Daryl Batuigas - The Wild Bait - Chapter 11

2502 Words
MONICA ILANG minuto na rin ang nakalipas nang umakyat ako sa silid ko, but still the smile is on their in my face. Bungod kasi sa masarap ang hinanda ni Daryl sa hapunan ay komportable akong nakausap ito. I appreciate his kindness to me, bago sa akin 'to dahil wala naman talaga nag-aalala sa akin mula nang namayapa si dad. 'Ang swerte naman ng kausap niya kanina,' wika ko sa sarili ko habang hinuhubad ang t-shirt kong suot para isuot ang roba ko. 'May balak kaya siyang i-kwento sa akin ang tungkol d'on?' pahabol kong tanong. Ang tanong, interesado ba akong marinig ang tungkol dito? Personally, I don't care. Siguro gusto ko lang malaman para magkaroon naman ako ng background sa lalaking nakilala ko sa isang ahensiya. 'Never mind! Matagal pa naman ang tatlong buwan, may mga malalaman pa rin naman ako siguro sa kaniya. I don't want to force him to tell me everything, baka sabihin niya interesado ako sa kaniya,' naiinis kong sambit. Sa babaeng kausap niya ako walang interes! Anas ko. I'm hoping na mawala na ito para naman hindi na madagdagan pa ang mga bagay na naisip ko. I just want to be free from stress and everything na magbibigay negatibo lang sa isip ko. MAAGA akong nagising, agad sumagi sa isip ko ang napag-usapan namin kagabi ni Darryl ang pagpunta namin ng Bulacan. Heto na naman ang naramdaman kong hilo, ilang linggo ko na rin pala itong dine-dedma lalo na kapag nagigising ako sa umaga. Hindi naman ako kulang sa tulog, dahil maaga naman ako nagpahinga kagabi pagkatapos kong i-check ang spam and email ko. Hindi muna ako bumangon, hinayaan ko muna ang sarili kong mag-scroll sa social media. I automatically stop sa profile ng ex ko, d'on nakita kong masaya na talaga siya sa iba — been long years but the feelings of being betrayed is still there. Bestfriend ko kasi ito n'on, kaya para sa akin hindi lang ang relasyon namin ang nawala kun 'di pati na rin ang pagkakaibigan namin. And, now he's totally happy being engage to his long time partner after namin maghiwalay. Masakit pa rin isipin na pinagpalit niya ako ng ganoon kadali, siguro kung hindi kami naghiwalay baka siya ang kasama ko ngayon at hindi ako basta-basta nagpapanggap sa mga kailangan kong pagtaguan ng totoong sitwasyon namin ni Darryl. Speaking of Darryl, siguro everything happens for a reason dahil kung hindi nangyari iyong sa amin, hindi ko makikilala ang taong nandiyan ngayon para sa akin, para isalba ako sa malaking dinadala ko. Muli kong pinagmasdan ang profile niya, at walang ibang salitang in-unfriend ko ito. 'Sana noon ko pa ginawa. Sana hindi ganito kabigat ngayon,' iyon ang sabi ko sa sarili ko. I chose to log out my friend space at nagpasya nang bumangon para puntahan si Daryl, baka gising na rin ito; pasado alas-siyete na rin pala ng umaga. Wala naman akong sinabi kung ano'ng oras kami aalis ngayon, basta ang napag-usapan namin ay isasama ko siya sa pag-uwi ko sa Bulacan. "Hi! Gising ka na pala. Good morning, Monica," bungad na bati sa akin ni Darryl nang datnan ko ito sa kusina. Abala na naman ito sa hinahanda na kung ano. "Ang aga mo naman nagising. Natulog ka ba?" tanong ko sa kaniya. Umikot ako sa gawi niya para kumuha ng tasa para sa kape ko. "Sanay talaga akong gumising ng maaga, Monica. Ito mainit 'tong tubig." "Thank you..." "Nagsangag ako para sa atin at nagluto ng hotdog tsaka corned beef... mayroon sa cabinet mo so I assume na kumakain ka n'on," anito. "Oo naman. Hindi naman ako maselan sa pagkain. Salamat ha. Inabala mo na naman sarili mo." "Wala iyon. Masaya ako sa ginawa ko, maliit na bagay 'to." "May maitutulong ba ako?" Alok ko sa kaniya. Sa tingin ko wala naman dahil mukhang patapos na ito sa ginagawa nito. Maayos na rin ang pinggang hinugasan niya sa platera. "Next time kapag nagluluto ka, hayaan mo na ako sa hugasin ha. Baka kasi pag-alis mo, hindi na ako marunong sa mga ganyang gawain," natatawa kong aniya sa kaniya. "Imposible.. Knowing you, parang napaka-independent mo na tao eh." "Kailangan eh. Atsaka minsan, I mean madalas mas gusto ko talaga mag-isa rito." "Pero huwag mong sasanayin. Paano na lang pala kung magkasakit ka? Sino agad ang matatawag mo? Dapat may kasama ka pa rin dito." "Mayroon naman, hindi ko pala nasabi sa 'yo, si manang pero naka-leave siya. Hinayaan ko na lang habang magkasama tayo, para wala naman gaano magtaka sa set-up natin." Tinulungan ko siyang maglagay ng pinggan at kubyertos sa misa. Mukhang masarap ang hinanda nito. "Sanay na sanay ka talaga sa gawaing kusina 'no?" "Oo. Ako kasi ang madalas na kasama ni mama sa kusina kapag nasa laot si papa at kapag nasa eskwela naman si Danica." Tumango-tango lang ito. Mabuti pa ito, maaga nasanay sa gawaing bahay at sa gawaing pambababae unlike me. Sinanay kasi ako ng magulang ko na may ibang gumagawa nito para sa akin. "Kain na tayo," sabay pa naming sambit sa isa't isa. Masayang kasalo si Darryl, sa ilang araw na pagsasama namin iyon na agad ang nakita ko sa kaniya. Parang ang gaan niya lang talagang kasama, masasabi kong maswerte ang kausap nito kahapon; mukhang naaalagaan siya ng maayos ni Darryl. "May problema ba?" tanong niya sa akin. Napansin siguro nito ang pananahimik ko. Napailing-iling na lamang ako bilang tugon sa kaniya. "Wala naman. May naalala lang ako." "Kain ka na. Ano'ng oras ba tayo aalis? Actually, nakahanda na rin isusuot ko para hindi ka na maghintay kung sakali." "Okay lang naman ako maghihtay, Darryl. Wala naman magiging problema." "Ako ang magmamaneho ha. Okay lang ba?" "If you insist. Sure. Nasa taas ang susi ko, I will give it to you after natin kumain, para ma-check mo iyong car," sabi ko sa kaniya. "Thanks for the trust," aniya sa akin. "I have too." Ngumiti kami sa isa't isa at tahimik na pinagsaluhan namin ang pagkain. Pagkatapos nito magpapaalam ako sa kaniyang mag-aayos na para maabutan namin si tita— kapag maaga kasi wala itong gaanong pinupuntahan nasa bahay lang ito tiyak. ---- DARYL NAGPAALAM na sa akin si Monica para mag-ayos, pagkatapos namin kumain. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa maka-akyat siya, nag-insist pa ito na siya ang magliligpit ng pinagkainan namin pero hindi ako pumayag. Alam ko kasi na mas matagal mag-ayos ang babae. Ayaw ko naman siya magmadali kaya kinumbinse ko talaga siyang ako na lang ang bahala. Mabuti na lang at pumayag naman ito at hindi na nagpumilit pa. Nakakatuwa siya. Isa siyang babaeng may kusa at makikita mo sa kaniya ang empathy na mayroon siya. Pagkatapos kong magligpit umakyat na rin ako sa silid ko. Para makapag-ayos at mahintay si Monica, bibilisan ko nga lang para ma-check ko ang sasakyan niya; preno, gas and all. Para naman walang maging aberya sa magiging lakad namin sa daan. Kung hindi ako magkakamali apat na oras ang magiging byahe namin, depende rin sa traffic pero dahil sabado ngayon kung hindi namin aagahan baka maipit kami lalo na't maraming uuwi nito mula iba't ibang sulok ng Manila. Puting t-shirt lang ang napili kong isuot at pantalong maong, wala naman sinabi si Monica kung ano ba ang kailangan kong isuot kaya mas minabuti ko na lamang maging simple; nagdala na lamang ako ng polo shirt na puti rin incase sabihin niyang magiging formal ang paghaharap na mangyayari. Nagpasya na akong lumabas ng silid ko, nilingon ko pa ang silid ni Monica, tahimik ito mukhang hindi pa ito tapos mag-ayos. Nauna na lang akong bumaba, tuloy-tuloy sa garahe. Agad kong sinipat ang preno at ang volume ng tubig; nasa maayos naman ang lahat mukhang magaling naman si Monica at sinisigurado ang maintenance ng sasakyan nya. Mas mabuti na rin iyon, para safe ito kung saan man ito pumupunta. "Ready ka na?" Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Monica. Nakabihis na ito, mukhang tapos na rin mag-ayos dahil nakasukbit na sa balikat niya ang madalas na bag na dala niya at ang laptop niya. Tulad ko simpleng naka t-shirt lang ito at maong na shorts. Parang wala lang pinagkaiba sa suot ko, pakiramdam ko nga nag-usap talaga kami sa isusuot naming dalawa ngayon. Lihim na lang akong napangiti. "Okay ka na ba? Aalis na ba tayo?" "Oo, para hindi na rin tayo maipit sa traffic. Baka gabihin kasi tayo mamaya pag-uwi natin." "Iyon nga rin iniisip ko kanina lalo na't sabado ngayon." "Sinabi mo pa," sang-ayon niya sa akin. "Tiningnan ko na pala ang lahat at sigurado akong nasa maayos naman ang makina at preno. Mahusay kang mag-alaga ng sasakyan mo, Monica." "Iyon kasi isa sa mga bilin sa akin ni dad, mahirap nga naman kapag masiraan ako ng sasakyan sa gabi lalo pa't madalas akong mag-isa, baka ikapahamak ko lang." Pinagbuksan ko sya ng pinto, katabi ko sa driving side. "Salamat." "Uhm, Monica. Okay lang ba kung titingnan ko muna ang mga saksak sa loob? I'll make sure lang para hindi tayo mag-isip sa pupuntahan natin kung may naiwan ba tayong magiging cause ng problema." "Sure, Darryl. Salamat. Malaking tulong iyan." "Sandali lang ako. Babalik agad ako. Paandarin mo na lang ang aircon para hindi ka mainitan." "I can manage, no worries. Thank you." Tumalima na ako matapos magpaalam sa kaniya, tulad nga ng sinabi ko I'll better to check everything. Gusto kong nasa maayos ang lahat para hindi rin ito mag-isip habang nasa malayo kami, mahirap na't gusto ko rin siyang mag-enjoy kasama ang step mom niya sa bahay nila sa Bulacan at hindi mangyayari iyon kung ang utak niya ay maiiwan dito sa bahay niya sa Manila. "Okay na, nasa maayos na ang lahat. Wala ka nang kailangan isipin habang nandoon tayo," bungad ko kay Monica nang buksan ko ang pinto ng driver side. "Let's go na? Mag-waze na lang tayo para hindi ka mahirapan. Hindi rin ako magaling sa pagbibigay ng directions eh." "It's okay, Monica. May dadaanan ka pa ba bago tayo pumunta d'on? Sabihin mo lang ha." "Uhmm. Ibibili ko na lang siguro si tita ng paborito niyang malunggay pandesal. Hindi ko rin kasi siya natawagan kanina, surprise visit para hindi naman siya makapaghanda at tayo na lang ang magdadala." "Good then. Ako na lang bahala sa ulam natin, may palengke naman d'on 'di ba? Ipagluluto ko kayong dalawa." "Naku! Cook ka na nga dito sa bahay, cook ka pa rin sa Bulacan? Masyado naman akong spoiled sa 'yo, sigi ka hahanapin ko talaga iyan," nakangiting sabi niya sa akin. "Okay lang. One call away lang naman ako, baka sa loob ng tatlong buwan maging magkaibigan na rin tayo niyan, pwedi naman siguro kita madalaw-dalaw sa inyo." "Oo naman. Anytime, Darryl. Wala naman magiging problema. It's my pleasure din na dalawin mo, but make sure na may luto kang dadalhin sa akin ha." "For sure! Makakaasa ka." "Talaga lang ha. Naku! Kapag 'di mo na talaga tinupad yan may pingot ka sa akin." "Seryoso ako, Monica." "Sabi mo iyan eh. Aasahan ko." "Matagal pa naman iyon. Magkasama pa tayo at hindi pa maghihiwalay ang landas natin," natatawa kong sabi sa kaniya. "Oo nga naman pala. Pero alam mo naman ang araw ngayon, napakabilis na. Parang kailan lang namomoreblema pa ako tapos ngayon heto na at mukhang patapos na ang dinadala ko." "Samehere, Monica. Napakalaking tulong ang naibigay mo sa akin at ang mga maliliit na pabor na ginagawa ko para sa 'yo ay wala pa 'yon. Maraming salamat, nadugtungan ang buhay ng kapatid ko ng dahil sa 'yo." "Teka lang! Bakit yata mukhang naging malungkot naman tayo? Dapat chill lang. Mukha naman magpapaalam na tayo sa isa't isa ah. Ikaw na rin nagsabi na matagal pa iyon, kaya chill lang." "Sinasabi ko lang na sobrang thankful ako sa 'yo.' "Dalawang milyon lang ang naibigay ko sa 'yo, Daryl. Napakalaking halaga sa twenty million na matatanggap ko sa mana ko dahil sa pagpapakasal ko sa 'yo. Mas malaking pabor iyon, mas nakatulong ka sa akin." HINAYAAN kong makatulog si Monica. Mukhang puyat pa yata ito. Inayos ko ang pagkakahiga niya, para hindi siya mahirapan at hindi sumakit ang ulo niya. Sadyang hindi ito nagising, mabuti na lang at hindi naman ganoon kasikip ang trapiko. Hininaan ko rin ang volume ng waze para hindi makaabala kay Monica. Gusto ko siyang magpahinga, tsaka ko na lang siya gigisingin kapag nakarating na kami sa bukana ng Bocaue— para masabi niya sa akin kung saan ba ang tamang daan pauwi sa bahay nila. Sa ngayon magkakasya na lamang muna akong pagmasdan siya ng manaka-naka, sounds weird but she really look innocent. Ang ganda niya at alam kong mabuti siyang tao. Imagine! Hindi niya naman totoong nanay ang tinatawag niyang tita pero handa siyang tulungan ito sa problemang mayroon ito. Good thing na sa dinami-rami ng costumer sa agency na last choice ko para iligtas ang buhay ni Danica si Monica pa ang napunta sa akin. Sounds like pa pala sila ng pangalan ng kapatid kong bunso. "Nakatulog pala ako..." pupungas-pungas na bungad ni Monica nang gumising siya. "Nasaan na tayo?" "NLEX pa lang, hahayaan pa sana kitang matulog dahil malayo pa naman. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa Bocaue." Tumingin ito sa labas ng salamin. "Okay ka lang? Sorry. Tinulugan kita." "Okay lang, Monica. Mas okay nga iyon eh. Makapagpahinga ka." "Maaga naman ang tulog ko kagabi. Inantok lang ako bigla." "Tulog ka pa kung gusto mo. Huwag mo akong alalahanin, hindi naman tayo nililigaw ni waze e," biro ko sa kaniya. "Ayaw kong mainip ka. Mamaya makapikit ka dahil wala kang kasamang gising eh." "Iyon naman ang hindi ko hahayaan. Alam mo naman na ligtas ka sa akin kapag ako ang kasama mo 'di ba? Sinabi ko na iyan sa iyo." "Salamat." Humikab ito sadyang inaantok pa yata talaga ito. "Magpahinga ka lang, Monica. Maingat naman ako magmaneho eh." "Alam ko. Pero parang ginawa naman kitang driver niyan. Cook ka na nga, driver ka pa." "Full package na ba?" biro ko sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya at nagtama ang mga mata naming dalawa. "Mukha..." natatawang tugon niya sa akin. Nakitawa na rin ako sa kaniya. "Tulog ka pa, mukhang malayo pa yata tayo." "Okay na ako..." sagot niya sa akin gitna ng muli niyang paghikab. Pagkatapos nito tumawa siya at binaling ang tingin sa labas ng bintana. "Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya nang tumahimik ito. "Na-mi-miss ko lang si mommy at daddy ko, Darryl." "Isipin mo lang sila. Okay lang naman ang hindi maging okay... basta after mo maging malungkot alalahanin mo na lang ang mga masasayang araw niyo." "Mabuti ka pa parang sanay na sanay nang dalhin ang mga nararamdaman. Parang ang gaan lang sa iyo ang lahat." "Ganoon talaga siguro kapag maaga namulat sa riyalidad na hindi lahat ng sandali ay okay ka o masaya ka. Minsan kailangan mo lang tanggapin at timbangin para hindi ka lamunin ng lungkot at pag-iisa." "Salamat, Darryl." "Dito lang ako, Monica." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD