MONICA
"GOOD YOU'RE HERE NA, MONIC. KANINA KA PA HINAHANAP NI DEREK NIKO. MAY IPAPAGAWA RAW YATA SA 'YO." Salubong sa akin ng P.A ni Derek Niko, ang co-director ko sa seryeng pinagkakaabalahan ko ngayon.
"Pakisabi naman susunod ako. May tatapusin lang ako sa desk ko. Thank you."
"Okay, Ms. Monic. Nasa dressing room lang si derek."
"Okay. Susunod agad ako, after this," aniya ko.
Tumalima naman agad ito, matapos magpaalam sa akin. Hindi na ako nag-abalang sundan ito ng tingin. Minadali kong ayusin ang lahat ng paper works sa table ko, kung bakit ba naman kasi hinayaan kong mag-leave si Nora sa kalagitnaan ng trabaho. Sabagay, malapit na rin naman itong manganak kaya hinayaan ko na lang nang magpaalam sa akin.
Napabuntong-hininga ako nang maisip kung ano ba ang posibleng kailangan sa akin ni Niko? Wala naman akong naalalang may pag-uusapan kami, kung tungkol man ito sa trabaho— ang pagkakaalam ko'y tapos na ang mga dapat naming ayusin.
Huwag naman sana magkaroon ng panibagong problema at baka hindi ko na kayanin. Hindi pa nga ako tapos sa isa, kung dadating na naman ang isa pa. Hindi ko pa rin nakakausap si Attorney Salazar dahil sa hindi ko pa nakukuha ang copy ng dokumentong nagpapatunay na kasal nga kami ni Darryl.
"Hi, Ms. Monica. Totoo ba ang nabalitaan kong kasal ka na raw?" Napalingon ako sa boses na nasa likuran ko, si Amy. Ang isa sa mga writer ng serye.
Ngumiti ako sa kaniya, sa isip ko ang bilis naman talaga kumalat ng tsismis. Sabagay, wala naman akong kailangan itago pa. Iyon din naman ang gusto kong mangyari kung sakali ang malaman ng lahat para hindi ako nahirapang magpaliwanag— in case na imbestigahan kung totoo nga ba. I need to make them believe, sa gayon walang magiging problema sa kukunin kong mana na para sa akin, at hindi ito mapupunta sa ibang kamay lalo na sa anak ng abwela ko sa labas.
"Oo eh. Biglaan nga, hindi na ako nakapag-imbita dahil 'yong asawa ko masyadong naging excited," natatawa kong tugon sa kaniya.
Tumabi ito sa akin at nanatiling nakatayo, tinutok ang paningin sa ginagawa kong pagsasalansan sa mga nagkalat na papel sa desk ko.
"May boyfriend ka naman pala. Bakit mo naman tinago sa amin?' anito. Mukhang wala yatang balak itong tantanan ako.
"Pasensiya na, Amy. Masyadong low key din kasi 'yong boyfriend ko— na asawa ko na ngayon. I just want to tell everyone man, ay pinigilan niya talaga ako," pagsisinungaling ko.
Tumawa ng mariin si Amy, hindi ko alam kung naniniwala ba ito sa akin or what.
"Kailan mo naman ipapakilala sa amin ang maswerteng lalaki ng buhay mo? Ang makabingwit sa puso ng isang pihikang Monica."
Lihim na napalunok si Monica, hindi niya napaghandaan ang bagay na 'yon. Alam niyang ipagpipilitan ni Amy ito.
"Soon, maybe. Busy din kasi sa ngayon si Darryl, may mga bagay na inaasikaso."
"So, Darryl pala ang name niya? How sweet naman. Feeling ko pogi iyan, bakit kasi hindi mo man lang pinakilala muna?" pangungulit nito sa kaniya.
"Just like what I said, busy si Darryl at isa pa biglaan lang din talaga ang kasal namin e."
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang kaming imbitahin. Sus, naman, Monica. Hindi naman kami pupunta na walang dala," pang-aasar nito sa kaniya.
"But seriously speaking, we're happy for you. Finally, baka ma-expire ang matres mo nagka-asawa ka na."
Sabay silang natawa sa biro nito sa kaniya, napailing-iling na lang siya sa pang-aalaska ng kaibigan niya.
"Ninang ako ha. Huwag mong kakalimutan." Pilit na lamang siyang tumango, para hindi na ito mangulit pa.
Nagpaalam sa kaniya si Amy, pagkatapos ng small talk nila. Hinatid niya ito ng tingin at muli pa siya nitong biniro na baka may laman na ang tiyan niya kaya siya nagmadaling magpakasal.
Hindi niya rin naman kasi pweding sabihin kay Amy ang totoo at baka mauwi lang sa wala ang lahat— manghihinayang lang siya sa posibleng kitain sa kaniya ni Daryl para makatulong sa kailangan nito. On the contrary, ganoon din naman siya, sayang ang 20 million na makukuha sa mana niya. Sa ngayon, hahayaan niya na lang muna mag-isip ang mga ito. Wala naman masama kung paninindigan niya at paniniwalain niya ang mga taong nasa paligid niya. Pareho nilang kailangan 'to ni Darryl, at hindi niya isaalang-alang ang lahat ng ginawa niyang paraan para makaalis sa mabigat nilang problema ng madrasta niya.
'After this, hindi na ako papasok sa kahit na ano'ng komplikadong problema. We have to stop from here.' Pangako ko sa sarili ko.
Naalala ko si Niko, pinapapunta nga pala ako nito sa dressing room niya. Nawala sa isip ko dahil sa daldal ni Amy, ang ginawa ko'y inayos ko muna ang lahat ng kailangan kong iligpit dito sa table ko para puntahan na si Niko. Ayaw ko naman na naghihintay ito, dahil baka mahalaga rin ang sadya niya sa akin. Minsan lang din ako nito patawagin at heto nga bahagya ko pa siyang nakalimutan.
Tatayo na sana ako nang bigla kong narinig ang message tone ng cellphone ko. Napakunot nuo ako dahil number lamang ang naka-rehistro sa screen.
[ Naghanda ako ng pagkain. Sana maaga ka makauwi para makakain ka, bago ka magpahinga. ] - Darryl.
Napakunot-nuo ako at awtomatiko ang ngiting sumilay sa labi ko nang mabasa ang text sa akin ni Darryl. Nagtataka pa ako kung paano nito nakuha ang number ko, wala pa naman akong binibigay sa kaniya kahit na balak ko kagabi; kung sakali man na may kailangan siya sa akin.
'How ironic this feeling. Siguro dahil bago lang sa akin 'to,' aniya ko sa sarili ko. Napangiti kasi ko ni Darryl, at hindi ko inaasahan ang bagay na 'yon.
Malakas ang kutob kong may hinanda itong pagkain, tulad na nga lamang ng nabasa ko sa text niya.
Ano naman kaya ang hinanda nito para sa amin? tanong ko sa isip ko. Sigurado naman akong masarap 'to gaya na lamang ng una kong natikman sa kaniya.
'Good cook indeed! Maswerte talaga ang mapapangasawa nito kung sakali,' teka lang. Bakit iyon ba ang tumatakbo sa isip ko? Ano naman sa akin kung maswerte ang babaeng makakatuluyan talaga nito? There's nothing wrong naman siguro, since.. Doon din naman talaga pupunta si Daryl, kung sakali matapos na ang nakasaad sa kontrata. Hangad ko rin naman ang kaniyang kaligayahan, iyon ang gusto ko rin sabihin sa kaniya pagdating ng araw kapag kailangan na namin magkalayong dalawa.
'Trabaho lang ito, walang personalan. Hindi kailangan haluan ng kahit na ano,' aniya ko bago nagtuloy-tuloy maglakad papunta sa sadya kong si Niko.