Daryl Batuigas : The Wild Bait — Chapter 9

1098 Words
DARYL 112q KANINA ko pa hinihintay ang pag-uwi ni Monica. Tapos na ang hinanda ko para sa kaniya, hindi rin kasi ito nag-reply sa message ko. Nahiya na rin akong i-text siya at baka makaabala lang ako sa mga ginagawa niya. Ayaw kong isipin ni Monica na masyado naman akong nagpapaka-husband-material sa kaniya. Malinaw din naman ang usapan naming dalawa na kahit na hindi ko siya pagsilbihan o namin ang isa't isa ay ayos lang. Wala eh! Masaya akong nagsisilbi sa isang tao, hindi naman mabigat na trabaho ang ginawa ko. Tatayo sana ako nang bigla na lamang tumunog ang caller tone ng phone ko, ang kapatid ko ang tumatawag. "Hello, Dani— napatawag ka? Kamusta ka na? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" agad kong tanong dito. Nandito pa rin kasi ang pag-aalala ko sa kalagayan niya, mula nang malaman kung may sakit ito. "Maayos ang lagay ko kuya. Okay naman ako at heto nga nandito ako sa tabing dagat para makalanghap ng sariwang hangin din." Nasiyahan ako sa sagot niya sa akin. Iyon lang naman din ang gusto kong marinig mula sa kapatid ko ang nasa maayos ito. "Mabuti naman sa ganoon, nag-alala ako sa 'yo madalas dito. Pero alam ko tulad nga ng sinabi mo ay nasa maayos ka lang. Huwag mong pababayaan ang sarili mo, Dani ha." "Yes, kuya. Alam ko naman na mag-alala kayo sa akin kapag hindi ako nag-ingat at hindi ko sinusunod ang lahat ng bawal. Ayaw kong mangyari iyon, kuya. Kaya promise ko sa 'yo gagaling ako." "May proseso ang pag galing mo, Bunso. Pero gagawin ko ang lahat para maging maayos ka lang. Hindi ka pababayaan ni kuya. Ako ang bahala sa yo. Pangako ko iyon." "Maraming salamat, kuya. Mahal kita, miss na kita." "Mahal na mahal kita rin kita. At miss na miss na kita." Nagpaalam na sa akin si Danica, ayon dito ay maglakad-lakad pa raw ito sa tabing dagat, para na rin maging ehersisyo niya. Napalingon ako sa may tumikhim sa likuran ko hindi ko man lang namalayan na nakauwi at nakapasok na pala si Monica. "Hi! Nandito ka na pala," ani ko sa kaniya. Pinasok ko ang cellphone ko sa sarili kong bulsa. Sabay kong nilingon ang kusina kung saan nakahanda na ang pagkain para sa pagdating niya. "Kakain ka na? Ipaghahanda kita." "You don't have too. Aakyat lang ako sandali." Walang lingon likod na umakyat si Monica, matapos magpaalam sa akin. Mukhang hindi yata maganda ang araw niya, anas ko sa isip ko. Pero sana naman kumain siya, sayang naman ang hinanda ko para sa kaniya kung hindi siya kakain. Kung ano man ang nangyari sa araw nito.. sana lang ay 'di niya kalimutan lagyan ng laman ang tiyan niya. Nagtaas ako ng tingin sa malaking relo sa dingding ng dining table niya. Pasado alas syete pa lang naman ng gabi at mukhang hindi pa ito nakakain. Hindi bali, hindi na lang ako aakyat hanggang hindi pa siya kumakain— hihintayin ko na lang siya rito. --- PADABOG kong hinagis ang bag ko sa kama ko. Hindi ko alam kung bakit may galit na lamang na sumikdo sa puso ko ngayon. Dahil sa ano? Dahil sa narinig kong pag-uusap ni Darryl at kung sino man ang kausap nitong sinabihan niya; na mahal na mahal kita. 'Pakialam ko naman sa kung sino man iyong kausap niya? Dapat ko pa bang alamin? O intindihin 'to?' naiinis kong tanong sa sarili ko. 'But no! Sa bahay ko pa rin siya nakatira. At dapat lang naman na habang kasal pa kaming dalawa ay wala siyang pweding kausaping iba. Paano kung may ibang makarinig sa kaniya? Hindi ba niya alam na may kailangan pa kaming patunayan sa ngayon!' ani ko pa. Pagod kong hiniga ang katawan ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko kay Daryl kahit na ano'ng pilit ang gawin ko. Nandoon pa rin iyong inis ko— idagdag pa ngayon ang pangangalam ng sikmura ko. Sinadya kong hindi kumain para sana rito na sa bahay kumain, at pagsaluhan naming dalawa. 'Nawalan na ako ng gana!' inis kong aniya sa sarili ko. Sino pa ba gaganahan nito? Malay ko ba na habang nagluluto siya ay kausap niya iyong babae niya? Hindi ko man lang kasi inalam kung may nobya ba ito! Hindi nga ba? O, baka nakalimutan ko lang at binanggit niya naman talaga ito sa akin una pa lang? Ilang sandali pa may narinig akong pinong katok sa pinto ko. Dalawa lang kami ni Darryl sa bahay kong 'to, kaya hindi malabong mangyari siya ito. "M-monica, Monica..." tawag niya sa pangalan ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago lumabas. "May kailangan ka?" tanong ko nang pagbuksan ko siya. "I-iyong... Iyong pagkain, malamig na. Pangit na kasi iyon kapag ininit ko pa ulit, mas lalong magiging malambot lang ang karne," anito sa akin. Muli kong naramdaman ang pangangalam ng sikmura ko. Ngayon pa yata ito naging pasaway. "Wala kasi akong ganang kumain eh. Kung gusto mo ikaw na lang, kumain ka na, hindi naman ako nagugutom..." sabi ko sa kaniya. Isasarado ko na sana ang pinto ko nang tumunog ng malakas ang sikmura ko. Nagsasabing gutom talaga ito. "Hindi nagsisinungaling ang gutom, Monica. Alam kong hindi ka pa kumakain. Kung ayaw mong sabayan kita ay ayos lang naman. Pero kumain ka na." Narinig kong sinabi nito. Lingon ant naging sagot ko sa kaniya. Iniwas ko pa ang tingin ko, nang makitang titig na titig ito sa akin. "Mauna ka na, Daryl. Bababa na lang ako kapag gusto kong kumain. Don't mind me, I'm okay. Bahay ko 'to alam ko kung ano iyong gagawin ko." "Hindi ko naman kinakalimutang bahay mo. Nagmamagandang loob lang ako. Pero kung iyan ang gusto mo, bahala ka. Okay. Aayusin ko na lang at sa silid ko na lang din ako," may lungkot sa boses na sagot sa akin ni Daryl. Tumalikod ito mula sa akin. Wala akong nagawa para pigilan siya, after all it's all my fault. Ang kaartehan ko lang naman ang hinayaan ko, kahit na nag-aaway na ang mga alaga ko sa tiyan sa gutom na nararamdaman ko. Ni hindi ko man lang pinahalagahan ang pagmamagandang loob sa akin ng tao. Sinundan ko ng tingin si Darryl, hanggang sa bumaba na ito sa unang palapag ng bahay ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kun 'di ang panindigan 'tong pride ko. 'Nagseselos ka lang siguro Monica?' ani ng sarili kong ayaw kong kunsintihin dahil wala naman akong dapat ipagselos. Off all people! Hindi ang tipo ni Daryl ang pagseselosan ko. Never ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD