Daryl Batuigas : The Wild Bait - Chapter 10

2487 Words
MONICA HINDI ko rin natiis ang tiyan ko't, pinili ko ring bumaba. Natatawa pa nga ako habang dahan-dahan na bumababa sa hagdan para hindi lang ako marinig ni Daryl, mas nakakahiya kasi kung makita niya ako pagkatapos kung tumanggi kanina. Ano na lang ang sasabihin nito? Na wala akong isang salita? I'm not like that. Kaya heto at iniiwasan kong makalikha ng kahit na ano'ng ingay. Sana lang ay tulog na siya, pero imposible dahil ano'ng oras pa lang; alas otso-kwarenta pa lang. Ang aga ko pala talagang umuwi para sana sa sabay na hapunan na ito— nasira lang talaga ng tawag na narinig ko kanina. Pinilig-pilig ko ang ulo ko para maiwasan ito. Ayaw ko nang mag-isip ng kahit na ano. Wala naman masama kung may iba siya, siguro kakausapin ko na lang siya na dapat siyang mag-ingat sa susunod dahil baka ang tiyahin at tiyohin ko na ang makarinig sa kaniya. Hindi pa naman madalas kumakatok ang mga iyon kapag papasok mismo dito sa bahay. Paano na lang kapag wala ako? Mababalewala talaga lahat— masyado nang malakimg pera ang sinakrispiyo ko rito at ayaw ko itong mauwi sa wala. Hindi kami pwedi mabigo ni Daryl, dahil ang pagpapagamot ng kapatid niya ang nakasalalay din dito. Napatingin ako sa pinto ng silid na inookupa niya ngayon. Naging rude ba ako sa kaniya kanina? Ang ginawa kong pagtanggi pagkatapos niyang abalahin ang sarili niya para maghanda sa pagkain naming dalawa? 'Do I have to say sorry to him? Nasaktan ko ba siya?' sunod-sunod kong tanong sa sarili ko. But no! Hindi ko kailangan makipag-usap sa kaniya ngayon, bukas na lang siguro kapag ramdam kong malamig na ang lahat. I mean, kapag bahagya ko nang nakalimutan ang lahat ng narinig ko. 'Do I have to ask him ba kung sino ang kausap niya kanina?' Ito ang nakakatawang tanong ko sa sarili ko. 'Dapat ko pa bang alamin talaga?' Masyado naman yata akong nangingialam kapag ginawa ko iyon. Pinagpatuloy ko ang pagbaba ko— kailangan ko nang kumain kahit hindi ko naman talaga gawain ito, I just want him to realize lang din na masaya naman ako sa ginawa niya for me. Si Daryl lang ang nakakagawa nito sa akin. Si Tita Cynthia, hindi niya na ginagawa ang paghandaan ako ng pagkain buhat nang mamatay si daddy, ewan ko ba; masyado na yata siyang nalulong sa utang. Ang simula nang problema sa pamilya namin. Hindi ko pa pala nakakausap si tita tungkol sa posibilidad na tapos na ang problema niya sa pinagkakautangang intsik. Ano kaya kung isasama ko si Daryl sa Bulacan? Wala naman sigurong masama hindi ba. Knowing tita, kapag nakilala na nito si Daryl, malamang sa malamang ay ibabalita niya na ang tungkol dito at makakarating na rin ito sa tiyahin kong magiging sagabal sa last well ni lola. It's a good idea. Off ko bukas dahil binigyan ako ng break ni Derek Niko, ang pinag-usapan namin kanina. Napag-alaman kasi nito na kinasal ako ng lihim kaya e-enjoy ko raw ang honeymoon stage namin ng asawa ko. 'Pwedi! But kailangan ko muna ihanda si Daryl, madada si tita... baka kung ano-ano lang ang itanong nito kay Daryl at mahirapan siya. Problema lang iyon,' ika ko. Nakarating na ako sa kusina at ang una kong binuksan agad ang ref ko. Malinis na kasi ang lutuan mukhang niligpit na ni Daryl ang pagkain. Iinitin ko na lang ito sa microwave oven, mas lalo akong nakaramdam ng gutom ng bumungad sa akin ang amoy ng sinigang nang buksan ko ang tupperware na pinaglagyan nito. Mukhang kakapasok lang sa ref, dahil hindi pa ganoon kalamig. "Pweding sumabay?" "Itlog ng tipaklong!" Mabilis ang ginawa kong pagbitiw sa takip ng tupperware na hinahawakan ko nang narinig ko ang boses ni Daryl, mabuti na lang at hindi mainit na lalagyan ang hawak-hawak ko ngayon, napaso sana ako sa sobrang gulat ko rito. "Monica, I'm sorry. Nagulat ba kita?" anito pa sa akin. Napabuga ako ng malalim na buntong hininga at umiwas sa gawi nito. "Sorry din. Ang oa yata ng reaksyon ko." "Pasensiya ka na. Inabala yata kita." "Nagutom ako, kaya bumaba ako. By the way, salamat sa niluto mo ha. Kumain ka na ba? Kain?" Umiling-iling ito sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang iling na iyon sa kung kumain na ba siya? O, sasabayan niya akong kakain. "Maghahain na ako..." Narinig kong sabi ni Daryl, naging mabilis ang kilos nito para kumuha ng pinggan para sa aming dalawa. Dinala niya ito sa dining table; umikot ito sa gawi ko't nagsalin ng kanin. Ilang araw pa lang si Daryl sa bahay ko, pero kung pagmamasdan ko siya parang kabisado niya na ang kilos niya. Nakakatuwa lang! Hindi ko na siya kailangan turuan pa. Malaking kabawasan ito sa akin, dahil hindi ko rin naman maaatupag sa pagiging abala ko sa trabaho ko. He can do it by himself naman eh. Iyon na lamang ang bulong ko sa sarili ko habang malaya kong sinusundan ang galaw nito. "Mainit na. Sa microwave ko na lang pinainit dahil akala ko ako lang naman ang kakain." "Sana kinatok mo ako, pinaghanda sana kita." Inagaw nito sa akin ang akma kong pagkuha ng ulam sa loob ng oven. "Mainit, ako na." "Darryl, hindi kita katulong dito." "Pero masaya ako sa ginagawa ko, Monica. Isa pa, hindi ako nababagot at nakakaramdam ng pag-iisa kung may ginagawa ako." "S-salamat..." iyon na lamang ang nasabi ko sa kaniya sa lahat ng sinabi niya sa akin. "Masarap 'to." Tukoy niya sa sinigang. "Mukha nga, sa amoy pa lang ulam na," natatawa ko namang tugon sa kaniya. Pinaghila ako nito ng upuan paharap sa kaniya. "Salamat. Pasensiya ka na pala kanina ha, medyo mainit lang ulo ko gawa ng trabaho," ani ko. Iyon nga ba ang dahilan, Monica? ani naman ng sarili ko sa akin. "Naiintindihan ko, Monica. Wala ka naman dapat ipag-alala. Basta kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang naman ako. You can count on me." Ilang segundo ring nagtaka ang tingin namin sa isa't isa— nauna akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. --- DARYL MASAYA ako dahil nandito si Monica at sabay kaming nagsasalo ng hinanda ko para sa kaniya. Ang buong akala ko ay matutulog na lamang kami na hindi nagkakalaman ang tiyan niya. Alam ko naman kasi kanina na gutom ito dahil sa pagsadya ko sa kwarto niya para sana yayain siyang kumain. Nagtaray pa nga 'to kanina na pinagtatakahan ko dahil hindi naman siya gan'on. At heto nga gaya ng sabi niya ngayon ang dahilan lang n'on ay ang pagiging pagod niya sa trabaho. "By the way, Dar, uhm. Nagmamaneho ka ba?" tanong sa akin ni Monica. "Oo," maagap ko namang sagot sa kaniya. Naisip ko na baka magpapa-drive ito sa akin, pweding-pwedi iyon, aniya ng isip ko. Maliit na pabor kumpara sa nakuha kong kabayaran sa kaniya sa pagpapanggap naming 'to, sa trabahong pinasok ko. "Bakit? Uhm, may kailangan ka ba? May lisensiya naman ako at maingat ako magmaneho, Monica," wika ko sa kaniya. "Nope! Uhm. Gusto sana kitang yayain sa Bulacan, sa step mom ko. Gusto ko kasi siyang dalawin at ipakilala ka na rin sa kaniya iyon ay kung okay lang." "Walang magiging problema, Monica. Kailan ba?" "Bukas sana kung okay lang? Kung wala ka naman lakad or kailangan gawin... Naka-leave kasi ako sa trabaho." Pinakinggan ko lang ito sa mga sinabi niya sa akin. Natawa pa ito sa kwento niya tungkol sa balitang narinig niya tungkol daw sa amin sa trabaho niya. "Sure. Wala naman akong ginagawa, ihahanda ko mamaya ang dadalhin ko. May ipapagawa ka ba? Kailangan kong sabihin sa step mom mo?" tanong ko sa kaniya. Mukhang nag-isip ito. "I-se-send ko na lang siguro sa iyo mamaya ang mga posibleng itatanong niya sa akin, kilala ko kasi si Tita Cynthia, matanong iyon. Pero malaking bagay din iyon, para mabilis makarating ang balita sa ibang kaanak ni lola," kwento nito sa akin. Napangiti ako sa kaniya. Masaya ako sa ganitong paraan ay naibabahagi na ni Monica ang mga bagay na kailangan kong gawin para sa set up naming dalawa. Mabilis lang ang tatlong buwan, at masasabi kong nagsisimula na kami sa mga plano niya. Wala kaming gaanong usapan n'on, nasabi ko na lang sa sarili kong paghuhusayan ko. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Monica, alam kong tutulungan naman ako nito sa mga kailangan kong sabihin at gagawin. "Makakaasa ka sa akin, Monica. Hindi kita bibiguin," aniya ko. Sigurado ako r'on. Hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang lahat ng 'to. "Salamat, Daryl. Alam ko naman iyon eh. Nagtitiwala ako sa iyo at huwag kang mag-alala dahil hindi kita pababayaan. Kasama mo ako," nakangiting sambit nito sa akin. "By the way ang sarap ng niluto mo. Salamat ha. Pero baka masanay ako nito at pag wala ka na rito baka hanapin ko." "Huwag kang mag-alala, habang nandito ako gagawin ko ang mga bagay na 'to. Sanay akong magsilbi sa tao, Monica. Simpleng buhay kasi ang kinalakhan ko." Ngumiti ito sa akin, kasunod ng pagsubo ng huling kanin sa plato niya. "I appreciate it a lot. Si daddy kasi ang gumagawa sa akin nito before, akala ko hindi ko na muling mararanasan pa. Kung hindi mo naitatanong, tamad talaga akong ipagluto ang sarili ko." "Alam ko. Halata naman sa katawan mo. Payat ka," komento ko. "Hindi ako ganito dati, sabi nga nila mataba ako n'on. Siguro dahil sa stress, dahil sa mga responsibilidad na iniwan ni daddy at higit sa lahat sa hirap kong alalayan si tita." "Hindi dapat ganoon, Monica. Dapat hindi mo pa rin pinababayaan ang sarili ko kahit na ano'ng mangyari. Sabi mo nga, mag-isa ka na lang malayo sa iyo ang tita mo. So, dapat ikaw pa rin iyong nag-aalaga sa sarili mo dahil wala naman ibang gagawa n'on kun 'di ikaw lang," mahaba kong pagkakasabi sa kaniya. "Don't mind me. Kaya ko sarili ko, ilang taon na ring wala sa amin si daddy and I'm here still alive and kicken. Tsaka maraming pagkain sa work place ko, nagsasawa ka lang." "Pero hindi healthy, hindi ba?" "Iyon lang. Tama ka, not so healthy pero laman tiyan din iyon." "Huwag kang mag-alala, nandito ako. Hindi ko hahayaang mamuhay ka sa ganoon." Muli kaming nagkatinginang dalawa. Ngumiti ito sa akin at ganoon din ako sa kaniya. "Aalis ka rin, Darryl... Tatlong buwan lang ang usapan natin, ang pinirmahan natin sa kontrata. Babalik ka rin sa mundong mayroon ka at ganoon din ako." "Pero wala naman masama kung sasanayin mo na sarili mo, sa mga bagay na dapat 'di ba? Like healthy living, and more nutritious food para mas maging malusog ka." "I am." "You're not, Monica. Sinasabi mo lang iyan, dahil iyan ang paniniwala mo. But you're not. Hindi naman nagsisinungaling ang katawan na mayroon ka ngayon sa noon eh." "What?" "Nakita ko photos mo, at tama ka.. Hindi ka naman ganoon kataba n'on pero malusog ka tingnan. Hindi katulad ngayon... hindi ako nangingialam pero iyon ang nakikita ko." Binaba nito ang tingin sa kutsara at tinidor niya sa malinis niyang plato. "Nahirapan kasi ako nang iwan ako ni daddy, kasabay n'on ang pag-break din namin ng boy friend ko. Nawalan ako ng ganang mabuhay n'on, Darryl. Hindi ko nga alam kung paano ako nakabawi eh. Basta ang alam ko, pagod na ako n'on." "May pagkakataon pa naman para bumawi, Monica. Alam ko naman kaya mo eh. Siguro mas mahalin mo lang ang sarili mo, iyon lang siguro ang kailangan mo sa ngayon." "Mahal ko naman eh... kaya nga ako lumalaban kahit halos nawala na sa akin lahat dahil mahal ko sarili ko." "Patunayan mo ngayon, sasamahan kita. Nandito ako for you; hanggang sa maramdaman mong bumalik na ang dating Monica na para sa iyo ay nawala na." "Aalis ka rin, Darryl." "Pero nandito pa ako, Monica. May pagkakataon pa, at kung dumating man iyong sinasabi mong aalis ako siguro naman may improvement hindi ba? Siguro naman, aalis akong okay ka... na masaya ka na ulit." "Masaya ako." "Hindi iyon ang nakikita ko... hindi nagsisinungaling ang mga mata mo, Monica." Napabuntong-hininga ito kasabay ang maliit na tawang pinagkaloob niya sa akin. "Ayaw kong masanay nang ganito. Ayaw kong dumipende sa kahit na sino." "Hindi ka dedepende sa akin... Dahil hindi ako kahit sino, dahil sa loob ng tatlong buwan asawa mo ako..." Tumawa ito. Tawang para sa pandinig ko'y isang musika. "Salamat, Daryl. Tatandaan kong sa loob ng tatlong buwan asawa kita..." "Salamat, Monica. Huwag kang mag-alala dahil sa loob ng buwan na iyan, maiksi man isipin pero hindi kita pababayaan. Nandito lang ako, tutulungan ka hanggang sa makakaya ko." "Wala kang kailangan patunayan." "Alam ko, pero may pangako ako sa sarili ko na ibabalik ko iyong ngiti mo... iyong totoong ngiti na walang pagkukunwari lalong-lalo na ng lungkot, Monica." Muling nagsalubong ang mga mata namin ni Monica, at ang ngiti na sumilay sa labi naming dalawa ay ang ngiting para sa akin ay ang magiging simula ng magandang samahan na mayroon kami ni Monica. Just like I promised her, I won't leave her. Sasamahan ko siya at hindi iiwan hanggang sa makilala ko nang tuluyan ang totoong Monica. "Salamat sa hapunan, sa masarap na hapunan. But I have to go na, kailangan na natin magpahinga para sa lakad natin bukas. Okay lang ba?" "Sure. See you tom? Good night then." "Good night, Darryl. Nabusog ako." Nauna na itong umakyat sa akin, pagkatapos niyang magpaalam. Sinundan ko ng tingin si Monica, sa puso ko nandoon ang saya para sa maayos na hapunan na hinanda ko para sa kaniya at para sa aming dalawa. Gaya nga ng sabi ko sa kaniya, ito na ang simula nang dapat kong gawin para maibalik ang sigla niya. "Good night, Monica..." bulong ko sa hangin. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto nito sa ikalawang palapag sa silid niya. Naalala ko ang lakad namin bukas. Maganda siguro kung ihahanda ko ang kailangan kong isuot o dadalhin. Ang ginawa ko'y niligpit ko muna nang masaya ang pinagkainan naming dalawa. Ramdam kong bukas na magsisimula ang totoong trabaho ko sa kaniya. Dapat kong gampanan iyon ng mabuti, ayaw ko siyang mapahiya para malagay kami sa alanganin sa harap ng step mom niya. Hindi ko pa gaano nalalaman ang tungkol sa kaniya, pero paunti-unti ay naibabahagi niya na sa akin ang tungkol sa daddy niya, siguro hindi ko lang gustong marinig ang tungkol sa dating katipan nito. Kaya ko nga iniwas ang topic kanina dahil ayaw kong malaman ang ilang bagay tungkol sa ex nito, hindi ako interesado. 'Sana makalimutan mo na siya, para wala ka nang ikwekwento sa akin sa susunod na magkwento ka tungkol sa buhay na mayroon ka Monica...' Kausap ko sa sarili ko. Past is past for me, pero kung tungkol sa kaniya ang pag-uusapan namin handa akong makinig kahit gaano pa kahaba ito. Makikinig ako, dahil mahalaga sa akin malaman ang lahat ng mayroon sa kaniya. Doon interesado ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD