo hindi ako susunod sa mga walang kwentang rules na ginagawa niyo!"
Napangiti si Kai sa sinabi ko habang ang iba ay halatang nagulat lang sa mga pinagsasabi ko.
"Bambi naiwan mo tong isang to!"
Hawak-hawak ni Yeollie sa tenga ang member ng student council na naglalagay ng mga warning notes sa locker ko.
"Paano niyo kami madi-disiplina kung mismong myembro ng council na to ay hindi marunong sumunod sa mga rules na ginawa niyo? Bawal ang bullying dito pero ang paglalagay ng mga warning notes sa locker ng kapwa estudyante ay isang halimbawa ng bullying."
Napatahimik ang lahat sa sinabi ni Yeollie. Tumingin ako dito at nginitian ko siya. Maaasahan ko talaga si Yeollie.
"Joonmyeon, pwede bang ikaw na ang bahala sa kasong to? Kyungsoo, maiwan ka dito."
Tumango naman ako habang si Joonmyeon ay lumapit kay Yeollie at tinitigan ng masama ito. Kinuha niya ang warning paper at sinabing,
"Ako na ang gagawa ng report. Hindi pwedeng ipasa tong report na ginawa mo."
Lumabas na siya kasama yung lalaking naglagay nung mga note sa locker ko. Lumabas na din ang iba pang members ng sc. Kami na lang ni Kai ang naiwan.
Nakatingin lang siya sa akin kaya naman kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Kai~~ Ikaw, ikaw ang nakakabasa nung mga notes di ba? Bakit mo yun ginawa?"
"Dahil ayaw kong masaktan ka. Gusto kitang protektahan."
Napatingin ako sa kanya.
"Protektahan saan?"
"Sa mga posibleng makapanakit sayo. Kyungsoo, hindi ko ginustong itago sayo ang tungkol sa position ko bilang sc president pero nung nalaman kong galit sa student council lalong-lalo na sa sc president ay nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sayo. Ayokong magalit ka sa akin dahil gusto kita..."
Napaiyak na lang ako kaya naman patalong niyakap ko si Kai.
"Kai~~ Omo, Kai~~~"
Dahil sa ginawa ko ay bumagsak kami sa sahig at tumama ang ulo ni Kai sa lamesa.
Patalong yakap+Kai+ulong tumama sa mesa= patay na Kai
"Kai~~~ Kai~~~~ patay ka na ba? Mabuhay ka~~ kapag namatay ka forever akong makokonsensya. Waaaah!"
"Kyung-- soo."
"Kai? Yey buhay ka!?"
Hinawakan ko siya sa mukha at siniguradong wala naman siyang kahit anong galos.
"Okay ka na ba?"
Umiling siya kaya naman agad akong kinabahan.
"Kyungsoo~~ pwede bang humingi ng pabor?"
Tumango ako bilang sagot.
"Kahit ano Kai gagawin ko. Sabihin mo lang sa akin."
"Pwede bang halikan mo ako?"
Silence~~ Silence~~ More silence~~
Biglang umaray si Kai kaya naman agad akong umupo sa kandungan niya at hinawakan ang mukha niya.
"Sige. Hahalikan kita Kai. Wag kang mamamatay, okay?"
Ipinikit ko ang mata ko at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi namin. Agad ko rin naman yung inalis para tignan si Kai.
"Okay ka na ba Kai?"
Iniling niya ang ulo niya at hinapit ako sa beywang.
"Kulang pa din Soo. Kulang pa. Pwede bang hawakan kita?"
Hawakan? Edi ba hawak na niya ako?
Nagulat ako nung bigla niyang tanggalin ang pagkakabutones ng polo ko. Wahhhh! Itutulak ko sana siya nang bigla niyang halikan ang n****e ko. Waaaaaaaah~~~
"Kai?"
Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at naipikit ko na lang ang mga mata ko sa pag-aakalang hahalikan niya ako. Pero hindi pala. Imbis ay kinagat niya ang tenga ko bago sinabing,
"I want to do bad things to you."
Waaaaaaaaaahhhhh!